Professional Documents
Culture Documents
Maari ugaliin po
natin ang pag mute ng inyong mga mic at ihanda ang inyong mga sarili.)
Nagpatotoo ang naranasan nating pandemya sa katagang “iba ang oras ng Panginoon sa
oras nating mga tao”. Natutunan natin mula sa ating karanasan, na ang plano Niya ay mas
malaki at mayabong kumpara sa mga plano na itinaas natin sa Kanya. Maraming nagbago
dahil sa pandemya at isa na rito ang edukasyon. Napalitan na ng “New Normal” ang mga
bagay at kagawian na kinasanayan natin noon. Ngunit kahit tayo ay naninibago pa at
nangangapa, naabot natin ang inaasam na pagsulong sa Edukalidad para sa ating mga
mag-aaral! Dahil ito sa aktibong pakikipagtulungan ng paaralan, mga magulang at
stakeholders na patuloy na umaagapay sa mga bata upang maitawid ang edukasyon
mula sa paaralan papunta sa bawat tahanan ng ating mga mag-aaral.
Ngayon, masasaksihan po natin ang seremonya ng pagtatapos sa Kindergarten ng mga
mag-aaral ng mababang paaralan ng Sto. Cristo.
Pagbati mula sa ating KINDERGARTEN VIRTUAL MOVING-UP CEREMONY! Tema :Kalidad ng
Edukasyon Lalong Patatagin sa Gitna ng Pandemya.
Ako po si Teacher Rovelyn B. Siaron, ang tagapagdaloy ng palatuntunan.
Bago natin simulan ang ating palatuntunan, ating awitin ang ating pambansang awit na
susundan ng isang panalangin mula sa batang aakyat sa unang baitang na si Leizan Jace
Gajila ng K-Violet sa gabay ni T.Angelica Marie Toralde at pag awit ng Himno ng NCR,
Lungsod Quezon, Sangay ng Lungsod Quezon
At ngayon nama’y ating pakinggan ang Pambungad na Pananalita ng isa sa mag aaral
na aakyat sa unang baitang sa turo ni Teacher Diona Rose Trofeo na Si Janlee R. Ambanloc
ng K-pink at nang ating pinakamamahal na Punong Guro ng Sto Cristo Elementary School
na si Gng. Francis Cristy C. Fonacier. At ito ay susundan ng pagpapakilala ng magsisipag
tapos sa taong panuruan 2020-2021 sa paaralang Elementarya ng Sto. Cristo.
Dahil ngayon ay magtatapos ang ating mga Kindergarten pupils, Narito si Gng. Alexis
Grace Lascano ang ating Gurong Tagapag ugnay sa KINDERGARTEN upang gabayan at
ipakilala ang ating Kinder Pupils sa ating Gurong Tagapag ugnay ng Grade 1 na si Mam
Rowena Estuye kasama ang ating napaka sipag na Dalubguro ng Kindergarten na si Gng.
Mary Lou Tamondong dahil sila ay magiging ganap na mag aaral na ng unang baitang.
*Maraming Salamat po Mam Alexis Grace Lascano , Mam Rowena Estuye at Mam Mary Lou
Tamondong ! Palakpakan po natin sila.
At sa puntong ito, pakinggan naman po natin ngayon ang mga mensahe mula sa
Pangsangay Tagamasid Pampurok na si Kagalang galang MARIMEL P. ANDES na susundan
naman ng mensahe ng Pansangay na Tagapamanihala na si Kagalang galang DR. JENILYN
B. CORPUZ, CESO VI at ang Panghuli ay walang iba Kundi si Kagalang galang JOSEFINA
"Joy" BELMONTE.
Ang Sunod na bilang ay pangwakas na awit mula sa mga batang aakyat sa unang
Baitang. Bigyan po natin sila ng isang masigabong na palakpakan.
Dito man natatapos ang ating palatuntunan ngunit ito ang simula ng bagong pahina ng
ating mga buhay. Congratulations mga mahal naming magulang at mga mag-aaral! Sa
ngalan ng mga Guro sa Kindergarten sa pangunguna ni Gng. Alexis Grace C. Lascano, BB.
Diona Rose T. Trofeo, Gng. Mary Ann L. Noche,Gng. Jenneilyn R. Mesa at Bb. Angelica Marie
M. Toralde, ako po si ROVELYN B. SIARON ang tagapagdaloy ng palatuntunan. Maraming
salamat sa inyong lahat.