You are on page 1of 5

Epekto ng Social Media sa Kulturang Iloko sa mga Mag-aaral sa Strand ng STEM,

sa Senior High School – Saint Mary’s University sa Baitang-11

Sa modernong panahon, ang ating lipunan ay labis na interesado sa social media. Dagdag
pa dito noong nagkapandemya kung saan ang karamihan ng mga Pilipino ay umaasa sa mga
social media platforms na nagbibigay serbisyo sa mga tao. Ilan sa mga binibigay na serbisyo nito
ay ang pakikipag-usap, paggawa ng mga pang araw-araw na gawain gaya ng mga delivery
services na nagbibigay serbisyon sa mga tao na hindi kaya lumabas ng bahay at ang gamit na
transaksyon ay social media. Dahil dito, nakakaapekto ang nakasanayang kultura ng mga
Pilipino lalo na at may pagusbong ng teknolohiya sa bansa. Ang papel ng social media ay
gumaganap bilang isang tagapaghatid ng mga impormasyon kung saan ang pangunahing gamit
ay ang wikang Tagalog at Ingles. Madalas sa mga kabataan ngayon, ang mga nakikita at
naririnig sa kanilang napapanood ay nagagaya na din nila. At mula noon, sa kalaunan ay
pinagbuti nila ang wikang alam nila noong bata pa sila at dinadala ang kaalamang iyon sa mga
susunod na henerasyon.

Iloko ang pangunahing wika ng ilang hilagang bahagi ng bansa kung saan ito ay unti-
unting nawawalan ng pagkilala sapagkat ang social media ay una sa mga nagiimpluwensya sa
mga tao. Ang mga pangunahing lalawigan ng Ilokano, ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union,
ay kabilang sa mga lugar na may pinakamataong populasyon sa Pilipinas. Palay ang
pangunahing pananim, na itinatanim sa maliliit na bukurin at nadidiligan ng ulan sa panahon ng
tag-ulan. Ang mga gulay at baboy, kambing, at manok ay inaalagaan din. Ang tabako ay isang
mahalagang pananim sa salapi. Maraming Ilokano ang nakakadagdag sa kanilang kita sa
pamamagitan ng sahod sa trabaho o mga handicraft.

Ang mas mayayamang pamilya ay karaniwang naninirahan sa mga lungsod at bayan. Sa


tuwing may kasalan ay karaniwang isinasaayos ng Mabuti upang mapanatili ang linya ng klase
sa lipunan. Karamihan sa mga Ilokano ay Romano Katoliko. Ang mga Ilokano ay matatagpuan
sa Hilahang Luzon at iba pang bahagi ng Gitnang Luzon. Sinusunod nila ang mga tradisyon at
may kakaibang kultura. Ngunit ang modernisasyon at ang pagsulong ng agham at teknolohiya ay
nagdulot ng mga pagbabago sa mamamayang Pilipino, partikular sa mga Ilokano at kanilang
mga tradisyon, katulad ng kung paano nila isinagawa at patuloy na isinasagawa ang ilang mga
kultura ng dayuhan

Ang terminong “Social Media” ay tumutukoy sa isang sistema ng komunikasyon kung


saan ginagamit ito ng ibang indibidwal sa pakikipagbahagi ay pakikipahpalitan ng kaalaman at
ideya sa pamamagitan ng mga online at network (Erni, 2014). Sa modernong panahon, ang ating
lipunan ay sa social media lalo na noong nagkapandemya kung saan ang karamihan ng Pilipino
ay umaasa sa mga social media platforms na nagbibigay serbisyo sa mga tao. Ang positibong
epekto ng social media sa kultura ng iloko ay na maari nilang ibahagi at ipalaganap ang kultura
sa iba, at kumilos din bilang isang ur ng cultural preservative. Maari itong makaakit ng mga tao
na pumunta at maranasan ang karialagan ng kulturang Ilokano.

Sa kabilang banda, maraming mga iba’t ibang mga kultura at gawain ang mga Iloko,
mahalga sa kanila ang mga ito dahil bahagi ito ng kultura sa bansa, gaya ng paggalang sa mga
matatanda, ang pagtulong sa kapwa na walang buwis (bayad), mga tradisyong pagkain galing sa
Iloko, at ang kanilang mga kasabihan na “hindi malilimutan kung saan tayo naggaling” at
marami pang iba. Tayo na ay nawiwili sa paggamit ng social mediana tayo’y nakakalimot na rin
kung ano ang mga kultura at tradisyon.

Ang terminong “Social Media” ay tumutkoy sa isang sistema ng komunikasyin kung saan
ginagamit ito ng ibang indibidwal sa pakikipagbahagi at pakikipagpapalitan ng kaalaman at
ideya sa pamamagitan ng mga online at network (Erni, 2014). Sa modernong panahon, ang ating
lipunan ay sa social media lalo na noong nagkapandemya kung saan ang karamihan ng mga
Pilipino ay umaasa sa mga social media platforms na nagbibigay serbisyo sa mga tao. Ang
positibong epekto ng social media sa kultura ng iloko ay na maari nilang ibahagi at ipalaganap
ang kultura sa iba, at kumilos din bilang isang uri ng cultural preservative. Maari itong makaakit
ng mga tao na pumunta at maranasan ang karilagan ng kulturang Ilokano.

Paglalahad ng Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:


a) Natutukoy ang epekto ng wikang Gen-Z sa komunikasyon ng mga mag-aaral ng Grade
11 Senior High School Saint Mary’s University sa kasalukuyang panahon.
b) Natutukoy ang wikang Gen-Z at kung paano ito nagagamit sa kasalukuyan.
c) Natutukoy ang kaalaman ng mga mag-aaral ng Grade 11 Senior High School Saint
Mary’s University tungkol sa pagsibol ng wikang Gen-Z sa kasalukuyang panahon.
(Galapon, Angelica Jane)

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tutuon sa paghahanap ng mga salik na nakapagpabago at paano


nito naimpluwensyahan ang ebolusyon ng wika sa Pilipinas sa sosyo linggwistiko ng pananaw.
Sa pagbabago ng panahon ay nagbago rin ang estilo at paraan ng paggamit ng wika. Malaki ang
naging epekto ng teknolohiya lalo na sa mga kabataan dahil may mga naimbentong makabagong
wika. Ang mga respondents ay ang mga piling mag-aaral ng Grade 11 Saint Mary’s Senior High
School na kabilang sa mga gumagamit ng Wikang Gen – Z ay inaasahang makapagbigay ng
impormasyon na makakatulong sa pananaliksik upang malaman kung paano nakaapekto ang
pag-usbong ng makabagong wika sa kasalukuyang panahon. Ang nakasaad na mga layunin ng
pag-aaral ang tanging sasagutin ng pag-aaral na ito. . (Ignacio Viveryly, Luna Chyna, Galapon,
Angelica Jane)

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat maaari nitong mapaunlad o mapanatili ang kultura ng
mga taga nabuan para sa lalong tiyak na halaga nito, ito ay may kabuluhan para sa mga
sumusunod:

a) Sa mag-aaral – Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mas unawain at pahalagahan pa nila


ang kahalagahan ng Filipino at malaman kung dapat ba nilang sanayin ang kanilang sarili
sa paggamit ng wikang Gen-Z
b) Sa paaralan – Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay impormasyon at magbigay
linaw sa lahat tungkol sa nararapat na gamiting wika lalo na sa loob ng paaralan.
c) Sa mga mananaliksik – Ang pag-aaral na ito ay nakatutulong upang malaman na may
larangan pa ng kaalaman na maari pang patuloy na saliksikin.
d) Sa administrasyon ng paaralan- Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipaalam sa kanila
ang tungkol sa kamalayan, saloobin, kaalaman at gawi ng mga mag-aaral sa mga
ganitong uri ng wika, at sa pag-asa na makapagbigay ng ideya upang simulan at bumuo
ng mga proyekto, aktibidad at interbensyon tungkol sa umuusbong na bagong wika ng
mga mag-aaral. (Ullani Hannah Gay)

Katuturan ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyang kahulugan upang higit na maunawaan ang
kahalagahan ng mga salitang ginamit sa pananaliksik na ito:

Epekto: Ang epekto ay isangkinalabasam, nagging resulta o nagging Bungay ng isang


pangyayari, bagay at mga sitwasyon.
Iloko: Ang Ilokano ay isang wikang Ausrinesian na sinasalita sa Pilipinas, pangunahin ng mga
Ilokano at bilang lingua franca ng mga Igorot at gayundin ng mga katutubong naninirahan sa
Lambak ng Cagayan. Ito ang ikatlong pinakapinagsalitang katutubong wika sa bansa.
Kultura: Kultura ang kabuuang katawagan sa mga kaisipan, kaugalian, tradisyon, at gawi ng
isang lipunan.
Mag-aaral: Ang mag-aaral o estudyante ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talion.
Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao
ay dumaraan sa proseso ng pagiging estudyante.
Social Media: Ang Social Media ay tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na
kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa
isang virtual na komunidad at mga network.

You might also like