You are on page 1of 4

EMCEE SCRIPT

BUWAN NG WIKA (IKALAWANG ARAW)

ACTIVITIES NOTES

CALL TO ORDER Magandang umaga po!

Mayap a abak pu.

Nandito po tayong lahat ngayon upang ipagdiwang


ang ating buwan ng wika na may temang

“Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng


Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong
Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

Ngayong araw, tayo ay nandito upang maipakita


ang pagpapahalaga at pagkakaroon ng isang
Wikang Pambansa.

Ngayong araw, atin ding bibigya ng halaga ang


Wikang Filipino bilang ating wikang pambansa at
bilang wika ng saliksik.

Bago tayo mag umpisa sa ating mga aktibidades,


atin munang kamustahin ang mga estudyante ng
bawat strand.

Nasaan ba ang mga mag-aaral ng Agham,


Teknolohiya, Inhinyeriya at Matematika? Mag-ingay
naman kayo diyan!

Magpapatalo ba ang mga mag-aaral ng Pagtutuos


at Pamamahala ng Negosyo?

Paano naman ang mga mag-aaral ng


Humanidades at Agham Panlipunan?

At siyempre hindi magpapahuli ang mga mag-aaral


ng Teknikal at Bokasyonal na Pangkabuhayan.

Halata naman na ready na ang lahat ng mga


nandito ngayon.

DOKSOLOHIYA Kaya naman wag na natin itong patagalin pa.


(OPISYALES NG Inaanyayahan po ang lahat na tumayo habang tayo
CSC) ay humihingi ng gabay mula sa ating panginoon
  tungo ang doksolohiya na pangungunahan ng mga
Opisyales ng Central Student Council.

DOKSOLOHIYA

PAHATID-BATI Ngayon naman upang opisyal na simulan ang ating


(GNG. MARIA programang ngayong araw, salubungin po natin ng
TERESA A.
EDEJER) masigabong palakpakan ang ating tunay namang
napakasipag na punong guro na si Gng. Maria
Teresa Edejer sa paghahatid ng kaniyang pagbati.

PAHATID-BATI

Maraming salamat po Ma’am Edejer sa isang


napakagandang mensahe.

PAGPAPAKILAL Ngayon naman, upang ating malaman ang mga


A SA MGA taong napagod upang maihanda ang ating
OPISYALES NG programa ngayong araw,
ORMAFIL
(G. JOSELITO T. amin pong tinatawagan dito sa entablado si
MACAPAGAL) Ginoong Joselito Macapagal, ang tagapag-ugnay
ng Departamento ng Filipino, para ipakilala ang
mga opisyales ng Organisasyon ng mga Magaaral
sa Filipino.

PAGPAPAKILALA

-Adlib

PAGPAPAKIALA Sa ating pagdiriwang para sa Buwan ng Wika,


SA MGA mayroon na tayong mga aktibidad na naisagawa
HURADO AT noong Biyernes, Ika-28 ng Agosto.
PAGBIBIGAY NG
PAMANTAYAN Iyan ang mga patimpalak tulad ng Pagsulat ng
SA BAWAT Tula, Tagisan ng Talino, at ang Dagliang
PATIMPALAK Talumpati.
(G. ALDRIN NICO
N. MAGCALAS) Mayroon na tayong mga nagwagi para sa mga
patimpalak na ito. Kaya manatili po tayo dito sa
ating gym upang malaman mamaya kung alin
sakanila ang mga nagwagi at nagtagumpay.

Pero ngayon atin munang kilalanin ang ating mga


hurado ngayong araw. Ngayon, tawagin natin si
Ginoong Aldrin Nico Magcalas, Pangulo ng
ORMAFIL, upang ipakilala sila at upang ibigay ang
pamantayan ng bawat patimpalak.

PAGPAPAKILALA

WIKARUNUNGAN Ngayong kilala na natin ang ating mga hurado at


: alam na natin ang mga pamantayan. Handa na ba
MALIKHAING kayong masaksihan ang mga talento ng inyong
PAG KUKWENTO mga kamag aral?

Sa ating unang kompetisyon ngayong araw, ating


masasaksihan ang mga galing ng ating mga
kalahok sa pagkukwento.
Wag na natin itong patagalin pa, atin na’t
umpisahan ang Wikarunungan, ang malikhaing
pagkukwento.

Ang ating unang kalahok...

WIKARUNUNGAN

HIMIG TAGISAN: Talaga namang napakahusay ng ating mga


DALAWAHANG kalahok!
PAG- AWIT
Oo nga, parang naaalala ko pa noong
kinukwentuhan pa ako ng aking mga magulang
para lang makatulog.

Ngayon naman, kukumpletuhin natin ang mga


pampatulog na ginagawa ng ating mga magulang
upang patulugin ang kanilang mga anak.

Dahil ang ating susunod na kompetisyon ay ang


Himig Tagisan, ang Dalawahang Pag-awit.

Kung kanina ay kinwentuhan tayo, ngayon naman


ay mag h-hele na may halong birit ang ating mga
kamag aral.

HIMIG TAGISAN

-Adlib Pagkatapos

NATATANGING Matapos natin marinig ang mga napakatamis na


BILANG (G. boses ng mga mag-aaral, siyempre hindi
RICHARD A. magpapahuli ang ating mga guro!
MAGAT III)

Ating pakinggan ngayon ang tinig ng ating Tagapag


Ugnay sa Agham na si Ginong Richard Magat III
habang tayo’y kaniyang kinakantahan.

-Adlib

PAGGAWAD NG Nasasabik na ba ang lahat upang makilala kung


SERTIPIKO AT sino ba ang mga nag wagi sa ating mga
GANTIMPALA patimpalak?

-PAGGAWAD
PANAPOS-BATI Pagbati sa lahat ng mga nanalo.
(GNG. CAMILLE
M. GUINTO) Upang opisyal na wakasan ang ating selebrasyon,
salubungin po natin ng masigabong palakpakan si
Gng. Camille Guinto, ang tagapayo ng ORMAFIL,
para sa pagbibigay ng kaniyang pangwakas na
mensahe.

PANAPOS-BATI

IMNO NG HOLY Bago po tayo opisyal na magtapos, inaanyayahan


CROSS COLLGE po ang lahat na tumayo para sa pag awit ng imno
(PILING MAG- ng ating kolehiyo.
AARAL)

You might also like