You are on page 1of 14

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Abstract
[Draw your reader in with an engaging abstract. It is typically a short summary of the document.
When you’re ready to add your content, just click here and start typing.]

Modyul sa
Bb. Maria Perpetua P. Crisostomo
Kontekstwalisadong Gng. Maribel A. Gutierrez
1
Gng. Genoveva M. Ramos
Komunikasyon sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

INTRODUKSYON
Ang Modyul sa Kontentekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang
kagamitang panturong naglalayong makatulong sa pagtugon sa kasalukuyang hamon na
pinagdadaanan ng bansa dulot ng pandemyang COVID 19 sa larangan ng pagpapatuloy ng
dekalidad na edukasyon. Batid ng mga may-akda na sina Bb. Maria Perpetua P. Crisostomo, Gng.
Maribel A. Gutierrez, at Gng. Genoveva M. Ramos na nararapat lamang na maipaabot sa mga
mag-aaral ang mga impormasyon at kaalamang nakapaloob sa modyul na ito. Ang modyul na ito
ay nahahati sa anim na yunit at ang bawat yunit ay binubuo ng panimula, layunin, lunsaran,
nilalaman, at mga gawain. Mayroon din mga link ng google form para sa yunit test pagkatapos ng
mga gawain.

Ang Yunit I ay tumatalakay sa masisidhing pinagdaanan ng Filipino at Panitikan mula sa


tangkang pagtatnggal nito sa kurikulum sa kolehiyo. Dito din nakasaad ang mga Pamantasan,
organisasyon, at indibiduwal na patuloy nakibaka sa pagbabalik nito sa kurikulum. Binigyag
pansin din sa bahaging ito ang pagnanasang mapataas ng antas ng Filipino hindi lamang sa
kolehiyo bagkus ay sa iba’t iba pang larangan. Ang yunit na ito ay nagnanais na maimulat ang
isipan at gisingin ang kamalayang maka-Pilipino ng mga magaaral lalo sa pnahong ito.

Ang Yunit II ay naglarawan sa mga kapamaraanan kung paanong ang pananaliksik ay


maaaring nakakawing sa komunikasyon bilang bahagi ng buhay ng mga tao. Binigyang diin dito
ang pagiging bukas ng mga mamayan sa paglubog sa pananaliksik upang matugunan ang mga
pangangailangan at masolusyunan ang mga problema mula sa pinakamaliliit hanggang sa
pinakamalalaking sa sistematikong pamamaraan. Ito rin ay nagpapaalala sa mga mambabasa lalo
at higit sa mga mag-aaral na maging matino sa pagpili ng impormasyong paniniwalaan at
ibabahagi sa iba.

Ang Yunit III naman ay naglalaman ng gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino.


Nakatuon ito sa mga makabuluhang paksa tulad ng tsismisan, umpukan, talakayan, pagbabahay-
bahay, pulong-bayan, komunikasyong di-berbal at mga ekspresyong lokal. Nililinang sa pag-aaral
na ito ang mga makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa pamamagitan
ng mga makabuluhan, napapanahon at kawili-wiling teksto at konteksto.

Samantala ang Yunit IV ang pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino sa konteksto ng mga
napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa katulad ng sistemang ekonomiko ng Pilipinas sa
kasalukuyan, kahirapan, unemployment, climate change, pulosyon, pagmimina, deforestation,
basura, baha at iba pa. Ang Yunit V ay kinapapalooban ng mga suliraning kinakaharap ng bansa
sa lokal at nasyunal na antas. Bibigyang konteksto dito ang komunikasyon sa Filipino sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga sularining nabanggit. Inaasahang sa pamamagitan ng
pagtukoy at pagsusuri ng mga reyalidad ng lipunang Pilipino, magkakaroon ang mga mag-aaral
ng pagkakataong palalimin ang paggamit ng wikang Filipino at mapapatunayang maaari itong
gamitin bilang intelektwalisadong wika ng komunikasyon.

Ang Yunit VI naman ay sumasaklaw sa mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino


sa iba’t ibang antas at larangan . Dito masusuri at mapagninilayan ang ginagampanang tungkulin

2
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ng komunikasyon na may pokus at pag-unawa sa pagtugon sa pangangailangn ng kapuwa at


pagpapaunlad ng ugnayan ng mga tao, komunidad at bansa. Mabibigyan pansin din sa yunit na
ito, ang gamit ng komunikasyon upang mabisang makapagpahayag ng mahahalagang mensaheng
may kakayahang magtulak sa mga mag-aaral na kumilos para sa ikabubuti ng hindi lamang para
sa kanilang sarili kundi para sa kapakanan ng lahat.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na


pakikipagsapalaran at nag-iiwan ito ng kakintalang maaaring magdulot ng karanasang
magpapatakbo ng buhay.Ang mga mag-aaral ay inaasahang makapaglalarawan ng mga gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan at makagagamit ng wikang
Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino. Sa ganitong
paraan, ang modyul na ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman at malayang kaisipan na mahalaga
sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa. Samakatwid, ang mga kaalaman at kasanayang
matatamo ng mga estudyante sa modyul na ito at sa pag-aaral ng kursong ito ay inaasahang
kanilang magiging kasangkapan upang sila’y maging higit na makabuluhang kasapi ng patuloy na
nagbabagong lipunang ating ginagalawan.

3
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

TALAAN NG NILALAMAN

YUNIT I ........................................................................................................................................................... 1
MGA POSISYONG PAPEL HINGGIL SA FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO ...................................................................... 1
FILIPINO BILANG WIKA NG KOMUNIKASYON SA KOLEHIYO AT MAS MATAAS NA ANTAS ..................................................... 5

YUNIT II ......................................................................................................................................................... 11
ANG PANANALIKSIK AT ANG KOMUNIKASYON SAATING BUHAY ..................................................................................... 11
MGA PANIMULANG KONSEDIRASYON: PAGLILINAW NG PAKSA, MGA LAYON, AT SITWASONG PANGKOMUIKASYON ............. 14
MULAAN NG IMPORMASYON: MAPANURING PAGPILI NG SAMO'T SARING BATIS ............................................................ 15
PAGLUBOG SA MGA IMPORMASYON: MGA PAMAMARAAN NG PAGHAHAGILAP AT PAGBABASA ........................................ 18
PAGSUSURI NG DATOS: MULA SA KAUGNAYAN AT BUOD NG MGA IMPORMASYON HANGGANG SA
PAGBUO NG PAHAYAG NG KAALAMAN ..................................................................................................................... 23

YUNIT III ........................................................................................................................................................ 27


TSISMISAN ........................................................................................................................................................... 27
UMPUKAN ........................................................................................................................................................... 30
TALAKAYAN .......................................................................................................................................................... 31
PAGBABAHAY-BAHAY ............................................................................................................................................. 33
PULONG-BAYAN .................................................................................................................................................... 34
KOMUNIKASYONG ‘DI BERBAL................................................................................................................................. 35
MGA EKSPRESYONG LOKAL..................................................................................................................................... 38

YUNIT IV ........................................................................................................................................................ 41
MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT NASYONAL ............................................................................................ 41
ANG SISTEMANG EKONOMIKO NG PILIPINAS SA KASALUKUYAN .................................................................................... 43
KAHIRAPAN SA PILIPINAS ........................................................................................................................................ 44
UNEMPLOYMENT: MAY SOLUSYON BA? ................................................................................................................... 47
ANG KONSEPTO NG SUSTENABLENG KAUNLARAN ...................................................................................................... 48
ANG HAMONG KAUGNAY NG CLIMATE CHANGE ........................................................................................................ 50
POLUSYON TUBIG, HANGIN, AT LUPA ....................................................................................................................... 52
PAGMIMINA SA PILIPINAS: SANHI NG PAGKASIRA NG KALIKASAN, PAKINABANG PARA SA IILAN .......................................... 54
DEFORESTATION AT URBANISASYON......................................................................................................................... 55
BASURA, BAHA AT IBA PANG PROBLEMA ................................................................................................................... 56

YUNIT V ......................................................................................................................................................... 60
GLOBALISASYON.................................................................................................................................................... 60
MIGRASYON: PROBLEMA O SOLUSYON? .................................................................................................................. 67
MGA ISYUNG POLITIKAL ......................................................................................................................................... 69
KONTEMPPORARYONG SISTEMANG POLITIKAL NG PILIPINAS ........................................................................................ 70
MGA PORMA NG KORAPSYON................................................................................................................................. 72
MGA DINASTIYANG POLITIKA .................................................................................................................................. 79
DAGDAG NA PAGTATALAKAY ................................................................................................................................... 84

YUNIT VI ........................................................................................................................................................ 96
MAIKLING [MULING] PAGTALAKAY SA KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON ................................................................... 99
MGA ANTAS NG KOMUNIKASYON .......................................................................................................................... 101
MGA TIYAK NA HALIMBAWA NG SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON ......................................................................... 104

SANGGUNIAN ..................................................................................................................................................... 118

4
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo


Panimula

Umani ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pangedukasyon ng bansa


lalo’t higit sa usapin ng noong pagtatangka na tanggalin ang mga asignatura sa Filipino at
Panatikan sa kolehiyo. Iba’t ibang institusyon at mga makawikang organisasyong ang nagpahayag
ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang pagtutol sa mga hakbangin na ito. Ang mga
inisiyatibang ito ang nagbunsod sa pagtatatag ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol
Wika), isang alyansang binubuo ng mga dalubiwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang
nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika. Ilang promenenteng
paaralan din ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa layunin ng grupo sa pamamagitan ng
posisyong papel. Ang ilan sa mga posisyong papel na nagpapahayag ng pangangailangan ng
pagbabalik ng mga naturang asignatura sa kuriulum ng kolehiyo ay matatalakay sa bahaging ito
ng Yunit 1.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. makilala mga makawikang organisasyon at institusyong nakipaglaban para maibalik ang
mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo;
2. mapalalim ang pag-unawa sa malaking gampanin ng Filipino at Panitikan sa buhay at
pagunlad ng mga Pilipino; at
3. makapagpahayag ng sariling tindig hinggil sa muling pagsasama sa Filipino at Panatikan
sa kurikulum ng kolehiyo gamit ang modernong midya..

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.


• https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
• https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
• https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
• https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8

Nilalaman

Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabgong bihis ng sistema ng edukasyon ng


Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN
integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa
tinatawag na interantional standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga
bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay

1
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor
mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-
aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan
nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas
paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho
o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang ASEAN
integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng
organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga
miyembro.
Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging
hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan
at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga
sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang
pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan
sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin
para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga
damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino.
Ayon sa nakalahad na kasaysayan ng sa kanilang websayt, ang Alyansa ng mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka
laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at
Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng
Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod
naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng
Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21,
2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40
paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing
konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera,
Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang
kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang
pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series
of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte
Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong
isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019,
tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at
unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill
223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo.
Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa
pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko
kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang
larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong
papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa. Karaniwang
ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang kanilang
paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.
Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng
kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol
sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang

2
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community


engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating
pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De
La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat
bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit
na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng assignaturang
Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang
gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong
pang komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.”
Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa
daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng
mga estudyanteng magiging mga kapaki pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”
Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng
paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay
sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga
mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan
nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga
edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t ibang
estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan upang
makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.
Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila
University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong
displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa
anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at
gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin
ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng Filipino bilang
disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang
wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat
maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung
pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating
pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga
ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum
ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng buhay na
binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din
ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at
iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin
sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.

3
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino
at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”.
Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga
kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat
ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan
ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag aaral na
gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang ang napili nilang disiplina sa oang
araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga magaaral sa UP Manila
sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong
magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan
ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang pagbibigay
serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng
isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum kung
hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pagunlad.
Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay
ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang paglago sa pagkakamit ng
degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na serbisyo ay
nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang dulot ng parehas na wika.
Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas,
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag
nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat
Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral
ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang
wika mo yun ang identidad mo.”
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit
ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na
mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang
antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng mga
lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.
Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at

4
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid
aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang karanasan
at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa posisyong
papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa kung ano man
ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito ang nagpapaigting
ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang sa gayon ay
masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito
ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging malaking
bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan.
Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan ay nagbigay ng
magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na magiging
mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay mas humigpit ang
pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming
aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang dadami ang mga
propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga
posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at mas Mataas na Antas

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.


• https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
• https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k
• https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0

Nilalaman

Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa
wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga
gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga
kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang
isipin na ganito ang nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan ang
patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.
Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan
bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to the provisions of law
and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain
the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the
educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na itaguyod
ang pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim pamamaraan

5
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sa pamayanan man o paaralan. Ang mga inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng gamit sa


Filipino bilang wikang panturo at wika ng komunikasyon ay inaasahang magmumula sa
pamahalaan ayon sa Saligang Batas. Kaya naman ang mga nagdaang pagtatangka na alisin ang
Filipino at Panitikan ay tunay na nagsindi sa mga damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na dokumento na sumusuporta sa paggamit
ng Filipino sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay
nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-aatas
sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa
ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga
Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”
Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at
pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng
diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula dito
ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino. Kaya ito
ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.
Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang artikulong
12 Reasons to Save the National Language. Tamang tama ang pagkakagawa ng atikulong ito dahil
sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon ang wikang pambansa at isa ay sa
panahong ito kainitan ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng asignaturang Filipino at Panitikan
sa kurikulum ng kolehiyo. Sa artikulong ito ay inisa isa niya ang labindalawang dahilan kung bakit
ang Filipino ay kailangan gamiting wikang panturo at dapat mapabilang sa kurikulum sa kolehiyo.
Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng
kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng
Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang mga institusyong tila
sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod niyang binigyang diin ay ideya ng
epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o
disiplina. Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN integration, kung saan inaasahan ang
pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang may maibahagi tayo sa pandaigdigan at
pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang unawaan. Ito ay isa ring paraan ng
paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung paano nililinang ang ibang
disiplina sa hayskul at kolehiyo. Bukod pa rito, ang Filipino at Panitikan ay parehas sa College
Readiness Standard sa CHED’s Resolution No. 298-2011. Ang resulta ng National Achievement
Test sa Filipino ng sa hayskul ay mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng Kagawaran ng
Edukasyon at dahil dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang mapunang ang
kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.
Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng content at performance
standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. Filipino ang wikang pambansa at sinasalita ng
nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan tulad
kung paano tayo binubuklod ng mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa Filipino.
Kaya naman ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. Kaugnay naman ng mga bansang
nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang kanilang wikang
pambansa at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo. Dinagdag pa niya na maraming
panukalas na isinumete sa CHED upang gamitin sa Filipino sa multi/interdidiplinari na
pamamaraan. Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang namamayagpag ang Ingles sa
kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino ay nito lamang 1996, at panahon
na upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng makasaysayang kaapihan. Higit sa lahat ang

6
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Filipino ay isang pandaigdigang wika na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit walumpong


institusyon at unibersidad sa ibang bansa. Ang pag-aalis nito sa kurikulum ng sariling bansa kung
saan ito ay nag-ugat ay tiyak na makaaapekto sa negatibong paraan sa katayuan ng Filipino bilang
pandaigdigang wika.
Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat gawin
upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang pagdedeklara ng Buwan
ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel
V. Ramos noong Hulyo 5, 1997. Dagadag pa niyang na ang wikang Filipino ay totoong mabubuhay
at yayaman sa pamamagitan ng patuloy na paggamit araw-araw ng mga mamayan. Bagaman kung
tutuusin, hindi sapat kahit ang panyayaring siyento posiyento na ang mga mamayang Pilipino ay
nakapagsasalita at nakuunaw sa wikang Filipino.
Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam na sa darating na
panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa isang aklatang tigib sa nga aklat sa
mga aklat at sangunian na nakalimbag sa Filipino. Ang lahat ng balikbayan at bisita ay
sinasalubong sa airport ng mga karatula sa wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sa
Pilipinas. May tatak at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng
produkto. Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may mga
tagasalin sa Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga eksperto at guro sa mga
wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa Filipino ang mga mambabatas kahit hindi
sila nkaharap sa telebisyon para maintindihan ng bayan. At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno
C. Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari ang mga bagay
na ito ay maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika ng komunikasyon ay nasa
mataas na antas na o higit pa.
Nitong Setyembre 10, 2011 ay may isang akda ang gumising sa mga damdaming
makabayan ng mga Pilipino. Ito ay ang Language, Learning, Identity, Privilege ni James Soriano
na nalathala sa Manila Bulletin. Ito ay isang akdang nagpapahayag kung paanong si James Soriano
ay lumaking sanay sa paggamit ng wikang Ingles at kung paanong siya ay nahihirapan sa paggamit
ng Filipino. Ang pagkainis ng marami ay nagugat sa kanyang pahayag na saka lamang nya
gingamit ang Filipino kapag kausap ang kanyang kamag-anak sa probinsya, pagbumili sa tindahan,
sa mga interaksyon sa lansanggan, o tuwing mag-uutos sa kanilang kasambahay. Maraming
umalma sa pahayag na ito at nagbunsod sa ideyang minamaliit ni Soriano ang sariling wika. Samo’t
saring batikos ang tinanggap ni Soriano mula sa mga makawikang organisasyon at samahan at
maging sa mga ordinaryong tao.
Bagaman sa ganitong paraan nagsimula ang pahayag ni Soriano ay binigyang diin naman
niya sa mga sumunod na bahagi na nakita niya ang ganda at angking uniqueness ng wika
pagtungtong niya ng kolehiyo. Isa sa mga binigay niyang patunay dito ay ang katotohanang
maraming ideya sa Filipino ang mahirap o minsan nga ay imposible pang isalin sa ibang wika.
Meron ding ilang mga sumuporta sa kanya dahil sa pagkambiyo niyang ito. Nilinaw niyang dapat
daw sisihin ang kanyang edukasyon sa kanyang pananaw at pagtingin sa Filipino bilang wika.
Ang artikulog ito, sa kabila ng negatibong mga pahayag, ay bumuhay ng damdaming maka-
Pilipino ng mga mamayan at gayundin ang kanilang pagmamahal sa wika. Ito ay nagbibigay
patunay na sampung taon man ang nakalipas, ang pagtuturo pa rin sa kolehiyo ng Filipino ang
maaaring maging susi upang buksan ang puso at isipan ng mga mamamayang hilaw ang
pagtangkilik sa sariling wika. Para sa buong kopya ng artikulo buksan ang link na ito
https://opinion.inquirer.net/11649/language-learning-identity-privilege.
Para sa mas malalim na talakayan sa paksang ito, buksan at basahin ang Piglas Diwa nina
San Juan et al. 2018 pahina1 hanggang 15.
7
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na lumikha ng tatlong meme na sumasalamin sa mga
gampanin ng Filipino bilang wika ng komunikasyon. Ang bawat meme ay kakatawan sa ideya ng
mag-aaral bilang isang estudyante sa kolehiyo, bilang guro sa hinaharap, at bilang isang Filipino.
Maaaring gamitin ang mga larawan na palasak ng ginagamit sa social media ngunit siguraduhing
ang mga salita ay manggaling sariling kaisipan. Kasama sa criteria sa rubrik ang orihinalidad. Ang
rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Rubrik sa Meme
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang meme at ang Naging malamlam ang punto
meme at pagtalakay sa paksa, pagkakalahad ng paksa, at pagtalakay sa meme at hindi
malinaw na nailahad ang mga nagtataglay ng mga kakikitaan ng mga
impormasyon, kompleto ang importanteng detalye subalit mahahalagang impormasyon
mga detalye at kakikitaan na hindi nito napatibay ang ang na magpapatibay sa paksang
dumaan sa masusing pag-iisip mga impormasyong nakalagay iniatas.
ang vlog. sa meme.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kulang na
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon at hindi naayos
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang ng lohikal ang mga detalye na
mga detalye. Sumunod sa mga detalye, Ang paliwanag ng ideyang tinatalakay. May
tinalagang anyo at nilalaman ay malinaw at makabuluhan bahagi ng meme na
ang meme. subalit kinakulangan ng mga nakapagdulot ng kalituhan sa
salitang magpapaigting ng dahil sa ilang pahayag na hindi
pagkaunawa sa meme. kaugnay ng paksa.
Pagkamalikhain Malikhain at mapanghikayat Malikhain ngunit hindi Hindi mlikhain at
ang presentasyon ng mapanghikayat ang mapanghikayat ang
impormasyon sa ginawang presentasyon ng impormasyon presentasyon ng impormasyon
meme. Nagpapakita ng sa ginawang meme. Nagamit sa ginawang meme. Hindi
matalinong gamit ng Filipino ang Filipino bilang wika ng nagpapakita ng matalinong
bilang wika ng komunikasyon komunikasyon sa meme. gamit ng Filipino bilang wika
ang meme. ng komunikasyon ang meme.
Orihinalidad Ang mga meme ay orihinal. Ang mga meme ay hindi
orihinal.
Kabuuang
Iskor

Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang vlog na nagpapakita ng kanyang
karaniwang ginagawa sa tahanan gamit ang wikang Filipino. Inaasahang hindi gagamit ng wikang
banyaga ang mga mag-aaral sa vlog. Ang kanilang vlog ay tatagal lamang ng 1 hanggang 3 minuto.
Ang rubrik sa sunod na pahina ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

8
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Rubrik sa Vlog
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang
pagtalakay sa paksa, malinaw paksa, nagtataglay ng mga pagtalakay sa vlog at hindi
na nailahad ang mga importanteng detalye subalit kakikitaan ng mga
impormasyon, kompleto ang hindi nito napatibay ang ang mahahalagang impormasyon
mga detalye at kakikitaan na mga impormasyong tinalakay na magpapatibay sa paksang
dumaan sa masusing pag-iisip sa vlog. tinatalakay.
ang vlog.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang naihanay ng lohikal ang mga
mga detalye, maayos ang mga detalye. Ang paliwanag detalye na magpapatibay sa
pagkakagamit ng mga pang- ay malinaw at makabuluhan ideyang tinatalakay. May
ugnay para mailahad ng buong subalit kinakulangan ng mga bahagi ng vlog na
husay ang tindig, may kaisahan salitang magpapaigting ng nakapagdulot ng kalituhan sa
ang mga ideya. Sumunod sa pagkaunawa ng manonood sa manonood.
tinalaga ang vlog. paliwanag.
Kasanayan sa Magaling at angkop ang kilos, Angkop ang kilos, galaw at Madalas ang mga pagkakataon
Pagsasalita galaw at kumpas sa nilalaman kumpas na kinakailangan sa na hindi angkop ang kilos at
ng vlog; kumikilos ng naaayon talumpati, ngunit may mga galaw sa nilalaman ng vlog, o
sa paraang mabibigyang-diin pagkakataong blanko ang may kakulangan sa
ang sinasabi. emosyon na hindi tumutugon kinakailangang emesyon.
sa pinapahayag.
Kabuuang
Iskor

Gawain 3
Ang bawat mag-aaral ay aatasang ipahayag ang kani-kanilang mga tindig hingil sa
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo tulad ng kasalukuyang kurso, ang Fili 101
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, sa pamamagitan ng isang Facebook (FB) post.
Ang naturang FB post ay tatalakay sa saloobin ng mag-aaral sa kung paanong ang asignatura ay
nakatutulong sa kanyang paglago bilang isang mag-aaral at isang indibiwal. Inaasahang ang mag-
aaral ay gagamit ng akademikong tinig sa kanyang pagpapahayag na hindi lalampas sa 300 salita,
at sumusunod sa tamang baybay, at balarila. Kasama ng FB post ay dalawang larawan na may
kaugnayan sa kanilang bawat tindig. Maaring ito ay isang bagay o pangyayaring sumisimbolo sa
kanilang nais ipabatid. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private
Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit
ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger. Ang rubrik sa sunod na pahina ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

9
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Rubrik sa Facebook Post

Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan


Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang pagtalakay
pagtalakay sa paksa, malinaw at paksa, nagtataglay ng mga sa paksa at hindi kakikitaan ng
akma ang larawang ginamit, importanteng detalye subalit mga mahahalagang
Kaakmaan sa kompleto ang mga detalye at hindi nito napatibay ang ang impormasyon na magpapatibay
paksa ng kakikitaan na dumaan sa mga impormasyong tinalakay sa paksang tinatalakay.
gawain masusing pagiisip. sa paksa.

Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong


ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang naihanay ng lohikal ang mga
mga detalye, maayos ang mga detalye, nagamit ang mga detalye na magpapatibay sa
pagkakagamit ng mga pang- pang-ugnay para mailahad ideyang tinatalakay. May
Mekaniks ugnay para mailahad ng buong tindig. Ang paliwanag ay bahagi ng FB post na
husay ang tindig, may kaisahan malinaw at makabuluhan nakapagdulot ng kalituhan sa
ang mga ideya, at naging subalit kinakulangan ng mga mambabasa dahil sa ilang
malinaw, mahusay at salitang magpapaigting ng pahayag na hindi kaugnay ng
makabuluhan ang pagtalakay sa pagkaunawa ng mambabasa sa paksa.
paliwanag. paliwanag.
Maayos ang pagkakahabi ng Maayos ang pagkakahabi ng Hindi magkaugnay ang tinit at
Kaugnayan ng
tindig at may direktang tindig subalit hindi direktang ang larawang ginamit.
larawan sa
kaugnayan sa larawan na naipakita ang kaugnayan nito sa
tindig
ginamit. larawang ginamit.
Kabuuang
Iskor

10

You might also like