You are on page 1of 4

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 9
(Ekonomiks)
KWARTER 2
Aralin 5: Ang Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan
Week 9
MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

SECTION:________________________________________

1
Araling Panlipunan 9
Aralin 5: Ang Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa


hindi lamang sa usaping pulitikal, kundi maging sa usaping
pangkabuhayan. Ayon sa Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas, ang pamahalaan ay may pangunahing tungkulin na
pangalagaan at paglingkuran ang sambayanan.

May tungkulin ang pamahalaan sa usaping pangkabuhayan sa


pamamagitan ng pakikialam sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
Maaaring magpatupad ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan upang
magkaroon ng matatag na presyo sa pamilihan. Ang mga hakbang na
ito ang magbibigay ng proteksyon sa mga mamimili at siyang
magbabantay sa presyo na maaaring ipatupad ng prodyuser sa
pamilihan.

Ang graph sa ibaba ay nagpapakita ng halimbawa ng price ceiling at price floor.

2
Araling Panlipunan 9
Ayon sa graph, Php20 ang ekwilibriyong presyo. Ngunit, ang presyong ito ay maaaring mataas sa
tingin ng mga konsyumer. Dahil dito, ang pamahalaan ay makikialam sa pamamagitan ng pagpapataw ng
Php15 bilang price ceiling ng mga prodyuser. Dahil ang presyong Php15 ay higit na mas mababa kaysa
sa ekwilibriyong presyo na Php20, inaasahang magdudulot ito ng pagtaas ng quantity demanded na
umabot sa 90 na dami. Mas mahihikayat ang mamimimili na bumili ng mga produkto at serbisyo kung
mababa ang umiiral na presyo sa pamilihan kumpara sa ekwilibriyong presyo na Php20 sa 60 lamang na
kabuuang dami.

Batay sa graph, ang ekwilibriyong presyo na Php25 ay mas mababa sa itinalagang price
floor na Php50. Magdudulot ito ng pagtaas ng quantity supplied at magbubunga ng kalabisan
(surplus) sa pamilihan. Higit na mas marami ang supply sa isandaan (100) kung ihahambing sa
dami na dalawampu (20) na quantity demanded. Kapag may kalabisan, maaaring bumaba ang
presyo at dami ng supply patungo sa ekwilibriyong presyo. Subalit dahil may pinaiiral na price floor,
hindi maaaring ibaba ang presyo dahil ito ang itinakda ng batas. Dahil dito, malinaw na ang price
floor ay nagdudulot ng kalabisan (surplus) sa pamilihan

Gawain 1: Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Batay sa iyong napag-aralan sa araling
ito, magbigay ng solusyon sa mga suliranin o isyung ipinahahayag sa bawat aytem. Isulat ito sa
malinis na papel.

1. Hindi lahat ng mamamayan sa bansa ay may opportunidad na makapasok sa mga pribadong


kolehiyo at unibersidad para sa magandang kalidad na edukasyon. Ano ang solusyong maaaring
gawin ng pamahalaan upang tugunan ang suliraning ito?

2. Napag-aralan ng PAGASA na may malakas na bagyo na napipintong tatama sa bansa sa loob ng


dalawang linggo. Ano ang maaaring gawin ng DTI upang matugunan sa suliraning ito?

3. Habang nasa grocery, napansin ni Leo na malaki ang agwat ng pagkakaiba ng mga presyo ng
iba’t ibang brand ng isang sachet na powdered orange juice. Ang isa ay may presyong PhP25,
ang isa ay nagkakahalaga ng PhP40, samantalang ang isa ay Php11 lamang. Ipinagbibigay alam
ni Leo sa DTI ang isyung ito. Ano ang maaaring gawin ng ahensiya upang matugunan ang
suliranin sa pagpepresyo ng produkto?

4. Nalulugi ang mga magsasaka sa presyo ng ipinagbibili nilang palay. Kapag ito ay nagpatuloy hindi
na sila magtatanim. Ano ang maaaring gawin ng pamahalaan upang matugunan ang suliraning
ito?

3
Araling Panlipunan 9
5. Patuloy ang pagpasok ng mga imported na karneng baka sa pamilihan na nakikipagkompetensya
sa lokal na mga negosyante. Ano ang solusyon na maaaring gawin ng pamahalaan upang
matugunan ang problemang ito?

Gawain 2: Pag-aralan ang graph sa ibaba na nagpapakita ng ceiling price at price floor naman sa
sumusunod. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng graph.

1. Ano ang ekwilibriyong presyo ng bigas? ________________________


2. Ano ang ekwilibriyong dami ng bigas? ________________________
3. Ano ang itinakda ng pamahalaan bilang ceiling price sa bigas? _________

1. Ano ang ekwilibriyong presyo ng alcohol? _________________________


2. Ano ang ekwilibriyong dami ng alcohol? ___________________________
3. Ano ang itinakda ng pamahalaan bilang floor price sa alcohol? _________

4
Araling Panlipunan 9

You might also like