0% found this document useful (0 votes)
254 views4 pages

Moving Up Ceremony SY 2021-2022 Script For Mam Dimps

Uploaded by

Darlene Mota
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
254 views4 pages

Moving Up Ceremony SY 2021-2022 Script For Mam Dimps

Uploaded by

Darlene Mota
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

1

MOVING UP CEREMONY

Emcee Script

I. Processional
Isang mapagpalang HAPON po sa ating lahat. Malugod po naming kayong
inaanyayahan sa taong DALAWANGLIBO’T DALAWAMPU’T DALAWANG
TAON NG PALATUNTUNANG PAGTATAPOS ng Mababang Paaralan ng San
Luis. Upang pasimulan ang ating palatuntunan, inaanyayahan po ang lahat na
tunghayan ang pagpasok sa bulwagan ng mga batang magsisipagtapos kasama
ang kanilang mga magulang, mga guro ng paaralan, mga kasapi ng PTA,
opisyales ng barangay at ang ating ulong guro kasama ang ating mga panauhing
pandangal,

II. (Pambansang Awit-Panalangin)


Sa puntong ito, inaanyayahan po ang bawat isa na manatiling nakatayo para
sa pag-awit ng Lupang Hinirang na pangungunahan ni Gng. Felipa M. Maligalig,
Master Teacher 1, Susundan naman po ito ng Panunumpa sa Watawat ng
Pilipinas sa pangunguna ni Marc Paul V. Magpantay, Batang may karangalan,
kasunod ang Panalangin na pangununahan ni Maria Samantha A. Sese, batang
may karangalan. CALABARZON March , Pagawit ng Himno ng Batangan, at
Himno ng Sto. Tomas sa pangunguna ni Gng. Felipa M. Maligalig, Master
Teacher 1.
III. Bating Pagtanggap:
Maraming salamat po Gng. Felipa M. Maligalig. At ngayon po, upang ibigay
sa atin ang kanyang bating pagtanggap at pananalita, Tinatawagan ko po si Rick
Jayden M. Maruquez Batang may Karangalan.

IV. Pambungad na Pananalita

Ang mababang paaralan ng SAN LUIS ay itinatag noong taong 1959.


Sa loob ng ANIM na dekada at ANIMNAPU’T TATLONG a taon, ito ay
nakapaghubog ng mga kabataang naging matagumpay sa iba’t-ibang larangan.
Mayroon na po tayong MGA PROPESYUNAL , at higit sa lahat ang hindi
mabilang na skilled workers na sa ngayon ay nasa abroad na o kaya naman ay
matagumpay na naghahanapbuhay sa mga kilalang industriya dito sa Pilipinas.
Tunay ngang hindi matatawaran ang galing ng mga gurong tagapagsanay sa
paaralang ito. At ngayon po, tunghayan po natin ang pambungad na pananalita,
mula sa ating minamahal na ulong guro na walang pasubaling nangangarap na
magtatagumpay din ang mga batang magsisipagtapos sa hinaharap, at
magbibigay ng karangalan sa paaralan ng SAN LUIS, palakpakan po natin Gng.
Joy A. Ebreo, Ulong Guro Tatlo.
2

V. Mensahe
Maraming salamat po Gng. Joy. A. Ebreo sa napakaganda at nakakahikayat na
pagbati ninyo sa amin.
1. Ngayon naman…. Upang tayo’y busugin sa pangaral at bigyan ng
inspirasyon,tunghayan at pakinggan naman po natin ang mensahe ng ating
masigasig at mapagkalingang Pampurok Tagamasid, walang iba… Dr. Guillerma
L. Bilog, Ed. Palakpakan po natin sya.

2. Sama sama po nating pakinggan ang mensahe ng ating mapagmahal at masipag


na pansangay na Tagapamanihala, Dr. Merthel M. Evardome, CESO V,

Maraming salamat po Doc Emma, tunay na punong puno ng kaalaman at


kahusayan ang inyong mensahe para sa amin. Mabuhay po kayo.

3. Hindi kumpleto ang araw na ito kung hindi po natin mapapakinggan ang
mensahe ng ating mahusay na Punong Barangay ng San Luis Sto. Tomas City
batangas, Kgg. Jaime M. Herrera. Palakpakan po natin sya.

Maraming salamat po Kapitan.

4. Malugod kopo namang ipinapakilala sa inyo ang ating Brgy. Counselor na in


charge po sa Edukasyon, Kgg. Francis Mabilangan, Brgy Councelor In charge of
education.

Maraming salamat po. Konsehal.

5. Tunay na busog na busog napo tayo sa mensahe ng ating mga panauhing


pandangal, subalit sa mga oras pong ito ay nais ko pong ipakilala sa inyo ang
ating ever-supportive at napakabait na GPTA President upang bigyan po tayo ng
isang magandang mensahe. Tinatawag ko napo ang ating GPTA PRESIDENT,
Pastor Conrado Y. Cuevas Jr. Bigyan po natin siya ng isang masigabong
palakpakan.

VI. Paglalahad ng Mga Magsisipagtapos/ Pagpapatunay ng Mga Magsisipagtapos/


pagpapatibay ng Mga Magsisipagtapos.

Sa puntong ito, upang ILAHAD ANG MGA BATANG MAGSISIPAGTAPOS,


Tinatawag ko po si Gng. Jessiebel V. Libot,Gurong Tagapayo Sa pagpapatunay
ng mga Magsisipagtapos, Gng. Joy A. Ebreo, Ulong Guro Tatlo. At upang
pagtibayain ang inyong pagtatapos sa mababang paaralan ng San Luis ay narito
si, Dr. Merthel M. Evardome, Pansangay na Tagapamanihala. Na kakatawanin ni
Dr. Guillerma L. Bilog, Pampurok Tagapagmasid
3

VII. Pagaabot ng Sertipiko ng Katibayan ng Pagtatapos

Sinabi ni Arnold Glasgow, isang sikat na manunulat, na simple lamang ang


dapat gawin para magtagumpay. Gawin mo ang nararapat, sa tamang paraan, at
sa tamang panahon.
Narito po ang mga batang mag aaral na maluwalhating nakatapos sa
elementarya. Mga batang nagtagumpay sa kani-kanilang larangan, nagpursige
sa pag-aaral, nakilahok at nagtagumpay sa mga patimpalak sa loob at labas ng
paaralan, at higit sa lahat ay nakibahagi sa mga programa na may layuning
mapabuti ang kapakanan ng buong paaralan. Kaya naman, akin pong
inaanyayahan ang ating Gurong tagapayo sa Ika anim na baitang upang igawad
ang Sertipiko ng katibayan ng Pagtatapos, Gng. Jessiebel V. Libot.
VIII. Pagaabot ng Sertipiko ng Katibayan ng Pagtatapos
Ngayon naman ay dadako tayo sa Paggawad ng Medalya sa mga batang
nagkamit ng karangala na pangungunahan ng Gurong Tagapayo sa Ikaanim na
Baitang, Gng. Jessibel V. Libot

Maraming Salamat po Mam Jess, at binabati namin ang lahat ng mga batang
nagkamit ng natatanging karangalan.

IX. Pananalita ng Batang May Mataas na Karangalan.


Sa loob ng anim na taon ay napanatili niya ang tagumpay bilang
nangungunang mag-aaral sa kanyang klase. At sa araw na ito ay lalo pa niyang
pinatunayan ang kanyang kakayahan dahil nagawa niyang manguna sa
LIMAMPU’T ANIM na nagsipagtapos ng elementarya. Pakinggan natin ang
kwento ng kanyang pagsisikap, sa mensahe ng pagpapasalamat ng batang
nagkamit ng Mataas na Karangalan , walang iba kundi si Ron Christian S.
Casugay.

Maraming salamat Ron, Binabati ka naming sa iyong nakamit na tagumpay.!

X. Panunumpa ng mga Batang Nagsipagtapos


inaanyayahan ko po si Grant Zurich M. Adonis, Batang May Karangalan upang
pangunahan ang Panunumpa ng mga nagsipagtapos.

XI. Pangwakas na Pananalita


Ngayon naman ay tinatawagan ko po si Dhea L. Malveda, Batang may Karangalan
upang magbigay ng pangwakas na pananalita. Palakpakan po natin siya.

Maraming salamat Dhea sa magandang mensahe na Iniwan mo sa amin.


4

XII. Awit ng pagtatapos

Sa punto pong ito mga magulang at mga panauhin, atin pong saksihan ang
mga batang nagsipagtapos sa kanilang natatanging awit. Ang awitin na
naglalarawan ng mga nabuong pagkakaibigan sa loob ng apat na taon sa
mababang paaralan ng San Luis.

XIII. Exit

Maraming salamat po mahal naming mga mag-aaral. . Ngayon naman po ay


saksihan natin ang paglabas sa bulwagan ng palatuntunan ng guro, na susundan
ng mga guro, mga magulang at mga nagsipagtapos.

Sa pagtatapos ng ating palatuntunan. Sa muli ay binabati kop o kayong lahat


mga bata, mga magulang. Maraming salamat sa lahat ng mga guro, sa aming
ulong-guro, at sa atin pong mga panauhin sa araw na ito.

Ito po ang inyong lingkod, Bb. Darlene Mota. Magandang umaga po at


mabuhay ang paaralan ng San Luis.

You might also like