You are on page 1of 3

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 7
(Araling Asyano)
KWARTER 2
Aralin 1 - Konsepto ng Kabihasnan
at mga Katangian Nito
Week 1

MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

Iskor:_______________________________________

1
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)
Kwarter 1
Linggo Bilang: 1
Sanayan: 1

Layuning Pampagkatuto: Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga


katangian nito.

Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito


Gawain 1: TAMA O MALI (15 puntos)

Panuto: (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang
letrang T kung tama ang nakasaad sa pangungusap at M naman kung mali.

________ 1. Sa larangan ng siyensya, ang Teorya ng Ebolusyon ng biologist na si Milford Wolpoff ay ang
pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa pinagmulan ng unang tao sa daigdig.
________ 2. Ang fossils ay ang anumang mga kasangkapang ginagamit ng sinaunang tao na siyang isa
sa mga ginagamit na pangunahing ebidensya sa ebolusyon ng tao.
________ 3. Hominid ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko sa sinaunang tao at
iba pang nilalang na malatao (humanlike creatures) na naglalakad ng tuwid sa panahong prehistoriko.
________ 4. Ang Australopithecine ay hindi kabilang sa pamilyang Hominid.
________ 5. Ang Homo Habilis ay pangkat ng Homo species na may kakayahang gumawa ng mga
kasangkapan.
________ 6. Ang Homo Sapiens na nagmula sa Africa ay ang unang pangkat ng Homo species na
nagtungo sa ibat-ibang panig ng daigdig at nakarating sa Asya at Europa.
________ 7. Sa panahong Paleolitiko ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar.
________ 8. Sa panahong Neolitiko ang mga tao ay natutong magsaka at mag-alaga ng hayop.
________ 9. Natuklasan ang paggamit ng apoy sa panahong Paleolitiko.
________ 10. Sa panahong Paleolitiko ang sinaunang tao ay umaasa sa kalikasan.
________ 11. Ang terminong kabihasnan at sibilisasyon ay may iisang kahulugan.
________ 12. Ang sibilisasyon ay nag-ugat sa salitang Griyego na “Civitas” na ang ibig sabihin ay
“siyudad” at “civilis” na nangangahulugang “ng mga mamamayan”.
________ 13. Ang Uruk ay isa sa mga kinilalang unang lungsod-estado na nabuo sa Asya.
________ 14. Ang mga sinaunang kabihasnan ay nabuo malapit sa mga lambak- ilog.
________ 15. Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang-ugat na “hasa” sa wikang Filipino na
ang ibig sabihin ay sanay o ang pagsasanay upang maging bihasa.

Gawain 2: PICK IT UP! (15 puntos)

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na angkop sa bawat yugto ng
pag-unlad at pamumuhay ng sinaunang tao. Ilagay ito sa angkop na kolum.

PANAHONGM PANAHONG
PANAHONG METAL
PALEOLITIKO NEOLITIKO
2
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)
1. 6. 11.

2. 7. 12.

3. 8. 13.

4. 9. 14.

5. 10. 15.

Gawain 3: POSTER (30 puntos)

Panuto: Gumawa ng poster na naglalarawan sa iyong naunawaan tungkol sa


pagkakaiba ng kabihasnan at sibilisasyon. Ilagay sa isang long
bondpaper.karagdagang kulay at disenyo ay makakadagdag sa iyong puntos.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA
Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos
Pagkamalikhain 10 puntos
Kalinisan 5 puntos
Kabuuan 30 puntos

Sanggunian
Mga aklat

Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et. al., ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan:


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon: VIBAL Publishing
House, Inc., p. 128-31

Rosemarie C. Blando, et.al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


(Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral: EDURESOURCES Publishing
Inc., p. 105-111

Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et. al., Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat
sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon: VIBAL Publishing House, Inc., p. 22- 39

Mga Website:

pixabay.com

https://www.slideshare.net/jennyvinluan96/pamumuhay-ng-mga-
sinaunang-pilipino

Paalala: Para sa mga karagdagang Learning References para sa


aralin ito ay pumunta lamang sa Google Classrom.

3
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)

You might also like