You are on page 1of 30

LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Nagagamit ng wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan sa tao,
ayon sa kasarian.
C. Pamantayan sa Pagkatuto:
Napag-uuri ang pangngalan ayon sa kasarian (panlalaki/pambabae/Di-
Tiyak/Walang Kasarian). (F2WG-Ic-e-2)
Paksang-Aralin:
Pag-uuri sa Kasarian
ng Pangngalan
(panlalaki/pambabae/di-tiyak/walang kasarian)
PRAYER
CHECKING
OF
ATTENDACE
Balik-aral:
Tukuyin kung Pambalana o
Pantangi ang mga
sumusunod na pangngalan.
1.Luisito
2.paaralan
3.Pilipinas
4.tatay
5.Gng. Letty
Alba
Basahin ang Kwentong:

Ang Aking mga Laruan


Ang Aking Mga Laruan
Marami akong laruan. Ito ay bigay ng aking
nanay, tita, ninong, lola, at mga kapatid ko.
Mayroon akong manika na may ibat ibang itsura,
at mga lutu- lutuan na may kasamang iba’t ibang
hugis ng prutas at gulay. Mayroon din akong
puzzle na gustong-gusto ko dahil tumatalas ang
aking isipan. Pagkatapos kong laruin ang mga ito,
inililigpit at ibinabalik ko ang mga ito sa kabinet.
SAGUTIN ANG MGA TANONG:
a. Ano ang pamagat ng kwento?
b. Ilan ang laruan ng bata sa kwento?
c. Ano ang laruan na gustong gusto niya na
nagpapamalas ng kanyang kaisipan?
d. Pagkatapos niyang laruin, ano ang ginagawa
niya sa mga laruan?
e. Sino –sino ang nagbigay sa kanya ng mga
laruan?
May apat na kasarian ang pangngalan ito
ay ang:
panlalaki- tumutukoy sa ngalan ng lalaki
pambabae – tumutukoy sa ngalan ng lalaki
di- tiyak – tumutukoy sa ngalan na babae o lalaki
ang tinutukoy
walang kasarian- tumutukoy sa ngalan na walang
kasarian.
Tukuyin kung ano ang kasarian ng mga
sumusunod na pangngalan:

1. mag-aaral
2. libro
3. doktor
4. tindera
5. prinsipe
Paglalahat
Ano ang apat na
kasarian ng
pangngalan?
Pangkatang
Gawain:
Pangkat 1:
Idikit ang mga sumusunod na larawan
ayon sa kasarian nito.
Pangkat 2:
Tukuyin ang kasarian ng mga
sumusunod na pangngalan
Basahin at uriin kung pambabae, panlalaki, di-
tiyak, o walang kasarian ang mga sumusunod na
pangngalan.

1. damit-
Walang kasarian

2. ninang-
Pambabae
3. lolo- Panlalaki
4. kaklase- Di-Tiyak
5. kapit-bahay- Di- Tiyak
Piliin sa loob ng kahon ang wastong kasarian ng
pangngalang may salungguhit sa pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
L – panlalaki
B- pambabae
D- di-tiyak
W- walang kasarian

___________1. Ang kama ay malambot.


___________2. Masipag ang amig guro.
___________3. Siya ang tunay kong
kaibigan.
___________4. Ang aking kuya ay
malakas.
____________5. Ang lola ko ay mabait.
Takdang-Aralin
Isulat ang kasarian ng mga sumusnod na
pangngalan
1.tatay
2.lola
3.bote
4.guro
5.kaibigan
THANK YOU !!!

You might also like