You are on page 1of 39

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Abstract
[Draw your reader in with an engaging abstract. It is typically a short summary of the document.
When you’re ready to add your content, just click here and start typing.]

Modyul sa
Bb. Maria Perpetua P. Crisostomo
Kontekstwalisadong Gng. Maribel A. Gutierrez
Gng. Genoveva M. Ramos
Komunikasyon sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

INTRODUKSYON
Ang Modyul sa Kontentekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang
kagamitang panturong naglalayong makatulong sa pagtugon sa kasalukuyang hamon na
pinagdadaanan ng bansa dulot ng pandemyang COVID 19 sa larangan ng pagpapatuloy ng
dekalidad na edukasyon. Batid ng mga may-akda na sina Bb. Maria Perpetua P. Crisostomo, Gng.
Maribel A. Gutierrez, at Gng. Genoveva M. Ramos na nararapat lamang na maipaabot sa mga
mag-aaral ang mga impormasyon at kaalamang nakapaloob sa modyul na ito. Ang modyul na ito
ay nahahati sa anim na yunit at ang bawat yunit ay binubuo ng panimula, layunin, lunsaran,
nilalaman, at mga gawain. Mayroon din mga link ng google form para sa yunit test pagkatapos ng
mga gawain.

Ang Yunit I ay tumatalakay sa masisidhing pinagdaanan ng Filipino at Panitikan mula sa


tangkang pagtatnggal nito sa kurikulum sa kolehiyo. Dito din nakasaad ang mga Pamantasan,
organisasyon, at indibiduwal na patuloy nakibaka sa pagbabalik nito sa kurikulum. Binigyag
pansin din sa bahaging ito ang pagnanasang mapataas ng antas ng Filipino hindi lamang sa
kolehiyo bagkus ay sa iba’t iba pang larangan. Ang yunit na ito ay nagnanais na maimulat ang
isipan at gisingin ang kamalayang maka-Pilipino ng mga magaaral lalo sa pnahong ito.

Ang Yunit II ay naglarawan sa mga kapamaraanan kung paanong ang pananaliksik ay


maaaring nakakawing sa komunikasyon bilang bahagi ng buhay ng mga tao. Binigyang diin dito
ang pagiging bukas ng mga mamayan sa paglubog sa pananaliksik upang matugunan ang mga
pangangailangan at masolusyunan ang mga problema mula sa pinakamaliliit hanggang sa
pinakamalalaking sa sistematikong pamamaraan. Ito rin ay nagpapaalala sa mga mambabasa lalo
at higit sa mga mag-aaral na maging matino sa pagpili ng impormasyong paniniwalaan at
ibabahagi sa iba.

Ang Yunit III naman ay naglalaman ng gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino.


Nakatuon ito sa mga makabuluhang paksa tulad ng tsismisan, umpukan, talakayan, pagbabahay-
bahay, pulong-bayan, komunikasyong di-berbal at mga ekspresyong lokal. Nililinang sa pag-aaral
na ito ang mga makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa pamamagitan
ng mga makabuluhan, napapanahon at kawili-wiling teksto at konteksto.

Samantala ang Yunit IV ang pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino sa konteksto ng mga
napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa katulad ng sistemang ekonomiko ng Pilipinas sa
kasalukuyan, kahirapan, unemployment, climate change, pulosyon, pagmimina, deforestation,
basura, baha at iba pa. Ang Yunit V ay kinapapalooban ng mga suliraning kinakaharap ng bansa
sa lokal at nasyunal na antas. Bibigyang konteksto dito ang komunikasyon sa Filipino sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga sularining nabanggit. Inaasahang sa pamamagitan ng
pagtukoy at pagsusuri ng mga reyalidad ng lipunang Pilipino, magkakaroon ang mga mag-aaral
ng pagkakataong palalimin ang paggamit ng wikang Filipino at mapapatunayang maaari itong
gamitin bilang intelektwalisadong wika ng komunikasyon.

Ang Yunit VI naman ay sumasaklaw sa mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino


sa iba’t ibang antas at larangan . Dito masusuri at mapagninilayan ang ginagampanang tungkulin
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ng komunikasyon na may pokus at pag-unawa sa pagtugon sa pangangailangn ng kapuwa at


pagpapaunlad ng ugnayan ng mga tao, komunidad at bansa. Mabibigyan pansin din sa yunit na
ito, ang gamit ng komunikasyon upang mabisang makapagpahayag ng mahahalagang mensaheng
may kakayahang magtulak sa mga mag-aaral na kumilos para sa ikabubuti ng hindi lamang para
sa kanilang sarili kundi para sa kapakanan ng lahat.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na


pakikipagsapalaran at nag-iiwan ito ng kakintalang maaaring magdulot ng karanasang
magpapatakbo ng buhay.Ang mga mag-aaral ay inaasahang makapaglalarawan ng mga gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan at makagagamit ng wikang
Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino. Sa ganitong
paraan, ang modyul na ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman at malayang kaisipan na mahalaga
sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa. Samakatwid, ang mga kaalaman at kasanayang
matatamo ng mga estudyante sa modyul na ito at sa pag-aaral ng kursong ito ay inaasahang
kanilang magiging kasangkapan upang sila’y maging higit na makabuluhang kasapi ng patuloy na
nagbabagong lipunang ating ginagalawan.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

YUNIT V
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
(IKALAWANG BAHAGI)

Globalisasyon
Panimula

Ipakikita sa yunit na ito ang mahalagang papel ng wikang Filipino bilang


kontekstwalisadong wika ng komunikasyon na magagamit sa konteksto ng mga napapanahong
isyu o usapin sa bansa sa antas na lokal at nasyonal.
Sa yunit na ito, hinati ang pagtalakay sa mga reyalidad ng lipunang Pilipino sa dalawang
bahagi: ang globalisasyon bilang bahagi ng buhay ng tao at ang mga sanhi at bunga ng korapsyon
sa kontekstong Pilipino. Idinisenyo ang pagtalakay sa paraang madaling mauunawaan ng mga
mag-aaral ang bawat konteksto ng mga usapin sa pamamagitan ng pagbibigay-depinisyon,
pagpapaliwanag, at pagbibigay ng halimbawa.
Pagtitibayin din sa yunit na ito ang ginagampanang tungkuling ng Filipinisasyon ng
komunikasyon sa paglalapit ng ugat at mungkahing solusyon sa mga Pilipino sa paglutas ng mga
kontemporaryong suliranin sa lipunan.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa;
2. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto; at
3. makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at
mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa
mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

Lunsaran

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, mayroon ka bang lugar o bansa na nais mong marating?
Bakit gusto mo doon? Suriin ang larawan sa kaliwa. Anong konsepto ang binibigyang-larawan
nito? Paano nakaapekto ang globalisasyon sa lokal na kultura ng mga bansa lalo na sa mga bansang
papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas? Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang
maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng globalisasyon?
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Nilalaman

Sa bahaging ito, hinati ang pagtalakay sa mga reyalidad ng lipunang Pilipino sa dalawang
bahagi: ang globalisasyon bilang bahagi ng buhay ng tao at ang mga sanhi at bunga ng migrasyon
sa kontekstong Pilipino. Idinisenyo ang pagtalakay sa paraang madaling mauunawaan ng mga
mag-aaral ang bawat konteksto ng mga usapin sa pamamagitan ng pagbibigay-depinisyon,
pagpapaliwanag, at pagbibigay ng halimbawa.
Globalisasyon
Ang mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya ay nagdulot ng malaking epekto sa
mundong ginagalawan ng mga tao. Ang dating simpleng pamumuhay ay naging komplikado. Mas
nagiging malapit na ang bawat tao sa mundo bagamat ang agwat nila ay magkalayo. Marahil na
rin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas napadadali na ang ating komunikasyon,
transportasyon, at ang pagkakaroon ng interaksyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang prosesong
ito ay ang tinatawag nating “globalisasyon”.

Ang globalisasyon ay ang pang-ekonomiyang proseso na tumutukoy sa integrasyon at


interaksyon ng mga tao at organisyason ng iba’t ibang bansa. Sa madaling salita, ang globalisasyon
ay ang pagbubuklod ng magkakaibang bansa sa mundo. Sa tulong ng teknolohiya, ang
globalisyason ay nagpapabilis ng internasyonal na kalakalan at pamumuhunan. Habang ang paraan
o prosesong ito ay umiiral, ang mga tao nagkakaroon ng pandaigdigang palitan ng mga produkto,
impormasyon at mga kaugalian. Masasabing umusbong ang globalisasyon sa pamamagitan ng
mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang salitang ito ay tumutukoy din sa integrasyon ng
ekonomiks, kultura, politikal, relihiyon at sistemang sosyal ng iba’t ibang lugar na umaabot sa
buong mundo. Ang globalisasyon ay nakadepende sa sa mga ginagampanan ng mga tao tulad ng
migrasyon, kalakalang panlabas, paglaki o pagliit ng kapital, at integrasyon ng financial market.
Sa tulong naman ng globalisasyon, ang pamantayang interes ng pandaigdigang pamilihan ay
tumutugma sa mga lokal na presyo, produkto at sahod ng isang bansa.
Ang globalisasyon ay kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o
pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan. Sa madaling salita, ginagawang magkakasama
sa buong daigdig. Tungkol ito sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o
kultura. Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-
iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa
ilang mga tao.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba’t


ibang lipunan o bayan ay kung paano mapananatili at lalo pang maitataguod ang kani-kanilang
pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon,
tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang
kultura. Ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan ay bunga ng isang pilosopikal
na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na nagbibigay ng identidad sa kamalayan sa
pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano maitataguyod ang pambansang identidad ng
kamalayan hango sa mga bagay na kinabibilangan ng mga bagay kung saan nakatuon ang
kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamlayan, ang mga pamamaraan (mga
kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar at panahon) sa kaganapan
ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa.
Sa kabila ng kaginhawaang naidudulot sa ating buhay ng globalisasyon, may mga
pangamba sa mga posibleng di-magagandang kahihinatnan nito. Ang ating kultura ay maituturing
na pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad, kung kaya gumagawa tayo ng
mga paraan upang mapanatili ang integridad nito. Subalit sa harap ng mga pagbabagong dala at
dulot ng globalisasyon sa ating kultura, pinangangambahang baka maglaho ang integridad ng ating
kultura at sa kalaunan, ang ating pambansang identidad. Pinangangambahang baka maging bahagi
na lamang ang ating kultura ng isang pandaigdigang kultura na maaaring umusbong sa proseso ng
globalisasyon o kaya naman ng mga kultura ng mga makapangyarihang bansa na siyang mga
dominanteng manlalaro sa proseso ng globalisasyon. Pinangangambahan din na baka ang
globalisasyon ay isa lamang instrumento nga pananakop ng mga makapangyarihang bansa sa mga
di-makapangyarihang bansa, sa pamamaraang di-lantad o kaya ay nakalilinlang.
Samantala, ilan sa mga halimbawa ng globalisasyon ay ang mga sumusunod: pagkalat ng
mga multinasyonal at transnasyonal na korporasyon sa iba't ibang bansa (halimbawa: Matatagpuan
na ang Mcdo, Burger King, Toyota, Lenovo at iba pa sa iba't ibang parte ng mundo.), paglawak
ng paggamit ng internet (halimbawa: Dahil sa Facebook, matatawagan na ng taong nasa Europe
ay taong nasa Asya), paglaganap ng mga imported na produkto (halimbawa: Matatagpuan na ang
Hersheys, Cadbury, Pringles, at iba pa sa iba't ibang mga bansa), at ang pagkakaroon ng mas
malayang interaksyon ng mga bansa (halimbawa: ASEAN Integration sa pagitan ng mga bansa na
kabilang sa Association of Southeast Asian Nations).
May tatlong uri ng globalisasyon. Ito ay ang mga sumusunod:

Politikal na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga


politikal na usapin at kooperasyon;

Sosyal na globalisasyon - tumutukoy sa malayang pakikipag-komunikasyon at


interaksyon ng mga tao mula sa iba't ibang mga bansa; at ang

Ekonomik na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga


ekonomik na usapin at kooperasyon.

Kasaysayan ng Globalisasyon

Katulad ng kung kailan nagsimula ang buhay ng tao sa mundo, ang pagsisimula ng proseso
ng globalisasyon ay hindi rin tiyak (San Juan et al., 2019). Katunayan, may mga manunulat ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

kasaysayan na nagsasabing mauugat ito sa sinaunang panahon ng malalaking imperyo (Imperyong


Romano, Persian, Griyego, at Tsino). Anila, sa pamamagitan ng napakalawak na saklaw ng mga
nasabing imperyo ay naging pangkaraniwan na ang pagpapalitan ng produkto mula sa iba’t ibang
imperyo (Makikita sa mapa ng Silk Road ang mga ruta ng mga mangangalakal na nagdadala ng
mga produkto mula Silangan tungong Kanluran at vice-versa.).
Sinasabing sa pagkakalagda ng maraming bansa sa tinatawag na General Agreement on
Tariffs and Trade (GATT) na mas kilala ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO),
naging pormal ang modernong porma ng globalisasyon ng kalakalan. Dahil sa kasunduan nalagyan
ng mga restriksyon at limitasyon ang kalakalan sa pagitan ng mga bansa. Halimbawa ay mula
noong dekada ‘90, unti-unti nang inalis ang mga taripa o buwis sa maraming angkat na produkto
na naging dahilan naman ng mabilis na pagpapalitan ng mga produkto, bagay na nagpalago sa
ekonomiya ng maraming bansa. Sa ganitong kalagayan, makikitang higit na nakikinabang ang mga
bansang industriyalisado kaysa mga bansang agrikultural.

Samantala, malaki naman ang papel na ginampanan ng World Bank at International


Monetary Fund - ang mga internasyonal na institusyong pinansyal - sa globalisasyong ekonomiko.
Ang mga institusyong ito ay naglaan ng pautang pasa sa mga bansang nangangailangan ng
puhunan para sa mga proyektong pangkaunlaran partikular ang mga bansang kasapi ng UN. Ngunit
dahil sa napakataas na interes na ipinapataw sa halagang inutang, marami sa mga bansa, katulad
ng Pilipinas, ang sa halip na makabayad ay patuloy na nabaon sa pagkakautang at napipilitang
umutang nang umutang. Katunayan, bahagi ng pambansang badyet ng bansa ay inilalalaan sa
pagbabayad ng utang na patuloy pa ring luamalaki habang tumatagal.

Sa aspektong politikal ng globalisasyon, ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig ay maituturing na panandang bato o milestone. Naitatag ang UN bilang
tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos
ng mapaminsalang digmaang kumitil ng milyon-milyong buhay at nagwasak ng bilyon-bilyong
dolyar na halaga ng ari-arian. Samakatuwid, isinilang ang UN bilang bahagi ng paghahangad ng
mga bansa na maiwasan ang muling pagkakaroon ng digmaang pandaigdig at maitaguyod ang
kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga global na suliranin tulad ng kahirapan,
kagutuman, at epidemya.

Para sa istruktura ng UN, maaaring sumangguni sa aklat nina San Juan et al., p. 165

Maaari namang ugatin ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon sa panahon ng


kolonyalismo at imperyalismo na lalong nagpatibay sa ugnayan ng mga bansa sa Kanluran at
Silangan. Nag-iwan ito ng mapait at marahas na mga alaala sa mga taong nabuhay nang panahong
iyon ngunit nagbigay naman ng pagkakataong magkapalitan ng kultura ang Kanluran at Silangan.
Ang mga katibayan ng palitang ito ay makikita sa pagkain, pananamit, wika, at iba pang larangan
na mula pa noong panahon ng kolonyalismo at nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Ang globalisasyong sosyo-kultural sa kasalukuyan ay lalong pinasigla ng mabilis na


takbo ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon. Nang maimbento ng Internet noong
dekada ‘90, unti-unting bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula, at iba pang naging popular
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sa buong mundo at maituturing na bahagi ng global na kultura. Dahil dito, naging mabilis din ang
pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng bawat bansa at ng mga mamamayan sa buong daigdig.

pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng bawat bansa at ng mga mamamayan sa buong


daigdig.

Sa kabila ng maraming mabubuting bunga ng globalisasyon sa aspektong sosyo-kultural


lalo na sa mga umuunlad na bansa, hindi rin mapasisinungalingan ang mga negatibong epekto nito
sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao. Nabanggit sa aklat nina San Juan (2019) ang tala ng
The Endangered Language Project, 40% ng 7,000 wikang umiiral sa bansa ang nasa peligro ng
pagkawala bunsod ng patuloy na pag-igting ng globalisasyon na ang pangunahing wikang
isinusulong ay Ingles. Sinundan ito ng mga patakaran sa wika na pawang nakatuon sa paghubog
ng mga mag-aaral na matuto ng Ingles gaya ng nagyayari sa pagpaplanong pangwika ng
Departamento ng Edukasyon, na nananatiling naksandig sa bilingual education mantra nito, lalo
na sa antas sekundarya. Maging ang relihiyon ay nalalagay sa peligro bunsod ng homogenisasyon
ng mga paniniwala. Sa pag-aaral ni Jaime Bulatao S.J., isiniwalat niya ang katayuan ng
pananampalataya sa Pilipinas at tinawag itong split-level Christianity dahil sa pagkakahalo ng
ilang Tsino at indigenized na paniniwala at sa mga gawi at ritwal ng mga Kristiyano, gaya ng
sayaw sa Obando at paniniwala sa feng shui sa kabila ng pagiging kabilang sa Simbahang Katolika.
Patuloy rin ang paglabnaw ng sistema ng pagpapahalaga (values system) ng mga Pilipino dahil sa
palagiang exposure sa kulturang Kanluranin. Kapansin-pansin ngayon ang pagiging indibidwalista
ng kabataan hinggil sa maraming isyung panlipunan, gaya ng mantrang “Pera ko ito, gagastusin
ko ito sa paraang gusto ko,” na maituturing na imoral kung isasaalang-alang ang sitwasyon ng
nakararaming Pilipino at taliwas sa dating masinop na paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang
epekto ng labis na pagtalima sa kulturang Kanluranin na nagbubunsod ng malalim na kagustuhan
ng mga Pilipino na pumuti, upang makasunod sa pamantayan ng kagandahan sa konteksto ng mga
Kanluraning bansa ay nakababahala rin. Maging ang patuloy na militarisasyon sa mga pambansang
minorya gaya ng mga Lumad at iba pa na pilit na pinaaalis sa kanilang mga ansestral na lupain ng
mga kumpanya ng pagmimina sa mga bansa ay nakaaalarma rin. Ang nakalulungkot dito, mas
pinoproteksyonan pa ng gobyerno ang mga nasabing kumpanya kaysa mga grupong ito.

Sa madaling salita, kung nakabubuti man ang globalisasyon sa iba’t ibang aspekto, higit na
malaki naman ang negatibong epekto nito. Naririto ang iba pang epekto ng globalisasyon.

Epekto ng Globalisasyon
May mga positibong epekto ang globalisasyon:
1. Sa pamahalaan, nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa.
2. Nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang bansa.
3. Sa ekonomiya, nagkakaroon ng malayang kalakalan, mas napabibilis ang kalakalan o ang
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo, paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa,
pakikipagsundo ng mga bansa tungkol sa isyu sa kalikasan, paglaki ng oportunidad para
makapagtrabaho, malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao, maiiwasan din ang
monopolyo, at tataas ng pamumuhunan (investment).
4. Sa kultura, mas naiintindihan natin ang mundo, at pagtanggap ng kultura ng iba.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

May mga negatibong epekto rin ang globalisasyon.

1. Sa pamahalaan, maaaring panghimasukan ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng


pamahalaan at lumaganap ng terorismo.

2. Sa ekonomiya, magkakaroon ng environmental issues tulad ng Climate Change, Global


Warming at iba pa, magdudulot din ito ng kahirapan bunsod ng paglaki ng agwat ng mayayaman
sa mahihirap, at lalala ang problema sa ekonomiya ng mga bansang nakakaranas nito.

3. Sa kultura naman, mas natatangkilik ang kultura ng ibang bansa, nakalilimot sa mga
nakasanayang tradisyon, at nawawala ang ugaling nasyonalismo.

Noon ang sabi ng gobyerno.... ang Pilipinas ay kikilalanin bilang bagong tigre sa
ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Mula sa dating mahirap at naghihingalo ay tatanghalin tayo
bilang bansang may pinakamabilis na ratio ng pag-unlad at kakain sa atin ng alikabok ang mga
kalapit- bansa sa nakakabulag na bilis ng ating pananagana. Magkakandarapa kasi ang mga
dayuhang korporasyon sa pag-uunahang makapagnegosyo sa ating bayan. Yaon ay dahil sa ating
bansa ay matatagpuan ang murang lakas-paggawa na mababait at hindi reklamador. At higit sa
lahat, ang mga dayuhang mamumuhunan ay protektado ng gobyerno at hindi dapat mag-alalang
mabibitin sila sa kanilang pagsasamantala sa yaman ng ating bansa. Nariyan ang privatization,
deregulation, liberalization at kung ano-ano pang ayon para wala talagang istorbo sa malayang
kalakalan at negosyo.

Marahil ang pinakamalaking epekto ng globalisasyon ay ang pagpapalawak sa agwat ng


mayayaman at mahihirap. Bagaman ang kayamanan sa daigdig ay walang-alinlangang dumami,
natipon naman ito sa iilang tao lamang at sa iilang bansa. Ang neto na halaga ng mga ari-arian ng
200 pinakamayayamang tao sa lupa ngayon ay nakahihigit nang 40 porsiyento kaysa sa pinagsama-
samang kita ng mga taong nabubuhay sa planeta—humigit-kumulang 2.4 bilyon katao. At habang
patuloy na tumataas ang mga kita sa mayayamang bansa, nasaksihan mismo ng 80 naghihikahos
na mga bansa ang pagbaba ng katamtamang kita sa nakalipas na sampung taon.

Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang globalisasyon sa


ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado sa kita kaysa sa
pangangalaga sa planeta. Ipinaliwanag ni Agus Purnomo, pinuno ng World Wide Fund for Nature
sa Indonesia, ang hinggil sa problema: “Tayo’y patuloy na nagkukumahog sa pagsulong. .Nag-
aalala ako na sa loob ng isang dekada, tayong lahat ay magiging palaisip sa kapaligiran, subalit
wala nang matitira pa para pangalagaan.” Ikinababalisa rin ng mga tao ang tungkol sa kanilang
mga trabaho. Kapuwa ang mga trabaho at kinikita ay lalong nagiging di-tiyak, yamang ginigipit
ng pagsasama-sama ng mga kompanya sa daigdig at matinding kompetisyon ang mga kompanya
na gawing mas simple ang kanilang mga palakad. Ang pag-upa at pagsisante ng mga manggagawa
ayon sa kasalukuyang pangangailangan sa pamilihan ay waring makatuwiran para sa isang
kompanya na nababahala sa paglaki ng kita nito, subalit nagdudulot ito ng labis na kaligaligan sa
buhay ng mga tao.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay


nagharap ng isa pang salik para sa kawalang-katatagan. Maaaring magpautang sa papaunlad na
mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit sa dakong huli ay biglang kukunin ang
kanilang salapi kapag lumalala ang situwasyon sa ekonomiya. Ang gayong malakihang paglalabas
ng salapi ay makapagpapabulusok sa maraming bansa sa krisis sa ekonomiya. Ang krisis sa
pananalapi sa Silangang Asia noong 1998 ang nagpangyari na mawalan ng trabaho ang 13 milyong
tao.

Isa pa sa mga lumilitaw na suliraning dulot ng globalisasyon ang pagtaas ng pamasahe sa


mga pampublikong sasakyan. Ito’y problemang hindi lamang ang mga pasahero ang
nakararamdam kundi pati na rin ang mga drayber at operator ng mga pampublikong
sasakyan.Kung paniniwalaan kasi ang pamahalaan, hindi maiiwasan ang pagtaas ng pamasahe.
Una, tumaas ang singil sa toll ng mga pangunahing expressway. Ikalawa, patuloy ang pagtaas ng
presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Ikatlo, kailangang gumastos ng
mga nangangasiwa sa LRT at MRT para mapaganda ang serbisyo sa tinatayang 500,000 pasahero
ng mga ito araw-araw. Alam nating lahat na ang mga salik na ito’y may direktang epekto sa singil
sa pamasahe. Pangunahing argumento kasi ng gobyerno ang pagtaas ng krudo at mga produktong
petrolyo sa pandaigdigang pamilihan, pati na ang desisyon ng mga korporasyong may kinalaman
sa mga expressway at LRT/MRT na sa tingin nila ay may “business sense” naman. Kahit na
sabihing may regulasyon sa pamasahe ng dyip, taksi at ilang linya ng bus (deregulated na po kasi
ang pamasahe sa provincial bus lines noon pang dekada 90), ang pagtaas ay nangyayari pa rin
dahil sa deregulasyon sa downstream oil industry. Tila ang estratehiya lang nila ay kumbinsihin
ang taumbayang tanggapin ang sitwasyong ito dahil sa mga kondisyong labas sa kontrol ninuman.
Sa kontekstong ito, ang pangmatagalang solusyon sa pagtaas ng pamasahe ay hindi pagtitipid o
paglalakad, o anumang kagyat na hakbang tulad ng pagbibisikleta o pag-oorganisa ng car pool sa
eskuwelahan o opisina. Bagama’t nakakatulong ang mga ito, hindi pa rin natutugunan ang mga
kontrobersiyal na polisiyang ugat ng ating problema. At ang mga polisiyang ito’y naaayon sa
globalistang tunguhin, lalo na sa usapin ng deregulasyon at pribatisasyon.

Gaya ng nabanggit kanina, ang deregulasyon sa downstream oil industry ay may direktang
epekto sa pamasahe, kaya nararapat lang na malalimang pag-aralan ang alternatibo dito, ang
pagsasabansa ng industriya ng langis. Tungkol naman sa pribatisasyon, hindi dapat ibigay sa
kamay ng pribadong negosyo ang pangangasiwa sa LRT/MRT at expressways. Hindi natin
maaasahan sa mga negosyanteng isipin ang kabutihan ng nakararami sa pagtatakda ng kanilang
sisingilin. Sa huling pagsusuri, may kagyat na pangangailangang tutulan natin ang pagtataas ng
pamasahe. Pero may pangmatagalang hamon para patuloy na tuligsain ang mga polisiyang patuloy
na nagpapahirap sa atin, tulad ng konsumisyong mas kilala sa salitang globalisasyon.

Kung gayon, mauunawaan na ang globalisasyon ay naghaharap ng mga pangamba at


gayundin ng mga pag-asa. May dahilan ka ba para pangambahan ang globalisasyon? O inaasahan
mo bang mas mapauunlad nito ang iyong buhay? Nabigyan ba tayo ng dahilan para maging
optimistiko hinggil sa hinaharap dahil sa globalisasyon?
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Migrasyon: Problema o Solusyon?

Lunsaran

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, mayroon ka bang lugar o bansa na nais mong marating?
Bakit gusto mo doon?


Suriin ang larawan sa kanan. Anong konsepto ang binibigyang-
larawan nito? Paano nakaapekto ang migrasyon sa lokal na kultura ng
mga bansa lalo na sa mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng
Pilipinas? Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang
maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot
ng globalisasyon?

Mula sa “ohsp online lesson template

Nilalaman

Ang migrasyon ay isa sa mga bunga ng kahirapan sa bansa. Tumutukoy ito sa paggalaw
ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa isa pa na maaaring sa loob ng isang bansa o sa pagitan
ng mga bansa. Marami sa mga migranteng internal ay yaong mula sa mga pook rural na nagbabaka-
sakali ng magandang buhay sa mga sentro ng kalakalan at hanapbuhay. Ang ilang mga tao ay
napipilitang lumipat dahil sa gutom o giyera.
Sa konteksto ng Pilipinas, mas marami pa rin ang Pilipinong nangingibang-bansa o yaong
nabibilang sa eksternal na migrasyon. Maaari ding maging permanente, temporaryo o pana-
panahon. Nangyayari ito sa isang iba't ibang mga kadahilanan: pang-ekonomiya, panlipunan,
pampulitika o kapaligiran. Pareho ang epekto ng migrasyon sa lugar na naiwan at sa lugar kung
saan naninirahan ang mga migrante. Ang mga epekto ay maaaring maging positibo at negatibo.
Kung pakasusuriin, hindi rin masasabing solusyon sa kahirapan ang migrasyong eksternal. Sa halip
ay nagdudulot pa ito ng iba pang suliranin.

Ang estadistika sa tumataas na halaga ng perang padala (remittance) ng mga OFW sa mga
nakalipas na taon ay nagpapatunay na may aktwal na pakinabang ang bansa sa migrasyon (San
Juan et al., 2019). Yaon ay kung susuriin ang aspektong pinansyal, ayon sa datos mula sa Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP). Ikinukubli ng LEP ang kahinaan ng ekonomiya ng bansa sa
pamamagitan ng pagsasampa ng limpak-limpak na remittence na nagiging dahilan upang hindi
mapansin ang pagkabansot ng mga lokal na industriya. Kung titingnan, malusog ang ekonomiya
ng Pilipinas batay sa GDP, ngunit ang kahinataan nito ay malalantad kapag sinipat ang paghina ng
sektor ng pagmamanupaktura sa mga nakaraang taon kasabay ng paglawak ng pag-asa ng
ekonomiya sa remittance ng mga OFW. Kabaligtaran nito, nagrerehistro ng negatibong paglago
ang balance of payments ng bansa sa mga produkto bunsod ng paghina ng pagmamanupaktura
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

batay sa estadistika mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at World Bank Database. Tila bantulot
naman ang gobyerno ng Pilipinas na buhayin at palakasin ang sektor ng pagmamanupaktura sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng suporta sa mga industriya. Bunsod ito marahil ng patuloy na
lumalaking remittance ng mga OFW kahit pa nga sumambulat na ang pandaigdigang krisis noon
pang 2008 na itinuturing na tagapagligtas ng sisinghap-singhap na ekonomiya ng bansa (San Juan
et al., 2019).

Samantala’y tila nakalilimutan namang itaguyod ang sektor ng industriya na may potensyal
ding mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Nakalulungkot isiping umasa na lamang ang
Pilipinas sa pag-eeksport ng mga manggagawa at pagkubra ng remittance, sa halip na bigyang-
pansin din ang paglinang sa saganang likas na yaman nito. Pinatunayan sa datos hinggil sa
bahagdan ng pagmamanupaktura sa kanilang GDP at ng relatibong maliit na bahagdan ng
remittance bilang bahagi ng kanilang GDP na ang programa ng Pilipinas ay taliwas sa ginagawa
ng ilang mauunlad na bansa sa Asya.

Kung tutuusin, mas malaki ang pakinabang ng mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga
OFW. Ang kanilang talino at kakayahan ay higit na napakikinabangan sa ibang bansa sa halip na
makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa sa pamamagitan ng industriyalisasyon at
modernisasyong agrikultural. Nalalantad sa ganitong di-pantay na kalakaran ang ebidensya ng
pagsasamantala sa mga manggagawa (mas mababang pasuweldo kumpara sa suweldo ng mga
manggagawa na mamamayan ng mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga OFW).

Ang kontribusyon ng mga migranteng manggagawa sa paglago ng ekonomiya ng mga


mauunlad na bansa batay sa kanilang Real Gross Domestic Product (Real GDP) ay pinatunayan
sa pag-aaral na isinagawa ni Tan (2013). Ayon kay Tan, karamihan sa mga bansang ito - na siyang
destinasyon din ng mga OFW - ay may malaking bilang ng mga migrante (batay sa datos ng World
Bank). Ilan sa mga bansang nakinabang sa ganitong sistema ay ang U.S., Hongkong, U.A.E.,Qatar,
Singapore, Kuwait, at Norway na kasama sa dalawampung nangungunang destinasyon ng mga
OFW.

I-click ang mga website sa ibaba upang malinang ang iyong kaalaman sa dami ng Pilipino
na nandarayuhan sa loob at labas ng bansa.
a. http://www.adbi.org/files/2013.01.23.cpp.sess1.5.capones.labor.migration.philippi
nes.pdf pdf ukol sa labor migration sa Pilipinas
b. http://www.nscb.gov.ph/ncs/10thNCS/papers/contributed%20papers/cps03/cps03-04.pdf
naglalaman ng datos ng migrasyon sa Pilipinas
c. http://www.census.gov.ph/content/domestic-and-international-migrantsphilippines-
results-2010-census Domestic and International Migrants in the Philippines (Results from
the 2010 Census)
d. http://www.migrationpolicy.org/programs/data-hub/charts/international-
migrantpopulation-country-origin-and-destination interactive website sa datos ng
immigrant
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Mga Isyung Politikal

Lunsaran

Panoorin ang video na makikita sa link sa ibaba. Ano ang masasabi mo dito? Paano mo
susuriin ang sistemang pampolitika sa bansa batay sa bidyong iyong napanood? https://news.abs-
cbn.com/video/news/03/02/20/mga-pinuno-ng-ilang-komite-sa-kamara-binalasa

Nilalaman

Mga Isyung Politikal

Ang politika ay makikita natin saan mang dako. Lahat ng gawaing pantao ay likas na may
politika. Sabi nga ni Aristotle, “Man is by nature a political animal.” Ngunit ano nga ba ang
politika? Bakit marami ang interesado sa mga isyung politikal?
Ang politika ay mula sa sa salitang Griyegong politikos, nangangahulugang "mula, para,
o may kinalaman sa mga mamamayan, ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa
pandaigdigan, sibiko, o indibidwal na nibel. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa
pamahalaan, maaari ring pagmasdan ito sa lahat ng interaksyon ng grupong pantao kabilang ang
pangkalakal, pang-akademya, at panrelihiyon. Agham pampolitika ang tawag sa pag-aaral sa mga
gawaing pampolitika at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan, katulad ng
kakayahang magpataw ng sariling kalooban sa iba. Sa isang limitadong pagpapakahulugan, ito ay
tumutukoy sa pagkamit at pagsasanay ng mga posisyon sa pamamahala — organisadong kontrol
sa isang pamayanan ng tao, partikular sa isang estado. Higit pa rito, ang politika ay ang pag-aaral
o pagsasanay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan
(isang organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng mga
mamamayan. Maraming paraan naisasabuhay ang pagsasapolitika, kasama na ang pagpapalaganap
ng mga pampolitikang pananaw sa mga tao o samahan, pakikipag-usapan sa iba pang kasapi ng
politika, paggawa ng mga batas, at paggamit ng dahas laban sa mga katunggali. Naisasabuhay ang
politika sa malawak na saklaw ng mga nibel ng lipunan, mula sa mga angkan at tribo ng mga
tradisyonal na pamayanan, sa mga modernong lokal na pamahalaan, mga kompanya at institusyon
hanggang sa mga soberanong estado, hanggang sa pandaigdigang nibel.
Maraming suliranin sa ating bansa gaya ng katiwalian at ang mga dinastiyang politikal ay
malinaw na mga suliraning politikal. Ang mga rebelyon, bagama’t isang suliraning ekonomiko, ay
maituturing na kaugnay rin ng mga isyung politikal dahil malinaw na may ugnayan din ang
sistemang ekonomiko at sistemang politikal ng bansa (Halimbawa: Ang mga dinastiyang politikal
na may kontrol sa mga institusyon ng pamahalaan ay may koneksyon din sa mga pamilyang elite
na may kontrol naman sa estrukturang ekonomiko ng bansa.). Samakatuwid, maaaring may
pinagmulan ding politikal na suliranin ang anumang rebelyon.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Mga Kontemporaryong Sistemang Politikal ng Pilipinas

Nilalaman

Mauugat ang kasalukuyang sistemang pampolitika ng bansa sa pinagdaanang kasaysayan


nito mula pa sa panahon ng mga Espanyol hanggang sa panahon ng mga Hapones. Bago pa man
dumating ang mga mananakop sa bansa ay may sistemang pampolitika nang umiiral sa anyo ng
mga barangay. Masasabing monarkiyal ang sistemang ito sapagkat ang pagiging pinuno ng
barangay ay namamana katulad ng makikita sa mga bansang ang namumuno ay hari o reyna. Nang
dumating ang mga Espanyol ay napasailalim ang Pilipinas sa kanila bilang kolonya, ang dating
mga barangay ay napagsama-sama sa isang sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng pamumuno
ng isang Gobernador-heneral na itinalaga ng Hari ng Espanya sa kaniyang kolonya. Sa panahong
ito nagsimula ang pagkakaroon ng pamahalaang sentral at lokal na pamamahala. Samantala,
nanatili naman ang mga barangay bilang pinakamaliit na yunit pampolitika sa bansa.
Matatandaan din sa kasaysayan na sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa ay
napasailalim naman ang Pilipinas sa demokratikong pamamahala. Higit na mainam ito kumpara
sa pamamahalang Espanyol sapagkat nabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayang Pilipino
na kumilos nang malaya. Sa huling linggo ng labanan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
muling bumalik ang mga Amerikano sa Pilipinas pagkatapos maitaboy ng mga Pilipino ang mga
Hapones. Sa kanilang pagbabalik, muli nilang ipinataw ang dating opisyal na kalakaran. Ang mga
natalagang opisyal noong panahon ng mga Hapones ay muling pinalitan ng mga maka-Amerikano.
Nilusaw din ang mga nagsasariling yunit ng pamahalaang lokal na binuo naman ng pangkat ng
mga gerilya San Juan et al., 2019).
Pagsapit ika-4 ng Hulyo, 1946, ipinahayag ang pagtatapos ng kapangyarihang Amerikano
sa Pilipinas bagama’t sa pananaw ng ilang mamamayan, makikita pa rin ang tanikala ng
kolonyalismo sa kasalukuyang sistema ng politika sa bansa. Impluwensiyado pa rin ng mga
dayuhan ang ating sistemang politikal. Isang patunay dito ang madaling paglusot sa sangay na
ehekutibo ng alinmang kasunduang paborable sa Amerika gaya ng Enhanced Defense Cooperation
Agreement (EDCA). Bagama’t noong dekada ‘90 ay napalayas na ng bansa ang mga base militar
ng Amerika, sa ilalim ng EDCA ay pinapayagan pa ring maging base militar na Amerikano ang
alinmang bahagi ng bansa. Impluwensiyado rin ng mga dayuhan maging ang mga patakarang
ekonomiko kagaya na lamang ng pagmamay-ari sa mga minahan. isang halimbawa nito ang
pagpayag sa pagmamay-ari ng 100% ng malalaking minahan ng mga dayuhan sa ilalim ng
Philippine Mining Act of 1996 sa kabila ng isang probisyon sa Konstitusyon na nagbabawal ng
gayon. Ang mga patakarang pang-edukasyon ay tila nakakiling din sa mga pangangailangan ng
dayuhan. Isang mlinaw na halimbawa nito ang pagpapataw ng sistemang K to 12 sa bansa. Naging
batayan ng ilang historyador at ekonomistang gaya nina Renato Constantino, Edberto Villegas, at
Alejandro Lichauco ang ganitong malakas na impluwensiya ng mga dayuhan sa pagbabalangkas
ng patakaran ng bansa para sabihing ang sistemang politikal ng bansa ay malakolonyal o kaya’y
neokolonyal.
Maraming kontemporaryong pangyayaring maaaring suriin hinggil sa aktuwal na
pakikialam ng mga dayuhan, partikular ang gobyerno ng Amerika, sa politika ng bansa. Isang
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

halimbawa ang ginawang paninirang-puri o black propaganda ng Central Intelligence Agency


(CIA) sa anti-Amerikano at nasyonalistang si Claro M. Recto noong panahong tumatakbo siya
laban sa maka-Amerikanong si Ramon Magsaysay. Ito ang dahilan kung bakit nagwagi si
Magsaysay sa halalang iyon laban kay Recto. Dahil naman sa pagsusulong ni Carlos P. Garcia sa
kaniyang patakang “Pilipino Muna” sa ekonomiya, sinuportahan din ng CIA ang tangkang kudeta
laban sa kaniya. Bumisita noong panahon ng diktadurang Marcos ang noo’y pangalawang pangulo
ng U.S. na na si George Bush para makipag-toast sa diktador at sabihing kinikilala ng Amerika
ang “pagsandig ng Pilipinas sa demokrasya” noong 1981. Ang diktadurang Marcos ay tumagal
hanggang 1986.
Laganap din ang dinastiyang politikal sa bansa. Kapansin-pansin ito saan mang sangay at
antas ng pamahalaan. Pawang nagpapasalin-salin lamang ang kapangyarihan sa pamahalaan sa
mga prominenteng angkan. Karamihan sa kanila ay mga reelaksyonista o kamag-anak ng mga
dating politiko. Patunay ito ng pagiging elitista ng kasalukuyang sistemang politikal ng bansa.
Ang ganitong kontrol ng iilang pamilya sa sistemang politikal ay idinidikta ng sistema ng eleksyon
na magastos at hindi nakatuon sa mga plataporma. Bagama’t sa anyo ng pamahalaang mayroon
ang Pilipinas ay dapat mabigyan ng pagkakataong makibahagi sa eleksyon ang sinumang
kwalipikadong tumakbo sa isang posisyong pampamahalaan, nililimitahan naman ng kakayahang
matustusang ang gastos sa eleksyon kaya ang madalas nangyayari ay nananalo pa rin ang may mga
makinarya at koneksyon sa mga maimpluwesiyang pangkat sa lipunan. Nawawalan ng puwang
ang mahihirap na kandidato na wala namang ibang inisip kundi maglingkod nang tapat sa kanilang
mga kababayan. Hindi naman nagkakaiba ang sinasabi at ginagawa ng malalaking partido politika.
Sa katunayan, talamak ang paglilipat-lipat ng partido ng mga politiko dahil wala namang
pagkakaiba sa plataporma ang malalaking partido politikal. Ang halalan ay paligsahan hindi sa
plataporma kundi sa pera. Tila nagiging hanapbuhay na rin ang maluklok sa isang posisyon sa
gobyerno. Kapansin-pansin ding mismong ang gobyerno ay kumikilala sa ganitong sistema.
Ipinasa halimbawa ang batas hinggil sa pagkakaroon ng mga kinatawan ng mga grupong
marginalized sa gobyerno sa pamamagitan ng sistemang partylist dahil malinaw na ang
mayayaman ang higit na may kontrol sa sangay na ehekutibo ng gobyerno. Sa ganitong konteksto,
malinaw na malayo pa ang lakbayin ng Pilipinas tungo sa pagkakaroon ng isang lipunang ganap
na demokratiko kung saan ang kapangyarihang politikal ay hawak ng mga karaniwang
mamamayan at hindi ng iilan.
Ipinakita ng pag-aaral noong 2012 ng Asian Institute of Management Policy na ang mga
pampulitikal na dinastiya ay bumubuo ng 70 porsyento ng mga mambabatas na may sariling
hurisdiksyon sa ika-15 Kongreso ng Pilipinas. Isiniwalat nito ang mga palatandaan na kailangan
pag-isipan mabuti: ang mga dinastiyang pampulitika ay kadalasang nauuwi sa pangingibabaw ng
mga pangunahing partidong pampulitika at karaniwan, nasa mga lugar na may mababang
pamantayan ng pamumuhay, mas mabagal na pag-unlad ng tao, at mas mataas na antas ng kawalan
sa buhay. Ang mga miyembro ng dinastiyang pampulitika ay kadalasang mas mayayaman kaysa
sa mga hindi miyembro.
Sa kanyang huling State of the Nation Address noong 2015, sinabi ni Pangulong Benigno
Aquino III na panahon na para sa isang batas laban sa pampulitikang dinastiya na maglilimita sa
dalawang miyembro lang ng isang pamilya na maaaring manungkulan (sa halal na posisyon) nang
sabay.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa halalan ng 2016, ang mga Pilipino, dismayado sa mabagal na takbo ng pagbabago at sa


maliit na pangkat na may hawak ng kapangyarihan nang ilang taon, ay bumoto para sa pagbabago
at laban sa mga matataas na tao sa politika, clientelism, korapsyon, at krimen — at inihalal si
Rodrigo Duterte, na nagsabing kaya niyang lutasin ang lahat ng mga problemang ito at itinuring
na kandidato laban sa gobyerno.Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mismo ang nagsabi na siya
ay maglulunsad ng giyera hindi lamang laban sa ilegal na droga kundi laban din sa mga oligarka
na kanyang inilarawan na mga “halimaw”.

Mga Porma ng Korapsyon

Nilalaman

Korapsyon at Iba Pang Katiwalian sa Gobyerno

Maraming mukha ang katiwalian na patuloy na pumapatay sa itinuturing nating kakampi


sa buhay - ang pag-asa. Matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay alinman sa mga sumusunod:
(1) pang-aabuso sa kapangyarihan;
(2) pakikipagsabwatan;
(3) pandaraya sa halalan;
(4) pagnanakaw sa kaban ng bayan;
(5) sistemang padrino o palakasan; at
(6) korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno
Mahalaga ang kapangyarihan ani Maranan (2018) upang ganap na magampanan ng isang
lider ang tungkulin na inaasahan sa kaniya ng mga tao sa kaniyang kapaligiran. Ito ang puwersang
makapagbibigay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na implementasyon
ng isang tungkulin. Maaari itong ipatupad sa dalawang kaparaanan:
1. ministeryal kung ang isang namumuno ay walang ibang nararapat gawin
kundi ipatupad ang isang polisiya at
2. diskresyunal kung saan ginagamit ang opsyon o diskresyon ng isang
namumuno o kawani ng gobyerno upang ipatupad o hindi ipatupad ang
isang tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na
pamantayan.

Ang sabwatan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na


nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba upang
tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawin. Isa itong krimen ng pandaraya, panloloko sa iba
para sa kanilang mga karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa batas na karaniwan
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi patas na kalamangan. Ilan sa mga halimbawa


nito ang:
(1) Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa pamamagitan ng
kasunduan ng parehong panig ng pamilihan na ibenta ang produkto sa itinakdang presyo na
nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at pangangailangan;
(2) Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin
ang mga hindi kapanalig kahit na walang sapat na batayan at hayagan ang paglabag sa basikong
karapatan katulad ng magpahayag at karampatang proseso na malaman ang krimen at
maipagtanggol ang sarili; at
(3) Paggawad ng kontrata sa isang ahensiya na may kaugnayan sa proyektong
pampamahalaan kahit na walang naganap na tamang pag-aalok o bidding (isang sistema ng pag-
aalok sa publiko na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na maging kabahagi ng proyektong
inisyatibo ng pamahalaan; mahalaga upang iwaksi ang maraming katiwalian sa pamimili).
Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala
ng ating Saligang Batas ng 1987 (sa ilalim ng Artikulo V, Seksyon 1-2). Sa paghahalal sa mga
politiko, ipinagkakatiwala ng taumbayan ang kanilang kinabukasan sa sinumang mananalo.
Sagrado ang bawat balota. Ngunit madalas na dahil sa mga personal na amibisyon, ang mga resulta
ng halalan ay nauuwi sa pagkakaroon ng dayaan. Maraming buhay ang napapabuwis dahil sa mga
masasamang intensyon ng mga politiko. Ang kasagraduhan ng balota ay nababalewala. Marahil,
ang konsepto ng pandaraya sa halalan ay hindi lamang umusbong sa kasalukuyan. Matagal nang
kinahaharap ng bawat mamamayan ang suliraning ito, na nagpasalin-salin at patuloy na
magpapasalin-salin sa mga susunod pang henerasyon.
Narito ang ilang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon:
(1) Electoral fraud o ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan
ng pagdaragdag ng boto sa pinapaborang politiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o
pareho;
(2) Election manipulation na isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang
halalan kung ang komposisyon ng mga manghahalal ay nabago;
(3) Disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto na
isinasagawa kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ay sumusuporta sa
kalabang panig o partido;
(4) Manipulasyon ng demograpiya kung saan, maraming pagkakataon na kayang kontrolin
ng mga kinauukulan ang komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang
pumapabor sa sinusupotahang politiko. Kabilang dito ang
(a) Intimidasyon na tumutukoy sa lakas o puwersang ibinibgay sa mga botante
upang sila’y bumoto pabor sa isang partikular na kandidato o kaya’y pigilan silang
makibahagi o makiisa sa pagboto;
(b) Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng Karahasan na nagpapakitang ang
mga botante sa isang partikular na demograpiko o mga kilalang tagasuporta sa isang
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

partikular na kandidato ay direktang tinatakot ng mga tagasuporta ng kalabang partido


upang ibasura ang pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusuportahang kandidato.;
(c) Pag-atake sa Lugar ng Halalan kung saan ang madalas na nagiging target ay
ang mga lugar na aktuwal na pinagdarausan ng lokal o pambansang halalan.;
(d) Mga Pagbabantang Legal kung saan, may pagkakataong sinasamantala ng mga
politiko ang ng kaalaman ng isang indibidwal sa kaniyang karapatan na makiisa sa lokal at
pambansang halalan sa pamamagitan ng pagboto;
(e) Pamimilit na nagpapakitang ang demograpiko na may kontrol sa balota ay
sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanil; at
(f) Pamimili ng Boto na isang akto ng kung saan ang isang partido politikal o
kandidato ay nanghihingi ng boto sa mga botante kapalit ng salapi, mga kinakailangang
kagamitan o kaya ay mga serbisyo. Hindi lamang sa Pilipinas talamak ang ganitong usapin
ng pandaraya sa eleksyon. Maging sa Amerika, Argentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay
talamak din ang pamimili ng boto para sa eleksyon.
Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa ilalim
ng Kodigo Penal ng Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws). Ilan sa mga
anyo ng pagnanakaw sa kaban ng bayan at sa gayo’y maituturing na isang krimen ang:
(1) Panunuhol (Bribery at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno (Corruption of Public
Officer);
(2) Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan;
(3) Pandarambong (Plunder); (4) Graft and Corruption. Maaaring sumangguni sa Kodigo
Penal ng Pilipinas ( Artikulo 203, 210, 211, 212, 217, 220) para sa mas malalim na pag-unawa sa
mga batas na ito.
Ang pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa sistema ng pamamahala sa
Pilipinas. Sa bisa ng RA 7080, itinuturing na krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta,
o sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa
pamamagitan ng kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay
humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o
sund-sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong
halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa sa limampung milyong piso. Reclusion perpetua
hanggang kamatayan ang parusang naghihintay sa sinumang mapatutunayang nagkasala sa
krimeng ito.
Ang mga sumusunod ay mga espisipikong akto na may kaugnayan sa pandarambong:
(1) Paglustay, paglilipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa mga pondong
pampubliko o mga pagsalakay sa kabang-yaman ng bayan;
(2) Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, bahagdan,
mga kickback o anumang anyo ng pansalaping pakinabang mula sa sinumang tao at/o anumang
entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina
o posisyon ng pinatutungkulang opisyal ng bayan;
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

(3) Ilegal na pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan o


anumang subdibisyon nito, mga ahensya o instrumentalidad o mga pag-aari ng gobyerno o
kinokontrol ng gobyerno na mga korporasyon at mga subsidyaryo nito;
(4) Pagkakamit, pagtanggap nang tuwiran o hindi tuwiran ng anumang mga bahagi ng
stock, ekwidad o anupamang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng
panghinaharap na trabaho sa anumang negosyo;
(5) Paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo o iba pang
kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga
partikular na tao o mga espesyal na interes; o
(6) Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan,
koneksyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang sarili nito na may
pagsasawalang-bahala sa panganib o pinsalang maidudulot nito sa mamamayang Pilipino at
Republika ng Pilipinas. Ilang halimbawa ng pandarambong ang binanggit sa aklat nina San Juan
(2019) katulad ng overpricing gaya ng mga lampposts na nagkakahalaga ng P224,000 bawat isa
sa Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu o kaya’y ang mga proyektong pinondohan ng malaki ngunit
hindi natapos (gaya ng Bataan Nuclear Power Plant na nagkakahalaga ng $2.3 bilyon, at ang North
Rail Project na nagkakahalaga naman ng $500 milyon) o kaya’y hindi talaga naitayo.
Ang konsepto ng graft and corruption ay mga usaping nagpapasakit sa bawat Pilipino. Ang
usaping ito’y matagal nang hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan, bigo pa
ring mapaglabanan. Dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng personal na benepisyo mula
sa transaksyong pampamahalaan ang graft and corruption. Tumutukoy ang korapsyon sa maling
gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Ang graft sa kabilang
banda ay tumutukoy naman sa maling gamit ng impluwensiya para sa personal na benepisyo.
Makikita sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang enumerasyon ng mga
espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa ilalim ng batas na ito.
Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang
sistemang padrino o ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang
nagiging bulag at binging saksi sa hustisyang dapat ibigay sa taumbayan mapagbigyan lamang ang
mga taong pinagkakautangan nila ng loob. Ang suliraning ito'y talamak sa mga posisyong
nakabatay lamang sa tiwala at kumpiyansa ng taong nasa puwesto, bagama’t ang mga posisyong
nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Civil Service Commission ay hindi rin ganap na ligtas sa usaping
ito.
Masasabi na ang nepotismo at kroniyismo ay kasama ay kasama rin sa mga ugat ng
padrino o palakasan. Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang umiiral na batas, ang nepotismo
o ang pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal samantalang walang
tiyak na batas na makapagpaparusa sa kroniyismo o pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan,
bagama’t matindi itong kinukundina. Ang nepotismo at kroniyismo ay hindi pinapaboran upang
maiwasan ang mga sabwatan sa mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na
kasangkot.
Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa isang magandang sistema ng
pamamahala hindi lamang sa mga pangunahing sangay ng gobyerno kundi maging sa mga maliliit
na yunit nito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa pagtataya sa mga suliraning may kaugnayan
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

dito. Hindi ligtas dito ang kapulisan ng Hukbong Sandatahan. Sa kabila ng panunumpa sa kodigo
ng pag-aasal o etika, may mga pagkakataong nilalabag pa rin ng kapulisan ang ispesipikong
probisyon nito katulad ng mga sumusunod:
(1)pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain;
(2) pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik at hindi pag-akto sa isang kaso na
kailangan niyang gawan ng aksyon;
(3) pagtanggap ng suhol bilang kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket kaugnay ng paglabag
ng motorista sa batas pantrapiko;
(4) pagtatanim ng ebidensya na karaniwang ginagawa upang patibayin ang kaso laban sa
isang indibidwal - ito ay ilegal, instigasyon kung saan ay karaniwang gumagawa ng paraan ang
kapulisan upang ang isang indibidwal ay kumilos at ilabas ang ebidensyang kailangan upang
magkaroon ng sapat na batayan ang kapulisan na hulihin ang naturang indibidwal batay sa mga
mga ebidensyang ipinakita - ito ay legal, at ang pagpapahirap o torture na isang konsepto ng
pagpapaamin o pagpapahirap sa isang indibidwal na aminin ang isang krimen na maaaring
kaniyang ginawa o kaya ay hindi ginawa;
(5) pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang
mapagtagumpayan ang nais na makuha - kinikilala bilang isang anyo ng pangingikil na lumalabag
sa mga umiiral na batas at polisiya sa Pilipinas; at
(6) paglahok ng kapulisan sa mga organisadong krimen tulad ng pagnanakaw, terorismo,
kidnapping, at iba pa.
Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno. Mataas
ang pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa batas na
ginawa ng Lehislatibo at ipinatutupad naman ng Ehekutibo. Ngunit hindi rin ligtas ang
Hudikatura sa mga alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan (pagtanggap ng
suhol upang magbaba ng desisyong pumapabor sa nagbigay ng suhol, pagpapatagal g desisyon na
nagbubunga ng inhustiya sa mga taong walang kasalanan). Kaakibat ng mga maling gawi o akto
ng hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika ay ang pagharap sa mga kasong administratibo
o maaari ding pagtanggal sa kanilang lisensya bilang abogado. Isa sa mga naging mainit na usapin
ang kasong ipinukol kay dating SC Justice Renato Corona dahil sa maling deklarasyon ng
kaniyang mga pagmamay-ari at pagkakautang batay sa deklarasyon ng kaniyang SALN na
sinasabing lumalabag sa RA 6713. Hindi rin nalalayo ang kapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes
Sereno - ang kauna-unahang babaeng Chief Justice - kay dating SC Justice Renato Corona. Na-
impeach din siya dahil hindi nito naibigay ang basikong kahingian na paghahain ng SALN.
Ang pamamahayag ay isa sa mga basikong karapatang pantao na binibigyang ng
proteksyon ng ating Saligang Batas ng 1987 (Artikulo III, Seksyon 4). Isinasaad dito na walang
makapapasang batas na bumabangga sa karapatan ng tao na magsalita, magpahayag, o ang
karapatan na magtipon-tipon sa mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang karaingan
laban sa gobyerno. Sa kabila ng mga karapatang ito, may mga pagkakataong nababahiran din ng
usapin ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan gaya ng mga sumusunod na sitwasyon:
(1) pananahinik o pagpapasyang huwag ilantad ang katotohanan kapalit ng pagtanggap ng
suhol o ang kabaligtaran nito; at
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

(2) may mga pagkakataong kapalit ng suhol ang pagsusulat ng mga kuwentong
mapakikinabangan ng indibidwal o kumpayang nagbigay ng suhol.
Ang Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo at pagbabalangkas ng
mga batas na nararapat namang ipatupad ng Ehekutibo. Malapit sa usapin ng korapsyon ang sangay
na ito sapagkat maaaring makapaglagay ng isang probisyon sa panukalang batas na maaaring
pumabor sa may-akda nito. Mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral ang ilang prinsipyo upang
labanan ang katiwaliang ito sa pamahalaan gaya ng:
(1) hindi tugmang tanggapan (incompatible office) kung saan pinagbabawalan ang mga
mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon sa anumang ahensya ng gobyerno kasama ang
GOCC o Government Owned and Controlled Corporations liban na lamang kung iiwanan niya ang
kaniyang posisyon bilang mambabatas (TANDAAN: Hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay
maituturing na incompatible office sapagkay mayroong mga tungkuling maaaring tanggapin ng
isang mambabatas batay sa pagkilala ng Saligang Batas. Halimbawa ang pagiging kasapi ng
Electoral tribunal at Judicial and bar Council of the Philippines);
(2) ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office) kung saan pinagbabawalan ang
pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na nilikha o ang suweldo
para dito ay nilikha sa panahon na siya’y nanunungkulan pa bilang kongresista. Ang layunin nito’y
upang iwasan ang anomalya na ang isang kongresista ay makinabang sa batas na siya mismo ang
nagbigay ng inisyatibo
Ang iba pang korapsyon na palasak sa Pilipinas ay ang:
(1) pagtakas sa pagbabayad ng buwis;
(2) ghost projects at payroll;
(3) pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata;
(4) pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor tungo sa iba pa o subcontracting;
(5) pangingikil; at
(6) panunuhol.
Mga Ugat ng Korapsyon

Sa ating pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng ating bansa, maaaring sabihing sa panahon pa


ng mga Espanyol nagsimula ang korapsyon. Nagsimula ito sa pangogolekta ng buwis na
ipinagkatiwala sa mga dating datu, rajah, at iba pang maharlika na nabigyan ng mabababang
posisyon sa gobyerno (gaya ng pagiging cabeza de barangay). Dahil kapalit ng prebilehiyo ng
pananatili sa posisyon ang quota ng buwis na kokolektahin, kapag hindi umabot sa quota ang
cabeza, obligado siyang magpaluwal. Kung walang salapi ang cabeza, kukumpiskahin ng mga
Espanyol ang kaniyang ari-arian. Sa takot ng ilang mga kolektor na magpaluwal, tinaasan nila ang
paniningil ng buwis, lagpas pa sa halagang itinakda. Sa gayong paraan, hindi kukulangin at
malamang na may lumabis pa nga sa masisingil. Ang sumobra sa nasingil ay “ibinubulsa” na ng
mga opisyal. Dito nagsimula ang korapsyon.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Mayroon ding mga gobernador-heneral na Espanyol na maituturing na tiwali. Katunayan,


pagkatapos ng kanilang mga termino, madalas na ibinubulgar ng pumalit na gobernador-heneral
ang mga kuwestyonableng transaksyon ng nakaraang administrasyon. Sa panahon din ng mga
Espanyol lumitaw ang sistemang padrino o pagkakaroon ng backer na susuporta sa isang tao
na gustong magtrabaho sa gobyerno o kaya’y makakuha ng mataas na posisyon. Ang ganitong
sistema ay nagbunga ng katiwalian dahil karaniwan, sa bawat pabor na hingin sa padrino ay may
kapalit na suhol, salapi man o anumang mahalagang bagay. Sa pagkakaroon ng utang na loob sa
padrino, ang mga biktima ng ganitong sistema ay mananatili masugid na tagasuporta ng kanilang
padrino kahit na ang huli’y mapatunayan nang tiwali. Binanggit ito sa aklat nina San Juan (2019).
Sumulpot naman ang lokal na elite o principlia mula sa mga dating datu, rajah, at maharlika
noong panahon din ng mga Espanyol. Binigayan sila ng mababang posisyon gaya ng pagiging
cabeza de barangay at gobernadorcillo. Pinaboran din sila ng mga Espanyol sa pagbibigay ng
karapatang mamahala sa lupa at maningil ng buwis. Samakatuwid, kung ang mga ordinaryong
indio ay walang sariling lupa at wala ring pera, ang mga pricipalia at ilustrado ay mayroon
sapagkat pinaboran sila ng mga Espanyol para maging maamong tagasunod na maglilingkod sa
Espanya at wala ng iba pa. Katunayan, sa maraming taon ay naging matapat sila sa mga Espanyol
dahil nakikinabang nga sila nang malaki sa paghahari ng mga ito. Marami sa mga pamilyang
asenderong ito’y nanatiling bahagi ng alta sociedad sa kasalukuyan, sapagkat mayaman pa rin sila
sa salapi at lupain.
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, isa sa kanilang programa ang reporma sa
lupa. Ngunit hindi ito naging mabisa sa panahon ng kanilang pananakop, at hanggang ngayon, ang
programa sa reporma sa lupa ng pamahalaan - ang CARP na pinalawig pa at naging CARPER -
ay napatunayan na ring hindi mabisa. Ang kontrol sa malalaking lote ng lupa at ang kanilang
kayamanan ay napanatili ng iilang pamilya mula pa noong panahon ng Espanyol. Nagkaroon tuloy
ng napakalaking agwat sa pagitan ng mga ordinaryong Pilipino at sa mga elitistang ito na
nagawang mapag-aral ang kanilang mga anak hanggang kolehiyo, at bumuo ng mga koneksyon sa
iba pang makapangyarihan sa lipunan. Sa mga unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano,
ang karapatang maghalal at mahalal ay maaari lamang tamasahin ng mga mamamayang may
edukasyon at ari-arian. Kaya lalong tumibay ang monopolyo ng mayayaman sa kapangyarihang
politikal sa panahong iyon, bagay na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng monopolyo nila sa kapangyarihang politikal, naging mahirap para sa
mga ordinaryong tao na bantayan at lumahok sa prosesong politikal. Halimbawa, ang mayayaman
lamang ang may malaking pagkakataong manalo sa mga eleksyon dahil sa laki ng salaping
kailangan sa pangangampanya. Kung may mga mamamayan mang galing sa mahihirap na pamilya
ang magwagi, karaniwang dahil lamang din sa suporta ng mayayamang nagbigay ng salaping
pangkampanya. Sa panahong manalo na ang mga puwersang ito, malakas ang tukso na gamitin
ang salapi ng bayan upang mabawi ang kanilang “puhunan” sa pagtakbo at pangangampanya.
Samakatuwid, maituturing na ugat din ng korapsyon ang monopolyo ng iilang dinastiyang politikal
sa kapangyarihan at ang kawalan ng sapat na partisipasyon ng mga mamamayan sa prosesong
politikal. Nabanggit ito sa aklat nina San Juan (2019)
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Mga Dinastiyang Politikal

Nilalaman

Mga Dinastiyang Politikal


Ayon sa pananaliksik na isinagawa ni Prop. Dante Simbulan (San Juan, et al., 2019) na
sumasaklaw mula 1946 - 1963, may 169 dinastiya sa Pilipinas na pinagmulan ng 584 opisyal ng
gobyerno (kasama na ang 7 presidente, 2 bise-presidente, 42 senador, at 147 kinatawan sa
Kongreso). Makikita ito sa aklat na “The Modern Principalia: The Historical Evolution of the
Philippine Ruling Oligarchy” (2007). Binanggit din sa aklat nina San Juan (2019) ang resulta ng
pag-aaral ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2011 na nagpapatunay ng pag-
iral ng dinastiyang politikal sa bansa.
Batay naman sa isang ulat ng GMA News Online, marami pa ring dinastiya ang nananatili
sa kapangyarihan sa eleksyon noong 2013. (Matatagpuan sa link na ito ang nasabing ulat:
http://www.gmanetwork.com/news/story/308899/news/nation/phl-political-dynasties-winners-
losers-in-may-13-elections). Sa isang database naman ng Philippine Center for Investigative
Journalism (PCIJ) ay masisipat ang detalyadong datos hinggil sa mga dinastiya na sumasaklaw sa
sangay ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal. Saklaw din ng nasabing database ang mga negosyong
hinahawakan ng mga kasapi ng mga dinastiyang politikal. Sa pamamagitan ng nasabing database,
mahihinuhang maraming dinastiya sa bansa ang mahigit apat na dekada nang may kapangyarihang
politikal, gaya ng dinastiyang Abad, Aquino, Cojuangco, Marcos, Macapagal, Magsaysay, Ortega,
at marami pang iba. (Matatagpuan ang nasabing database sa: http://i-site.ph/).

Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How the Wealthy and Well-born Dominate
Congress” (2004) nina Shiela Coronel et al., halos isang siglo nang kontrolado ng mga dinastiya
ang sistemang politikal ng bansa. Anila, bagama’t hindi na puro asendero ang mga dinastiyang
nakapuwesto, lahat ng mga angkang ito’y pawang mayayaman at maituturing na bahagi ng noveau
rich. Samakatuwid, malinaw na ang kayamanan at kapangyarihang politikal ay magkaugnay pa
rin hanggang sa kasalukuyan.
Mga Bunga ng Korapsyon
1. Ang kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa
iba’t ibang sangay ng pamahalaan. kahit may mga kinatawan ang mga grupong marginalized sa
pamamagitan ng mga partylist, hadlang din sa mga repormang sosyo-ekonomiko na isinusulong
ng mga grupong marginalized ang mga dinastiya.
2. Ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng gobyerno para sa mga serbisyong panlipunan
(gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon at kalusugan). Malaking halaga ng badyet ng
gobyerno ang napupunta sa korapsyon, na tinatayang umaabot sa 200 bilyong piso kada taon (ayon
sa World Bank).
3. Ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa. Sa pangkalahatan, ang pagtamlay ng
suporta ng mga mamamayan sa gobyerno at ang pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa halalan
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

at iba pang prosesong politikal ay epekto rin ng monopolyo ng mga dinastiya sa kapangyarihang
politikal
Mga Solusyon sa Korapsyon
Sa ganitong diwa, ang pagsasagawa ng mga repormang politikal (gaya ng pagsasabatas
ng konstitusyonal na probisyon na nagbabawal sa mga dinastiyang politikal at mga batas na
magpapatibay pa sa representasyon ng mga grupong marginalized gaya ng sistemang partylist) ay
dapat isagawa. Isinasaad sa Artikulo II, Seksyon 26 ng ating Saligang Batas ang pagbabawal ng
political dynasties bansa. Noong 2011, isinampa sa Kongreso ang House Bill 3413 (Anti-Political
Dynasty Bill) na co-authored ng mga partylist na Bayan Muna, Gabriela Women’s Party,
Anakpawis, Kabataan, at ACT Teachers. Noong 2001 pa unang nag-file ng anti-dynasty bill ang
Bayan Muna. Sa kasalukuyan, nakalusot na sa lebel ng komite sa Kongreso ang katulad na
panukalang batas (konsolidadong House Bills 172, 837, at 2911 na inakda rin ng mga nasabing
partylist at ng tatlo pang kongresista. Sa Senado ay naka-file naman ang Senate Bill 2649 ni
Senador Miriam Defensor-Santiago.
Bukod sa mga institusyonal na pagsisikhay na maisabatas ang isang Anti-Dynasty Bill, ang
pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng mga
partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal. Ang pagsasagawa
ng mga voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay makatutulong din
sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na makapagpapahina naman sa
kapangyarihan ng mga dinastiya.

Mga Isyung Kultural at Linggwistiko

Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang kultura, kultura sa pananamit, pagsasalita,


pananampalataya, at iba pa. Ang ating bansa ay napakayaman sa kultura. Sinasabing bago pa man
dumating ang mga dayuhan para sakupin tayo, ang ating bansa ay mayaman na sa kultura. Ang
kultura ng Pilipinas ay pinaghalong katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop. Ang nangyaring pananakop ng Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala
ng Mehiko na tumagal ng 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa ating kultura. Isa sa ating
minana ay ang pagdiriwang ng pista at pag-alala sa mga Santong Patron. Sa katimugang bahagi ng
ating bansa kung saan ang mga kapatid nating Muslim ay nagdiriwang din ng kanilang mga
tradisyon at nakagawian.
Sa bahaging ito ay tatalakayin ang mga isyung kultural at linggwistiko

Lunsaran

Panoorin at pakinggan ang awit sa link na ito tungkol sa sagisag Pilpinino. Ano ang nais
iparating ng awit tungkol sa kulturang
Pilipino?https://www.youtube.com/watch?v=3vYcICr8h1Y.

Nilalaman

Bago pa man dumating ang unang mananakop, ang mga mangangalakal galing Malaysia,
India, Hapon, Indonesia, at Tsina ay mayroon ding malaking kontribusyon sa kultura ng Pilipinas.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang Hinduismo at Budismo ay impluwensiya rin sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino
bago dumating ang mga Espanyol at ang mga mangangalakal na Muslim sa atin. Ang wikang
Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Marami sa mga
pamahiin, hiniram na salita at pagkain ay minana pa sa mga mangangalakal na Intsik. Ibig sabihin,
ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng mga kaugalian, tradisyon,
mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan.

Namamatay na ang kultura ng ating bansa. Ang kabataan sa kasalukuyang panahon ay wala
ng pagpapahalaga para sa mga produkto at gawaing Pilipino. Ang sinasabi nilang “colonial
mentality’’, o ang kaugaliang pumapabor sa paggamit ng mga bagay na gawa ng mga dayuhan,
ay nagiging kanser na sa ating lipunan. Pero, bago natin suriin at sagutin ang problemang ito,
kailangan natin bumalik sa pinagmulan ng kaisipan na ito.
Sa tatlong daang taon na nakatira dito ang mga Kastila, maraming bahagi ng kanilang
kultura ay isinama sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino, katulad ng Katolisismo
o rehilyon Katoliko, mga Kastilang pangalan, wika, at pagkain. Hindi lang ito, ngunit ang mga
ginagawa ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon katulad ng pagbebeso, pagsasali sa mga
pista at pagsisiesta ay galing din sa mga Kastila. Sa panahon ng mga Kastila, naniniwala sila na
mas mabuti ang kanilang kultura kaysa sa kultura ng Pilipinas, at ang kaisipan na ito ay pumasok
sa utak ng mga Pilipino, lalong lalo na sa mga mas mayaman na tao.
Noong naging kolonya ng Estados Unidos ang bansang ito, pinakilala ng mga Amerikano
ang iba’t ibang uri ng kanilang kultura sa mga Pilipino. Ang panonood ng mga pelikula, ang mga
popular na “fast food” katulad ng hamburger at french fries, ang mga pangalang Amerikano,
at ang pagsuot ng pantalong maong ay mga halimbawa nito. Tinanggap ng malugod ng Pilipino
ang mga impluwensiyang ito, at dahil dito, naniwala sila na napakabuti ang mga natutunan nila sa
mga dayuhan.

Makikita natin na sa kasalukuyang panahon, karaniwan sa mga Pilipino ay hindi


naniniwala sa kagandahan at pagkakaiba ng kultura ng sarili nilang bansa. Ang mga produktong
Amerikano o mga produktong Europa ay laging binibili at hinahanap nila, habang ang lokal na
produkto ay nawawalan na ng halaga. Nabubulag ang mga Pilipino sa realidad na hindi uunlad ang
Pilipinas kung hindi nila kayang mahalin ang sariling wika, produkto at kultura. Bilang pagtugon
sa problemang ito, magbabahagi ako ng anim na paraan upang maikontra ang kolonial na
mentalidad at maging mas apresiyatibo ang mga kababayan ko sa mga gawaing at kulturang
Pilipino.
Kamakailan lamang ay nag-survey ang Pulse Asia tungkol sa kawalan ng pag-asa ng mga
Pilipino sa ating bansa. Ayon sa survey, wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang
“may pag-asa pa ang bansang ito.” Dama ng karamihan ang pangangailangan para sa pundamental
na pagbabago sa ating lipunan ngayon. Kailangan ng pagbabago sa ating ekonomiya kung saan
ang karamihan ay nananatiling hikahos, hindi nakikinabang sa kanilang pinagpapawisan.
Kailangan ng pagbabago sa ating pulitika, kung saan ang gobyerno ay gobyerno ng iilan, at hindi
ng karamihan. Pero batid din natin na ang pagbabago sa lipunan ay hindi magiging ganap kapag
walang kasabay na pagbabago sa kultura ng bayan. Pagbabago sa dominanteng kaisipan,
kaugalian, pagpapahalaga, panlasa, sining at panitikan. Pero ano nga ba ang kailangan baguhin
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sa kultura sa bansa ngayon? Hayaan ninyo akong magbahagi ng aming pagsusuri hinggil sa
kasalukuyang kalagayan ng sining at kultura sa Pilipinas, mga patakaran at programa sa kultura
ng pamahalaan at pribadong sektor, at ugnayan ng mga ito sa ekonomya at pulitika ng bansa sa
panahon ng globalisasyon. Kung ito ay makakatulong sa paglilinaw at paggigiit sa tungkulin ng
artistang Pilipino sa pagsusulong ng pagbabago sa ating lipunan, nakamit na rin namin ang aming
layunin sa pagkakataong ito.
Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at pyudal sa
kasalukuyang panahon. Itinatakda ito ng mga dominanteng pwersa sa ekonomya at politika ng
bansa – ang U.S. at ang mga elite sa ating lipunan, ang malalaking kapitalista at asenderong
Pilipino.
Ang pamantayan ng U.S., hindi lamang sa pulitika at ekonomya, kundi maging sa kulturang
kolonyal ang nagiging sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino. Sa kulturang
burges, ang sining ay kalakal at ang mga tao ay palengke na pwedeng manipulahin para higit na
pagtubuan. Pinapanatiling mangmang, kimi at palaasa sa “swerte” at sa kawanggawa ang masang
bihag ng kulturang pyudal. Sa tulong ng dominanteng kulturang ito, nagiging mas madali ang
patuloy na pagkontrol at pagsasamantala ng mga dayuhan at iilan sa sambayanang Pilipino.
Dahil sa patakaran ng import liberalization mas malaya nang nakapapasok pati mga
dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat, musika at software. Sa
ilalim ng Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS ng WTO, nagiging mas
madali para sa mga higanteng korporasyon mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili, pag-
agaw, pagkontrol at pagmomonopolyo sa mga sumusunod:
1) likhang sining at distribusyon nito (sa pamamagitan ng karapatang-ari at mga kaakibat
nito),
2) tatak (trademark) at pagtukoy sa pinagmulan ng produkto (geographical indications),
3) imbensyon (sa pamamagitan ng patente), industrial design at trade secrets.

Sa pamamagitan ng General Agreement on Trade in Service o GATS ng WTO, pinadali


rin ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa Pilipinas. Kabilang dito ang
mga serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at preserbasyon ng mga produktong pangkultura,
gaya ng distribusyon at pagpapalabas ng pelikula. Sa buong mundo, ang US ang pinakamalaking
exporter ng mga produktong pangkultura ngayon. Kasabay ng halos monopolyado ng US ang
produksyon at distribusyon ng produktong pangkultura, hinuhulma nito ang panlasa ng mga tao
upang lumikha ng pangangailangan (demand) para sa kaniyang mga produkto. Ang panlasang
Pinoy ay matagal ng nabababad sa pamantayang Amerikano kaya madaling tanggapin ito ng
marami. Ngunit nagreresulta ito sa pagkalugi o paglamon sa lokal na industriyang pangkultura.
Dahil sa matinding kumpetisyon lumalaban ang mga ito sa pabababaan ng sahod,
kontraktwalisasyon, at pagbabawas ng mga manggagawa na nagaganap sa mga estasyon ng
telebisyon at mga produksyong pampelikula. Ibinubunsod din ng kumpetisyon na ito ang lalong
pagkasadlak ng mga likhang sining sa pamantayang komersyal at kolonyal para makapatas sa mga
imported na likhang sining at pamantayan ng kahusayan. Naging laganap din ang pamimirata ng
mga nais kumita ng malaki sa mababang kapital. Habang sa isang banda, ang panggagaya ay
kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon dahil pinalalaganap pa nito ang dayuhan o anila’y
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

“global” na panlasa, ang pamimirata nama’y malupit nilang nilalabanan sa larangan ng intellectual
property rights dahil umuuk-ok ito sa kanilang tubo. Nagkakaroon din ng impluwensya o kontrol
ang pribadong korporasyon sa mga likhang sining sa pamamagitan ng pagpondo nito sa mga
ahensyang pangkultura at mga grupo o indibidwal na artistang hindi nakatatanggap ng suporta
mula sa gobyerno.
Sa hanay ng kultura, itinuturing na world-class ang mga nagkamit ng parangal mula sa
mga dayuhang institusyon. Hindi masamang makilala ang kakayanan ng Pinoy sa ibayong-dagat.
Ngunit kung ang gagamiting pamantayan ng pag-unlad at kahusayan ay nakabatay sa kulturang
maka-dayuhan gaya ng laganap sa ating mga palabas, musika, atbp. mas malaki ang pinsala nito.
Anti-nasyunal na kaisipan ang kabilang mukha ng “world class culture”na nagmamaliit at
nagbabansot sa halip na nagpapayabong sa kulturang Pilipino. Maging ang sistema ng edukasyon
ay hinuhubog ding maging world-class. Kinakailangan daw ito para maging competitive o
makipagtapatan sa pandaigdigang kumpetisyon. Sa mga paaralan, pilit inaayon ang mga kurso
at aralin na maghuhubog ng mga susunod na manggagawang skilled at english speaking para sa
mga multinasyunal na kumpanya na nagdidikta ng kung ano ang kailangan nilang trabaho. Sa
kasalukuyan laganap ang call centers, kung saan maraming kabataan ang namamasukan bilang
kontrakwal. Inihahanda rin ng ganitong mga patakaran sa paaralan ang mga susunod na OFWs na
pinagkakakitaan ng pamahalaan.
Ang cultural diversity o ang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig ay ang
pagtingin na may esensyal na kaibahan ang mga kultura at nararapat lamang na igalang,
protektahan at paunlarin ang mga pagkakaibang ito. Subalit ang pakahulugan sa cultural diversity
– na itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng gobyerno – ay ang paglikha ng
napakaraming produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kultura. Binibigyan ng halaga na parang
sa palengke ang mga “kakaiba,” ispesipiko, “walang katulad,” at exotic na kultura. May
pagromantisa pa sa samu’t-saring tribo at komunidad na nagsisilbing materyal para sa imahinasyon
at pantasya ng “mas maunlad” na sibilisasyon.Hungkag ang ganitong konsepto ng ”cultural
diversity” sapagkat hinihiwalay ang kultura sa kinaiiralan nitong panlipunang konteksto.
Laganap ang samu’t saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga lokalidad
at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa. Sa isang banda nakabubuti ang
turismo, kung bahagi ito ng edukasyon ng mga Pilipino at ng mga dayuhan na makilala ang
mayamang kultura sa ating bayan. Ngunit kung ang pangunahing layunin ay kumita ng pera,
nagiging kapital ang turismo sa komersiyalisasyon ng kultura. Bukod pa sa pinagkakakitaan ang
kultura, mas masahol ang usapin ngpanghihimasok sa isang kultura at ang artipisyal na
pagpoprosesodito upang maging mabenta sa pinakamaraming tao. Madalas kaysa hindi, nababago
sa kalaunan ang isang kultura kundi man ito tuluyang nasisira. Sa praktika ng gobyerno, ginagamit
nito ang turismo bilang tugon sa kahirapan. Sa isang banda, sinusuportahan nito ang produksyon
ng mga tradisyunal na kagamitan. Ngunit ang pagpayag at paghihikayat ng gobyerno sa pagpasok
ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa mga kababayang tumutugon
sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal na produksyon.
Ang tinaguriang “kulturang popular” ba ay tunay na kultura ng masa? O nagiging popular
ito dahil pilit itong ipinamumudmod sa masa, hinuhubog ang kanilang panlasa hanggang sa
tanggapin na nila ito bilang sariling kultura? Ang mga eksena mula sa palabas na Wowowee at iba
pang gameshow ay nagpapakita ng matinding desperasyon ngnapakaraming maralitang Pilipino.
Pinapalaganap nito ang pantasya na “suwerte” at kagandahang-loob ng iba ang sagot sa kahirapan
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ng masa. Inilalako nito ang hungkag na pag-asa sa milyon-milyong tagapanood, kasabay ng mga
produkto ng mga malalaking kumpanyang isponsor ng mga palabas na ito, sila na kumikita ng
limpak-limpak sa pagtangkilik ng masa. Gayundin, hungkag na kaligtasan ang nilalako ng mga
fantaserye at telenovela, gawa man dito o dinub mula sa ibang bansa, Sa mga palabas na ito, hindi
sistemang panlipunan o gobyerno ang ugat ng paghihirap kundi mga masasamang nilalang. At ang
katubusan ay nasa balikat ng mga indibidwal na may kakaibang mga kapangyarihan, mga
superhero, hindi sa kolektibong pakikibaka ng mga inaapi at pinagsasamantalahan. Ito ang
artipisyal na kulturang popular na “ibinebenta” ng industriyang pangkultura ng mga lokal na
naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili. Dahil ang mga lokal na naghaharing uri
at imperyalismo ang may hawak ng halos lahat ng mayor na industriya sa kultura at sining (musika,
pelikula atbp.) sila ang nagtatakda kung ano ang isinasalaksak sa isipan at panlasa ng masa. Sila
ang nagtatatak na pangmasa ang ganitrong kulturang mapang-alipin. Sila ang nagpapanatiling
mababaw o tanga ang masa – habang umaani ng tubo mula sa mga produktong kanilang ibinebenta
sa masa.
Ang pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ito'y alinsunod sa
pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ang alinmang wika kung hindi ito gagamitin. Dahil
dito, ang pakiwaring pabayaan munang umunlad ang wikang Filipino bago ito gamitin ay isang
uri ng pag-iwas sa tungkuling makibahagi sa pagpapaunlad ng ating wika. Ang tanging dahilan
kung bakit maraming salitang Ingles ang wala pang katapat o katumbas na salitang Filipino ay
sapagkat sa loob ng matagal na panahon ay itinigil ang paggamit nito. Ginamit at ginagamit pa rin
ang wikang Ingles, kung kaya't ito ang puspusang umunlad. Ito ang yumabong at lumawak;
samantalang ang wikang Filipino ay mistulang naluoy at napuril dahil sa di-paggamit.
Marami sa atin ay nagsasalita sa Ingles dahil ito ay ang pangunahing wikang itinuturo sa
mga eskwelahan. Ayon nga kay Kate Mcgeon ng BBC News: “The Philippines is fast becoming
the world’s low-cost English language teacher – with rapid increases in overseas students coming
to learn English or study in English-speaking universities. The main reasons that attract them are,
again, the cost – and the fact that, in the country’s top universities, all classes are held in English.”
Dahil sobrang laki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa wikang Ingles, ang wikang Tagalog ay
nawawalan na ng kahalagahan. Kailangan natin gamitin ang sariling wika para maipagmamalaki
natin ang pagiging Pilipino. Hindi naman sinasabi na ang paggamit ng wikang Ingles ay masama
o dapat tigilan ang pagturo ng Ingles sa eskwelahan, ngunit dapat mas madalas tayong gumamit
ng sarili nating wika sa pagsasalita. Ipinagmamalaki natin ang ating wika sa mga panahon na
nagsasalita tayo sa Tagalog.
Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa wikang Filipino, maaaring panoorin ang isang
dokumentaryo sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To

Mga Isyung Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon at iba pa

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakararanas ng suliranin sa kalusugan. Isa itong
suliraning araw-araw na kinahaharap ng mga Pilipino sa lahat ng panahon. Dahil sa kakulangan
ng pondo at hindi maayos na pamunuan sa bansa, ang mga suliraning ito ay nanantili at patuloy
pang lumalala. Isa pa sa suliranin sa bansa ang transportasyon. Marahil kahit na anong iskema ang
gamitin, hindi pa rin natatapos ang suliraning ito. Ang mga komyuter ang higit na apektado rito
lalo na ngayong panahon ng pandemya. Hindi rin naman nahuhuli ang sistemang pang-edukasyon
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sa mga pinoproblema hindi lang ng mga ordinaryong mamamayan kundi maging ng iba’t ibang
pinuno ng pamahalaan na may kaugnayan sa edukasyon.
Sa bahaging ito ay lilinawin ang ilang isyung pangkalusugan, transsportasyon, at
edukasyon na nararanasan ng bawat Pilipino. Maaring isa ka sa mga nakaranas ng mga ito. Kasama
rin sa iba pang isyung tatalakayin ang problema sa pabahay.

Lunsaran

Panoorin ang nilalaman ng bidyong ito. Tungkol saan ito? Ano ang masasabi mo tungkol
dito? https://youtu.be/E7WDeqCteDM

Nilalaman

Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas

Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit
ay mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan dahil ayon
sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla
ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan,
o iba pang karamdaman. Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo, maging mayaman
man o mahirap. Walang pinipiling edad, kasarian, paniniwala o relihiyon ang pagkakaroon ng
karapatan sa kalusugan. Ito ay isa ring responsibilidad sa ating sarili at sa ating kapwa – tao. Sa
madaling salita, ang kalusugan ay para sa lahat at ito ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat
nating tinatamasa sapagkat ito ay isang kayamanan.
Masasabing ang kalagayan ng kalusugan sa ating bansa ay hindi maganda sapagkat
maraming mamamayan rin ang hindi nakakatanggap ng mataas na kalidad ng tulong
pangkalusugan. Sa resulta ng isang pakikipanayam sa isang Provincial DOH Officer napag-alaman
ang totoong kalagayan ng isang pampublikong ospital sa bansa.
Ayon sa Provincial Department of Health (DOH) Officer na ito, ang isang problema sa
sangay ng kalusugan ay nagdudulot ng mas maraming problema. Isa na rito ang sobrang dami ng
pagpasok ng pasyente. Dahil nga hindi mura ang magpagamot sa mga pribadong pagamutan,
lagpas kalahati ng ating populasyon ang pinipiling magpagamot sa mga pampublikong ospital na
nagreresulta sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya ng gamot at kakulangan sa mga tauhan.
Bunga ng mga kakulangang ito, mas malaking problema ang dumarating gaya ng paglalabas ng
pera mula sa sariling bulsa ng pasyente kahit na libre naman ang pagpapagamot sa mga
pampublikong pagamutan. Binanggit din niya ang kakulangan sa pasilidad gaya ng mga kwarto at
mga hospital bed kung kaya’t napipilitan ang mga namamahala sa pagamutan na ipuwesto ang
mga pasyente sa mga pasilyo at pahigain sa mga folding bed. Ipinaliwanag din niya na dahil nga
sa sobrang dami ng pasyente, nagkukulang ang mga pagamutan sa tauhan. Kung kaya’t ang kalidad
ng serbisyo at pag-aalaga sa mga pasyente ay naapektuhan na siya ring magreresulta sa pagiging
masungit ng mga tauhan ng pagamutan.
Mula naman sa dokumentaryong, "Lunas na 'Di Maabot" ng Reporter's Notebook,
tinalakay ang kakulangan sa mga gamot at tauhan ng isang barangay health station na nagsisilbi
ding pagamutan para sa tatlo pang barangay. Sa dokumentaryong ito, ipinakita ang istorya ng isang
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ina na tinitiis ang sakit na dulot ng bukol sa kaniyang dibidib. Bawat sentimong kanilang kinikita
ay mahalaga kaya naman dahil kapos, hindi nakapagpasuri agad ang ina sa isang doktor. Ngunit
sa tulong ng kanilang lokal na pamahalaan, matagumpay na natanggal ang bukol sa kaniyang
dibdib. Gayunpaman, kailangan niya ng gamot upang tuluyang gumaling. Subalit, ang kanilang
inaasahang tulong mula sa kanilang barangay health center ay hindi naibigay. Kulang ang mga
gamot at wala ring permanenteng midwife sa kanilang lugar. Dahil dito, makikita na hindi
desentralisado ang mga institusyon para sa panggagamot dahil hindi sapat ang mga health centers
sa bawat barangay sa buong Pilipinas. "Ika nga, "Ang unang takbuhan ng mga residenteng may
karamdaman ay malubha rin ang kalagayan."
Hindi lang sa mga health center ang may kakulangan sa tauhan ngunit katulad sa mga
nakuhang sagot mula sa panayam, ang mga doktor, nars, at iba pang nasa medikal na propesyon
ay kulang ayon rin kay Sen. Sonny Angara. Base sa tala ng Philippine College of Physicians,
dalawa hanggang tatlong doktor, nars, at midwives ang nagsisilbi para sa bawat 10,000 katao.
Tulad sa isyu ukol sa hospital beds, malayo ito sa rekomendasyon ng WHO na dapat ay hindi
bababa sa 23 na medikal na propesyonal ang nakalaan para sa sampung libo na ito. Nakababahala
rin na ang Pilipinas ay mayroong 1:50,000 na ratio ng psychiatrist at populasyon. Dahil dito, ang
panukala na Senate Bill 1157 o ang panukalang medical scholarship program ay kinakailangan ng
agarang pagpasa ayon kay Angara. Hindi lamang ito makatutulong sa mga mahihirap na nais na
makapag-aral ngunit maaari din itong solusyon sa kakulangan sa tauhan.
Isa rin ang suliraning pangkalusugang dinaranas ng maraming Pilipino lalo sa panahon ng
pandemya ang kalusugan ng kaisipan. Tumutukoy to ang kakayahang masiyahan sa buhay at
harapin ang mga hamon na inyong hinaharap araw araw — kabilang man dito ang pagpili o ang
paggawa ng desisyon, pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin, o ang pagpapahayag ng
mga pangangailangan at mga pagnanais. Habang ang inyong buhay at ang mga pangyayari ay
patuloy na nagbabago; ganoon din ang inyong kondisyon ng kalooban, pag-iisip, at kapakanan.
Mahalaga ang humanap ng panimbang sa inyong buhay sa pana-panahon at sa iba't ibang
sitwasyon. Natural na maramdamang wala kayo sa tamang panimbang paminsan-minsan:
halimbawa, malungkot, nag-aalaala, natatakot o naghihinala. Ngunit maaaring maging problema
ang mga damdaming ito kung nakasasagabal sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay nang
mahabang panahon.
Naniniwala ang mga propesyonal na ang iba't ibang mga sanhi na may kaugnay sa
sikolohiya, lipunan, at kapaligiran ay nakaaaapekto rin sa kaniyang kapakanan. Ang kalusugan
ng kaisipan ay naaapektuhan din ng pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin at pang-espiritwal
na mga bahagi ng buhay. Ang stress ay nakaaaapekto sa kakayahan sa kahit anong bahagi o sa
lahat ng mga bahaging ito at maaaring pahirapan nito ang pangangasiwa ng tao sa pang-araw-araw
na niyang gawain.
Isa pa sa suliraning kinahaharap ng bansa ang malnutrisyon na bunga ng kawalan ng sapat
na sustansiya ng pagkaing kinakain sa pang-arawa-araw na pamumuhay at ang kahirapan na
maipamahagi ang mga nararapat na kaalaman ng tao sa kahalagahan ng nutrisyon sa kanila.
Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang mapataas ang antas
ng kaalaman ng tao sa tamang nutrisyon. Nagsasagawa rin ng tinatawag na feeding program ang
pamahalaan upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sinabi sa isang link (http://kalusugan.ph/malnutrisyon, n.d.) na lumabas sa pag-aaral ng


ilang respetadong institusyon na ang mataas na antas ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay mga
salik na nakaaapekto kung bakit ang sustansiyang kailangan ng isang pamilya sa kanilang kinakain
ay hindi sapat. Ang mataas na presyo ng bilihin sa merkado ay mga salik din na nakaaapekto sa
kanilang pamimili ng masusustansiyang pagkain. Dagdag pa rito ang panganib na nakaamba sa
mga biktima ng kalamidad na sila ay maging biktima rin ng malnutrisyon.
Kagutuman at malnutrisyon ang pinakanakababahalang banta sa kalusugang pandaigdig
samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa kamatayan ng mga bata sa
kalahati ng lahat ng kaso batay sa ult ng World Health Organization (The Starveings,2011).
Isa sa mga pangunahing usapin sa larangan ng kalusugan ay ang HIV o Human
Immunodeficiency Virus. Ito ay isang espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon ng human
immunodeficiency virus. Walang makikitang sintomas ng sakit ang taong may impeksyon nito
maliban sa simpleng trangkaso. Habang patuloy na kumakalat ang impeksyon, higit nitong
sinasalakay ang immune system, na lalong nagpapataas sa tsansa ng pagkakaroon ng karaniwang
impeksyon katulad ng tuberkulosis, opportunistic infections, at tumor na bihirang dumadapo sa
isang tao na may maayos na immune system. Tinatawag na AIDS o Acquired ImmunoDeficiency
Syndrome ang impeksyon sa pinakahuling estado nito na karaniwang kinasasangkutan ng hindi
inaasahang pagbaba ng timbang. Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod na gawain:
(1) pakikipagtalik na walang proteksyon ( anal at oral);
(2) kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo;
(3) hypodermic na karayom;
(4) mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina; at
(5) pagpapasuso.
Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng:
(1) ligtas na pakikipagtali;
(2) programa para sa pagpapalitan ng karayom;
(3) paggagamot; at
(4) pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata sa panahon na ito ay ipinagbubuntis.
Tandaan na ang antiretroviral na gamutan ay makatutulong lamang sa pagbagal ng pagkalat ng
sakit upang magkaroon ng inaasahang normal na pamumuhay ang bata.
Ang sakit ng Dengue ay nanggaling sa virus na dengue na dala ng kagat ng lamok, sa isang
tropikong bansa na katulad ng Pilipinas. Ang sintomas nito na karaniwang makikita simula tatlo
hanggang labing-apat na araw matapos ang impeksyon ay ang
(1) mataas na lagnat;
(2) pananakit ng ulo;
(3) pagsusuka; at
(4) pananakit ng laman at mga kasu-kasuan.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Maaaring gumaling ang may dengue sa loob ng dalawa hanggang pitong araw subalit
may mga pagkakataon na ang kasong ito ay nauuwi sa nakamamatay na lagnat na dengue
hemorrhagic na nagreresulta ng pagsurugo, pagbaba ng platelets ng dugo at pag-awas ng blood
plasma, o ng dengue shock syndrome na kung saan ay maaaring magdulot ng napakamapanganib
na low blood pressure. Mabibili sa merkado sa bawat bansa ang vaccine bilang panlunas sa dengue,
subalit maituturing na pinakamabuting pananggalang dito ang pagiging malinis sa kapaligiran na
maaaring magresulta sa pagbabawas ng panahanan ng mga lamok at ang paglilimita sa kagat buhat
dito.
Ang pinakabagong suliraning pangkalusugan na kinahaharap hindi lamang ng Pilipinas
kundi halos lahat ng bansa sa mundo ay ang banta ng Coronavirus Disease 2019 na kilala rin sa
tawag na CoViD-19. Ano ba ang mga coronavirus? Ang Coronaviruses ay isang malaking
pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas
malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na
hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakahahawa sa mga hayop,
ngunit ang ilan ay maaari ding makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat
sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga
kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata. Ang
COVID-19 ay ang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Severe Acute Respiratory Syndrome
Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19
(COVID-19) ay tumutukoy sa sakit sanhi ng virus.
Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na
unang lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa
mundo, kabilang ang United States at Pilipinas. Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga
awtoridad ng kalusugan ay nag-aaral pa tungkol sa virus at kung paano ito kumakalat.

Marami na ang naapektuhan ng sakit na ito sa buong mundo. Nahihirapang mapigilan ng


mga awtoridad ang pagkalat ng sakit na ito dahil marami sa mga mamamayan ay hindi nakikiisa
at sumusunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan upang makontrol ang paglaganap ng
sakit na ito. Wala pang bakuna para sa bagong coronavirus at walang tiyak na panggamot o
pampagaling para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang marami sa mga sintomas.
Ang mga pasyente ng COVID-19 ay dapat magpahinga nang lubusan, uminom ng maraming
likido, kumain ng masusustansiyang pagkain, at bawasan ang stress.

Ang allergic rhinitis ay ang pamamaga ng ilong dahil sa pagkalantad sa mga allergen o
iyong mga bagay na maaaring magdulot ng allergic reaction, sabi ng pulmonologist na si Marvin
Hilaro. Ilan sa mga karaniwang sintomas ng allergic rhinitis ay ang madalas na pagbahing at
pagsinghot, at pagkati ng ilong. Isa sa mga karaniwang allergen sa labas ng bahay ay ang pollen
na nakukuha sa mga halaman, sabi ng doktor. Kabilang naman umano sa mga allergen sa loob ng
bahay ay dust mites na nakukuha sa alikabok at mga insekto. Maaari din umanong magdulot ng
allergic rhinitis ang molds o amag na nasa bahay. Ipinaliwanag din ng doktor ang pagkakaiba ng
allergic rhinitis sa kinatatakutang COVID-19.Ayon kay Hilario, isa sa pagkakaiba ay ang allergic
rhinitis ay dulot nga ng pagkalantad sa allergen. Iba ito sa COVID-19 na ang karaniwang sintomas
ay lagnat, ubo, at iba pang mga flu-like sintomas.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Nagpaalala naman ang isang social enterprise group na maging listo laban sa sintomas ng
hepatitis B sa harap ng pandemya sa COVID-19. Sa harap ito ng paggunita sa World Hepatitis
Day noong Martes, Hulyo 28. Sa isang pahayag, sinabi ng grupong HepaHealth na mas mahirap
na makakuha ng healthcare services ngayong may pandemya at naka-quarantine ang ilang lugar.
Para sa HepaHealth, dapat paigtingin ang kaalaman ng publiko sa Hepatitis B. Binigyang-diin ng
mga eksperto na mahalagang malaman ng isang pasyente na may hepatitis B ito lalo’t lumalabas
sa mga pag-aaral na may mga hepatitis B patients na walang nararanasan na sintomas.

Ayon sa grupo, aabot sa 90 porsiyentong tao na may Hepatitis B Virus (HBV) ay walang
nararanasang sintomas. Posibleng makuha ang Hepatitis B sa palitan ng body fluids at isa sa
pinakapangkaraniwang paraan ng paglipat ng virus ay ang mother-to-child transmission na
kadalasang nangyayari sa panganganak ng ina. Kaya giit ng grupo na dapat bigyan din ng atensiyon
pagtugon laban sa naturang sakit, lalo’t maaaring mangyari anila ito sa kahit sino.

Maituturing ang polio na isa sa mga suliraning pangkalusugan sa bansa. Ang poliomyelitis
o polio ay isang nakahahawang sakit dulot ng poliovirus. Ito ay maaaring maging sanhi ng
pagkalumpo, hirap sa paghinga, at kamatayan. Tumaas ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa
sa kabila ng pinatinding kampanya ng gobyerno para bakunahan ang mga bata laban sa nasabing
sakit.

Ang mga nabanggit at ilan lamang sa mga suliraning pangkalusugan na naranasan ng


bansa. Sa kabila nito, nagsusumikap ang ating pamahalaan na kahit papaano ay makatulong sa
ating mga mamamayan na maitaguyod at maproteksyunan ang kanilang kalusugan. Isa sa mga
programang pangkalusugan na naisabatas na ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care
Law. Nilagdaan ito ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 20. Sinisiguro ng batas na
ito na ang bawat Pilipino, maging overseas Filipino worker, ay sakop ng preventive, promotive,
curative, rehabilitative, at palliative care sa pagkakaroon ng awtomatikong pagkakasali sa health
insurance program ng pamahalaan. Sa ilalim ng batas, palalawakin pa ng Philippine Health
Insurance Company (PhilHealth) ang serbisyo na sasakop sa libreng konsultasyon,
pagpapalaboratoryo at iba pang diagnostic services. Layunin din nito na mapabuti ang doctor-to-
patient ratio, mapadami ang bilang ng mga kama sa ospital at kagamitan at makapaglagay din ng
mga ospital sa mga liblib na lugar.

Isa pang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao


ng ating mga kababayan ang paglulunsad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang
pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong
gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay
sa kanila ang tulong-pinansiyal. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)
ang punong ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps. Pangunahing programa ito kontra-
kahirapan ng administrasyong Aquino.

Isa sa mga layunin ng 4Ps ang social development sa pamamagitan ng pagsira sa siklo ng
kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at
edukasyon ng mahihirap na kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng:
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

(1) check-up para sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang;

(2) pagpupurga ng bulate ng mga mag-aaral edad 6 hanggang 14;

(3) pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at hayskul; at

4) mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.

Isyu ng Transportasyon

Isa pa sa mga malulubhang suliranin ng Pilipinas ang suliranin sa transportasyon. Ayon


sa isang kilalang pahayagan sa bansa, ang Pinoy Weekly sa panayam nito sa isang komyuter ng
pampublikog transportasyon, napag-alaman ang kalbaryo ng bawat komyuter na araw-araw
sumasakay sa mga pampublikong transportasyon katulad ng tricycle, MRT, dyip, at bus
makarating lang sa lugar ng trabaho sa takdang oras. Ilang iskema na ang sinubukang ipatupad
kaugnay nito ngunit pawang sa lahat ng pagkakataon ay biigo. Pinakahuling bumigo sa pangakong
pagbabago sa sistema ng transportasyon ay ang kasalukuyang rehimeng Duterte.

Disiplina sa lansangan ang lunas sa trapik. Tumataginting na P3.5 bilyon kada araw ang
nawawalang kita ng Pilipinas dahil sa malubhang problema sa trapiko, ayon sa pinakabagong pag-
aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Nakapanlulumo ngunit ito ang
katotohanan. Resulta ito ng labis na bilang ng mga sasakyan, mga kolorum, illegal parking, illegal
terminal, sidewalk vendors, jaywalkers, pedicab at tricycle sa mga highway, kamoteng mga
motorcycle riders at aroganteng mga tsuper. Samakatwid, kawalan ng disiplina ang pangunahing
problema ng bansa sa mga lansangan.

Kaya naman noong Agosto 2016, itinatag ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT)
sa pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arturo Tugade upang pagsanibin ang
lahat ng ‘law enforcement agencies’ na may kaugnayan sa pagmamando sa trapiko. Kabilang dito
ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP-Highway Patrol Group, Land
Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Binuo
ang i-ACT upang mas mabisang makatugon sa problema ng trapiko sa bansa habang hinihintay
ang hinihiling na ‘special power’ sa trapiko ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte buhat sa Senado.
Tututok ito sa limang “E” ng traffic management: ang enforcement, education, environment,
engineering at economics.

Nitong Setyembre 2017, muling inilunsad ang i-ACT at isinama na sa grupo ang Armed
Forces of the Philippines (AFP), mga lokal na pamahalaan sa pama-magitan ng Metro Manila
Council at ang Liga ng mga Barangay. Nakikita kasi ng pamahalaan na mas magiging epektibo
ang paglaban sa mga pasaway kung may kooperasyon ng mga lokal na opisyal lalo na ang mga
barangay chairman na siyang nakakakita sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Inilunsad din ang Task Force Alamid, ang ‘operating arm’ ng i-ACT na lumibot hindi
lang sa Metro Manila ngunit maging sa mga kanugnog na mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan
at Laguna. Sa magkakasunod na operasyon, dito lumantad ang mapait na katotohanan sa umiiral
na bulok na sistema na mismong mga opisyal ng barangay ang kumukun-sinti sa mga iligal na
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

terminal, sidewalk vendors, mga establisyimentong kumain na sa bangketa at kalsada at illegal


parking. Tunay na nanuot na sa kalamnan ng lipunan ang problema sa lansangan.

Sa kabila ng masigasig na operasyon ng i-ACT, nananatili ang problema sa trapiko. Sa


bawat operasyon, tumataas ang emosyon, nagkakaroon ng sakitan, nagkakaroon ng demandahan.
Ngunit parte ito ng proseso ng pagsagupa sa napakalaking problema na hindi namalayan ng
pamahalaan ay mistulang tinanggap na sa kamalayan ng mga Pilipino na isang normal na
kalagayan. Ang problema ng lamangan, ang kultura ng kawalang respeto sa kapwa at pagtingin
sa sarili lamang. Sa huli, disiplina pa rin ang solusyon sa problemang ito. Binigyang-diin ni
Tugade na ang paglutas ng suliranin sa trapiko ay nangangailangan hindi lang ng isa kundi
napakaraming solusyon at isa rito ang imprastrakturang pangtransportasyon na maari lamang
matugunan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan

At ngayon panahon ng pandemya, hindi pa rin nawawala ang suliranin sa transportasyon.


Dahil sa pandemya, iba’t ibang suliraning pangtransportasyon ang lumitaw. Isa na rito ang
pagpapahinto ng pasada ng mga pampublikong transportasyon. Bahagi ito ng pagpapatupad ng
social distancing na sa panahong ito ay nabibigay ng dagdag pasakit muli sa mga sumasakay sa
mga pampublikong transportasyon. Bukod dito, ang mga dating drayber, dahil sa pagtigil ng
operasyon ng transportasyon ay nawalan ng hanapbuhay, ang iba sa kanila kung hindi man
namamalimos na sa lansangan ay nangangalakal ng basura at ang iba ay napipilitang humanap ng
ibang trabaho mabuhay lamang ang kani-kanilang pamilya. Sa suspensyon ng operasyon ng
pampublikong transportasyon, maging ang mga frontliners ay umaasa na sa pagpapasakay ng mga
pribadong grupo at ng gobyerno.

Kaugnay pa rin ng pagpapatupad ng mga health protocols, nagpalabas ng kautusan ang


pamahalaan kung saan obligadong maglagay ng barrier ang mga motorcycle riders sa kanilang
mga motorsiklo. Ang sinumang lalabag sa kautusang nabanggit ay papatawan ng pasrusag naaayon
sa batas. Maaari silang pagmultahin ng mula P1,500 hanggang P2,000. Ngunit ayon kay Atoy Cruz
ng Motorcycle Philippines Federation, hindi ligtas ang barrior at maaari pang pagmulan ng
aksidente. Ilang beses na raw sumulat ang grupo sa mga ahensiya ng pamahalaan pero hindi sila
pinapakinggan. Pero nanindigan ang Department of Transportation na paraan ang barrier para
maiwasan ang road crashes dahil malilimitahan nito ang bilis ng takbo ng motorsiklo.

Mga Usapin sa Pabahay


Ang kawalan ng maayos na tahanang masisilungan ng isang pamilya ay isang suliraning
matagal nang kinahaharap sa buong mundo. Sumasalamin ito sa mukha ng kahirapan na hindi
madaling solusyonan dahil sa maraming kadahilalanan katulad ng kawanlan ng inisyatibo buhat
sa pamahalaan, kawalan ng disiplina sa bahagi ng mga maralita na magsagawa ng paraan upang
maiahon ang kanilang mga sarili sa totoong kahirapan.
Napakalawak ng problema o suliranin ng kawalan ng naaangkop na pabahay para sa mga
mamamayan. Ito ang inihayag ni Fr. Daniel Franklin Pilario, CM – Dean ng Saint Vincent
School of Theology kaugnay sa isinagawang Global Homelessness Forum na dinaluhan ng mga
kasaping kongregasyon ng Vincentian family. Ayon sa Pari, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t
ibang sektor ng lipunan tulad ng Simbahan, pamahalaan, civil society groups at maging ng mga
komunidad upang matugunan ang problema ng pabahay sa ating bansa. Paliwanag ni Fr. Pilario,
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

mas magiging malawak ang matutulungang mga pamilya na walang sariling tahanan kung
magsasama-sama ang lahat sa iisang layunin mapagkalooban ng permanenteng tahanan ang bawat
pamilyang Filipino.
Sa tala ng Global Homeless Statistics, nasa apanapu’t apat na porsyento (44%) ng mga
Pilipino ang nananatiling walang maayos at permanenteng tirahan na matatagpuan sa Metro
Manila.Batay naman sa tala ng Housing and Urban Development Coordinating Council
(HUDCC) nasa 5.5-milyong kabahayan pa ang kinakailangang ipatayo para sa mga mahihirap na
Filipino at higit 1.4 na milyong kabahayan para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.
Tinalakay sa ulat ni Moratillo (2017) ang pagtingin sa Chairman ng House Committee
on Housing ang Urban Development sa kahalagahan ng pagsangguni sa mga benepisyaryo ng
proyektong pabahay ng gobyerno upang malaman ang tumutugma sa mga pangangailangan at
panlasa ng mga ito. Ang konsultasyon o pagsangguni ay mahalaga upang hindi masayang ang
paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa mga proyektong kanilang ginagawa. Ayon kay Benitez, sa
ulat pa rin ni Moratillo, ang balakin ng kongreso na higpitan ang pagsasakatuparan ng kanilang
oversight na tungkulin upang makasigurado na hindi nauuwi sa wala ang pondong inilalaan sa
pabahay sa ilalim sa pabahay sa ilalim ng pambansang pondo o national budget.

Ang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga inisyatibong pabahay ng pamahalaan


ay ang National Housing Authority. Ito ay binuo noong ika-31 ng Hulyo, 1975 sa ilalim ng
hurisdiksyon ng pamahalaan. Itinatag ang National Housing Authority bilang pagmamay-ari ng
pamahalaan at kontroladong korporasyon sa ilalim ng Housing ang Urban Development
Coordinating Council bilang kabit na ahensya.
Mga Isyung Pang-edukasyon
Edukasyon. Sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga mag-aaral at kalidad ng
pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo
at maunlad ngunit kay daming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isa na
nga rito ang edukasyon, isang problemang nais nang matuldukan ng ating gobyerno.
Sa panahon ngayon, marami nang kabataan ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral at ang
pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansang
Pilipinas Ang pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit naghihirap ang
ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi nakapagtatapos ay dahil
nagiging rebelde ito. Maraming nakaiimpluwensiya sa mga kabataan ngayon. Mga problemang
pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada. Isa pang problemang pang-edukasyon
ang mababang kalidad ng pagtuturo. Ang kakulangan sa pondo ay isa pang problema sa ating
edukasyon, kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi maayos ang paggamit nito,
hindi uunlad ang edukasyon sa ating bansa. Karagdagan pa sa mga nabanggit na suliranin sa
edukasyon ang kakulangan ng mga silid aralan. Nakita rin suliranin ang kakulangan ng mga
guro. Ang mataas na matrikula sa mga pamantasan ay isa rin sa mga dahilan kung bakit kakaunti
lamang ang mga batang nakapapasok lalo na sa kolehiyo. Gayundin ang kakulangan ng mga libro.
Samantala, taong 2011 naipatupad na rin ang matagal nang pinaplanong pagbabago sa
programang pang-edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na
K to 12 Program. Ang DepEd ang nagpatupad at namahala sa edukasyong K to 12 simula nang
pormal itong italaga noong 2013. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

paaralan at regulasyon para sa pribadong paaralan. Mula 10 taon ng basikong edukasyon mula
1945 hanggang 2011, ang implementasyon ng programang K to 12 ng DepEd at kasunod na
retipikasyon ng Kindergarten Education Act of 2012 at Enhanced Basic Education Act of
2013, naging labintatlong taon na ang basikong edukasyon ngayon. Isang taon ang para sa
kindergarten, 6 na taon para sa elementarya, 4 na taon para sa junior high school, at 2 taon para sa
senior high school, para sa mga mag-aaral mula edad 5 hanggang 17. Nitong 2017 lamang
naipatupad ang implementasyon ng grade 12.
Ayon sa pamunuan ng DepEd, dumaan sa masusing pag-aaral ang pagbabagong ito sa
programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihang dulot nito ang pagbibigay
ng pagkakataon sa mga estudyante na mahasa sa iba’t ibang larangan ng ispesyalisasyon tulad na
lamang ng animation. Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basikong edukasyon ay
naglalayong magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral
ang mga konsepto at kasanayang kinakailangan para sa kolehiyo at unibersidad pati na sa
pagtatrabaho at pagnenegosyo.Ganito na rin kasi ang programa sa mga bansang mauunlad sa
mundo.
Ano nga ba ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito?
1. Pinatitibay at pinahahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. Ang
unang 6 na taon ng isang bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development.
2. Idinagdag sa kurikulum ang makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng diskusyon
at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation, at
Information and Communication Technology, na sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na
Pilipino.
3. May integrasyon at Seamless Learning o Spiral Progression - ang pag-uulit ng pag-aaral
ng mga kosepto at aralin mula pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat
grado o baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-aaral, kaya’t higit na naiintindihan at
naaalala ang bawat aralin.
4. Itinuturo ang aralin gamit ang sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-Based
Multilingual Education sa unang 3 baitang, bago ituro ang ikalawang wika tulad ng
English.
May 12 mother tongue languages na sinimulan nang gamitin sa pagtuturo noong
2012 - 2013: Bicolano, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan,
Maguindanaoan, Maranao, Pangasinense, Tagalog, Tausug, Waray. Idinagdag din ang
Aklanon, Ibanag, Ivatan, Kiniray-a, Sambal, Surigaonon, at Yakan nang sumunod na taon.
Ikalima, may 7 learning areas at 3 ispesyalisasyon na maaaring pagpilian ang mga mag-
aaral para sa Senior High School, ang 2 taon ng specialized upper secondary education.
Ang core curriculum learning areas ay languages, literature, communication, mathematics,
philosophy, natural sciences, at social sciences. Ikaanim, itinuturo ang information, media
at technology skills, learning at innovation skills, communication skills, at life career skills,
para lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na bilang isang adult.
May mga maaaring piliin para sa specialization o “specific tracks” o patutunguhan ng
ispesyalisasyon: (1) Academic (para sa kolehiyo): Accountancy, Business & Mangement (ABM),
Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering & Mathematics
(STEM), General Academic Strand (GAS); (2) Technical-Vocational-Livelihood (TVL) ang para
sa technical at vocational learning. Kasama ang Home Economics, Industrial Arts, Agriculture and
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Fishery Arts, Information and Communication Technology; (3) Arts and Design; (4)Sports; at ang
bagong dagdag na (6) Maritime. Ang K to 12 ang sinasabing naghahanda sa bawat Pilipinong mag-
aaral para sa mas mabuting kinabukasan dahil mas matibay ang pundasyon nito. May mga
certification na maaaring kunin ang mga mag-aaral sa bawat baitang pagkatapos ng elementarya,
na nagsasanay at naghahanda sa kakayahang pangbokasyonal at may specaialization, tulad ng
Certificate of Competency (COC) sa Grade 9 at 10, halimbawa.
Sa kagustuhang maitaguyod at mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa ay nabuo ang
konsepto ng ASEAN Integration. Resulta ito ng kasunduan ng mga miyembro ng Association of
Southeast Asian Nations kung saan sa taong 2015 ay inaatasan ang bawat pamahalaan ng sampung
miyembrong bansa ay gagawa ng mga panloob na polisiya upang maging isang ganap na rehiyon
ang timog-silangang Asya lalong-lalo na sa aspekto ng kalakaran, trabaho at edukasyon. Kabilang
din dito ang pagbabago ng iskedyul ng pagbubukas ng klase para makasabay sa kalendaryo ng
mga kalapit na bansa na karamihan ay nagsisimula sa buwan ng Agosto. Sa pagbabagong ito
inaasahan ng mga pamantasan ang mga pagkakataon na mapalakas at mapalawak ang pagkakataon
para sa mga “exchange” ng mga estudyante at maging mga guro.
Kasabay ng implementasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Integration 2015, ang pagpapatupad ng rebisyon sa kurikulum ng CHED. Ang CMO No.20 series
of 2013 ng CHED na inilabas noong Hunyo 28, 2013 ay naglalaman ng pagtatanggal ng Filipino
sa kurikulum ng kolehiyo at paglilipat nito sa ika-11 at ika- 12 na baitang sa Senior High School.
Ayon kay San Juan (2013), iba ang pagtuturo ng nasabing asignatura sa kolehiyo dahil mas
malalim ang pagtalakay at pag-aaral dito kumpara sa hayskul. Dagdag pa ni San Juan na ang
Filipino doon ay utilitarian o technical: Filipino na gagamitin sa paggawa ng report o simpleng
presentation pero hindi yung Filipino na gagamitin mo sa pagtatalakay ng isyung panlipunan,
pang-ekonomiya, pang-agham, patakarang pangkalusugan, at iba pa. Iginiit niyang
multidisiplinaryo ito o sumasaklaw sa lahat ang Filipinong itinuturo sa kolehiyo.

Malayo pa nga talaga ang tatahakin ng programang pang-edukasyon ng Pilipinas bago


tuluyang marating ang ninanais nitong progresibong sistema para sa ating mga kabataan. Marami
ang naniniwala na simula ito ng magandang kinabukasan. Kailangan lang talagang paigtingin at
pagsikapan ang pagsasaliksik at patuloy na paghahanda para maging mas makabuluhan ang
pagbabago.

Mga Gawain

Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (2puntos bawat bilang)
1. Ano ang globalisasyon? Magbigay ng mga tanong, ilang bagay, at pangyayaring
mapapansin at makikita sa araw-araw na pawang ibinunga ng globalisasyon.
2. Magbigay ng mga tiyak na halimbawa kung paano at patuloy na binabago ng teknolohiya,
partikular sa komunikasyon, (Internet,traditional media at social media) ang kulturang
Pilipino.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

3. Isa-isahin ang mga epekto ng dinastiyang politikal sa pag-usbong at pagpapanatili ng


korapsyon sa lipunang Pilipno
4. Alin ang mas nakikinabang sa mga OFW, ang kanilang bansa o ang bansang kanilang
pinagtatrabahuhan? Pangatwiranan ang iyong sagot.
5. Ano sa palagay mo ang maaaring gawin ng gobyerno sa sistema ng edukasyon upang lalo
pang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa?

Gawain 2:
Panuto: Panoorin ang video tungkol sa epekto ng migrasyon sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=fBdDEAV5rF8. Pagkatapos ay sumulat ng repleksyong papel
(na hindi kukulangin sa 150 salita) kaugnay nito. Ang repleksyong papel ay dapat buuin ng
sumusunod na bahagi: introduksyon, repleksyon, at kongklusyon.
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman : 15 puntos
Kaakmaan sa paksa : 10 puntos
Mekaniks : 15 puntos
Orihinalidad : 10 puntos
Kabuuang puntos : 50 puntos
Gawain 3
Panuto: Gumawa ng collage ng mga larawan na nagpapakita ng sistema ng kalusugan sa bansa sa
kasalukuyan.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pagkakaayos : 15 puntos
Nilalaman : 20 puntos
Presentasyon : 15 puntos
Kabuuang puntos : 50 puntos

You might also like