You are on page 1of 3

Saranillo BAFL 3B

GROSS NATIONAL PRODUCT

Sa Graph na ipinakita sa amin, ang naging GNP ng Pilipinas sa nagdaang tatlong taon.
Simula July 2017 ang GNP ng Pilipinas ay nasa higit 2.5 million. Sa pagdating ng taong 2018 ay
tumaas ito ng kaunti. Pagdating naman ng Taong 2019 ay patuloy sa pagtaas ang GNP ng
Pilipinas. Subalit pagdating sa 1st quarter ng 2020 ay malaki ang pagtaas ng GNP ng Pilipinas na
umabot sa higit 5 million na kung ating iisipin ito ang panahon ng paglaganap ng COVID19.

Ang GNP ng Pilipinas sa 1st quarter ng 2020 ay tumaas kahit na may kinakaharap na
suliranin ang COVID19 dahil sa marami mamamayan ang nagdonate, bultuhan ang pagbili ng
mga produkto, ang mga pundong hindi nagagamit ay nagamit sa pagkakataong ito at ang mga
produkto na nakalaan para sa isang taon ay nakonsumo sa 1st quarter palang.

Sa aking nakikita na magigig epekto ng COVID19 sa 2 nd quarter ng taong ito ay bababa


ang GNP ng Pilipinas dahil sa epekto ng pagkakaroon ng lockdown maraming mga factories ang
pansamantalang nagsara, marami rin ang nawalan ng trabaho o hanapbuhay at ang mga
produkto na galing sa iba’t ibang probinsiya ay hindi naibyabyahe. Kahit pa man may ginagawa
ng hakbang ang gobyerno ay hindi agad ito mararamdaman ng ating bansa.

Subalit sa pagdating ng 3rd at 4th quarter ng taong ito sa aking palagay ay unti-unting
makakabawi ang Pilipinas dahil sa mga hakbang na ginawa ng ating gobyerno. Halimbawa na
lamang nito ay kahit na tumamlay ang foreign tourism ay pinalalakas naman nila ang domestic
tourism sa ating bansa. Ang mga nawalan ng trabaho ay ginawan ng gobyerno ng programa na
makakatulong upang sila ay magkaroon ng trabaho. Unti-unti naman na nakakapagbukas ang
mga iba’t ibang establisyemento dito sa ating bansa.
Ngunit kung hindi pa rin malulunasan o mahahanapan ng gamot ang COVID19 kahit pa
anong hakbang ang gawin ng gobyerno sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa mawawalan pa
rin ito ng kabuluhan dahil sa patuloy na paglaganap ng kalabang hindi nakikita na
makakapagdulot ng kahirapan ng bansa.
Sa pagkakaroon ng pandemyang ito ang COVID19 ay marami ang naapektuhan lalo pa
noong nagkaroon ng lockdown. Marami ang nawalan ng trabaho o hanapbuhay. Katulad na
lamang sa aming pamilya. Ang aming hanapbuhay ay ang pagrerecycle ng karton o paggawa ng
recycled boxes na idinideliver namin sa mga factory upang lagyan nila ng kanilang produkto
subalit dahil sa pagkakaroon ng lockdown ay natigil ito. Nawalan kami ng hanapbuhay. Sa unang
bugso ng lockdown ay kahit papaano ay may kakayahan pa kaming bumili ng aming mga
pangangailangan subalit sa paglipas ng panahon ay kailangan na naming magtipid ng labis
sapagkat wala pa kaming mapagkukunan ng pera upang maipambili ng aming pangangailangan.
Dumagdag pa rito ang mga mapagsamantalang mga tao na ang ginagawa ay ang pagbili ng
bulto-bulto sa mga produkto halimbawa na lamang ay ang alcohol at facemask na ibinibenta sa
mas mahal na halaga kahit pa mura lamang ang kanilang bili.

Dahil sa binibili ito ng bulto-bulto ng mga mapagsamantalang negosyante at online


reseller ay nauubusan ng stocks sa mga tindahan kaya’t napipilitan ang mga tao, isa na kami
roon na bumili kahit pa na mas mahal na ito sa dating presyo sapagkat ito ay pangunahing
kailangan ngayon sa panahon ng COVID19. Subalit dahil sa may kamahalan ang presyo na ito
imbis na ang perang inilaan namin ay magiging sapat upang mabili namin ang nais naming dami
nito ay kakaunti lamang ang aming nabili. Halimbawa nito ay ang alcohol na binili namin ang
ETHYL ALCOHOL na 70% Solution na 250ml ay mabibili lamang ng 35 pesos o mababa pa sa mga
rehistradong tindahan. Subalit sa nabilhan naming online reseller dito sa Tacloban ay umabot
ito sa halagang 62 pesos. Napakalaki ng dagdag presyo na ipinataw nila subalit dahil sa wala ng
ibang mabilhan ay napilitan kaming bumili sa kanila. Kung iisipin sa 100 pesos ay kaya nitong
bumili ng dalawa ngunit dahil sa dagdag presyo nila ay mas lalo kaming nahirapan. Ganun din
ang disposable face mask labis-labis ang dagdag presyong ginawa dahil dati mabibili lamang ang
isang box nito na may 50pcs sa halagang 110 pesos subalit sa unang bugso ng COVID19 ay ang
halaga nito ay umabot sa 300kaya hindi nalamang kami bumili ng face mask kundi ay nagtahi na
lamang kami ng aming sariling face mask sapagkat hindi na kaya ng aming bulsa. Sa pagtaas
nila ng presyo ng kanilang produkto ay siya namang pagbaba ng halaga ng aming pera.

Kaming mga maliliit na consumer ang mas nakakaranas ng kahirapan sa crisis na ito. Na
kahit gustuhin man naming magtrabaho upang kumita at magkaroon ng kakayahang bumili ng
mga pangangailangan ngunit dahil sa pandemyang ito ay napipigilan kami. Para kaming mga
ibon na walang pakpak na naisin man naming lumipad ay hindi maaari. Di namin matugunan
ang pangangailangan ng aming pamilya. Salamat na rin dahil ito ay nabigyan pansin ng
gobyerno at naglagay sila ng task force group na humuhuli sa ganitong mga kagarapal na
nagsasamatala sa kahinaan at pangangailangan ng mamamayan.
3.

You might also like