You are on page 1of 3

Ika-48 PAGTATAPOS 2021

Ika 1:00 ng Hapon sa Hulyo 5, 2022


Marcela Marcelo Elementary School
EMCEE
INTRODUCTION
Jannine Mga kaibigan, sa ilang sandal po ay magsisimula na ang
palatuntunan.

Jessa Magandang umaga po sa inyo mga panauhin, sa aming


punong-guro, magsisipagtapos at kapwa ko guro.

Jannine Ito ang araw na pinakahihintay ng mga mag-aaral sa


kindergarten ang ARAW NG KANILANG PAGTATAPOS sa
PAARALANG ELEMENTARYANG MARCELA MARCELO sa
taong panuruang dalawang libo’t dalawampu’t-isa -
dalawampu’t dalawa (2021-2022)
Jessa Malugod ko namin kayong inaanyayahan na tunghayan ang
pagtatapos ng mga batang kindergarten na may temang
“ Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at
Matatag sa mga Pagsubok.”
Jannine At para sa pasimula ng programa, bigyang-pugay ang ating
pagka-Pilipino. Ating damhin ang lahing kayumanggi. Ang
birtuwal na pagwagayway ng mga sagisag.

Ang PAMBANSANG AWIT NG REPUBLIKA NG PILIPINAS,


kasunod ang pagpupugay sa ating dakilang manlilikha sa
pamamagitan ng isang PANALANANGING AWIT,
nasusundan ng HIMNO NG LUNGSOD NG PASAY at
pagbibigay pugay sa ating paaralan sa pag-awit ng HIMNO
NG ATING PAARALAN.
Pangungunahan ng ating principal, Bb. Norma B. Jamon ang
Jessa pagpapakilala sa mga magsisipagtapos at pagpapatunay sa
kanilang pagganap sa mga kinakailangan sa pagtatapos.
Jannine Pagtitibayin ang patunay na ito ng ating Pansangay na
Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Lungsod ng Pasay.
DR. LORETA B. TORRECAMPO, CESO V (video)

1
(PAMAMAHAGI NG KATIBAYAN NG PAGTATAPOS)

Jannine Saksihan natin ang pagpasok ng mga gurong-tagapayo ng


kindergarten para sa pagkilala ng mga kindergarten
completers.

Tinatawagan si Gng. Leolyn A. Gaspado, Gurong Tagapayo


upang ipakilala ang mga magsisipagtapos mula sa Kinder
Bughaw at Kinder- Luntian

Jessa Ngayon naman tawagin natin si Gng. Geah A. De Gama para


ipakilala ang mga kinder completers mula sa kinder Dilaw at
Kinder- Kahel.
Jannine Tinatawagang pansin din si Bb. Heidee Kryssel Gudao,
Gurong Tagapayo upang ipakilala ang mga magsisipagtapos
mula sa Kinder Ginto at Kinder- Pilak.
Narito rin si Gng. Chanalene L. Villaruel, Gurong Tagapayo
Jannine upang ipakilala ang mga magsisipagtapos mula sa Kinder
Pula at Kinder Puti.
Jessa Sa puntong ito, ating pakingan ang mensahe ng ating
kalihim sa kagawaran ng edukasyon, KGG. LEONOR
MAGTOLIS-BRIONES (video)

Jannine Ngayon naman po, ating pakinggan ang pagbibigay ng


mensahe na magmumula sa ating mga panauhing
pandangal, sa Panungunguna ng ating Punong Lungsod ng
Pasay, KGG. IMELDA CALIXTO-RUBIANO.

Na susundan naman ng Kinatawan sa Kongreso, KGG


ANTONINO G. CALIXTO.
Muli, sa mga kindergarten completers, sa ating mga guro sa
Jessa kindergarten at sa kanilang mga magulang, congratulations.
Tunay nga na ang mga “Gradweyt ng K to 12 ay masigasig
dahil sa kabila ng pagsubok sa ating sistema ng edukasyon,
kayo ay nagpursige sa inyong pag-aaral. Hindi biro ang
matuto ng pagbabasa, pagsusulat at pagbibilang sa
pamamagitan ng distance learning. Kaya, mabuhay po kayo!

2
Para sa pangwakas na pananalita, ating pakinggan ang isa
Jannine sa aming magaling at masipag na master teacher II, Si Gng.
Melissa S. Opeña.
Ito po si Bb. Jannine G. Cabanlong, ako naman po si Bb.
Both Jessa D. Corañez. Guro ng Palatuntunan. Maraming
Salamat at Mabuhay ang mga nagsipagtapos!!!!

(PASASALAMAT HABANG LUMALABAS ANG MGA BISITA)

Lubos ang aming pasasalamat sa ating Poong Maykapal na


Jessa siyang gumagabay sa amin sa bawat araw ng pagtahak sa
landas ng buhay at hamon ng edukasyon.”

Ang pamunuan, mga guro, mag-aaral at mga magulang ng


Jannine Paaralang Elementaryang Marcela Marcelo ay taos pusong
nagpapasalamat sa lahat ng dumalong panauhin sa
mahalagang araw na ito.

Sa lahat ng nakibahagi at tumulong upang maging


Jessa matagumpay ang PAGTATAPOS 2022, MARAMING
SALAMAT PO!

You might also like