You are on page 1of 12

4th Moving Up Ceremonies

Tema: PAGKAKAISA SA PAGKAKAIBA-IBA: KALIDAD NG EDUKASYON PARA SA LAHAT

Sa ilang sandali po’y magsisimula na ang palatuntunan. Mangyaring tumahimik po ang lahat.

Joshua: Isang Mapagpalang Hapon sa ating lahat. Ngayong araw na ito ay ating matutunghayan ang
pagbibigay pugay sa sipag at pagsisikap ng ating mga Junior High School Completers gayundin ninyong
mga magulang at mga guro na nagtaguyod sa kanila.

Maureen: At upang ganap nating pasimulan ang ating palatuntunan, ating tunghayan ang pagpasok ng
mag-aaral kasama ng kanilang mga nagagalak na magulang.

Maureen: Simulan natin sa Pangkat SPA Abueva, sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si
Gng. Carina F. Austria.

Joshua: Ngayon naman ay tunghayan natin ang pagpasok ng Pangkat – Estrada, sa pamamatnubay ng
kanilang gurong tagapayo na si Gng. Rona Mae S. Tanod.

Maureen:…. Pangkat – Garcia, sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Charmaine


Joyce D. De Mesa.

Joshua: .. Pangkat – Magsaysay, sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Chona


Isabel C. Palma.

Maureen:Pangkat – Marcos, sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Nerizza P.


Patungan.

Joshua: …. Pangkat – Osmeña , sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Michelle C.


Castro.

Maureen: At, pangkat – Quirino, sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng.Jennifer F.


Salazar.

Joshua: : Ngayon naman ay ating Pasalubungan ng masigabong palakpakan ang pagpasok ng ating mga
mag-aaral na nagkamit ng Karangalan.

Sa dakong ito ay ating matutunghayan ang pagpasok ng mga kapita-pitagang Guro ng Muzon National High
School sa pangunguna ng kanilang mga Pang-ulong guro at Gurong Tagapag-ugnay. Ating bigyang ng
masigabong palakpakan ang

Kagawaran ng Ingles na pinangungunahan ng kanilang gurong tagapag-ugnay na si Ginoong Cristan B.


Genese.

Maureen: Ating mamamalas ang pagpasok ng mga guro mula sa Kagawaran ng Filipino na
pinangungunahan ng kanilang Pang-ulong guro na si Ginang Lea P. Abulencia.
Joshua: Atin namang palakpakan ang mga guro mula sa Kagawaran ng Sipnayan na pinangungunahan
ng kanilang gurong tagapag-ugnay na si Gng. Marissa G. Salido.

Maureen: Ating bigyan ng masigabong palakpakan ang mga guro mula sa Kagawaran ng Agham na
pinangungunahan ng kanilang Pang-ulong guro na si G. Renan Marigosio.

Joshua: Ating palakpakan ang mga guro Mula sa Kagawaran ng Araling Panlipunan na pinangungunahan
ng kanilang Pang-ulong guro na si Ginoong Leonardo S. Biron.

Maureen: Mula naman sa Kagawaran ng Technology and Livelihood Education ating bigyan ng masigabong
palakpakan ang kanilang mga guro na pinangungunahan ng kanilang Pang-ulong guro na si Ginoong
Dondy Riel A. Garcia.

Joshua: Atin namang bigyan ng masigabong palakpakan ang mga guro mula sa Kagawaran ng MAPEH na
pinangungunahan ng kanilang Gurong Tagapag-ugnay na si Gng. Cynthia A. Samson.

Maureen: Mula naman sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao, ating bigyan ng masigabong


palakpakan ang kanilang mga guro na pinangungunahan ng kanilang Pang-ulong guro na si Ginang Belen
A. Avancena.

Maureen: Ngayon naman ay ating pasalubungan ng masigabong palakpakan ang pagpasok ng ating
napakasipag na Punong-guro na si Maam Annie C. Joaquin, kasama ang ating mga Pang-ulong guro,
mga Gurong Tagapag-ugnay at ang ating kapita-pitagang Tagamasid Pampurok ng Ika-6 na Distrito, Ma’am
Belen C. Bartolome at ang ating panauhing tagapagsalita na si Bb. Annalyn D. Chico.

II at III. PAGPASOK NG BANDILA at PAG-AWIT NG PAMBANSANG AWIT


Joshua: Ang lahat ay inaanyayahang tumayo upang tunghayan ang pagpasok ng bandila ng Pilipinas at ng
Sagisag ng ating Paaralan kasama ang mga piling kadete na pinamumunuan ni G. Arvin Furio, guro sa
TLE.

IV. PAMBUNGAD NA PANALANGIN / V. DEP-ED HYMN, SJDM CITY HYMN

Maureen: Manatiling tumayo para sa Pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni Bb.
Khris Zalamaea guro sa MAPEH na susundan ng pambungad na panalangin na pamumunuan ni Ginang
Bernardita I. Esmenda mula sa Kagawaran ng TLE. Gayundin ang pag-awit ng Himno ng Deped San
Jose Del Monte at ng Himno ng Lungsod ng San Jose Del Monte na kukumpasan ni G. Felipe S.
Vercilla Jr., guro sa MAPEH.

Joshua: Maaari na pong maupo ang lahat.


Joshua: Muli, Isang Mapagpalang Umaga sa ating lahat! MABUHAY!!! Isang magandang buhay para sa
bawat isa na dumalo upang ipagdiwang ang isang mahalagang yugto sa buhay ng ating mga Junior High
School Completers. Ito ang araw ng pagpupugay sa kanilang pagsisikap gayundin ninyong mga magulang
at kanilang mga guro na nagtaguyod sa kanila. Ako po si G. Joshua Hayes M. Magnate.

Maureen: At ako naman po si Bb. Maureen G. Gojo Cruz.


Both : Kami po ang mga guro ng Palatuntunang ito mula sa Kagawaran ng Filipino.

Maureen: Paalala po sa ating mga magulang at mga panauhin. Ang pagkuha ng larawan malapit sa
entablado ay ipinagbabawal hanggat hindi pa po tapos ang programa. Salamat po.

Maureen: Ngayong araw na ito ating ipinagdiriwang ang Ikaapat na Moving Up Ceremonies ng Mataas na
Paaralan ng Muzon na may Temang: “PAGKAKAISA SA PAGKAKAIBA-IBA: KALIDAD NG
EDUKASYON PARA SA LAHAT.”

VI. PAGHAHARAP SA JUNIOR HIGH SCHOOL COMPLETERS

Joshua: Sa tagpong ito, upang opisyal na iharap sa ating mga magulang, mga guro at panauhin ang ating
mga Completers, aming tinatawagan ang ating butihing Punong-guro na si Gng. Annie C. Joaquin.

VII. PAGPAPATUNAY NA NAKATUPAD SA MGA ITINAKDANG KINAKAILANGAN SA JHS

Joshua: Ngayon naman ating tatawagin ang ating kapita-pitagang Tagamasid Pampurok ng Ika-6 na
Distrito na si Ma’am Belen C. Bartolome upang bigyang bisa at patunay na nakatupad nga sila sa mga
itinakdang Kahingian ng Junior High School. ( O KAYA SI SIR LEONARDO S. BIRON PANG-ULONG
GURO NG ARALING PANLIPUNAN)
Joshua: Ngayon naman, upang bigyang bisa at patunay na nakatupad nga sila sa mga itinakdang
Kahingian ng Junior High School, sa ngalan ng ating Tagamasid Pampurok ng Ika-6 na Distrito na si Ma’am
Belen C. Bartolome … ating tawagin ang napakasipag at masayahing Pang-ulong Guro ng Kagawaran ng
Araling Panlipunan na si G. Leonardo S. Biron.

VIII. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA

Maureen: Ngayon naman ay ating tawagin ang Gurong Tagapag-ugnay ng Kagawaran ng MAPEH na si
Ginang Cynthia A.Samson upang ipakilala ang ating Panauhing Tagapagsalita.

Salamat po Ma’am Annalyn D. Chico sa pagbabahagi ng iyong mga karanasan na siguradong kinapulutan
ng aral ng ating mga mag-aaral. Saludo po kami sayo!

Joshua: Upang gawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang ating Panauhing tagapagsalita, ating
tinatawagan ang Pang-ulong guro ng Kagawaran ng ___________ na si ____________ at Pang-ulong
guro ng Kagawaran ng ___________ na si ___________________ . ( Basahin ang laman ng certificate)

IX. PAMAMAHAGI NG KATUNAYAN

Joshua: Sa dakong ito ay ating matutunghayan ang pinakahihintay ng bawat isa…. Ang pamamahagi ng
mga katibayan sa ating mga Junior High School Completers.

Amin pong inaanyayahan ang ating Butihing Tagamasid Pampurok ng Ika-6 na Distrito na si Ma’am Belen
C. Bartolome, _____________________ at mga Pang-ulong guro upang ipamahagi ang mga katibayan.
Simulan natin sa Pangkat SPA Abueva sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Carina
F. Austria.
….
….

Muli, bigyang natin ng masigabong palakpakan ang ating mga Junior High School Completers.

X. PAGBIBIGAY NG PARANGAL

Maureen: Sa dakong ito ay ating pagkakalooban ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga natatanging Magulang
na aktibong sumuporta at naglaan ng kanilang panahon para sa ating mga Programang Pampaaralan.
( BASAHIN ANG CERTIFICATE)
Mula sa Pangkat Laurel – G. Zander Leck Torribio
Pangkat Roxas – G. Joshua Esgana
Pangkat Garcia – Gng. Lita A. Mejes
Joshua: Mula naman sa …. Pangkat Quirino – Gng. Noemi M. Versoza
Pangkat Osmeña – Gng. Aster A. Reyes at G. Rolando Dizon
Pangkat Marcos – Gng. Ria C. Abalos
Joshua: Sa araw na ito, hindi lamang mag-aaral at magulang ang ating bibigyan ng pagkilala,. Atin din
bibigyang pugay ang mga masisipag at maalalahaning Gurong Tagapayo ng ating mga Completers.

Maureen:Upang gawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang inyong mga butihing Tagapayo, aming
tinatawagan ang Pang-ulong guro ng Kagawaran ng ___________ na si ____________ at mula sa
Kagawaran ng ___________ na si ____________

Aking babasahin ang nilalaman ng sertipiko.

Joshua: Mula sa Pangkat SPA Abueva- ating palakpakan si Gng. Carina F. Austria.
Maureen:Mula naman sa Pangkat Estrada- ating palakpakan si Gng. Rona Mae S. Tanod.
Joshua:Mula naman sa Pangkat Garcia- ating palakpakan si Gng. Charmaine Joyce D. De Mesa.
Maureen: Mula naman sa Pangkat Magsaysay- ating palakpakan si Gng. Chona Isabel C. Palma.
Joshua: Mula naman sa Pangkat Marcos- ating palakpakan si Gng. Nerizza P. Patungan.
Maureen: Mula sa Pangkat Osmeña - ating palakpakan si Gng. Michelle C. Castro.
Joshua: At, mula sa Pangkat Quirino – ating palakpakan si Gng. Jennifer F. Salazar.

Jeffrey: Sa puntong ito ay atin ding pasalamatan ang mga Working Committee na naglaan ng oras at
serbisyo upang maging maayos at matagumpay ang ating palatuntunan. ( Basahin ang listahan at banggitin
ang pangalan ng mga Pang-ulong guro sa Kagawaran )
Mitch: Ngayon naman ay ating matutunghayan ang pinakahihintay ng bawat mag-aaral at magulang… ang
pagbibigay parangal sa mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng angking galing sa iba’t ibang
larangan. Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral na Nagkamit ng May Karangalan at
mga may Natatanging Parangal (Special Awards)

Aming inaanyayahan ang mga magulang o guardian, gayundin ang gurong tagapayo ng ating mga mag-
aaral na tatanggap ng parangal sa kanilang pag-akyat sa entablado.

COCC OFFICERS

Jacob G. Arcenal mula sa Pangkat Roxas, 15th Place Pagguhit ng Kartong Editorial sa 2017 Division
Secondary School Press Conference

Christian Mark Nodado mula sa Pangkat Quirino, 13th Place Pagguhit ng Kartong Editorial sa 2017 Division
Secondary School Press Conference

Ngayon naman ay ating pasalubungan ng masigabong palakpakan ang mga May Karangalan.

XI. PANUNUMPA SA KATAPATAN

Maureen: Ngayon naman ay ating tatawagin ang mag-aaral na nagkamit ng May Mataas na Karangalan
upang pangunahan ang Panunumpa ng Katapatan. Mula sa Pangkat ng Aguinaldo… Courtney Love S.
Dela Cruz.
XII. AWIT NG MGA COMPLETERS
Joshua: Sa dakong ito ay ating maririnig ang madamdaming pag-awit ng ating mga minamahal na Junior
High School Completers sa kanilang Awit ng Pagtatapos na susundan ng kanilang Awit Pasasalamat.

XIII. MARAMIHANG AWIT NG MUZON HIGH SCHOOL HYMN


Joshua: Ngayon naman ay ating bigyang pugay ang ating paaralang Muzon National High School na
nagsisilbing pangalawang tahanan ng ating mga anak. Tumayo po ang lahat at sabay sabay anating awitin
ang Himno ng Muzon National High School.
XVIII. RESESYUNAL
Maureen: Bago magtapos ang ating palatuntunan, muli ating binabati ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang
na ito, mga magulang, mga panauhin, mga guro, Administrators, at higit sa lahat sa ating mga Junior High
School Completers! Ating palakpakan ang ating mga sarili.
Sa ating mga Completers… Anuman ang landas na inyong tatahakin pagkatapos ng mahalagang okasyong
ito, naway isabuhay ninyo ang mga magagandang aral at kaugaliang natutunan ninyo sa ating paaralan…
ang pagiging Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan at Makabansa. Muli, binabati namin kayo!!!
Joshua: Sa puntong ito, ating tunghayan ang paglabas ng Bandila ng Pilipinas at ng Sagisag ng Paaralan.
Susundan ito ng paglabas ng mga guro, Pang-ulong-guro, mga Gurong Tagapag-ugnay, tagapamanihala,
panauhing tagapagsalita, mga panauhin, mga Junior High School Completers at mga Magulang, at ng mga
nagtamo ng Karangalan.

BOTH: Muli, Maraming-maraming Salamat po at Mabuhay tayong lahat!!!


3rd Moving Up Ceremonies
Tema: Mag-aaral ng K to 12 : Handa sa Pagharap sa Hamon ng Buhay.

Sa ilang sandali po’y magsisimula na ang palatuntunan. Mangyaring tumahimik po ang lahat.

Joseph: Isang Mapagpalang Hapon sa ating lahat. Ngayong araw na ito ay ating matutunghayan ang
pagbibigay pugay sa sipag at pagsisikap ng ating mga Junior High School Completers gayundin ninyong
mga magulang at mga guro na nagtaguyod sa kanila.

Rona: At upang ganap nating pasimulan ang ating palatuntunan, ating tunghayan ang pagpasok ng mag-
aaral kasama ng kanilang mga nagagalak na magulang.

Rona: Simulan natin sa Pangkat SPA-Almario, sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si G.


Erwin J. Cabigao

Joseph: Ngayon naman ay tunghayan natin ang pagpasok ng Pangkat – Aguinaldo, sa pamamatnubay ng
kanilang gurong tagapayo na si Bb. Annaliza G. Dela Cruz

Rona:…. Pangkat – Quezon , sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si G. Cristan B.


Genese

Joseph: .. Pangkat – Magsaysay, sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Nerizza P.


Patungan

Rona:Pangkat – Macapagal , sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Bb. Maricar T.


Caberos

Joseph: Atin din tunghayan ang pagpasok ng ilang mga mag-aaral na nakapasa sa A & E, sa
pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si G. Fedel Johnson F. Osorio ( UMAGA BABASAHIN )

Rona: : Ngayon naman ay ating Pasalubungan ng masigabong palakpakan ang pagpasok ng ating mga
mag-aaral na nagkamit ng Mataas na Karangalan at May Karangalan.

Joseph Sa dakong ito ay ating matutunghayan ang pagpasok ng mga kapita-pitagang Guro ng MNHS sa
pangunguna ng kanilang mga Pang-ulong guro at Gurong Tagapag-ugnay. Ating bigyan ng masigabong
palakpakan ang Kagawaran ng English na pinangungunahan ng kanilang Pang-ulong guro II na si Ginoong
Edwin SD Adriano,

Rona: Ating mamamalas ang pagpasok ng mga guro mula sa Kagawaran ng Filipino na pinangungunahan
ng kanilang Pang-ulong guro na si Ginang Lea P. Abulencia,

Joseph: Atin namang palakpakan ang mga guro Mula sa Kagawaran ng Sipnayan na pinangungunahan ng
aming Pang-ulong guro na si Gng. Joycelyn M. Lanozo,
Rona: Ating bigyang ng masigabong palakpakan ang mga guro mula sa Kagawaran ng Agham o Science
na pinangungunahan ng kanilang Gurong Tagapag-ugnay na si Gng. Rizza Z. Fatalla.

Joseph: Ating palakpakan ang mga guro Mula sa Kagawaran ng Araling panlipunan na pinangungunahan
ng kanilang Pang-ulong guro na si Ginoong Leonardo S. Biron

Rona: Mula naman sa Kagawaran ng Technology and Livelihood Education ating bigyang ng masigabong
palakpakan ang kanilang mga guro na pinangungunahan ng kanilang Pang-ulong guro na si Ginoong
Dondy Riel A. Garcia,
Joseph: Atin namang bigyan ng masigabong palakpakan ang mga guro mula sa Kagawaran ng MAPEH na
pinangungunahan ng kanilang Gurong Tagapag-ugnay na si Gng. Cynthia A. Samson.

Rona: Mula naman sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao ating bigyan ng masigabong


palakpakan ang kanilang mga guro na pinangungunahan ng kanilang Pang-ulong guro na si Ginang Belen
A. Avancena.

Ngayon naman ay ating pasalubungan ng masigabong palakpakan ang pagpasok ng ating napakasipag na
Grade 10 Curriculum Chairman na si Bb. Mary An L. Nepomuceno, sa ngalan ng ating butihing Punong-
guro na si Gng. Annie C. Joaquin, kasama niya ang ating panauhing tagapagsalita na si Bb. Djeriel R.
Estrella na susundan ng ating mga Admin at Staff.

II at III. PAGPASOK NG BANDILA at PAG-AWIT NG PAMBANSANG AWIT

Joseph: Ang lahat ay inaanyayahang tumayo upang tunghayan ang pagpasok ng bandila ng Pilipinas at ng
Sagisag ng ating Paaralan kasama ang mga piling kadete na pinamumunuan ni G. Allan V. Venezuela,
guro sa Sipnayan.

IV. PAMBUNGAD NA PANALANGIN / V. DEP-ED HYMN, SJDM CITY HYMN

Rona: Manatiling tumayo para sa Pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni Ginoong
Felipe S. Vercilla Jr. guro sa MAPEH na susundan ng pambungad na panalangin na pamumunuan ni
Ginang Fe C. Papa mula sa Kagawaran ng MAPEH. Gayundin ang pag-awit ng Himno ng Deped San
Jose Del Monte at ng Himno ng Lungsod ng San Jose Del Monte….

Joseph: Maari na pong maupo ang lahat.

Joseph: Muli, Isang Mapagpalang Umaga sa ating lahat!MABUHAY!!! Isang magandang buhay para sa
bawat isa na dumalo upang ipagdiwang ang isang mahalagang yugto sa buhay ng ating mga Junior High
School Completers. Ito ang araw ng pagpupugay sa kanilang sipag at pagsisikap gayundin ninyong mga
magulang at kanilang mga guro na nagtaguyod sa kanila. Ako po si G. Joseph Delos Reyes

Rona: At ako naman po si Gng. Rona Mae S. Tanod

Both : Kami po ang mga guro ng Palatuntunang ito mula sa Kagawaran ng Agham.
Rona: Ngayong araw na ito ay ating ipinagdiriwang ang Ikatlong Moving Up Ceremonies ng Mataas na
Paaralan ng Muzon na may Temang: “ Mag-aaral ng K to 12: Handa sa Pagharap sa Hamon ng Buhay.”

VI. PAMBUNGAD NA PANANALITA

Joseph: Upang tayo’y bigyan ng Pambungad na Pananalita, ating bigyan ng masigabong palakpakan ang
mag-aaral na nagkamit ng Mataas na Karangalan mula sa Pangkat ng SPA-Almario, walang iba kundi si
Lalaine N. Añonueno.

VII. PAGHAHARAP SA JUNIOR HIGH SCHOOL COMPLETERS

Rona: Sa tagpong ito, upang opisyal na iharap sa ating mga magulang, mga guro at panauhin ang ating
mga Completers, aming tinatawagan ang Grade 10 Curriculum Chairman na si Bb. Mary An L.
Nepomuceno.

VIII. PAGPAPATUNAY NA NAKATUPAD SA MGA ITINAKDANG KINAKAILANGAN SA JHS

Joseph: Ngayon naman, upang bigyang bisa at patunay na nakatupad nga sila sa mga itinakdang
Kahingian ng Junior High School, sa ngalan ng ating Public Schools District 6 Supervisor na si Dr. Lydia T.
Ventula … ating tawagin ang napakasipag at masayahing Pang-ulong Guro ng Kagawaran ng Araling
Panlipunan na si G. Leonardo S. Biron.

Salamat ma’am Mary An at sir Leo. Maari na pong maupo ang lahat.

IX. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA

Rona: Ngayon naman ay ating tawagin ang Gurong Tagapag-ugnay ng Kagawaran ng MAPEH na si
Ginang Cynthia A.Samson upang ipakilala ang ating Panauhing Tagapagsalita.

Salamat po Bb. Djeriel Estrella sa inyong _________________________ mensahe.

Upang gawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang ating Panauhing tagpagsalita, aming tinatawagan ang
Pang-ulong guro ng Kagawaran ng ___________ na si ____________ . ( Basahin ang laman ng
certificate)

XI. PAMAMAHAGI NG KATIBAYAN

Joseph: Sa dakong ito ay ating matutunghayan ang pinakahihintay ng bawat isa…. Ang pamamahagi ng
mga katibayan sa ating mga Completers. Amin pong inaanyayahan ang ating mga Pang-ulong guro at
upang magbigay ng mga katibayan sa ating mga completers.

Simulan natin sa Pangkat SPA Almario sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si G. Erwin J.
Cabigao
….
….
Muli, bigyang natin ng masigabong palakpakan ang ating mga Junior High School Completers.

XII. PAGBIBIGAY NG PARANGAL

Rona: Sa dakong ito ay ating pagkakalooban ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga natatanging Magulang na
aktibong sumuporta at naglaan ng kanilang panahon para sa ating mga Programang Pampaaralan. (
BASAHIN ANG CERTIFICATE)
Mula sa Pangkat SPA Almario – sina Gng. Rebecca D. Vega at G. Jimmy Rosit
Pangkat Aguinaldo – Gng. Faustina Ojeda
PangkatQuezon – sina Gng. Chona Manota at G. Grego Casila
Joseph: Mula naman sa ….Pangkat Magsaysay – sina Gng. Rowena S. Vitorillo at G. Ronel B. Orpillo
Pangkat Macapagal – sina Gng. Teresa M. Cuanico at Gng. Emelinda D. Abag

Rona: Ngayon naman ay ating bibigyang parangal ang mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng
angking galing sa iba’t ibang larangan. Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral na
Nagkamit ng Mataas na Karangalan, May Karangalan at mga may Natatanging Parangal (Special Awards)

Simulan natin sa mga mag-aaral na nagkamit ng Natatanging Parangal sa …..

May Karangalan

May Mataas na Karangalan

XIII. MENSAHE NG PASASALAMAT

Joseph: Sa puntong ito ay ating tatawagin ang mag-aaral na may Mataas na Karangalan para magbigay ng
kanyang mensahe ng Pasasalamat. Mula sa Pangkat ng SPA-Almario ating palakpakan si Eliseo Ruel V.
Rioja.

Rona: Salamat sa iyong napakagandang mensahe Eliseo Ruel V. Rioja.

XIV. PANUNUMPA SA KATAPATAN

Rona: Upang pangunahan ang Panunumpa ng Katapatan , ating tawagin ang mag-aaral na nagkamit ng
May Karangalan mula sa Pangkat ng Aguinaldo… walang iba kundi si Paul Michael U. Pelecia.

XV. AWIT NG MGA COMPLETERS


Joseph: Sa dakong ito ay ating maririnig ang madamdaming pag-awit ng ating mga minamahal na Junior
High School Completers sa kanilang Awit ng Pagtatapos na susundan ng kanilang Awit Pasasalamat.
XVI. ULAT PAMPAARALAN
Rona: Salamat Junior Completers! Sa Pagkakataong ito ay ating pakinggan ang Ulat Pampaaralan na
ibibigay sa atin ng Pang-ulong Guro ng Kagawaran ng Technology and Livelihhod Education. Sa ngalan ng
ating Mahal na Punong-guro na si Gng. Annie C. Joaquin, ating bigyan ng masigabong palakpakan si G.
Dondy Riel A. Garcia.
Joseph: Salamat Sir Dondy sa iyong detalyado at makabuluhang ulat tungkol sa ating paaralan.
Sa araw na ito, hindi lamang mag-aaral at magulang ang ating bibigyan ng pagkilala,. Atin din
bigyang pugay ang mga masisipag at maalalahaning Gurong Tagapayo ng ating mga Completers.
Upang gawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang inyong mga butihing Tagapayo, aming tinatawagan
ang Pang-ulong guro ng Kagawaran ng ___________ na si ____________ . ( Basahin ang laman ng
certificate)

Sa puntong ito ay atin ding pasalamatan ang mga Working Committee na naglaan ng oras at serbisyo upang
maging maayos at matagumpay ang ating palatuntunan. ( Basahin ang listahan at banggitin ang pangalan
ng mga Pang-ulong guro sa Kagawaran )
XVII. MARAMIHANG AWIT NG MUZON HIGH SCHOOL HYMN
Joseph: Ngayon naman ay ating bigyang pugay ang ating paaralang Muzon National High School na
nagsisilbing pangalawang tahanan ng ating mga anak. Tumayo po ang lahat at sabay sabay anating awitin
ang Himno ng Muzon National High School.
XVIII. RESESYUNAL
Rona: Maupo po ang lahat. Bago magtapos ang ating palatuntunan, muli ating binabati ang lahat ng
dumalo sa pagdiriwang na ito, mga magulang, mga panauhin, mga guro, Administrators, at higit sa lahat sa
ating mga Junior High School Completers!
Anuman ang landas na inyong tatahakin pagkatapos ng mahalagang okasyong ito, naway isabuhay ninyo
ang mga magagandang aral at kaugaliang natutunan ninyo sa ating paaralan… ang pagiging Maka-Diyos,
Maka-Tao, Makakalikasan at Makabansa. Muli, binabati naming kayo!!!
Joseph: Sa puntong ito, tumayo po ang lahat at ating tunghayan ang paglabas ng Bandila ng Pilipinas at ng
Sagisag ng Paaralan. Susundan ito ng paglabas ng mga guro, tagapamanihala, Punong-guro, panauhing
tagapagsalita, mga panauhin, mga Junior High School Completers at mga Magulang, at ng mga nagtamo ng
Karangalan.
BOTH: Muli, Maraming-maraming Salamat po at Mabuhay tayong lahat!!!

You might also like