You are on page 1of 18

St. Francis Academy of Paranaque Inc.

Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

Layunin:
A. Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa isang isyu

B. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa, layon, tono,
pananaw, paraan ng pagkasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, at pagbuo ng
pangungusap

C. Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginamit sa mundo ng multimedia

D. Naiuugnay ang temang tinalakay na panitikang popular sa temang tinalakay sa


napanood na programang pantelebisyon o video clip

E. Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik F. Nagagamit


ang iba‘t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita,
komentaryo, at iba pa.

G. Nagagamit sa iba‘t ibang sitwasyon ang mga salitang ginamit sa impormal na


komunikasyon (balbal, kolokyal, lalawiganin, banyaga)

Sanaysay: Teknolohiya Noon at Ngayon

Teknolohiya ang paraan upang mapadali ang buhay natin. Ito rin ang masasabing paraan
ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina at iba't ibang processo na
makatulong sa gawain ng isang tao.

Noon hindi pa gaanong maunlad ang teknolohiya. Kaya maraming mga gawain na
ginagawa ng processong manomano. Halimbawa: Sa pagluluto . Noon ginagamitan pa ito
ng Kahoy at sinsindihan upang makakapagluto.ngunit sa kalikutan ng pag iisip ng mga
tao iniimbento nila ang Rice cooker, Micro wave at iba pang kasangkapan sa pagluluto
kaya mapadali na ito ngayon.

Bukod sa mga kasangkapan, naimbento rin ang Washing Machine para sa paglalaba at
higit sa lahat cellphone at computer upang mapadali ang pag komunikasyon sa tao.

1|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

Noon ang mga aaral ay hirap sa pag aaral dahil wala pang computer. Nagbasabasa o nag
Scan ng mga libro sa librarya upang makahahanap ng mga sagot o katanungan. Pero
ngayon sa pag imbento ng cumputer, mapapadali ang pag kuha ng mga impormasyon.

Kung sociology ang pag-uusapan ay bagsak na ang grado ng mga kabataan ngayon.
Inagaw na kasi ng computer games ang panahon nila na para sana sa interaksyon nila sa
kapwa. Ang computer na lang ang kaya nilang i-manipula at hindi na nahuhubog ang
kakayahan nila para i-manipula ang kapwa bata. Wala na ang batayang antas ng pag-
unlad ng isang lider.

Kaya bilang isang mag aaral, hindi lamang Maganda ang idulot ng teknolohiya sa atin
kundi may idudulot din itong masama kong hindi natin ito gagamitin ng maayos. Kahit
mag daan ang mga taon ang Teknolohiya ang mag bibigay daan upang uunlad at aangat
sa ating lipunan. Anu’t ano pa man ang hatid sa atin ng makabagong teknolohiya, ang
pangunahing halaga nito ay ang pagpapahusay ng ating mga sarili at pag-gamit nito para
din sa ikauunlad ng iba.

A. Pakinggang mabuti ang sanaysay na babasahin ng guro. Pagkatapos, ibigay ang


kahulugan ng mga salitang ginamit dito na may salungguhit sa bawat pangungusap. Piliin
ang sagot sa ibaba.

a. eksperto sa teknolohiya

b. isang pandaigdigang network ng kompiyuter na ginagamit sa pakikipag-ugnayan at


nagbibigay ng iba‘t ibang impormasyon

c. dito kinukuha at ipinakikita ang mga pahina ng web at iba pang resources sa users

d. isang lohikal na direksiyon na magpapakilala sa pinagkukunan sa Internet

e. kombinasyon ng kompiyuter at iba‘t ibang uri ng teknolohiya na may audio at visual

2|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

1. Gumagamit ang guro ng multimedia sa pagtuturo upang higit na maunawaan ng mga


mag-aaral ang kaugnayan ng kaniyang aralin sa lipunan.

2. Mas madali na talaga ang pagkikipag-ugnayan sa malalayong kamag-anak at pamilya


kung may Internet.

3. Gamitin ang web browser kung may nais saliksikin.

4. Kopyahin mo ang URL bilang sanggunian mo sa iyong pananaliksik.

5. Tinatawag siyang techie sa aming paaralan dahil kung anong labas na bago sa gadgets
ay mayroon siya.

B. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang ayon sa detalye ng napakinggang sanaysay. Isulat
sa patlang ang tamang sagot.

1. Ito ang makabagong katawagan sa iba‘t ibang kagamitang panteknolohiya.

2. Ito ang tawag sa proseso ng pagkopya ng isang dokumento patungo sa panibagong


dokumento.

3. Ito ay isang uri ng kompiyuter na maaaring dalhin kahit saan.

4. Ito ay ginagamit sa pagtawag na hindi nangangailangan ng linya.

5. Ito ang kadalasang ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan bilang katumbas ng


bolpen at kuwaderno.

C. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong upang makabuo ng makabuluhang


sagot.

1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang teknolohiya sa panahon ngayon?

2. Paano naging kasangkapan ang teknolohiya sa paglinang ng kasanayan ng mga mag-


aaral?

3. Batay sa akdang napakinggan, makipagpalitan ng opinyon sa katabi hinggil sa


pinapaksa nito. Pagkatapos na marinig ang opinyon ng kamag-aral ay magbigay ng
reaksiyon tungkol sa kaniyang naging opinyon sa isyung pinag-uusapan.

3|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

4. Nakatulong ba sa iyo ang pakikipagpalitan ng opinyon sa paksang pinag-uusapan sa


pinakinggang sanaysay upang higit mong mapa-lawak ang iyong pang-unawa?

5. Sa kabuuan, ano ang pinakamabisang paraan sa pagbibigay ng reaksiyon sa naging


opinyon ng iyong kausap?

Pagsusuring Pampanitikan:

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling kuwento. Walang


nakatitiyak ng angkop na haba nito ngunit sinasabing hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento. Ayon kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon pa ng
Kastila. Ngunit lumipas ang panahon nagbabago ang anyo ng dagli mula sa pahayagan.
Nang pumasok ang social media sa bansa ay nagkaroon ng transpormasyon ang
katawagan ng dagli. Ang iba ay tinatawag itong anekdota, slice-of-life, at iba pa. Sa bansa,
naging sikat sa mga kabataan ang Wattpad at sa matatanda naroroon pa rin ang
pagkahumaling sa pagbasa ng dagli o kuwento sa mga pahayagan.

Akdang Pampanitikan:

Hindi pa Huli ang Lahat

Ni M.L. Ipong

“Sam, gumising ka na! Anong oras na, mahuhuli ka na sa klase mo. Pambihira, ganito na
lang ba tayo parati? Lagi ka na lang ganiyan! Ano ba? Gising na!“Tuwing umaga ganito na
ang maririnig mo sa bahay. Lagi na lamang nagagalit si Nanay dahil sa ugali ng aking kuya.
Eh kasi ba naman tulog mantika si kuya dahil magdamag naglalaro ng DOTA. Hindi ito
alam ni Nanay dahil ang buong pag-aakala niya ay pag-aaral ang inaatupag ni Kuya dahil
nga enhinyero ang kursong kinukuha sa kolehiyo

“Oo na po. Gigising na po ako,“ ganiyan rin ang lagi niyang sinasagot. Kapag narinig na ni
Nanay ang ganitong tugon ni Kuya ay aalis na siya upang magtinda na sa palengke. Kayod
kalabaw ang ginawa ng aming ina dahil maagang pumanaw si Ama.

4|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

Dalawa kaming kaniyang pinag-aaral at nag-iisa lamang siya. Buti na nga lamang at may
pensiyon ang aking ama kaya ‘yon ang naging pandagdag na pambayad sa matrikula
naming dalawa ni Kuya.

Ako naman ay nagsisikap sa pag-aaral sa elementarya para matuwa naman ang aking ina.
Tuwing walang pasok ay nasa tindahan ako sa palengke at tinutulungan ko ang aking ina
sa pagtitinda. Samantalang si Kuya ay nag-aaral ng kaniyang leksiyon sa bahay dahil
mahirap ang kursong enhinyero. Magaling sa matematika ang kuya ko.

Iyon nga lang ang isa sa kahinaan niya ay noong matuto na siyang maglaro ng DOTA at
nagkakapera siya rito dahil sa paglalaro.Isang araw, iniabot ni Kuya ang kaniyang kard
kay Inay. Tiningnan ni Nanay ang kaniyang kard at nalungkot nang makitang bumaba ang
marka nito sa lahat ng asignatura.

Tinanong niya si Kuya at ang sinabi niyang dahilan ay nahihirapan lamang siya. “Hayaan
po ninyo, Inay at babawi ako“ ang sabi ni Kuya. “Sige, Anak, aasahan ko iyan ha.

Mahirap ang buhay ngayon. Kapag nahirapan ka at hindi mo naunawaan ay magtanong


ka sa iyong guro.“ “Opo, ‘Nay, ako na po ang bahala.“ Nang marinig ito ni Ina ay umaliwalas
ang kaniyang mukha. “Mabuti naman kung ganoon, Anak.

Ang makapagtapos ka ng pag-aaral at magkaroon ng sapat na edukasyon ang tangi ko


lamang maipamamana sa iyo. Alam mo kung gaano kahirap ang buhay.“ Hindi umimik si
Kuya at pumasok na sa kaniyang silid. “O, ikaw mag-aaral ka ring mabuti ha,“at tinapik ni
Ina ang aking balikat. Pumasok na siya sa kaniyang silid at nagpahinga.

Ang akala ni Ina ay tutuparin ni Kuya ang kaniyang pangakong magsisikap sa pag-aaral.
Sa hindi inasahang pangyayari ay nakasalubong ni Nanay ang guro ni Kuya na kakilala
niya. Tinanong niya si Nanay kung ano ang nangyayari sa aking kuya dahil matagal na raw
itong hindi pumapasok sa paaralan. Nagulat si Ina sa sinabi ng guro at sumagot ng, “Maaga
po ‘yon umaalis ng bahay. Saan siya pumupunta kung hindi siya pumapasok sa paaralan?“

“Iyon nga po ang ipinagtataka ko kasi hindi siya ganiyan noon. Masigasig sa pag-aaral at
magaling. Ito po ay sinabi ko sa inyo para malaman ninyo kung ano po ang nangyayari sa
kaniya,“ ang tugon ng guro.

5|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

Halos himatayin si Ina nang marinig ito mula sa guro ni Kuya. Ngunit nais niyang
malaman mula kay Kuya ang katotohanan.Dumating si Kuya na gabing-gabi na. Nagulat
siya nang makita kaming hindi pa tulog at nag-aabang sa kaniya. “Bakit ngayon ka lang?
Hind ba maagang natatapos ang klase mo?“ Ang umpisang tanong ni Ina

Eh ‘Nay, kasama ko po mga kaklase ko. Nagkaroon po kami ng group study.“

“Group study? Ano ‘tong nalaman ko na hindi ka na raw pumapasok sa paaralan? Totoo
ba ito?“

“‘Nay, may group study po talaga kami. Malapit na po kasi ang aming pagsusulit.

“Ah, ang ibig mong sabihin nagsisinungaling ang guro mo sa akin ganoon ba?“

“Pumunta po kayo ng paaralan? Bakit naman po ganoon ‘Nay!“

“Hindi ako pumunta ng paaralan. Nagkataong nagkita kami ng guro mo at sinabi niya sa
akin ang nangyari sa iyo!“

Mangiyak-ngiyak na si Ina. Si Kuya ay hindi malaman ang gagawin at sukol na sukol na


siya kung siya ay magsisinungaling.“

‘Nay, patawarin po ninyo ako. Humahagulhol na sa pag-iyak si Kuya.

“Totoo lahat ang narinig ninyo.“ Nagimbal si Ina sa pag-amin ni Kuya sa katotohanan.

“Nalulong po ako sa paglalaro ng DOTA. Ang inaakala po ninyong nag-aaral ako sa aking
silid ay hindi po; naglalaro po ako ng DOTA. Nasisiyahan po ako sa paglalaro nito lalo na
noong simulan kong sumali sa tournament at nananalo po kami. Nakalimutan ko na po
ang aking tungkulin sa pag-aaral. Patawarin mo ako,

‘Nay!“Matagal na hindi nakakibo si Ina sa narinig. Patuloy sa pag-iyak si Kuya. Nakikiiyak


na rin ako sapagkat naaawa ako kay Ina samantalang galit ako kay kuya dahil hindi siya
nakahindi sa tuksong umakit sa kaniya sa kasalukuyan.

“Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa iyo!“

‘Yon ang mga huling salita na lumabas sa bibig ni Ina.

6|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

Pumasok na siya sa kaniyang silid. Tiningnan ko lamang si Kuya at sinundan ko si Ina sa


kaniyang kuwarto. Napasigaw ako nang makitang nakahandusay sa kaniyang silid si Ina.

“Inay! Inay, gumising ka! “Tulong... tulong!“ Sumaklolo si Kuya.

Nadala namin si Ina sa ospital sa tulong ng mga kapitbahay. Sinabi ng doktor na mabuti
na lamang at hindi tumama ang kaniyang ulo sa sahig. Kailangan lamang ni Ina
magpahinga sa ospital dahil sa tumaas ang presyon ng dugo nito.

Iyak nang iyak si Kuya. Sa pag-aalala sa kalagayan ng aming ina, nangako si Kuya, “

‘Nay, magbabago na po ako. Ititigil ko na po ang kahibangang pinasukan ko. Mag-aaral na


ako nang mabuti. Lilimitahan ko na ang paggamit ng kompiyuter. Patawarin mo ako,
‘Nay.“

“Anak, alam mo ang layunin kung bakit kita pinag-aaral kahit mahirap ang buhay natin.
Huwag mong sayangin ang pagkakataon. Huwag mong hayaan na pagkakataon pa ang
umayaw sa iyo. Pagsikapan mong bumangon at iwasan mo na ang pagkalulong sa laro na
iyan. Hindi pa huli ang lahat upang magbago. Nais kitang makitang matagumpay sa buhay
bago ako lumisan sa mundong ito.“

“Opo, ‘Nay! Gagawin ko po ang lahat ng sinabi ninyo. Hindi pa po huli ang lahat upang
gawin kong tama ang aking pagkakamali.

“Simula noon ay nagbago nga si Kuya. Nagsikap siyang bumangon at iniwasan na ang
paglalaro ng DOTA kahit ano pa mang pilit ng kaniyang mga kaibigan. Ngayon, isa na
siyang matagumpay na enhinyero at masaya si Ina dahil nakita niyang matagumpay na si
Kuya. Kaya ngayon, si Kuya na ang nagpapaaral sa akin dahil ito ang pangako niya kay
Ina.

7|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

Pagtataya

A. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa patlang.

a. isang pagsubok sa tao upang gumawa ng isang kamalian o kasalanan

b. isang uri ng laro sa kompiyuter na kinahuhumalingan ng kabataan sa kasalukuyan

c. isang kagamitan na naglalaman ng kaisipang maaaring maihalintulad sa isipan ng tao

d. intensiyon o bagay na minimithi ng puso ng tao

e. isang kagamitan o proseso na makatutulong sa tao

1. Nalulong siya sa paglalaro ng DOTA kaya naman nawalan siya ng ganang mag-aral.

2. Sa larangan ng pagtuturo ginagamit ang teknolohiya upang mas lalong maganyak ang
mga mag-aaral na matuto.

3. Bumili siya ng bagong kompiyuter sa kanilang bahay upang makatulong sa pag-aaral


lalo na sa mga proyektong gagawin.

4. Alam mo ang layunin kung bakit kita pinag-aaral.

5. Isang tukso sa mag-aaral na ipagpalit ang pag-aaral sa paglalaro ng video games.

B. Basahing mabuti ang mga tanong upang makabuo ng lohikal na sagot.

1. Paghambingin ang akdang “Hindi pa Huli ang Lahat“sa iba pang akdang nabasa mo na
ayon sa sumusunod:

a)Pananaw — Ito ay opinyon o ideya ukol sa paksa.

b)Layon— Ito ay tumutukoy sa mga kaisipang nais sabihin ng may-akda sa mga


mambabasa.

c)Paraan ng Pagkakasulat — Ito ay estilo ng pagkakasulat kung ito ba ay naglalarawan,


naglalahad, nangangatuwiran, o nagsasalaysay.

d)Paksa— Ito ay pinakapinag-uusapan sa teksto.

8|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

Paksa

Pananaw

Layon

Paraan ng Pagkakasulat

2. Paano naging kasangkapan ang teknolohiya sa pagpapalawak ng mga popular na


babasahin sa kasalukuyang panahon?

Ang Pangangalap ng Datos

Ang pangangalap ng datos ay ang paghahanap ng batayan o sanggunian ng impormasyon


upang maging matibay ang ilalatag na mga impormasyon sa isang paksa.

Pananaliksik at Pagpaplano ng Paksa

Ang pananaliksik at pagpaplano ng paksa ay hindi madaling gawain. Ito ay


nangangailangan ng oras upang makalikom ng impormasyon na maaaring magamit sa
pagbuo nito. Sa madaling salita, ang manunulat ng mga ganitong akda ay kinakailangan
maging mahusay at mabisa sa pangangalap ng datos upang ang kaniyang isinulat ay tunay
na kapupulutan ng impormasyon ng mga mambabasa.

Mga Hakbang sa Pangangalap ng Datos

1.Pananaliksik ng Paksa — Ang pagbabasa ang isa sa mga pinakama-bisang paraan ng


pananaliksik upang makakuha ng mahahalagang impormasyon o datos na magagamit
bilang paksa. Karaniwan sa mga binabasa ay ang aklat, artikulo, pahayagan, magasin, at
iba pa. Maliban sa pagbabasa, maaari ding makakuha ng impormasyon sa mga eksperto
sa paksang nais talakayin sa talumpati. Ang mga karanasan ng mga dalubhasa kung
minsan ay nakatutulong nang malaki sa paksang iyong tatalakayin. Malaking tulong din
ang pagkakaroon ng Internet kung saan karamihan ng iyong kakailanganing
impormasyon ay naroon na.

2. Pagbuo ng Tesis — Matapos makalikom ng mga datos mula sa pananaliksik ay maaari


nang bumuo ng tesis o pangunahing kaisipan mula sa paksang tatalakayin. Ang tesis ay

9|Pahina ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

tumutukoy sa diwa o sa kung ano ang nais na iparating ng mananalumpati sa kaniyang


mga tagapakinig depende sa kaniyang layunin.

3.Pagbatid sa Pangunahing Kaisipan o Punto — Matapos na makapagdesisyon ang


mananalumpati ng pangunahing kaisipan, maaari niya nang alamin ang mga pangunahing
ideya o puntong magsisilbing batayan ng kaniyang talumpati.

Bumuo ng balita mula sa estratehiyang ginamit sa pangangalap ng datos.

1. Gamitin ang mga nakalap na impormasyon sa isinagawang paghahambing


2. Bumuo ng simpleng balita tungkol sa epekto ng teknolohiya sa kabataan.
3. Gawing batayan ang iyong naoobserbahan sa iyong mga kaklase upang maging
mas mabisa ang gagawing balita.

10 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

11 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

12 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

13 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

14 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

15 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

16 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

Banyaga — Ito ang mga salitang ginagamit natin o mga terminong hiniram dahil
naging International na katawagan na ito tulad ng lamang ng mga terminong pang-
agham, simbolong pangmatematika, teknikal, at iba pang salitang walang
panumbas sa wikang Filipino.Mga halimbawa:x-ray, infrared, iron, neuron,
taekwondovisa, pizza, wasabe, tempura, jaywalking
Pagtataya:
A. Tukuyin kung balbal, kolokyal, lalawiganin, o banyaga ang mga salitang
may salungguhit sa diyalogo. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
1. Karla : Ang ganda naman ng suot mong damit.
Dian, imported ba iyan?
2. Dian : Dehins ‘te, yaring Pinas lamang ‘to.
3. Karla : No istir. Totoo,
4. Karla : local lang ‘yang damit mo?
5. Dian : Bakit? Elibs ka ‘no?

17 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO


St. Francis Academy of Paranaque Inc.
Kagawaran Ng Filipino
Modyul Sa Filipino 8
Aralin 1 Ikatlong Markahan

6. Karla : Hindi naman, batid ko namang ang ating mga kababayan ay may
ginintuang mga kamay sa paghugis at paglikha ng mga produktong puwedeng e-
export.
Dian : Para kang si Balagtas na may matatas na wika.
7. Karla : Di naman, napintas lang silang gumawa.
Dian : Teka, lumalabas na naman ang pagiging Ilokano mo.
8. Karla : (kakamot ng ulo) Agawed ‘tan.
9. Dian : Ok, lets go na, baka kung saan pa mauwi ang ating usapan. Nag-aalala na
ngayon ang aking ina.
10. Karla : Sige, tara na!

B. Bigyang-tugon ang bawat sitwasyon sa ibaba gamit ang mga impormal na


salitang hinihingi rito.

1. Bumisita ka sa iyong pinsan sa lalawigan. Ipinakilala ka niya sa kaniyang


kaibigan. Gusto nitong makipaglaro sa iyo ng basketbol.
Ano ang itutugon mo sa kaniyang paanyaya? (Balbal)

2. Dumating ang iyong tiyuhin mula sa Amerika. Kasama niya ang iyong mga
pinsan na noon mo lamang nakita. Paano mo sila kakausapin upang maintindihan
ka nila? (Banyaga)

3. Pinabibili ka ng iyong ina ng 5 kilong isda sa palengke. Ano ang sasabihin mo sa


tindera upang malaman mo kung magkano ang kilo ng isda? (Lalawiganin)

4. Papunta ka ng tindahan. Nakita mo ang iyong kaibigan kasama ng mga kaibigan


nito sa kalye. Ano ang sasabihin mo sa kaniya? (Kolokyal)

5. Nais mong magpabili ng bagong cellphone sa iyong ina. Paano mo ito sasabihin
sa kaniya? (Kolokyal )

18 | P a h i n a ROBERT IAN UGALE VIRAY, LPT, MAED-FILIPINO

You might also like