You are on page 1of 16

Eastern Visayas State University

Tacloban City

Mga Halimbawa
ng Iba’t ibang Uri ng Liham

Kailangan sa Kursong Pagsulat ng Teknikal

Ipinasa ni:

Elanie D. Saranillo
BAFL 3B

Ipinasa kay:

Lucia C. Tabang, MAT


INTRODUKSYON

Hindi maitatanggi na ang wika ay kailangan ng tao rito sa mundo. Ito ang naging daan
upang maibahagi ang kanilang ninanais at niloloob. Ginagamit ito sa pakikipagkumunikasyon sa
kapwa tao.
Isang paraan sa pakikipagkomunikasyon na gamit ang wika ay ang pagsulat ng liham. Ito
ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang
tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.

Sa panahon ngayon ay hindi na gaanong pansin ang pagsulat ng liham sapagkat dahil sa
umuusbong na teknolohiya ay mas madali nalamang makipagkomunikasyon na ang gamit ay
mga cellphone, computer o ano pa mang gadget. Subalit, kahit ganoon pa man ay kailangan
ding matutuhan ng mga kabataan kung papaano sumulat ng liham na may tamang bahagi nito.
Lalo pa at ginagamit pa rin ito sa mga pormal na pakikipag-ugnayan sa mga opisina.

Kaya sa aming kurso ay binigyan kami ng asignatura na “Pagsulat ng Teknikal” upang


matutuhan namin ang tamang pagsulat ng liham. Ipinakita at itinuro sa amin ang mga bahagi
nito at maging ang mga iba’t ibang uri ng liham.

Sa pagkakataong ito ay sumulat kami ng iba’t ibang uri ng liham bilang pagtugon sa
pangangailangan ng asignaturang ito na katunayan na kami ay may natutuhan at makakagawa o
makakapagsulat kami ng liham na sa hinaharap ay aming kailangan.
MGA NILALAMAN

Liham Paanyaya …………………………………………………………………………… 1


Liham Pampedido ………………………………………………………………………… 2
Liham Pambati ……………………………………………………………………………… 3
Liham Pagbibitiw …………………………………………………………………………… 4
Liham Panghirang ………………………………………………………………………… 5
Liham Pangolekta …………………………………………………………………………. 6
Liham Panrekomenda …………………………………………………………………… 7
Liham Pampapahalaga …………………………………………………………………. 8
Liham Panreserba ……..…………………………………………………………………. 9
Liham Pampagpakilala ….………………………………………………………………. 10
Liham Pakikiramay ………………………………………………………………………. 11
Liham Pagtatanong ………………………………………………………………………. 12
Brgy. 66-A Anibong
Tacloban City, Leyte
Ika-24 ng Nobyembre, 2019

Mahal kong Claridad,

Gumawa ako ng liham para sayo kaibigan ko sapagkat nais kitang anyayahan sa isang masayang
pagdiriwang. Ako'y may kasintahan na at ikakasal na kami sa susunod na buwan, sa ika-21 ng
Desyembre sa taong kasalukuyan.

Nais ko sanang magkasama-sama ang ating buong barkada. Isa itong pagdiriwang na hindi
malilimutan. Nais kong iyong masaksihan ang aming pagmamahalan.

Lubos akong umaasa na dadalo ka sa aking kasal.


               
                                  

Nagmamahal,

ELANIE SARANILLO
Mababang Paaralan ng Anibong
Brgy. 68 Anibong, Tacloban City
Ika- 24 ng Nobyembre, 2019

Gng. Rachel Manabat


Heaven Flower Shop
Avenida Veteranos
Tacloban City

Gng. Manabat:

Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga bulaklak na aming
kailangan sa pagtatapos sa Marso 11, 2020.
2 dosenang Gladiolang dilaw
2 dosenang putting rosas

Kalakip po rito ang money order na limandaang piso (Php500.00). Ang karagdagang kabayaran
ay ibibigay po pagkatanggap ng mga bulaklak.

Sumasainyo,

ELANIE SARANILLO
Presidente, Ikaanim na Baitang 1
Brgy. 95 Caibaan
Tacloban City
Nobyembre 24, 2019

Mahal naming Shane,

Malugod kitang binabati sa iyong pagkapanalo sa Patimpalak ng Pagkukwento noong nakaraang


Buwan ng Wika.

Ako ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa ako nang malaman ko na ikaw ang
nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parang
totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo'y
ang iyong mahusay na paghikayat sa mga manonood.

Talagang magaling ka! Ako ay bumabati sa iyo.

Ang iyong kamag-aral,

ELANIE SARANILLO
Republika ng Pilipinas
EASTERN VISAYAS STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Tacloban

Kolehiyo ng mga Sining at Agham


DEPARTAMENTO NG MGA WIKA AT LITERATURA

Kapisanan ng mga Estudyanteng Maka-Wika

Ika- 24 ng Nobyembre, 2019

Prof. RAQUEL N. ROMERO


Tagapayo ng KEMW

Gng Romero:

Pagkatapos ng masusing pagtimbang sa aking mga opsiyon, nakapagdesisyon po akong


magbitiw epektibo sa 25 Nobyembre 2019.

Ako po ay nagpapasalamat sa Kapisanan sa pagbibigay sa akin ng natatanging oportunidad na


masubaybayan at mapaglingkuran ang Kapisanan ng mga Estudyanteng Maka-Wika.

Ang maikling panahon ko sa KEMW ay lumikha ng magagandang alaala at nagkaroon ako ng


mabubuting kaibigan. Lubos ko itong pinahahalagahan at maaasahan ninyo na ang aking
pakikipagkaibigan sa KEMW ay mananatili.

Hinahangad ko ang marami pang tagumpay ng Kapisanan sa mga pagsisikap nito.

Lubos na sumasainyo,

ELANIE SARANILLO
24 Nobyembre 2019

BB. HAZEL ANN M. ZARZOA


General Manager, Le Photography
Paterno St., Tacloban City
Leyte

Mahal na Bb. Zarzoa,

Maligayang Araw!

Sa pagtukoy sa mga talakayan na mayroon ka sa amin, nalulugod kaming italaga sa iyo bilang
"Executive Officer" para sa aming mga kompanya na Photo Captions sa mga sumusunod na
tuntunin at kondisyon:
1. Babayaran ka ng isang pinagsama-samang halaga ng Php 300 000 kada taon.

2. Ang appointment na ito ay para sa isang panahon ng dalawang taon na epektibong


petsa ng iyong pagsali at maaaring ma-renew sa isang kapwa batayan. Ang kaayusan na ito ay
may bisa mula Nobyembre 25, 2019 at magiging balido para sa isang panahon ng 2 taon.

3. Sa panahon ng panunungkulan ng pagtatalaga sa kumpanya, hindi ka makikipagtrabaho


sa anumang ibang mga takdang-aralin o mapagkakatiwalaan na trabaho nang walang pahintulot
ng pamamahala.

4. Ang Kumpanya ay naglalagay ng diin sa lahat ng mga sumusunod na ayon sa batas at ang
iyong dapat tiyakin ang pagsunod sa iba't ibang mga estatwa sa iyong lugar ng pagpapatakbo.

Maayos na pirmahan ang isang kopya ng sulat na ito sa pagtanggap ng nabanggit na mga
tuntunin at kundisyon at ibalik ang parehong para sa aming mga rekord.

Lubos na gumagalang,

ELANIE SARANILLO
Tagapamahala
Saranillo Enterprises
Tacloban City, Leyte
24 Nobyembre 2019

Gng. Norie Salcedo


Brgy. Cagang, Tolosa, Leyte

Mahal na Ginang:

Magandang araw po sa inyo. Ito po ay isa lamang pagpapaalala sa inyong nakalipas na araw na
pagbabayaran sa halagang Dalawang Libo (P2,000.00), bilang kabayaran sa dalawang (2) trak ng
semento.

Mangyari po lamang ay mabigyang pansin ang nasabing halaga. Maraming salamat po.

Sumasainyo,

ELANIE D. SARANILLO
Tagapamahala
November 24, 2019

Luisa Sanchez
Director, Human Resources
Hans Marketing
Tacloban City, 6500

Mahal na Ginang;

Bumabati ako ng isang magandang araw. Nais ko pong irekomenda sa inyong kompanya si
Jason Bill bilang isang encoder. Siya po ay dati kong kaklase sa asignaturang Computer I. Sa
nakita kong kakayahan niya sa pagtype ng mga salita ay masasabi kong siya ang inyong
kailangan upang mas lalo pang mapabilis ang inyong mga gawaing pangcomputer.

Siya po ay nagtapos bilang IT. Kayang magtype ng 40 words sa isang minuto at may
determinasyong matapos ng maayos ang trabaho o gawaing itinalaga.

Para po sa karagdagang impormasyon ay narito po ang aking contact number para sa anumang
katanungan, 09366144801.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

ELANIE D. SARANILLO
Instructor, AMA Computer
Brgy. 66-A Anibong
Tacloban City,
November 24, 2019

Jane Davis
95 Caibaan, Tacloban City
Leyte, 6500

Bb. Davis,

Salamat muli sa pakikipagkita sa akin ngayon. Talagang masaya ako sa ating pag-uusap at
nakakuha ng mahalagang pananaw sa diskarte sa nilalaman at pagbuo ng karera sa media.

Nasuri ko na ang mga klase na iminungkahi mo, pati na rin ang unyon ng manunulat, at patuloy
na nagtatrabaho sa pagbuo ng aking sariling personal na tatak gamit ang iyong mga payo.

Tulad ng sinabi mo sa amin, talagang hindi mo alam ang lahat ng kailangan mong malaman
tungkol sa industriya na ito sa paaralan. Lubos akong nagpapasalamat na kinuha mo ang oras
upang patnubayan ako sa tamang direksyon.

Muli ay maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

ELANIE D. SARANILLO
November 24, 2019

Hon. Delia Bato


Chairwoman
Brgy. 66-A Anibong Tacloban City

Mahal na Kapitan;

Nais ko pong magpareserba sa darating na Linggo, December 1, 2019 sa inyong Basketball court
upang maisagawa ang aming palaro para sa mga kabataan ng aming organisayon.

Narito po ang aking contact number para sa karagdagang impormasyon. Umaasa po kami sa
inyong positibong tugon.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

ELANIE D. SARANILLO
Pangulo, KEMW
Brgy. 66-A Anibong
Tacloban City, Leyte
November 24, 2019

G. Jonas Noval
Branch Manager
Ericson Computer Sales and Repair Center
Tacloban City

Ginoo:

Maligayang Pagbati!

Sa ngayong moderno na ang panahon, hindi na natin maikakaila na kasabay ng pag-usbong ng


teknolohiya ay umuusbong din ang pangangailangan ng tao sa mga Computer. Ito ay nagiging
malaking tulong sa pang araw-araw na gawain ng sino man lalong lalo na sa mga estudyanteng
katulad ko.

At dahil dito, nais ko po sanang ipakilala sa inyo ang kamag-aral kong alam ko ay masisiyahan na
makalahok sa isang seminar na inyong isinasagawa para makatulong sa mga mag-aaral na gusto
pang mahubog ang kani-kanilang angking galing sa Information Technology.

Si Joriz po na aking kamg-aral bihasa sa paggamit ng ibat-ibang softwares sa computer. Dahil


dito, siya ay ang representatib ng Pixel Club – isang samahan sa aming eskwelahan na binubuo
ng mga estudyanteng may angking galling sa mga computer. Si Joriz din ay marunong ng mga
basic troubleshooting practices sa mga computer kaya naman siya ang takbuhan naming sa
tuwing may nasisira o may hindi kami alam sa mga lumalabas sa iskren n gaming mga laptops.

Maraming salamat po, at nawa’y mapaunlakan niyo ang aking hiling na tiyak na makatutulong
sa mga tulad niya na nais na mapaunland ang pagpapalaganap ng mabuting adhikain sa pag-
usbong ng agham at teknolohiya.

Gumagalang,

ELANIE D. SARANILLO
Eastern Visayas State University
November 24, 2019

G. Jose Labara
Brgy. 66 Anibong
Tacloban City

Mahal kong kaibigan;

Nabalitaan ko ang nangyaring sunog sa inyong barangay na dahilan na ikinasawi ng iyong


kapatid. Taos puso akong nakikiramay sa iyo at sa iyong pamilya sa trahedyang di inaasahan.
Sana ay magpakatatag kayo. Ito ay pagsubok lamang sa inyong pamilya. Lagi mong tatandaan
na naririto lamang ako kung nais mo ng kausap maging sa pinansyal na tulong ay handa akong
tumulong sa abot ng aking makakaya. Sa paraang ito sana ay maipakita at maiparamdam ko ang
aking pakikidalamhati sa nangyari.

Sa aking panalangin ay lagi kang kasama.

Ang tapat mong kaibigan,

ELANIE D. SARANILLO
Brgy. 66-A Anibong
Tacloban City, Leyte
November 24, 2019

Gng. Norilyn H. Gososo,


Tacloban City Night High School
Tacloban City, Leyte

Mahal na Ginang;

Ako po ay dati niyo pong mag-aaral, nagtapos po ako noong 2019. Sumulat po ako sapagkat
nais ko pong itanong kung ang aming diploma ay maaari na po bang makuha sapagkat ito po ay
gagamitin ko sa aking pag-aapply sa trabaho. At kung may kailangan pa po bang mga papeles
para sa pagkuha ng aking diploma.

Sana ay mabigyan niyo po ng pansin ang aking katanungan.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

ELANIE D. SARANILLO
BIBLIOGRAPIYA

https://brainly.ph/question/1398648

https://brainly.ph/question/802496

https://tl.businessemt.com/84-info-8719821-letter-enquiryl-31025

https://tl.routestofinance.com/1485-letter-of-appreciation-for-help-at-work-examples-
2059552-585997

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/101991409

https://www.answers.com/Q/Halimbawa_ng_liham_paghirang

https://www.coursehero.com/file/35905289/LIHAM-NG-PAGBIBITIW-SA-TRABAHO-FIL-
Gr1docx/

https://www.coursehero.com/file/40704484/LIHAM-PAGTATANONG-1docx/

https://www.scribd.com/doc/47867260/LIHAM-PAKIKIRAMAY

https://www.scribd.com/doc/97901897/LIHAM-PANGUNGULEKTA

https://www.scribd.com/document/237394084/LIHAM-PAANYAYA

https://www.slideshare.net/mariejajaroa/liham-pangangalakal-58514097

You might also like