You are on page 1of 23

LYCEUM OF THE EAST -AURORA

Maria Aurora, Aurora 3202

Prepared by:

MS. CRISTEL ANNE A. LLAMADOR

Maykroekonomiks
A ng maykroekonomiks ay isang sangay ng ekonomiks na sinasaklawan ang
maliit na sektor ng lipunan; ito ay ang sambahayan at bahay-kalakal.
Ipinapaliwanag sa yunit na ito ang ugnayan ng dalawang pangunahing sektor sa
ekonomiya at kung paano nakaaapekto ang kanilang pagpapasya, pagpili, at
pagkilos sa ekonomiya ng bansa. Sinusuri din sa maykroekonomiks ang batas ng
demand kung saan ang pagpapasya ng konsyumer ay maaaring magbago kung
may pagbabago sa presyo ng mga produkto o serbisyo. Ang batas ng suplay ay
maaaring magbago dahil sa mga salik nito na maaaring makaapekto sa
pagpapasya ng prodyuser. Ang demandat suplay ay ilan lamang sa
pinakamahahalagang teorya at mas ginagamit na modelo upang maunawaan ang
ugnayan ng mga sektor sa ekonomiya at sa iba’t ibang istruktura ng pamilihan.
Mahalaga na maunawaan nang lubos ng mga mag-aaral ang mga konsepto na
napapaloob sa yunit na ito. Ito ay isang epektibong pamamaraanupang maging
gabay sa pagsasaliksik sa mga sitwasyon ng lipunan at maunawaan ang agham
na araling panlipunan.

Nilalaman sa Pagkatuto
• Demand
• Supply
• Interaksyon ng Demand at Suply
ARALIN 7
• Pamilihan

DEMAND
Ang pagkilos at pagpapasya
ngkonsyumer ay dapat isaalang-alang ng bawat prodyuser lalo
na ang kakayahan at kahandaan nito sa mga pagbabago ng
presyo ng bilihin. Ang pag-aaral sa demand ay isa sa nagbibigay
ng senyales sa iba't ibang sektor kung anong produkto at
serbisyo ang gagawin,
gaano karami ang gagawin nito, at para kanino angpaggawa
nito.
Sa araling ito, mabibigyan ng kahulugan ang demand,
malalaman ang mga salik na nakaaapekto sa demand, at
mauunwaan ang elastisidadad ng demand.

Pokus ng Aralin • Kahulugan ng Demand


• Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand
• Elastisidad ng Demand
Sa pagtatapos ng aralin na ito ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod na
Layunin kakayahan:
 Nabibigyang kahulugan ang demand
 Nabibigyang kahulugan ang demand schedule, demand curve, at demand
function
 Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand
 Nabibigyang kahulugan ang elastisidad ng demand
 Naipaliliwanag ang ugnayan ng elastisidad ng demand sa presyo at epekto
nito

Bigyang-pansin  Demand Schedule


 Demand Curve
 Demand Function
 Ceteris Paribus
 Batas ng Demand
 Elastisidad
 Inelastik
 Unit Elastik

Mag-isip ng limang bagay na madalas o pangkaraniwan mong binibili araw-araw. Itala ang
mga bagay na ito at isulat ang bawat presyo at dami nito sa talahanayan. Ipgpalagay na natin
na walang pagbabago sap era o baon sa araw-araw.
Produkto at Serbisyo Kabuuang Presyo kada Kabuuang
Dami Aytem Halaga Nito
1.
2.
3.
4.
5.

Mga pamprosesong tanong:

1. Sakaling magtaas ng 10% ang presyo ng mga produktong karaniwan mong binibili,
ito ba ay bibilhin mo pa rin sa parehong dami? Kung oo ang iyong sagot, ano ang
kadahilan? Kung hindi naman ang iyong sagot, ano ang kadahilan?

________________________________________________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________

2. Kung binigyan ka ng dagdag na baon na 50 pesos ng iyong magulang, magbabago baa


ng kabuuang dami ng iyong pangkaraniwang binibili? Bakit oo o bakit hindi?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Sa pagsasanay na ito, malalaman mo kung paano tumugon ang isang mamimili


katulad mo sa pagbabago ng presyo at dami ng produkto at serbisyo na iyong
kinokonsumo sa pang-araw-araw.

Talakayin
Ang sambahayan, bilang isang konsyumer, ay may mahalagang papel na
ginagampanansa pag-ikot ng ekonomiya. lsang aspeto nito ay ang interaksyon nito sa
pamilihan kung saan aktibong nakikilahok ang sambahayan bilang isang mamimili ng mga
produkto at serbisyo.

Ang kaniyang galaw at pagpapasya sa pagpili ng produkto at serbisyo ay nakaaapekto


sa presyo at dami ng bawat produkto. Ang kilos ng konsyumer sa pamilihan ay makikita sa
aspeto ng demand na pangunahing pokus ng maykrockonomiks.

Buod ng Aralin, Gabay sa Pag-aaral

Demand

Epekto sa

Presyo Magdudulot ng Quantity


pagbabago mula Demanded
sa mga salik

Elastisidad ng
Demand

Kahulugan ng Demand

Ang demand ay ang dami ng produkto na kayang bilhin ng konsyumer sa isang tiyak
na panahon at tiyak na presyo nito. Masusukat ang demand ayon sa kakayahan at kahandaan ng
tao sa pagbili ng mga produkto at serbisyo sa anumang panahon. Ito ay maaaring sa isang taon,
isang buwan, isang linggo, o maaaring araw-araw. Ang karaniwang sukatan ng demand ay
batay sa quantity demanded at presyo. Maaari itong gamitan ng ibat ibang instrumento sa pag-
aaral katulad ng paggamit ngtsart, proseso ng daloy, mga pigura, at talahanayan.

Batas ng Demand
Mapapansin natin na kapag may anunsyong magkakaroon ng
pagbaba sa presyo ng gasoline, sinasamantala ng may-ari ng sasakyan
ang pagkakataong ito. Ang resulta ay nagkakaroon ng mahabang pila sa
mga gasolinahan upang makuha ang mababang presyo nito.

Ayon sa batas ng demand (law of demand), kapag ang presyo ng produkto


at serbisyo ay bumababa, tumataas naman ang quantity demanded. Samantala , kapag tumataas
ang presyo ng produkto at serbisyo, ang quantity demanded naman ay bumababa habang ang
ibang slik ay walang pagbabago (ceteris paribus). Ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng produkto
at serbisyo ay maaaring pangmadalian lamang kaya bilang isang konsyumer, dapat malaman nito
ang mga kahilanan kung bakit bumababa at tumataas ang presyo ng mga bilihin.

P = Qs Ceteris paribus
Bakit nagbabago ang mga
presyo sa pamilihan? Ano
ang maaaring epekto nito P = Qs Ceteris paribus
sa bahay -kalakal at sa
konsyumer?

AKO BILANG ESTUDYANTE

Demand Function

Ang presyo ang pangunahing nagtatakda ng dami ng bibilhin ng mga konsyumer kung kayat
mahalagang pag-aralan ang relasyon nito sa demand. Upang maunawaan ito, mahalaga na
maunawaan ang demand function. lto ay ginagamit sa larangan ng matematika upang
maipakita ang relasyon ng dalawang variables -ang presyo at ang dami ng produkto o
serbisyo. Sa pag-aaral ng demand, ang itinuturing na independent variable ay ang presyo at
ang dependent variable naman ay ang bilang ng produkto o serbisyo na nais bilhin ng
konsyumer.
Ang Demand Schedule at Demand Curve

Maaaring malaman at maipaliwanag ang demand sa pamamagian ng pagggamit ng modelo


na demand schedule at demand curve. Sa talahanayan makikia ang isang halimbawa ng
demand schedule ng tinapay. Makikita sa talahanayan ang presyo ng bawat tinapay at dami
na maaaring bilhin ng konsyumer kada linggo.
Presyo ng Tinapay Quantity Demanded
kada Piraso kada Linggo (libo)
A $ 5.00 30
B $ 4.50 40
C $ 4.00 50
D $3.50 60
E $3.00 70
F $2.50 90
Demand Schedule ng Tinapay kada Linggo

Ang demand schedule ay isang talahanayan na nagpapakita ng listahan ng mgaposibleng


presyo katumbas ang quantity demanded. Sa talahanayan sa itaas, ipinapakita na sa presyong
P2.50 kada piraso, ang dami ng maaaring bumili ng tinapay ay 90,000. Kung iyong
mapapansin, habang tumataas ang presyo, ang quantity demanded naman ay bumababa.
Habang tumataas ang presyo ay maaaring maghanap ng alternatibong produkto ang
konsyumer katumbas ng tinapay. Samantala, kung ang presyo naman ay bumababa, tumataas
naman ang quantity demanded ng mamimili. Kung ang tinapay ay ibebenta ng P5.00 kada
piraso, maaaring isa lamang ang bibilhin ng isang konsyumer. Ngunit kung ibababa ang
presyo nito sa P2.50, maaaring higit pa sa isa ang bibilhin ng isang konsyumer.

Demand Curve ng Tinapay


Presyo ng Tinapay Kada Piraso

0 10 20
6 30 40 50
5 60 70 80
4 90
3
2 Quantity
1
Demand Kada
0
Linggo

Ang demand curve ay ang paglalarawan ng demand schedule sa paggamit ng


talangguhit. Ang presyo ay nasa patayong aksis o y-axis, at ang quantity demanded
namanay nasa pahalang na aksis o x-axis. Sa punto A, nagsalubong ang presyo na
P5.00 at quantity demanded na 30,000. Sa punto A, B, C, D, at E ng bawat presyo ng tinapay
aymay katumbas na quantity demanded. lto ay nakagagawa ng isang kurba na tinatawag na
demand curve. Ang slope ng demand curve ay inilalarawan ang batas ng demand.

Salik na Nakaaapekto sa Demand

Ang pagbabago ng presyo at pagkonsumo ng tao sa mga produkto at serbisyo ay epekto ng


ibat ibang kadahilanan. Ang relasyon ng presyo at dami ng produkto at serbisyo ay may
epekto sa paggalaw ng kurba ng demand dahil sa pagbabago ng mga salik. Ang mga salik
nnakaaapekto sa demand ay ang inaasahang pangyayari, populasyon, kita, yaman, panlasa,at
kagustuhan, at presyo.

1. Inaasahang Pangyayari
Bakit tuwing Araw ng mga Puso ay tumataas ang presyo ng mga bulaklak? Ito ay isang okasyon na
nagaganap taon-taon dahil sa tradisyon ng mga Pilipino na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero. Tuwing
sumasapit ang Araw ng mga Puso, inaasahan natin na ang presyo ng mga bulaklak ay tumataas. Kaya ang mga
mamimili ay bumibili nang mas maaga hanggat hindi pa masyadong
mataas ang presyo ng bulaklak. Ito ay isang pangyayari na ating inaasahan
sa tuwing may mahalagang okasyon o pangyayari. Kung ang presyo ng ano
mang produkto at serbisyo ay maaaring tumaas o bumaba, ganun din ang
epekto nito sa demand

2. Populasyon

Ang dami ng tao ay isang kadahilanan kung bakit dapat


magkaroon ng maraming produkto at serbisyo sa pamilihan. Ang iba’t
ibang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay maaaring makamit mula
sa paggawa ng sari-saring produkto at serbisyo. Isang magandang halimbawa nito ay ang pag-ani ng bigas.
$a 1bang bansa upang matugunan ang pangangailan ng sambahayan.
3.Kita

Ang swreldo o kita ng tao ay nakaaapekto rin sa demand. Kung ang kita ng ang
sambahayan ay sapat lamang sa kanilang gastusin, ang mga pangunahing pangangailangan
lamang ang may karapatang mauna sa pagkonsumo. Ngunit ng tataasan ang kita ng tao dahil
sa pagbibigay sa kaniya ng promosyon sa trabaho o dahil sa maraming proyekto, maaaring
tumaas o madagdagan ang pagkonsumo nito sa normal goods. Ang kita ng tao ay maaaring
magamit upang makabili ng mamahaling damit at kagamitan. Kung sakaling lumiit naman
ang kita nito dahil sa paghina ng negosyo o trabaho, maaaring tumaas ang pagkonsumo nito
sa inferior goods.

4.Yaman

Ang kayamanan ng tao ay isang sukatan kung anong produkto at serbisyo ang maaari
nitong ikonsumo. Ang dami ng yaman katulad ng bahay, lupa, stocks, bank acount, sasakyan,
pautang, at iba pang yaman ay maaaring makaapekto sa demand. Kung lumalaki at dumarami
ang yaman ng tao, lumalaki rin ang pagkonsumo nito sa mga produkto at serbisyo.

5. Panlasa at Kagustuhan

Ibat iba ang panlasa at kagustuhan ng bawat tao. Kung karamihan ng tao ay kumakain
ng kanin kaysa sa mais, mas maraming palay ang dapat itanim kaysa sa mais. Kung ang
demand sa bisikleta ay lumalaki, ang bahay-kalakal ay dapat umikha ng maraming klaseng
bisikleta ayon sa kakayahan, panlasa, at kagustuhan ng mamimili.

6. Presyo

May mga sitwasyon na ang kagustuhan ng tao sa isang produkto o serbisyo ay hindi
na niya kayang mabili dahil sa pagtaas ng presyo, Ang mamimili ay maaaring mag-isip ng
ibang alternatibong produkto at serbisyo kapalit sa naunang produkto na may halos katumbas
na gamit nito. Ito ay tinatawag na pagpili ng substitute. Halimbawa, may batas na nagbabawal
sa paggamit ng plastic bag. Maaaring ipalit sa plastic bag ang karton o bag na yari sa tela
upang lagyan ng mga gamit kapalit ng plastic.

Halimbawa, kung ang ibang salik ay nagbago katulad ng karagdagan sa kita ng konsyumer o
pagtaas ng sahod, maaaring tumaas ang pagbili nito ng tinapay dahil sa karagdagan na kita
nito. Ang paglipat pakanan ng demand curve ay dahil sa pagtaas ng demand sa tinapay.
presyo
Qd2
Qd1

Quality Demanded
Pagtaas ng Demand

May mga panahon na maaaring bumaba o lumipat pakaliwa ang demand curve kung ang
ibang salik ay magbabago. Isang halimbawa ng pagbabagong ito ay ang pagtaas ng substitute
na produkto o aya ay ang pagkakaroon ng pagbabago sa panlasa at kagustuhan ng mga
konsyumer at iba pang dahilan na maaaring ikababa ng
dami ng pagbili ng konsyumer.
presyo

Qd2
Qd1

Quality Demanded
Pagbaba ng Demand
Elastisidad ng Demand

Ayon kay William McEachern, isang propesor, "Ang tagumpay at hina ng negosyo ay
depende sa kaalaman kung magkano at ilan ang demand ng produkto. Mahalaga na malaman
ng isang negosyante, gobyerno, at iba pang mahahalagang sektor ng lipunan kung ilan ang
dami ng produkto at serbisyo na dapat ilaan sa pamilihan, gayundin ang kaalaman sa
kagustuhan at pangangailangan ng bawat sambahayan. Sinasabi sa batas ng demand na kapag
ang presyo ay tumaas, ang quantity demanded ay bumababa, ceteris paribus, at kabaligtaran
din nito. Ngunit hanggang saan pwedeng magbago ang presyo nito? llan ang posibleng
quantity demanded ng isang produkto na maaaring mabili ng isang konsyumer? Ito ay ilan sa
mga katanungan na maaaring malamanang kasagutan sa pamamagitan ng elastisidad ng
demand.

Ang elastisidad ng demand ay ang porsyento ng pagbabago sa dami ng quantity


demanded ayon sa pagbabago ng presyo. Sa pag-aaral ng elastisidad ay malalaman natin kung
paano tumutugon ang konsyumer sa pagbabago ng presyo. Ang produkto at serbisyo na nais
bilhin ng konsyumer ay maaaring magbago; ito ay maaring tumaas o bumababa.

Sa presyo ng tinapay na P4.00 ay mayroong quantiy demanded na 50,000. Samantala.


kung ang presyo ay bumaba sa P3.50 kada tinapay, ito ay maaaring magkaroon ng quantity
demanded na 60,000. Paano masusukat ang relasyon ng pagbabago ng dalawang variables,
ang presyo, at ang quanity demanded? Ito ay kayang kalkulahin gamit ang midpoint method

.Price Elasticity of Demand (Ed) = %Pagbabago sa Quantity Demanded (Qd)


9% Pagbabago sa Presyo (P)

Presyo ng Tinapay Quantity Demanded


kada Piraso kada Linggo (libo)
A $ 5.00 30
B $ 4.50 40
C $ 4.00 50
D $3.50 60
E $3.00 70
F $2.50 90

Q2-Q1
Q2+Q1 X 100%
2

Ed= = 10=.18x100%=18.18
P2-P1 55
P2+P1 X 100%
2

3.50-4.00
4.00+3.50 X 100%=6.67
2

Ed=% change Qd=18.18 % change P= -6.67 =2.72

May tatlong uri ng elastisidad para masuri ang demand.

1. Ed< 1 ay inelastic. Ibig sabihin, ang quantity demanded ay hindi madaling tumugon
sa pagbabago ng presyo. Sa ganitong sitwasyon, maaaring maapektuhan ang pagbaba
ng kita ng bahay-kalakal kung patuloy nitong ibababa ang presyo. Ang pagtaas ng
presyo ay katumbas ng pagtaas ng kita. May sitwasyon na perpektong inelastic kung
walang pagbabago sa quantity demanded habang may pagbabago sa presyo.
Price (P)

Inelastic Demanded

Quantity (Q)
2. Ed > 1 ay elastic. Ang pagbabago sa presyo ay maaaring magkaroon ng baligtad na
pagbabago sa kita. Ang bahay-kalakal ay maaaring bumaba ang kita habang itinataas
nito ang presyo ng produkto o serbisyo. Upang tumaas ang kita, dapat ibaba ang
presyo ng bahay-kalakal. Ang sitwasyon ay perpektong inelastic kung ang quantity
demanded ay tumataas habang walang pagbabago sa presyo.
Price (P)
Elastic Demand
D

Quantity (Q)
3. Ed =1 ay unit elastic. Ang pagbabago sa presyo ay kapareho rin sa pagbabago ng
quantity demanded at walang epekto sa kita ng bahay-kalakal.

Price (P)

Demand

Quantity (Q)
Kung ang elastisidad ng punto ng C at D sa
demand curve ay mataas s 1, ito ay elastic. Ito ay
gumagamit ng absolute value sa proseso ng
pagtutuos ng elastisidad.

Unawain
A. Piliin ang titik ng tamng sagot sa bawat pahayag. Bilugan lamang ang titik ng iyong
sagot.

1. Ang pagtaas ng demand curve ay makikita sa paglipat sa direksyong ito.


a. Pababa b. pakaliwa c. pakanan

2. Ito ang maaaring maging galaw ng demand curve kung ang pamasahe sa eroplano
ay mas mahal kumpara sa presyo ng tren.
a. Pakanan b. pakaliwa c. pataas

3. Kung ang presyo sa paggawa ng bag ay bumaba, ang halaga nito ay maaaring
bumaba at maaaring lumipat ang demand curve pakanan.
a. Tama b. mali c. walang pagbabago
4. Ito ay hindi maaaring magdulot ng pagbabago sa demand curve sa paggawa ng
bisikleta.
a. Pagkakaroon ng bagong sasakyan c. pagbaba ng presyo ng gasolina
b. Pagtaas ng kita

5. Ito ang magiging epekto sa demand curve sa tuwing tumataas ang presyo ng mga
hamon tuwing Pasko.
a. Walang pagbabago b. lilipat pakaliwa c. lilipat pakanan

6. Ipinapakita nito ang relasyon ng presyo at quantity demanded sa talangguhit.


a. demand schedule b. demand curve c. demand function

7. ito ay isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t ibang presyo at quantity


demanded.
a. demand schedule b. demand curve c. demand function

8. ito ay ang kakayahan at kagustuhan ng konsyumer na bumili ng produkto at


serbisyo.
a. demand curve b. batas ng demand c, demand

9. ito ang magiging epekto sa demand ng tao sa mga produkto at serbisyo matapos
ang malaking promosyon at dagdag na sahod na ibinigay sa kaniya.
a. Tumaas ang gastos b. walang pagbabago c. bumaba ang
gastos

10. Ang mga salik sa ibaba ay maaaring magdulot ng pagbabago sa demand curve,
maliban sa isa.
a. Batas ng pamahalaan b. pagbaba ng kita c. pagdami ng tao

B. Kalkulahin ang elastisidad ng demand, ipakita ang proseso ng iyong pagkalkula.


Bilugan ang iyong huling sagot. Ilagay ang iyong sgaot sa malinis na papel.

Gabay sa pagsagot;
1. Isulat ang pormula na gagamitin
2. Isalin ang mga datos sa pormula
3. Ipakita ang bawat baiting ng pagkalkula
4. Bilugan ang huling sgaot
5. Alamin kung sa anong uri ng elastisidad ito nabibilang
6. Maglagay ng iyong pagsusuri sa resulta ng iyong sagot base sa uri nito

Kalkulahin ang mga sumusunod:

1. Q1 = 28; Q2 =24 2. Q1 =70; Q2 = 80


P1 = 48; P2 =58 P1 =3; P2 = 2.50
Palawakin
Basah
in at pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon bilang isang mag-aaral. Sagutinang tanong base sa
iyong nagpag-aralan sa demand.

Kada linggo ay binibigyan ka ng iyong mga magulang ng baon para sa pagpasok mo sa


paaralan. Mula sa baon na ibinibigay nila sa iyo ay nagtatabi ka ng pera parasa iyong ipon.
Ang layunin mo ay makapag-ipon para sa darating na Araw ng mga Puso. Alam mo na
mahilig sa bulaklak ang iyong mga magulang kaya binalak mongbigyan sila ng bulaklak sa
mismong Araw ng mga Puso bilang isang surpresa.

Ngunit nang sumapit ang Araw ng mga Puso ay tumaas ang presyo ng mgabulaklak. Naging
doble ang presyo nito mula sa halagang P150. Samantala, ang iyong perang napon ay P200
lamang. Ano ang iyong gagawin at bibilhin?

Mula sa tindahan, nakita mo ang ibat ibang produkto na maaaring sapat sa perang naipon mo.
Ito ay ang mga keyk, tsokolate, bulaklak na gawa sa plastic, teddy bear, at ornamental na
halaman.

1. Tumaas ang Presyo ng Produkto Ano ang gagawin mo?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Salik na Nakaaapekto sa Demand o Pagbili Aling salik ang nagbago sa pangyayari?


Bakit ang salik na ito ang nabanggit mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. May mga Alternatibong Produkto May pipiliin ka ba sa mga alternatibong
produkto? Ano ito at bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ARALIN 8
SUPPLY

Maramni tayong nakikitang mgaprodukto at serbisyo sa


pamilihan, ngunit mayroon pa rin tayong naririnig sa mga balita
o sa ibang tao na may problemang hinaharap ang Pilipinas na
kakapusan at kakulangan sa pamilihan. Ang kakayahan at
kahandaan ng bahay-kalakal ay dapat na maging sapat upang

mapunan at matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan


ng sambahayan.
Sa araling ito, lubos na mauunawaan ang kahulugan ng suplay, mga salik nanakaaapekto sa
suplay, at ang elastisidad ng suplay .

 Kahuugan ng Suplay
Pokus ng Aralin
 Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay
 Elastisidad ng Suplay

Layunin Sa pagtatapos ng aralin na ito ay inaasahang


makakamit ang mga sumusunod na kakayahan:
 Nabibigyang kahulugan ang Supply
 Naipapaliwanag ang Supply Schedule, supply Function, at Supply Curve.
 Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa suplay
 Nabibigyang kahulugan ang elastisidad ng suplay
 Naipaliliwanag ang ugnayang ng elastisidad ng suplay sa presyo at epekto nito.

 Supply
Bigyang pANSIN
Supply curve
 Inelastic
 Unit elastic
 Supply function
 Elastisidad ng supply
 Kakayahan (efficiency)
 Supply schedule
 Batas ng suplay

Simulan
Tignan ang mga larawan. Isulat kung ang mga produkto at serbisyo ay “kulang sa
supply” o “maraming suplay.” Ibatay ang iyong sagot sa iyong kaalaman mula sa mga balita.

1. ________________________ 4. _____________________________
2. ________________________ 5. ______________________________

3. ________________________ 6. ______________________________

Sa pagsasanay na ito, masusubukan moa ng iyong kaalaman at kamalayan sa mga


nangyayari sa iyong paligid lalo na sa mga produkto at serbisyo na madalas mong
kinokonsumo o binibili.

Talakayin
Minsan nakararanas tayo ng kakulangan at kakapusan sa mga salik ng
produkSvonbuongprodukto, at serbisyo. Ito ay nangyayari hindi lamang sa ating bansa kundi
sa buonemundo. pr Ang kakulangan at kakapusan ay may malaking epekto sa suplay ng kahit
anongt anongproduktoo serbisyo. Ang suliranin sa suplay ay may malaking epekto sa
ekonomiya, bansa, negosyo at sambahayan.

Sa katatapos na aralin ay napag-aralan natin ang demand. Nalaman natin kung paano
tumugon ang sambahayan o konsyumer at bahay-kalakal sa pagbabago ng presyo at epekto
nito sa quantity demanded. Sa aralin na ito, ay mapag-aaralan natin ang relasyon ng presyo at
quantity supplied. Dito malalaman natin ang pakikitungo at tugon naman ngbahay-kalakal; ito
ay ang prodyuser at nagtitinda.
Buod ng Aralin, Gabay sa Pag-aaral

Suplay

Epekto sa

Magdudulot ng
pagbabago mula sa
mga salik

Quantity
Presyo supplied
Elastisidad ng Suplay

Kahulugan ng Suplay

Ang suplay ay ang kakayahan at kahandaan ng prodyuser na gumawa ng produkto at


serbisyo ayon sa dami ng kaya niyang gawin sa tiyak na panahon at presyo nito. Ang panahon
na ito ay maaaring araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan, o taon-taon. Upang malaman
ang suplay, ang karaniwang sukatan nito ay ang presyo at quantity Supplied.

Batas ng Suplay

Sa tuwing sumasapit ang Pasko at Bagong Taon, nagkakaroon ng kakulangan sa mga


karaniwangg pagkaing inihahanda sa okasyong ito. Ngunit sa kabila ng taas ng presyo at
kakulangan sa suplay, marami pa rin sa mga tao ang tumatangkilik sa mga ito.

Ayon sa batas ng suplay (law of supply), kapag ang presyo ng produkto at serbisyo ay
bumababa, ang quantity supplied ay bumababa rin. Samantala, kapag tumataas ang presyo ng
produkto at serbisyo, ang quantity supplied naman ay tumataas, habang ang ibang salik ay
walang pagbabago (ceteris paribus). Ang epekto ng presyo sa produkto at serbisyo ay
maaaring pangmadalian lamang, ngunit kailangan na malaman natin kung ano ang mga salik
na maaaring makaapekto sa pagbaba at pagtaas ng presyo, gayundin ang epekto nito sa
quantity supplied.
Ano ang mga salik na maaaring

makaapekto sa suplay ng produkto at serbisyo?

Ako Bilang Estudyante

Supply Function
Ang supply function ay isang modelo na nagpapakita ng kilos ng prodyuser o
bahaykalakal sa pamilihan. Ang bawat kilos nito ay may relasyon sa presyo at dami ng
produkto at serbisyo na nais at kayang gawin para sa konsyumer.

Ang Supply Schedule at Supply Curve


Ang talahanayan sa susunod na pahina ay nagpapakita ng presyo ng tinapay
kadapiraso katumbas ang dami ng maaaring magawang tinapay sa quantity supplied na hanay.
Ang bawat datos ay tinutukoy ang dami ng tinapay sa loob ng isang linggo. Makikita sa
talahanayan ang iba't ibang presyo ng produkto katumbas ang dami na inaalok ng prodyuser.
Ang paglalarawan sa talahanayan ng relasyon ng presyo at quantity supplied ay tinatawag na
supply schedule.
Sa talahanayan ay madaling makikita na kapag inialok ng bahay-kalakal sa presyo na
P5.00 ang kada tinapay, ito ay may katumbas na dami na 100 na libong piraso. Habang
ibinababa nito ang presyo ng tinapay ay bumababa rin ang quantity supplied nito. Kapag
ltinataas nito ang presyo ng tinapay, ang dami ng maaaring ialok ay tumataas din.

Presyo ng Tinapay Quantity Demanded


kada Piraso kada Linggo (libo)
A $ 5.00 30
B $ 4.50 40
C $ 4.00 50
D $3.50 60
E $3.00 70
F $2.50 90
Supply Schedule ng Tinapay kada Linggo

Ang supply curve ay nagpapakita ng relasyon ng presyo at quantity supplied sa pamamagitan


ng talangguhit. Sa pagplot ng supply schedule sa supply curve, ang presyo ay nasa patayong
aksis o y-axis at ang quantity supplied naman ay nasa pahalang na aksis o xaxis. Sa punto A,
nagsalubong ang presyo na P5.00 at quantity demanded na 100. Sa punto A, B, C, D, E, at F
ng bawat presyo ng tinapay at katumbas na quantity supplied ay nakagagawa ito ng isang
kurba. Ito ang paglalarawan ng isang supply curve.

Quantity Supplied kada Linggo


Ang slope ng supply curve ay inilalarawan ang batas ng suplay.

Salik na Nakaaapekto sa Suplay

Ang presyo ay itinuturing na isa sa mga mahahalagang variable sa suplay. Bukod sa


presyo, may ibat ibang salik na maaaring makaapekto sa suplay. Ito ay ang dami ng
bahaykalakal, teknolohiya, inaasahang pangyayari, presyo ng salik ng produksyon, at buwis
at subsidyo.

1. Dami ng bahay-kalakal

Nakasalalay ang dami ng produksyon ng produkto at serbisyo sa dami ng bahay-kalakal o


prodyuser. Kung ang prodyuser ay dumarami, ang suplay ng produkto at serbisyo at dadami
rin. Ito ay magdudulot ng paglipat ng supply curve pakanan.

2. Teknolohiya

Sa panahon ngayon, marami ang nagbabago sa ating kapaligiran. Kung noon ay


ginagamitan ng kamay ang paggawa ng tinapay, sa makabagong panahon ay may mga
makinang gagawa ng tinapay nang hindi na kailangan gamitan ng kamay. Kung maganda
ang teknolohiya, ito ay maaaring magdulot ng mababang gastos sa produksyon. Ang
prodyuser ay makagagawa ng produkto na ayon sa kaniyang kakayahan, kahusayan, at sa
presyo na kaniyang itinakda. Ito ay magdudulot ng paglipat ng supply curve pakanan.

3. Inaasahang Pangyayari

Ang pagbabago sa mga pangyayari dahil sa okasyon at iba pang panahon ay maaaring
magdulot ng paglipat ng supply curve. Kung may anunsyo na ang presyo ng inflatable
pool ay maaaring tumaas sa panahon ng tag-init, ang bahay-kalakal ay maaaring
magbenta ng maraming produkto nito sa panahon na inaasahang marami ang bibili.
4. Presyo ng Salik ng Produksyon

Ang paggawa ng produkto ay binubuo ng maraming bahagi o sangkap. Kung ang


presyo ng asukal ay bumaba, ang prodyuser ay maaaring masayahan sa paggawa ng
maraming pang cupcake. Ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng supply curve.

5. Buwis at Subsidyo
Ang gobyerno ay maaaring magbigay ng subsidyo sa bahay-kalakal para akagawaa ng
maraming produkto upang maraming tao ang makinabang dito. Ang subsidgo ay porsyento
na ibinibigay ng pamahalaan para matulungan ang industriya o bahay-kalakal upang
mapakinabangan ang produkto o serbisyo ng nakararami. Ito ay maaaring makuha sa
buwis na ipinapataw sa mga nagtatrabaho, may negosyo, at bumibili. Ang NFA rice ay
isang subsidyo ng pamahalaan na nagbibigay ng mas mababang presyo upang marami ang
makinabang dito.

Pagbabago ng Supply Curve

Ang supply curve ay maaaring magbago dahil sa suplay. Ang pagbabago ng salik may epekto sa presyo at
suplay ng mga produkto. Ito ay maaaring dahilan ng paglipat ng kahabaan ng kurba sa kanan

o sa kaliwa.
Presyo ng Ice
C S
Cream Cone
P3.00

A 1.00

Dami ng Ice Cream Cone

0 1 5
Pagbabago sa Quantity Supplied

Ang grapika sa itaas ay nagpapakita ng paglipat sa kahabaan ng linya ng supply curve na


epekto ng pagbabago ng presyo. Kung ang presyo ay tumaas, ang quantity supplied ay
tumataas din. Gayun din, kung ang presyo ay bumaba, ang quantity supplied ay bumababa
rin.
Pagbaba ng suplay S3 S1

Price S2

Pagtaas ng suplay
P1

Q3 Q1 Quantity

Ang grapika sa itaas ay nagpapakita ng paglipat ng supply curve, indikasyon na may


pagbabago sa mga salik. Ang paglipat pakanan ay ang magandang pagtugon ng mga
mamimili sa pagdami ng suplay katumbas ng presyong nilagda rito. Samantala, ang paglipat
pakaliwa ay ang pagbaba sa suplay dulot ng ibang salik.
Elastisidad ng Suplay

Ang elastisidad ng suplay ay ang porsyento ng pagbabago sa dami ng quantity supplied ayon
sa pagbabago ng presyo. Sa pag-aaral ng elastisidad ay malalaman natin kung paano
tumutugon ang prodyuser sa pagbabago ng presyo.

Sinasabi sa batas ng suplay na kapag ang presyo ay tumaas, ang quantity supplied ay
tumataas din. Kapag ang presyo naman ay bumababa, ang quantity supplied ay bumababa rin,
ceteris paribus. Paano malalaman ng isang prodyuser kung ano ang presyo na maaatim niyang
ipataw sa mga produkto na kaniyang nalikha?

Price Elasticity of Supply (ES) = % Pagbabago sa Quantity Supplies (Qd) % Pagbabago


sa Presyo (P)
Presyo ng Tinapay kada Piraso Quantity Supplied kada Linggo (libo)
A P 5.00 100
B P 4.00 70

Q2 – Q1 100-70
X 100% = X 100% = 35.29

Q2+ Q1 100+70
2 2
Ed=

P2 – P1 X 100% = 5.00-4.50 X 100% = 10.53


P2+ P1 5.00+4.50
2 2

Ed= % change Qd = 35.29


% change P = 10.53 = 3.35
Ang elastisidad ng suplay ay depende kung ano ang kurba ng suplay. May tatlong uri ang
elastisidad para masuri ang suplay.

1. Es< 1 ay inelastic. Sa ganitong sitwasyon, kapag ang presyo ay itinaas, ang dami ng
produksyon ng produkto at serbisyo ay maaaring tumaas nang bahagya dahil sa ibang
mga salik. Samantala, ang kita ng prodyuser ay maaaring lumiit. Ang prodyuser ay
maaaring magtaas ng karagdagang gastos upang tumaas ang quantity supplied nito.
Kahit nagpapakita ng pagbabago ang perpektong inelastic sa presyo, wala itong epekto
sa quantity supplied.
Perpektibong inelastik
Price (P)

Price S
P2
Inelatic Supply
P1

Quantity (Q) Q1 Quantity

2. Es> 1 ay elastik. Ang pagbabago sa presyo ay maaaring magkaroon ng epekto sa


pagbabago ng produksyon at kita sa pamamagitan ng pagbabago sa ibang salik. Kapag
tumaas ang presyo ng produkto at serbisyo, ang dami ng produksyon ay maaaring
tumaas nang mas malaki at ang kita ay tataas din. Ang kita ng bahay-kalakal ay
maaaring bumaba habang ibinababa nito ang presyo ng produkto o serbisyo at ang
produksyon ay maaaring mas malaki ang ibaba. Ang prodyuser ay maaaring itaas ang
quantity supplied kahit walang karagdagang gastos sa paggawa ng produkto. Ang
perpektong elastik ay walang pagbabago sa presyo kahit may pagbabago sa quantity
supplied.

Price
S
Y

Price
S S

o X
Elastic Supply Quantity Quantity

2. Es = 1 ay unit elastic. Ang pagbabago sa presyo ay kapareho rin sa pagbabago ng


quantity supplied at walang epekto sa kita ng prodyuser.

P S Kung ang elastisidad ng punto ng A at B sa supply


curve ay mataas sa
1, ito ay elastic. Ito ay gumagamit ng absolute sa proseso ng
pagtutuos ng
elastisidad.
Q
Unitary Elastic SS

Unawain
A. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat pahayag. Bilugan lamang ang titik ng iyong
sagot.

1. Ito ang magiging pagbabago kapag may pagtaas ng presyo ngunit walng
pagbabago sa quantity supplied.
a. Paglipat sa kaliwa b. Kahabaan ng supplu curve c. Paglipat sa kanan

2. Ang epekto ng buwis ay makikita sa suplay.


a. Tama b. Mali c. walang pagbabago

3. Ang elastisidad ng suplay ay sinusukat ang presyo nito sa quantity supplied at


demand.
a. Tama b. Mali c. walang pagbabago

4. Lahat na aytem sa ibaba ay maaaring magdulot ng pagbabago sa supply curve,


maliban sa isa.
a. Panlasa at kagustuhan b. Pagbili ng sewing machine c. Pagtaas ng presyo

5. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patayong supply curve.


a. Walang pagbabago b. Pagbabago pakaliwa c. Pagbabago pakanan

6. Ipinapakita nito ang relasyon ng presyo at quantity supplied sa talangguhit.


a. Supply schedule b. Supply function c. Supply Curve

7. Ito ay isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t ibang presyo at quantity supplied


nito.
a. Supply schedule b. Supply Curve c. Supply function

8. Ito ang kakayahan at kagustuhan ng konsyumer na bumili ng produkto at serbisyo.


a. Demand curve b. Batas ng demand c. Demand

9. Ito ay isang salik na mailalarawan sa pamamagitan ng karagdagan na materyales


sa paggawa ng libro na maaaring may epekto sa supply curve.
a. Presyo b. Presyo ng produksyon c. Teknolohiya

10. Ang elastisidad ng suplay ay naglalarawan sa epekto ng presyo sa quantity


supplied at kita ng isang prodyuser.
a. Tama b. Mali c. Di-tiyak

Pagnilayan
Sa bawat aytem ay inilalarawan ang iba’t ibang supply curve. Suriing mabuti kung ano
ang inilalarawan ng bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa kolum kung ano ang ugnayan ng
presyo at quantity supplied, at kung may pagbabago o walang pagbabago sa presyo at
quantity supplied. Sa huling kolum, tukuyin kung anong uri ng elastisidad ng suplay ang
inilalarawan.
Supply Curve Ugnayan ng Presyo at Uri ng Elastisidad ng
Quantity Supplied Suplay
1. P S

O Q
2.

O Q
P S

3.
P

O Q

4.
P S

O Q

5.
P

O Q

Palawakin
Maghanap ng isang kasalukuyang balita ukol sa subsidyo na ibinibigay ng pamahalaan
sa ating bansa. Gumawa ng isang buod sa balita na iyong nakuha. Magsulat ng iyong opinion
ukol sa iyong nabasa. Isulat ang iyong opinion sa malinis na papel.

Kaugnay nito, sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Magkano ang ginugol ng pamahalaan sa mga subsidyo para sa ating bansa?


2. Ano ang mga ahensya ng pamahalaan ang nakikinabang sa subsidyo na nakakuha
mula sa buwis?
3. Ano ang magandang dulot ng subsidyo sa ekonomiya?
4. Mayroon ka bang naiisip kung ano pa ang dapat na pangunahing pangangailangan ng
mamamayan para mabigyan ng subsidyo?

You might also like