You are on page 1of 2

ELANIE D.

SARANILLO
BAFL 3B

BALITA TUNGKOL SA KULTURA

“Paaralan, Nagpapanatili Sa Kultura Ng Katutubo Sa Sarangani”

Ayon sa TV Patrol ang kultura ng mga tribong Blaan ng Malungon, Sarangani ay


pinapanatiling buhay ang kanilang kultura sa paghahabi ng makukulay na malong hanngang sa
metikulosong pagtutuhog ng beads para sa hikaw. Ang ilang miyembro ng tribu ay nagtratrabaho
sa Blaan School of Living Tradition pagkat target nilang ipasa ang kanilang tradisyon sa mga
susunod na henerasyon. Sa pakikipanayam kay Gng. Maribeth Ditan ang Treasurer ng LAMLIFEW
Tribal Women’s Association, ay sinabi niya na pagkamayroong bumibisita sa kanilang lugar ay
tinuturuan nila kung paano ang kanilang sayaw, mga bead works, paghahabi at ang iba pa nilang
mga tradisyon. Taong 1992 nang simulant ng mga kababaihan ng Blaan ang proyektong
sinusuportahan ng ABS-CBN ang bantay kalikasan. Mayroon ding museum at Integrated School
para sa mga batang IT. Ayon naman kay Belinda Bacale isa sa mga nagtuturo ng beadwork
itinuturo nila ito sa mga kabataan o sa ibang tao para hindi mawala ang kanilang tradisyon o
kultura, dagdag pa nila ay marami rin ang kumukuha sa kanilang produkto. Kaya malaking tulong
sa kanila ang proyektong ito sapagkat may nagagamit sila na pangtustus sa pagpapa-aral ng
kanilang mga anak at maging sa kanilang mga iba pang pangangailangan. Sa BMTM workshop sa
Sarangani ay ipinagmalaki ni Gng Maribeth ang Blaan School of Living Tradition at mas lalo pa
niyang ibabahagi sa social media ang tungkol sa knilang kultura at tradisyon.

BALITA TUNGKOL SA EKONOMIYA

“Taas-Presyo Sa Ilang Bilihin Nagbabadya”

Ayon sa TV Patrol nagreklamo si Sen. Aimee Marcos sa napakataas na presyo ng mga


bilihin sa convenience store halimbawa nito ay ang isang brand ng sardinas ay nagkakahalaga ng
P27.00 samantala kung sa mga supermarket ito bibilhin ay nagkakahalaga lamang ng P17.00 kaya
naitanong ni Senador Aimee na kung bakit tila ginto ang mga presyo sa convenient store.
Paliwanag ng DTI ay pwedeng pag-aralan ang paglagay ng Suggested Reatil Price o SRP sa
convenience store pero may rason daw kung bakit mahal dito. Ayon kay Ruth Castelo, DTI
Undersecretary, dahil daw ito sa ginhawa at 24/7 na serbisyo na binibigay ng convenience store.
Ang hirit naman ng mga manufacturer ng mga sardinas ay mapagbigyan n asana ang kanilang
hiniiling na dagdag presyo na sa Agosto pa raw ipinangakong aaksyonan. Dapat na rind aw
tanggalin ang SRP sa ilang klase ng sardinas. Sabi ni Francisco Buencamino ang Executive Director,
Canned Sardines Association of the Philippines, “Ang sinasabi ko ism piliin nila talaga yung
flankers, these are products that are meant to be economical in price. But yun naman good
sardines, let them loose.” Ang nagging sagot ng DTI ay maglalabas na sila ng dagdag presyo na
P0.50 hanggang P1.00 sa ilang brands ng Sardinas, kape, gatas at instant noodles. Nanindigan ang
DTI na hindi paninikil sa mga manufacturer ang pagpapataw ng SRP.

BALITA TUNGKOL SA PULITIKA

“Modus Na 'Bentahan' Ng GCTA Sa Bilibid Ibinulgar Sa Senado”

Ayon sa TV Patrol matapang na itinuro ng testigo na si Yolanda Camilon ang BuCor Chief
Officer na si Ramoncito Roque na siya ang liders sa nanghikayat sa kaniya na magbayad ng
P50,000.00 kapalit ng paglaya ng kaniyang mister gamit ang Good Conduct Time Allowance o
GCTA. Sa Taong 2020 pa sana makakalaya ang kaniyang mister ngunit dahil sa nagbayad siya ng
50k ay laking tuwa niya na mapapalaya ito noong March 1. Sina Major Badsing at Correctional
Officer Vironica Buno umano ang naging middle man ni Roque, subalit ang pangakong March 1
ay hindi nangyari hanggang umabot ng Agosto at natanggap na ni Camilon ang dokumento na
lalaya na ang asawa. Subalit ang katwiran ni Roque ay napilitan lang siyang tanggapin ang pera ni
Camilon dahil mapilit ito. Nais ni Camilon na ibalik nalang ang pera sa kaniya dahil hini naman
natupad ang kanilang napag-usapan. Dagdag pa niya ay 10 hanggang 20 ang katulad niya na
asawa ng BuCor Inmate ang nagbayad kay Roque para maagang makalaya ang kanikanilang mga
asawa. Isiniwalat rin ni Camilon na talamak rin ang bayaran sa BuCor para makapagpapasok ng
mga gamit sa inmate gaya ng mga gadgets. Kaya nangako si Sen. Panfilo Lacson na hindi titigilan
ang pag-iimbistiga sa BuCor. Samantalang pinasub-poena na ni Sen. Gordon ang dalawang babae
na BuCor Opisyal na binanggit ni Camilon. Nilinaw din niya na hindi pa gaanap na lusot si dating
BuCor Chief Faeldon sa BuCor isyu na GCTA for Sale. Sa isang interview kay Sen. Sotto tiniyak niya
na tuloy ang imbistigasyon sapagkat marami pa ang nais tumistigo sa nangyayaring GCTA for sale.

You might also like