You are on page 1of 7

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON IV-B MIMAROPA
DIBISYON NG PUERTO PRINCESA

PALAWAN NATIONAL SCHOOL


LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA

Pamanahong Papel

sa

EPEKTO NG MODERNONG TEKNOLOHIYA SA PAGBABAGO NG


KULTURA NG MAG AARAL NG PALAWAN NATIONAL SCHOOL
na ipinasa kay
Ginoong, Jearson C. Flores
Humanities and Social Sciences
Palawan National School
Oktubre 17, 2019

sa
bahagyang katuparan
ng mga kinakailangan sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Trent Riley M. Esa , Roycin R. Canlas, John Leonard M. Esteves,


Prince Jelu Hilnorbert B. Nacasi, Abyelle Tenasas
Karen D. Gabinete, Ivy Garcia, Jonna B. Oblan

Science Technology Engineering and Mathematics


Baitang 11 - 8
BUOD

Ayon sa isinagawa na pananaliksik, naipakita na malaki ang epekto ng


makabagong teknolohiya at ang pag usbong nito sa mga kamag aaral tulad namin lalo
na sa mag aaral ng Palawan National School.
Hindi inaasahang mahigit karamihan ng mag aaral nito ay talagang na epektohan
sa daloy ng makabagong dalawamput isang siglo pag dating sa pag aaral, gawi, asal,
at marami pang iba.
Inaasahan at umaasa din hindi lang ang mga estudyante, pati na rin ang mga guro
at magulang ng mga mag aaral na humahanap ng mga mabisang paraan para
malutasan ang nasabing problema.

1
TALAAN NG NILALAMAN

BUOD______________________________________________________________1

I. PANIMULA.............................................................................................................. 3

II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA................................. 4

a. Pamumuhay sa Ika Dalawmput Isnag Siglo____________________________4

b. Mag-aaral ng Palawan National School________________________________4

c. Epekto at Dulot ng Makabagong Teknolohiya sa Mag aaral ng Palawan


National School______________________________________________________5

III. DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANLIKSIK..................................... 6

KUWESTIONARYO_________________________________________________6

2
Pamanahong Papel

sa

EPEKTO NG MODERNONG TEKNOLOHIYA SA PAGBABAGO NG


KULTURA NG MAG AARAL NG PALAWAN NATIONAL SCHOOL

I. PANIMULA

Sino ba ang hindi mag papasalamat sa ating kinagisnang modernong pamumuhay?


Dahil dito, napadali ang pamamaraan natin sa pang araw araw o di kaya napadali ang
ating pamumuhay. Sa kabilang pananaw naman ay nag sisisi ang iilan sa pag dating
nitong makabagong siglo.

Dahil ba na tuluyang nababago ang kulturang pilipino? Sa ano anong mga paraan?
Malalaman ang mga kasagutan nito sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Sa
paraang makakatulong ito sa pag lulutas ng problema kung mayroong itong mga
posibleng problema, at mamulat ang mga mata natin sa posibleng pagbabago ng ating
kultura at tuluyang mahinto ang pagbabago nito.

3
II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

a. Pamumuhay sa Ika Dalawmput Isnag Siglo

Itong siglo ay mas kilala sa pagbungad ng makabogong teknolohiyang dala nito.


Umumpisa ang lahat simula ika dalawamput siglo, pero mas napabuti ang pag gamit
ng teknlohiya sa sumunod na siglo.
Dahil sa buhat nitong makabagong teknolohiya, napadali ang pamamaraan ng
pang araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Tulad nalang sa pagluluto, hindi na
kelangan mag palingas at masagabal ng dala nitong usok, ngayon kuryente nalang ang
katapat nito. Sa paglalaba, isasalang nalang ang mga damit at matapos ang ilang
minuto pwede na ito sampayin o di kaya tupiin. Marami pang ibang paraan ang
napadali dahil sa makabgong teknolohiya, lalo na sa pag aaral.
Maraming nag sasabi na upang makasagawa ng pananaliksik ang isnag
estudyante, kelangan nitong pumunta sa isang silid aklatan upang makakalap ito ng
mga sapat na impormasyon. Ngayon, sa ngalan ng pag pindot ng ating mga kamay sa
ating mga gadgets napapdali ang ating pag aaral.

b. Mag-aaral ng Palawan National School

Bilang mag aaral ng nasabing paaralan, hindi maiwasan ang pagbibigay ng mga
guro ng mga takdang aralin sa mga group chat ng mga social media platforms tulad
ng messenger. Lalo na sa araling Empowerment Technology at iba pang aralin na
gumagamit ng mga computer ay hindi talaga maiwasan ang pag gamit ng mga ito.
Napapadali rin ang pag kwenta ng mga grado ng bawat estudyante dahil
gianagamitan ito ng mga platapormang pag mamay ari ng microsoft tulad nalang ng
Excel. Power Point at Word naman ang nangunguna pag dating sa pag gawa ng mga
proyekto at takdang aralin ng mga estudyante. Pag dating naman sa matematika,
napapabilis ang pagsagot ng mga problemang pang matematika sa tulong ng iilang
applications tulad ng MalMath at Photo Math.
Maraming natutulong ang makabagong teknolohiya sa pag aaral ng mga
estudyante ng Palawan National School.

4
c. Epekto at Dulot ng Makabagong Teknolohiya sa Mag aaral ng Palawan
National School

Maraming nagbago sa pagdating ng makabagong siglo, tulad nalang ng mga


bagong nausong mga kanta, pag tanggap ng bagong kasarian, at marami pang iba.
Ang mga pagbabagong mga ito ay nag dulot ng malaking pagbabago sa kultura ng
bawat isa.
Umpisahan natin sa mga uso uso. Nangunguna dito ang kategorya ng kanta ng
mga koreano, sa sobrang paghanga ng iilang mga estudyante pati na rin ang wika ng
mga ito ay nagagaya na nila tila tuluyang nakakalimutan ang kinagisnang wika. Halos
lahat ng mga estdyante ay nag aari ng sinasabing mga gadgets tulad ng smart phones,
tablets, laptops, at iba pa. Halos lahat din ay mayroong Facebook accounts kung
saan dito nila nakikita ang mga uso at mga bagong balita totoo man o hindi. Dumating
ang mga salitang sana all, share mo lang?, flex ko lang, na ginagamit ng karamihan
pati na rin sa pakikiag usap. Dumating rin ang mga salitang beki language o yung
mga salitang ginawa at ginagamit ng mga kababayang hindi lang ang mga kabilang sa
LGBT, pati na rin hindi tulad ng mga salitang char na ibig sabihin ay biro lamang,
chaka o pangit, gora bells o nagunguhulugan na tara na.
Ang bawat isa na may social media accounts ay may karapatan na sabihin o
ipadama lahat ng nananais ng bawat isa, kaya’t maraming pwede makita na nilalaman
tulad ng mga pagpaparinig, pagpapasalamat, pag aaway, labasan ng sama ng loob, at
mga kontento na hindi ka aya aya si iilang netizen. Netizen ang tawag sa mga taong
napapabilang sa pag mamayari ng social media accounts. Ang mga asal at gawi na ito
sa mga ganitong plataporma ay nadadala ng mga kabataan sa kanilang totoong
pamumuhay lalo na sa bahay o sa pamilya na minsan ay nag dudulot ng di pag
uunawaan na nauuwi sa pag aaway.
Bilang estudyante na napapabilang dito, nahihirapan na rin kami sa pag gamit ng
sariling wikang atin dahil a pag aaral ng ibat bang wika. Oo, nagagmit natin ang
wikang filipino sa pananalita, pero pag dating sa pag sulat ng akademikong panunulat
tulad ng pamanahong papel na ito, medyo nahihirapan kami sa pag buo ng mga salita
at pangungusap na nilalaman nito, tuluyan nga nagbago ag kultura ng bawat isa sa
atin.

5
III. DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANLIKSIK

Isang ordinaryong pagsasagawa ng siyasig at kuwestiyonaryo simula baitang


7 hanggang 10 ng JHS, at 11 hanggang 12 ng ibat ibang mga kurso ng SHS.

KUWESTIONARYO

1. Ano sa palagay mo ang dulot ng makabagong teknolohiya sa iyong


pag aaral o di kaya sa iyong pang ara araw na pamumuhay?

2. Ano ano ang epeko nito sayo? Kung meron, bakit?

Kung may masamang epekto ito sayo, magtala ng magandang sulosyon


para malutas ang nasabing problema.

You might also like