"Sa ating kagalang-galang na Propesor, Dr. Ligaya S.
Ponce, Sa ating Puno ng
Departamento ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Propesor Eduardo A. Bagas, Sa ating Dekana ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Dr. Fatima Socorro M.Quianzon, Sa ating mga panauhing pandangal G. Jake tatoy at Bb. Riza Batucan, sa mga guro at sa lahat ng aking kamag-aral, magandang hapon.
Naririto tayo ngayon sa woksyap sa asignaturang filipino 116 na may temang
"Tuklas Manunulat Panghimpapawid." Hindi lingid sa ating kaalaman kung gaano kahalaga ang pagiging isang manunulat. Wika nga ni Edward Bulwer-Lytton na isinalin na sa Filipino "Ang panulat ay mas makapangyarihan kaysa sa sandata." Isang halimbawa na rito ay ang hinding-hindi natin malilimutan na kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Nilabanan niya ang mga dayuhang sumakop sa ating bansa sa pamamagitan ng pagsulat ng mga nobelang tumutuligsa sa pang-aapi ng mga dayuhang mananakop at nagsilbing pamukaw sa mga matang nakapikit upang makamtan ang kalayaan na inaasam-asam ng ating bansa.
Sa ating panahon, ngayon, patuloy nating itaguyod ang pagbibigay kaalaman at
impormasyon sa pamamagitan ng pagiging manunulat. Sana'y makapagbigay ng karagdagang kaalaman ang workshop na ito upang magamit sa magandang kinabukasan na ating haharapin.