You are on page 1of 3

1|Page

ARAW NG PAGKILALA 2022


Isang pinagpalang hapon sa inyong lahat!
J:Sa hapong ito ay ating masasaksihan ang palatuntunan sa Araw ng
Pagkilala sa Paaralang Elementarya ng Rio Chico para sa taong
pampaaralan dalawang libo dalawampu’t dalawa - dalawang libo
dalawampu’t tatlo.

L: Upang pormal na simulan ang ating palatuntunan, sama-sama nating


tunghayan ang pagpasok sa bulwagan ng mga panauhin, mag-aaral at
magulang ng mga pararangalan.
(Kasalukuyan pong pumapasok ang mga natatanging mag-aaral sa
Baitang ___, pangkat ____ kasama ang kanilang mga magulang sa
ilalim ng pamamahala ni _________)

J: Manatili po tayong nakatayo para sa panalangin na pangungunahan


ni Gng. Marivic B. Bote, Tagapayo ng Baitang 1, Pangkat 3. Susundan ng
pambansang awit na kukumpusan ng ating guro mula sa pangalawang
baitang, pangkat 2, Gng. Editha B. Tobias at panunumpa sa watawat ni
Solromon Kim B. Seok, mag-aaral sa ika-5 baitang.

L: Maari na pong magsi-upo ang lahat. Batid nating lahat ang kasiyahan
sa puso ng bawat isa mula sa mga batang magkakamit ng karangalan,
mga guro at mga magulang. Sa pagkakataon pong ito ay ating
pakinggan ang bating pagtanggap ng ating butihing punong guro na si
Gng. Nelly M. Cabalar.
2|Page

J: Maraming salamat po Mam. Ngayon naman, pakinggan natin ang


pagbati mula sa Pangulo ng Samahan ng Magulang ng mga Batang may
Karangalan at Natatanging kakayahan, Gng Ailyn B. Villasana.

L: Isa muling pagbati ang ating maririnig mula sa Pangulo ng Samahan


ng mga Guro, Gng. Jenifer F. Cuñano.

J: Sa punto pong ito ay ating tunghayan ang espesyal na bilang na


inihanda ng mga piling mag-aaral sa una, ikalawa at ikatlong baitang.

L: Upang bigyan naman tayo ng natatanging impormasyon sa ating


panauhing tagapagsalita ay tinatawagan namin ang guro sa ika-limang
baiting, pangkat isa, Ginang Cecilia C. Gonzales.
***mensahe ni GUEST SPEAKER ***

J: Maraming salamat po Sir Rheymark A. Calma, sa pagbibigay


inspirasyon sa ating mga mag-aaral. Kaya’t minsan pa ay bigyan natin
ng masigabong palakpakan ang ating pangunahing tagapagsalita.
L: Ngayon naman po’y tinatawagan ko ang ating punong guro, para po
igawad ang sertipiko sa ating panauhing tagapagsalita.
J: Atin naming tunghayan ang natatanging presentasyon na inihanda ng
mga piling mag-aaral sa ika-4 at ika ika-5 baitang.
3|Page

L: Ngayon po ay dumako na tayo sa pagkakaloob ng medalya ng


karangalan sa mga mag-aaral mula una hanggang ikalimang baitang.
Inaanyayahan po ang ating panauhing tagapagsalita, Rheymark A.
Calma at ang ating punong guro, Gng. Nelly M. Cabalar upang
pangunahan ang ating pagbibigay ng medalya sa mga batang nagkamit
ng karangalan.
J: Isang natatanging bilang ang ihahandog sa atin ng mga batang may
karangalan at natatanging kakayahan.
L: Para sa ating pangwakas na pananalita, inaanyayahan ko po si Gng.
Cristina Q. Paras, Tagapayo baitang III pangkat 1.

Dito po nagtatapos ang ating palatuntunan at muli po Congratulations


sa inyong lahat!
THE END

You might also like