You are on page 1of 17

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Abstract
[Draw your reader in with an engaging abstract. It is typically a short summary of the document.
When you’re ready to add your content, just click here and start typing.]

Modyul sa
Bb. Maria Perpetua P. Crisostomo
Kontekstwalisadong Gng. Maribel A. Gutierrez
Gng. Genoveva M. Ramos
Komunikasyon sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

INTRODUKSYON
Ang Modyul sa Kontentekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang
kagamitang panturong naglalayong makatulong sa pagtugon sa kasalukuyang hamon na
pinagdadaanan ng bansa dulot ng pandemyang COVID 19 sa larangan ng pagpapatuloy ng
dekalidad na edukasyon. Batid ng mga may-akda na sina Bb. Maria Perpetua P. Crisostomo, Gng.
Maribel A. Gutierrez, at Gng. Genoveva M. Ramos na nararapat lamang na maipaabot sa mga
mag-aaral ang mga impormasyon at kaalamang nakapaloob sa modyul na ito. Ang modyul na ito
ay nahahati sa anim na yunit at ang bawat yunit ay binubuo ng panimula, layunin, lunsaran,
nilalaman, at mga gawain. Mayroon din mga link ng google form para sa yunit test pagkatapos ng
mga gawain.

Ang Yunit I ay tumatalakay sa masisidhing pinagdaanan ng Filipino at Panitikan mula sa


tangkang pagtatnggal nito sa kurikulum sa kolehiyo. Dito din nakasaad ang mga Pamantasan,
organisasyon, at indibiduwal na patuloy nakibaka sa pagbabalik nito sa kurikulum. Binigyag
pansin din sa bahaging ito ang pagnanasang mapataas ng antas ng Filipino hindi lamang sa
kolehiyo bagkus ay sa iba’t iba pang larangan. Ang yunit na ito ay nagnanais na maimulat ang
isipan at gisingin ang kamalayang maka-Pilipino ng mga magaaral lalo sa pnahong ito.

Ang Yunit II ay naglarawan sa mga kapamaraanan kung paanong ang pananaliksik ay


maaaring nakakawing sa komunikasyon bilang bahagi ng buhay ng mga tao. Binigyang diin dito
ang pagiging bukas ng mga mamayan sa paglubog sa pananaliksik upang matugunan ang mga
pangangailangan at masolusyunan ang mga problema mula sa pinakamaliliit hanggang sa
pinakamalalaking sa sistematikong pamamaraan. Ito rin ay nagpapaalala sa mga mambabasa lalo
at higit sa mga mag-aaral na maging matino sa pagpili ng impormasyong paniniwalaan at
ibabahagi sa iba.

Ang Yunit III naman ay naglalaman ng gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino.


Nakatuon ito sa mga makabuluhang paksa tulad ng tsismisan, umpukan, talakayan, pagbabahay-
bahay, pulong-bayan, komunikasyong di-berbal at mga ekspresyong lokal. Nililinang sa pag-aaral
na ito ang mga makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa pamamagitan
ng mga makabuluhan, napapanahon at kawili-wiling teksto at konteksto.

Samantala ang Yunit IV ang pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino sa konteksto ng mga
napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa katulad ng sistemang ekonomiko ng Pilipinas sa
kasalukuyan, kahirapan, unemployment, climate change, pulosyon, pagmimina, deforestation,
basura, baha at iba pa. Ang Yunit V ay kinapapalooban ng mga suliraning kinakaharap ng bansa
sa lokal at nasyunal na antas. Bibigyang konteksto dito ang komunikasyon sa Filipino sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga sularining nabanggit. Inaasahang sa pamamagitan ng
pagtukoy at pagsusuri ng mga reyalidad ng lipunang Pilipino, magkakaroon ang mga mag-aaral
ng pagkakataong palalimin ang paggamit ng wikang Filipino at mapapatunayang maaari itong
gamitin bilang intelektwalisadong wika ng komunikasyon.

Ang Yunit VI naman ay sumasaklaw sa mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino


sa iba’t ibang antas at larangan . Dito masusuri at mapagninilayan ang ginagampanang tungkulin
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ng komunikasyon na may pokus at pag-unawa sa pagtugon sa pangangailangn ng kapuwa at


pagpapaunlad ng ugnayan ng mga tao, komunidad at bansa. Mabibigyan pansin din sa yunit na
ito, ang gamit ng komunikasyon upang mabisang makapagpahayag ng mahahalagang mensaheng
may kakayahang magtulak sa mga mag-aaral na kumilos para sa ikabubuti ng hindi lamang para
sa kanilang sarili kundi para sa kapakanan ng lahat.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na


pakikipagsapalaran at nag-iiwan ito ng kakintalang maaaring magdulot ng karanasang
magpapatakbo ng buhay.Ang mga mag-aaral ay inaasahang makapaglalarawan ng mga gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan at makagagamit ng wikang
Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino. Sa ganitong
paraan, ang modyul na ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman at malayang kaisipan na mahalaga
sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa. Samakatwid, ang mga kaalaman at kasanayang
matatamo ng mga estudyante sa modyul na ito at sa pag-aaral ng kursong ito ay inaasahang
kanilang magiging kasangkapan upang sila’y maging higit na makabuluhang kasapi ng patuloy na
nagbabagong lipunang ating ginagalawan.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

YUNIT III
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan

Panimula

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na


pakikipagsapalaran at nag-iiwan ito ng kakintalang maaaring magdulot ng karanasang
magpapatakbo ng buhay. Matapos mong pag-aralan ang pagpoproseso ng impormasyon para sa
komunikasyon, magtungo ka naman sa mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Ang
Yunit 3 ay naglalaman ng gawaing pangkomunikasyon tulad ng tsismisan, umpukan, talakayan,
pagbabahay-bahay, pulong-bayan, komunikasyong di-berbal, mga ekspresyong lokal.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapaglalarawan ng mga gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan at makagagamit ng wikang
Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas
larangan.
2. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
sa lipunang Pilipino.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.

Lunsaran

Panoorin sa youtube ang bidyo na itohttps://www.youtube.com/watch?v=7OMeMq7qZ2I


Bigyang-pansin ang sinasabi ng bawat tauhan. Pag-isipang mabuti ang sagot sa tanong na “Ano
ang mabuti at di- mabuting dulot ng pinanood ninyo”?
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Nilalaman

Sa karaniwang diskurso, ang


tsimisan ay itinuturing na isang
pagbabahaginan ng impormasyong
ang katotohanan ay di-tiyak. Subalit
ang tsismis, na siyang laman ng
tsismisan, ay nanggagaling din
minsan sa hindi kakilala, lalo na kung
ito’y naulinagan lang sa mga
nagtsitsismisan. Ang haba ng oras ng
tsismisan ay di rin tiyak- maaaring ito
ay saglit lamang o tumagal ng isa o higit pang oras, depende kung may mailalaang panahon ang
mga nag-uusap at kung kailangan ng mahabang panahon sa pag-uusap. Subalit siguradong ito ay
may pinagmulan o pinanggalingan, mauri sa tatlo;
(1) Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsitsismis;
(2) Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa;
(3) Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.
Sa isang komunidad na gaya ng kapitbahayan, purok, sityo o paaralan, madalas magmula
sa una at pangalawang uri ang tsismis ukol sa isa o higit pang miyembro ng komunidad, subalit
may pagkakaiba sa dalawa. Sa unang uri, ang obserbasyon ay maaaring naipamahagi nang walang
malisiya , at ito ay naging tsismis lamang, dahil kumalat ng hindi nabeberipika, subalit sa
pangalawa, ang pahayag ay may kaakibat na balaking maghasik ng intriga. Ang pangatlong uri
naman ay madalas kinakasangkapan ng naghaharing-uri kagaya ng mga politiko, negosyante at
dinastiyang politikal para manira ng kalaban, lituhin ang taumbayan, o pagtakpan ang mga
kabuktutan. Maging sa mga bansang English ang bernakular na wika at kahit sa Bibliya may mga
taludtod na nagbabala lalaban sa tsismis. Ang tsismis ay mula sa salitang ESPANOL na chimes
isang uri ng usapan o huntahan na posibleng nangyayari na bago pa man dumating ang mga
mananakop sa bansa (Tan, 2016).
Sa kabila ng negatibong konotasyon, ang tsismisan ay bahagi pa rin ng daynamiks ng
interaksyon ng mga Pilipino sa kapwa at maaaring nakapagbibigay sa mga magkakausap ng
sikolohikal na koneksiyon at kultural na ugnayan sa lipunang ginagalawan. Minsan, ang tsismis
ay maaari ding makapagbigay ng mga panimulang ideya hinggil sa mga isyung binibigyang-pansin
ng mga mamamayan, ng mga palatandaan na makapaglalantad sa malalaking isyung panlipunan
na dapat bulatlatin ng masinsinan, at ng palaisipan hinggil sa mga motibo ng isang tao o grupo na
nagpapakalat ng tsismis. Kawala-walaan, ang tsismis ay maituturing na isang hamon sa pag-alam
o paglalantad sa katotohanan, lalo na kung may katuturang panlipunan ang paksa.Halimbawa,
paano kung ang laman ng tsismisan ay tungkol sa pangungurakot ng mga opisyal sa isang bayan?
Kung hindi, ang napatunayan nito’y malinis ang budhi ng mga opisyal na natsismis at malamang
na may naninira sa kanila na silang maitim ang budhi. Samakatuwid, ang implikasyon nito’y
kailangan ng matinding paghimok sa mga Pilipino na idirekta ang tsismis sa layong ito’y
mapatotohanan o mapasubalian-ang transpormasyon ng tsismis na walang kasiguraduhan ang
katotohanan tungo sa pagiging balita na batay sa empirikal at kritikal na pagsusuri. Ginamit din ng
mga Espanyol ang tisismis noong sinakop bansa natin at noong panahon ni Marcos ang naging
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

saligan ng mga tao sa pagkuha ng balita ay ang tsismis sapagkat ang midya noon ay kontrolado ng
pamahalaan.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa sikreto at baho ng iba.
Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring
nagmumula sa kakitidan ng utak natin. Ang pangtsitsismis ay nagiging simpleng paraan upang
makapanakit sa kapwa at mga kaaway. Ang tsismis ay karaniwang ginagamit para makasakit at
makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman o kaya naman ay husgahan ang kanilang
katauhan, kamalian at kasalanan. Ang madals na pinag-uusapan ng tsismis sa kumonidad ay mga
sensitibong bagay tulad ng sex, pagbubuntis ng mga hindi kasal o disgrasyada, pagiging
homosexual at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa
buhay o kaya naman ay pag-aaral.
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa
katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na narinig
nila, marami pa rin ang naniniwala sa alternative facts. Kakaunti lamang ang mga taong
nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaunti pa ang mga tao na
sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap.

Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis


Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung
sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan
ng pinag-uusapan. Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahamak ng dignidad
ay itinuturing na paninirang puri at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan
ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander.
Kinilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng bawat isa na maproteksyunan ang kanyang
dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay, at kapayapaan ng isip. Sinasabi sa Artikulo 26 na
ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat hindi maituturing na krimen ay maaaring
makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of action) para sa mga danyos, pagtutol at iba pang
kaluwagan:
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang
kaibigan;
4. Pang-aasar o pamaahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon,
mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba
pangpersonal na kondisyon.
Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa
isang krimen o isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka o anumang
kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan, o kalagayan na naging dahilan ng kasiraang-puri,
pangalan o pagpapasala sa isang likas o huridikal na tao, o upang masira ang alaala ng isang
namayapa na (salin mula sa Artikulo 353, RPC). Itinuturing na libelo ang isang akto kung ang mga
paninira ay pinaraan sa pasulat o broadcast na midyum, samantalang oral defamation naman kung
ang gagamitin na midyum ay pasalita.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang Binalonan Pangasinan ay nagpapatupad ng isang ordinansa na nagpapataw ng multa


sa mga tsismoso at tsismosa. Sa ilalaim ng naturang patakaran, pagmumultahin ng mga sumusunod
na halaga:Php 300, 500 at 1000 para sa una, ikalawa at ikatlong paglabag. Bukod pa rito, ang
indibidwal na magkakasala ay kailangan na magbigay ng serbisyong pangkomunidad o community
service.

Umpukan: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito https://www.youtube.com/watch?v=grQk7PbSCmA bigyang-


pansin ang mga istilo ng usapan ng bawat tauhan.

Nilalaman

Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi


rin planado o pinag-isipang mabuti maaaring
tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad,
magkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan,
o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid.
Minsan, sa umpukan din humihingi ng pasensiya
ang mga mambabatas na nagkainitan habang
matinding nagbabalitaktakan dahil sa
magkakaibang pananaw sa mga isyu at prosesong
may kinalaman sa paggawa ng batas.
Sa isang komunidad at maging sa iba’t ibang lugar
sa loob nito kagaya ng paaralan at tambayan sa
kanto, ang umpukan ay isang masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para mapanatili at
mapalakas ang ugnayan sa kapuwa. Kumbaga, ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay
sa isa’t isa, may pakialam sa isa’t isa, at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon mula sa
usapan ng mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang pagiging kasapi ng pamayanang
kinabibilangan at kaniyang pakialam dito. Bukod sa kainan, kantahan at paglalaro ng Bingo, isa
rin sa itinatampok sa salamyaan ang umpukan na may kalahok na ring tsismisin, talakayan,
balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa isang silungan o tambayan (Petras, 2010, p.
Binigyang pansin ni Petras (2010) ang kahalagahan ng salamyaan bilang talastasang bayan kung
saan nabubuo at napapalaganap ang mga salaysay mula sa loob, namamayani ang diwa ng
pagkakapantay-pantay sa mga kalahok, at napapasigla at napapatibay ang ugnayan at samahan ng
mga Marikenyong magakakatulad ang “interes at hanapbuhay” (p. Sa karanasan ng mga boluntir
sa Ugnayan ng Pahinungod/Oblation Corps (UP/OC), ang programang pamboluntaryong serbisyo
ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos (UPLB), mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa
isang komunidad ang pakikiumpok. Sa umpukan, nakikilala at nakakapalagayang-loob ng mga
boluntir ang mga taong katuwang nila sa mga gawaing pangkaunlaran sa pamamagitan ng
pakikinig at pakikipagkwentuhan sa kanila. Estratehiya naman ng ilang boluntir ng UP/OC na
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

eksperto sa agrikultura ang makipag-umpukan sa


mga magsasaka ng isang komunidad. Dahil sa
impormal na lapit at malayang daloy ng talakayan,
mas nakapagtatanong at nakapagbabahagi ng
ideya ang mga magsasaka sa umpukan kaysa
sesyon mismo ng pagsasanay o seminar na
karaniwang nakaistruktura sa di-pormal na
edukasyon na nakakatakot sa mga kalahok.
Madalas na ginagawa ang ub-ufon sa isang
itinakdang ator o dap-ayan (lugar), ng pagsasama-
sama ng mga umuli (magkabahayan) para magpakilala, mag-usap hinggil sa iba’t ibang isyu,
magbigayan ng payo, magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon (customs/traditions) sa
nakababata, mag-imbita sa mga okasyon, at magtulungan sa mga problema kagaya ng pinansiyal
na pangangailangan (Protectan, 2012). Sa pamamagitan ng ub-ufon, patuloy silang
nagkakakonekta sa kanilang tinubuang pamayanan at sa kabuhayan, at napapanatili nila ang diwa
ng pagkakaisa at pagtutulungan. Sa pananaliksik naman, maaaring gamitin ang umpukan bilang
dulog sa pagtatanong-tanong at pakikipag-kwentuhan kagaya ng ginawa nina Balba at
Castronuevo (2017) nang pinag-aralan nila ang alitang mag-asawa at ng mga estudyante ng
sikolohiya ni Javier (2010) sa kanilang pag-aaral hinggil sa kaligayahan/kasiyahan sa buhay ng
mga Pilipino.
Ginagamit din ang “umpukan” para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang
grupo o pangkat. May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay
napapalitan ng kuro-kuro o opinion tungkol sa isang bagay o paksa. Isa pang halimbawa ng
umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang o maaari rin
namang pormal na pakikipagtalo.

Talakayan: Masisinang Palitan at Talaban ng Kaalaman

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito https://www.youtube.com/watch?v=xxQoL6HvK0E bigyang-


pansin ang paksa ng usapan.

Nilalaman

Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na


nakatuon sa tukoy na paksa. Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga itinakdang
pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radio kung saan pinipili ang mga
kalahok. Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng
isang tao, isang grupo, buong pamayanan, o buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng
linaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa o makakakawing na mga problema at makagawa o
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

makapagmungkahi ng deesisyon at aksiyon. Sa pareho, inaasahan na magkakaroon ng


pagpapalitan at pagbabanggaan ng magkakaibang pananaw, pagkritik sa mga ibinahaging ideya at
impormasyon, at maging ang marubdob na pagtatalo-talo lalo na kapag kontrobersiyal o sensitibo
ang paksa. Sa mga mainit na pagtatalo, balitaktakan o tuligsaan, kadalasang maingat ang mga
Pilipino sa pagbibitaw ng salita at sa binibitawang mga salita (Maggay, 2002, p.29). Ang
pangkatang talakayan ay isa sa mga pamamaraan ng harapang komunikasyon na madalas gamitin
ng mga barangay health worker sa Bakun, Benguet dahil mas personal ang dulog at mas
nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga magkakausap. Halimbawa, ang talakayan sa telebisyon
sa pagitan ng mga piling eksperto, opisyal ng gobyerno at mamamayan hinggil sa isang
problemang panlipunan ay maaaring mapanood ng maraming Pilipino sa iba’t ibang panig ng
bansa at makapagbigay sa kanila ng kapaki-pakinabang na ideya upang harapin ang problema.
Pangatlo, ang midyang pangkomunidad ay mainam gamitin sa mga talakayan hinggil sa mga
gawaing pangkaunlaran na nakatuon sa mga tukoy na pamayanan at may dulog na partisipatori
(Quebral, 1988, p.81). Ang radyong Tambuli ay isang magandang halimbawa ng midyang
pangkomunidad sa Pilipinas kung saan nagaganap ang demokratikong talakayang na mediado sa
pagitan ng mga opisyal ng lokal na pamahalan at ng mga mamayan (Gumucio-Dagron, 2001, pp.
Masigla ang talakayang pagkomunidad sa radyong Tambuli dahil ang estasyon ay
pinamamahalaan ng isang multisektoral na konseho, ang mga brodkaster ay mga lokal na boluntir,
at ang mga programa ay nakalapat saa sosyo-ekonomik, kultural, politikal at pangkaligirang
konstekto ng mga tao sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito.
Sa kabilang dako, ang tagumpay sa talakayan katulad ng anumang sining ay mahirap biyan
ng tiyak na pagkakahulugan, bagama’t may mga mangilan-ngilang katangian ng mabuing
pagtalakay ang isinasaad sa www. Speaking.pitt.edu/instructor/classdisscussions.html katulad ng
mga sumusunod:
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon sa
talkayan sap unto ng walng pangamba na nagingibabaw sa kanilang pagpapahayag.
2. Hindi palaban. May mga pagkakataong nagiging mainit ang talakayan subalit hindi
dapat dumating sap unto na nawawalan ng magalang na tono, paraan ng pagpapahayag
ng bawat kasali sa talakayan; mainit ang pagtalakay subalit nananatili ang paggalang.
3. Baryasyon ng ideya. Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng
mga pahayag upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.
4. Kaisahan at pokus. Mahalaga ang pael ng dalubguro o ng tagapamagitan upang hindi
mawala sa punto ng usapin sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang ipinapahayag
sa malayong pagtalakay.

Ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at


gawa aysadyang di na maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon hanggang sa
katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang maiwasan ang di pagka-
kaunawaan kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isa’t-isa. Samakatuwid
ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan at mapanatili sa
pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na
ibahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.

Pagbabahay-bahay: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran


Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito https://www.youtube.com/watch?v=3x28eG3OTws pansinin


ang istilo at paksa ng tauhan sa usapan.

Nilalaman

Isa pa sa mahahalagang
gawing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino ay ang pagbabahay-
bahay. Kinasasangkutan ito ng
indibidwal o higit pang
maraming indibidwal na
tumutungo sa dalawa o higit pang
maraming bahay upang
isakatuparan ang alinman sa
kanilang layunin katulad ng
pangungumusta sa mga kaibigan
o kamag-anak na matagal nang
hindi nakita, pagbibigaygalang o pugay sa nakatatanda, paghingi ng pabor para sa isang proyekto
o solicitation, at marami pang iba. Makalipunan ang gawaing ito sapagkat personal ang
pakikitungo ng tao na tuwirang nakikipag-usap sa iba pang tao.
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay sa
isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya,
kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi sa pagsali
sa isang paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain
o adbokasiya. Halimbawa, ang pagbubuntis ng tinedyer at kawalan ng pagpaplano ng pamilya ay
mga sensitibong isyu na mas napag-uusapan ng mga tao sa tsismisan at umpukan kaysa mga
pormal nag awing pangkomunikasyon kagaya ng pulong, seminar at pampublikong forum. Kung
nais malaman ang iniisip at saloobin ng mga tao sa isyung ito at para makapagsakatuparan ng mga
angkop na dulog sa mga programang tutugon sa mga isyung ito, ang pagbabahay-bahay ay isa sa
mga mainam na estratehiyang pangkomunikasyon na maaaring isagawa ng pamahalaan, non
government organization, at iba pang samahan o institusyon na may mga proyekto hinggil dito. Sa
kabilang banda, ang pagbabahay-bahay ay madalas isinasagawa ng mga kinatawan ng ahensiya ng
pamahalaan, pribadong institusyon, o nongovernment organization na may tiyak na layong
panlipunan na nangangailangan ng kontribsyon, pakikiisa, at pakikipagtulungan ng mga residente
ng isang komunidad. Subalit sa una, kadalasang ang mga nagbabahay-bahay ay mga tagalaas ng
isang kapitbahayan at ang saklaw ng layon nila sa pagdalaw ay nakasentro sa mga isyu, alalahanin,
at programang panlipunan na saklaw ng isang buong komunidad.
Ang Pasko ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga Kristiyano sa pagsilang kay
Hesukristo. Karaniwan na nagbabahay-bahay ang bawat pamilya upang magmano at magbigay ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagpapahalaga sa mga nakatatanda at mga kamag-anak sa kahit na naumang paraan. Mayroon ding
nagaganap na pamamahagi at pagtanggap ng munting aginaldo para sa mga bata. Ito ay kaugaliang
kinagisnan minana natin sa ating mga ninuno at patuloy na nagpasalin-salin sa mga susunod na
henerasyon bagama’t may mga modipikasyon sa paraan ng selebrasyon batay sa pagbabago at
pangangailangan ng panahon. Isa pang halimbawa ng pagbabahay-bahay ay ang pangangaluluwa
na ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga Patay. Itoy isinasagawa sa pamamagitan ng pag-awit ng
mga awiting bayan kapalit ang konting donasyon at dasal para sa mga namayapa. Pero halos
tuluyan na at nagbago ang konseptong ito sapagkat ngayon ay hindi na umaawit sa tapat ng bahay
sa halip sila ay nakasuot ngayon ng kasuotang pang trick or treat ang naumang kapalit na kahit na
naong bagay o halaga na manggagaling sa mga may-ari ng bahay.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon sa pagbabahay-bahay dahil na rin sa
layunin ng makarami ng bahay na mapupuntahan sa araw na iyon, subalit ang prinsipyong ito ay
hindi totoo sa iba na higit na pinahahalagahan ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong
kanilang pinupuntahan.

PULONG-BAYAN: Marubdod na Usapang Pampamayanan

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito https://www.youtube.com/watch?v=_dp5Grxs00w pansinin ang


paraan ng pagsasalita ng tauhan.

Nilalaman

Ang isa pang mahalagang gawaing


pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang
Pulong bayan. Karaniwan itong isinasagawa
bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga
mamayan o partikular na pangkat upang tugunan
o paghandaan ang isang napakahalagang usapin.
Pinangungunahan ng lider ang pagtalakay sa
isang usapin na may kaakibat ng pagpapahalaga
sa opinyon at mga mungkahi ng mga taong
kabahagi sa pag-uusap. May pagkapormal ang
mga pagtalakay na nakapokus lamang sa paksa
na inihanda para sa espisipikong gawain na ito- ang pulong bayan.
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan. Madalas itong isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan,
may mga problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang komunidad.
Depende sa layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-bayan ay mga kinatawan ng iba’t-ibang
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sektor sa isang pamayanan, mga ulo o kinatawan ng mga pamilya o sinomang residenteng apektado
ng paksang pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. progresibong grupong
nagmomobilisa ng mga tao laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan o
nagnenegosyo; at isang impormal na lider o nagmamalasakit na mamamayan, nagtataguyod sa
kapakanan ng mga kababayan.

KOMUNIKASYONG DI- BERBAL: Pagpapahiwatigan sa Mayamang Kalinangan

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito https://www.youtube.com/watch?v=rEMpwyJ4rk8 bigyang-


pansin ang kilos at galaw ng mga tauhan.

Nilalaman

Ayon kay Mehrabian, ang kabuuang epekto


ng komunikasyon ay maaaring ipahayag sa
pamamagitan ng pormulang ito:
Kabuuang Epekto = .07 Berbal + .38 Tinig + .55
Mukha
Marahil ay sasabihin nating labis naman ang
pagpapahalagang ibinibigay ng pormulang ito sa mga
senyas na di-berbal tulad ng tinig at mukha. Marahil
nga, ngunit kung iisipin natin kung gaano kalimit
nating ginagamit ang ating mga mata kaysa ating mga
tainga, mauunawaan natin kung bakit ganito na
lamang ang pagpapahalaga ni Mehrabian sa mga
senyas na di-berbal.
Sa katotohanan, malaki ang pagkakaugnay ng mga senyas na di-berbal at ng sagisag na
berbal. Ang pagkakaugnay na ito ay nakikita sa paraan ng paggamit natin ng mga senyas na di-
berbal.

Mga Paraan ng Paggamit ng mga Senyas na Di-Berbal


1. Ang mga senyas na di-berbal ay kapupunan ng komunikasyong berbal. Kalimitan, inuulit ng
mga kumpas o ng mga aksiyon ang mga ideyang ipinahahayag sa pamamagitan ng wika.
Halimbawa maaari nating sabayan ng kumpas na naglalarawan ang pangungusap na, “Ganito nang
kataas ang aking bunsong kapatid.” O kaya naman ay maaaring sabayan ng ngiti ang pangungusap
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

na, “Nasisiyahan ako sa nakuha kong marka sa pagsusulit.” Kung kumplementaryo ang gamit ng
mga senyas na di-berbal at ng wika, nagsisilbing patibay ang una sa isinasaad ng wika.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa ating kultura, ang
pagtango ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang “oo”, ang pag-iling ng ulo ay ginagamit na
panghalili sa salitang “hindi”. Matapos ang isang laro ng basketball, halimbawa, hindi na
kailangang gumamit ng wika ang mga manlalaro upang ipahayag kung nanalo sila o natalo.
Naipapahiwatig ang kanilang kasiyahan sa pagkapanalo o kaya nama'y kalungkutan sa pagkatalo
sa pamamagitan ng galaw ng kanilang katawan.
3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. Alam na nating higit
na ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na di-berbal at ng wika,
higit na pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una. Halimbawa, kung ang kasabay
ng pangungusap na “Masaya naman ako” ay malamlam na mga mata at pilit na ngiti, dalwang
mensaheng magkasalungat ang ikinukumunika. Nagiging suliranin ng tagapakinig kung alin sa
dalawang mensahe ang dapat bigyan ng reaksiyon.
4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso upang
itulak ang isang kalahok sa talakayan na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni Patricio, nakatutulong
ang ganitong senyas sa daloy ng talakayan.
Maraming kahulugan ang maaaring ibigay sa mga senyas na di-berbal. Upang maging higit
na mabisang kaugnay ang mga senyas na ito ng mensaheng berbal, kailangang palagi nating isa-
isip ang ilang katangian nito.

1. Ang kahulugang ibinibigay natin sa mga senyas na di-berbal ay kailangang nababatay


sa kabuuan ng kontekstong pinangyayarihan nito.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring sinasadyang gamitin o hindi sinasadya.
3. Ang mga kahulugang iniuugnay sa mga senyas na di-berbal ay kalimitang ayon sa
pinagkaisahan ngmga taong kabilang sa isang lipunan o kaya'y kultura.

Mga Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

1. Komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo – Ito ay may tanging kahalagahan sa atin sapagkat


ito ang unag paraan ng komunikasyong naranasan natin bilang sanggol. Ang pagkalong, pagyapos,
o pagtapik sa atin ay nakatutulong sa pagpapatibay ng tiwala sa sarili. Habang tayo ay lumalaki,
natututuhan nating gamitin ang paghipo upang ipahayag ang ating mga damdamin.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo – Ayon kay Edward Hall, ang uri ng ugnayang
namamagitan sa mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng apat na uri ng distansiya: a)
sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga labindalawang talampakan
o higit pa. Ang ugnayan ay pormal tulad ng namamagitan sa isang komunikasyong pampubliko;
b) sa distansyang sosyal, ang mga kalahok ay magkakalyo ng mga apat hanggang pitong
talampakan. Ito ay angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga
pagtitipon. Ang layong ito hanggang labindalawang talampakan naman ay angkop para sa mga
pulong. Ang mga taongnasa loob ng silid na pinagdarausan ng pulong ngunit wala sa loob ng
distansiyang ito ay hindi dapat maghinanakit kung hindi sila kabilang sa interaksiyon; c) sa
distansyang personal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

talampakan. Ang distansiyang ito ay para sa magkakaibigan o higit pang malapi na pakikipag-
ugnayan; d) sa distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay magkakalayo ng hindi hihigit
sa labindalawang dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang lihim. Ang tinig ay
mahina at higit ang gamit ng mga senyas na di-berbal.
Isa pang aspeto ng komunikasyong ito ay ang paraan ng pag-aayos ng isang silid. Halimbawa, ang
posisyon at kapangyarihan ng isang tao sa organisasyon ay maaring ikomunika sa pamamagitan
ng ayos ng silid. Ang pinakabago sa mga empleyado ay maaaring idestino sa pinakamalapit sa
pinto.
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng oras – Karaniwan nang may iniuugnay tayong mensahe sa
paraan ng paggamit ng oras. Pamilyar tayo sa tinatawag na “Filipino Time.” Ang mga Pilipino ay
karaniwang sadyang nagpapahuli sa mga pagtitipon upang hindi masabing sabik sa pagdalo. Kaya't
kapag nagkataong dumating sa takdang oras, hindi agad tumutuloy sa pagdarausang ng pagtitipon.
Nagpapabalik-balik muna sa kalye upang magpalipas ng ilang sandali. Ang mga Kanluranin
naman, tulad ng mga Amerikano, ay sadyang maagap at nasa oras. Marami pang halimbawa ang
maibibigay natin: Ano ang mensaheng iniuugnay natin sa pagtunog ng telepono sa hatinggabi?
Ano ang mensaheng iniuugnay natin sa matagal na pagsagot sa ating liham ng isang kaibigan?
Ano ang mensaheng iniuugnay natin sa paanyayang ipinadala sa atin sa araw mismo ng
pagtititpon?
4. Komunikasyon sa pamamagitan ng katahimikan – Ang katahimikan ay may ikinukumunika
rin. Sa pamamagitan ng hindi pagkibo ay maaaring ipahiwatig ang ating pagdaramdam, pagkagalit,
o ang kawalan ng hangaring makipag-uganayan.
Ang mga nabanggit ay halimbawa ng komunikasyong di-berbal. Ngunit higit na malinaw at tiyak
ang kaugnayan sa komunikasyon ng mga halimbawang ibinigay nina Reusch at Kees na:
1. Komunikasyon sa pamamagitan ng senyas – Kabilang sa kategoryang ito ang lahat ng kumpas
na ginagamit sa halip ng salita, bilang at pagbabantas. Mga halimbawa ay ang simpleng iisahing
pantig na kumpas na ginagamit sa telebisyon upang sabihing oras na para sa patalastas o kaya'y
ang higit na kumplikadong sistema ng kumpas na ginagamit ng mga bingi at pipi.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng aksiyon – Kabilang dito ang lahat ng uri ng paggalaw tulad
ng paglakad o kaya'y pagkain. Ang paraan ng paggalaw ay maaaring bigyan ng kahulugan ng mga
nakakakita. Halimbawa, mayroon tayong tinatawag na mahinhing lakad o nagmamadaling lakad
o tamad na lakd. Ganoon din, ang pagmamadali sa pagkain ay maaaring iugnay sa laki ng gutom
o sa paraan ng paggalaw sa hapag-kainan na itinuro sa atin.
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng mga obheto – Kabilang dito ang lahat ng sadya at hindi
sadyang pagpapakita ng mga obheto tulad ng mga alahas, damit, aklat, disenyo ng bahay, atbp.
Halimbawa, ang singsing sa palasingsingan ng kaliwang kamay ay nagpapahiwatig na ang may
suot ay may nobyo na; ang salamin sa mata ay nagbibigay daw ng impresyong matalino ang
gumagamit nito bagama't ang angkop na kahulugan ay ang ikinukumunikang kalabuan ng mata ng
nagsuuot ng salamin.
Ang tatlong ito, ang senyas, aksiyon at obheto, ay may higit pang angkop na gamit sa
komunikasyong pasalita na nagsisilbing mensahe tulad ng ekspresyon ng mukha, pisikal na
kaanyuan, paraan ng pagdadala sa sarili, paraan ng pagtingin sa tagapakinig, kumpas at paggalaw.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

MGA EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Matingkad, Masigla at Makulay na Ugnaya’t


Kuwentuhan

Lunsaran

Panoorin at pakinggang mabuti ang sinasabi ng tauhan sa bidyo na ito.


https://www.youtube.com/watch?v=e3HjbF0mBmw

Nilalaman

Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika


na naiiba sa anyo at gamit sa lohikal at iba pang uri ng pilosopiya.
Ito ay mga parirala at pangungusap na ginagamit ng mga tao sa
pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan
ay hindi literal na kahulugan ng bawat salita at hindi
maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito
rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.

Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.)
Malay ko.
Ano ga!
Sayang.
Hay naku.
Susmaryosep
Anak ng ______!
Naku po!
Dyusko!
Walastik
Anla naman.
“Ala eh! ano ga naman yaan.”
Ang mga Batangueño ay kilala sa pagsasalita ng Tagalog na mayroong punto. Kilala rin
sila sa pagdadagdag ng salitang “eh” sa kanilang pananalita at sa paggamit ng “ga”. Isa rin sa
kilalang katangian ng mga Batangueño ay ang tinatawag na “Matanda sa Dugo”, kung saan
nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad. Ang
mga Batangueño ay kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa. Halimbawa sa isang pagtitipon,
mapapansin na ang mga Batangueño ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing
pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueño ay ang pagsasaka at
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang mga ito bilang malakas sa pag-
inom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang Central Azucarera
Don Pedro, na itinuturing na pinakamalaking tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa naman sa
pinakakilalang produkto ng lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.
Ang Ala eh ay nagaling sa salitang tagalog na “wala eh” ibig sabihin ay ” wala pong
problema , easy easy lang ” Ito ay isa sa mga dialekto na ginagamit mas lalo na sa lalawigan ng
Batangas at sa mga bahagi ng Quezon, at lalawigan ng Laguna at isla ng Mindoro. Ito ay
nailalarawan sa pamamagitan ng isang malakas accent at isang bokabularyo at grammar malapit
na nauugnay sa mga sinaunang Tagalog . Ito ay hindi kaugalian ng ibang batangeño , kadalasan
mga taga taal ang gumagamit nito.May ibait iba mga salita ang sa batangeño na ginagamit tulad
mg mga halibawang ito:
Kadlo: \kahd-loh\
• Ibig sabihin: Upang kumuha ng tubig.
• Ibang tawag :igib.
• Halimbawa: “Utoy , wala na tayong tubig pwede gang magkadlo ka ng tubig sa timba.”
Kagaykay: \kah-gai-kai\
• Ibig sabihin: Isang insekto na maingay tuwing gabi.
• Ibang tawag : kuliglig.
• Halimbawa: “Ang ingay ng mga kagaykay sa gabi.”
Kalamunding: \kah-lah-moon-ding\
• Ibig sabihin: Isang maliit na kulay berde na prutas at asa pamilya ng sitrus.
• Ibang tawag :kalamansî.
• Halimbawa: “Naku isda ang ulam , masarap ito sa isawsaw sa toyo at kalamunding.”
Kalasti: \kah-lahs-tih\
• Ibig sabihin: Isang mayabang na tao at kasuklam suklam.
• Ibang tawag: mayabang.
• Halimbawa: “Alam mo ba si ganun nakupo ay sobrang kalasti ng tao yun , ngalingali
kong sumbiin.”
Pagaw: \pah-gao\
• Ibig sabihin: Tungkol sa ang kawalan ng kakayahan upang makipag-usap sa isa sa natural
na boses dahil sa isang sigaw o dahil sa pagkakroon ng sakit.
• Ibang tawag: paos.
• Halimbawa: “Yan kasi, sabinang wag mag kokonsert sa banyo kya ka napagaw eh.”
Palakat: \pah-lah-kaht\
• Ibig sabihin: Pag tawag sa isang tao na ginagamit ay isang malakas na bosses.
• Ibang tawag: sigaw.
• Halimbawa: “Ano ganaman yaan palakatan kyo diyan eh magkatabi naman kayong
dalawa.”
Sagimis: \sah-gih-mihs\
• Ibig sabihin: Ito ay isa sa mga paburitong merenda ng pilipino, gawa sa rapper na may
banana slice sa poob at asukal , at ito ay piniritos hangang mag brown ang kulay.
• Ibang tawag: Turon.
• Halimbawa: “Hala favorite ko ga yang sagimis , kahit yan lang kainin ko sa buong araw
, masaya na ako .”
Sakol: \sah-kol\
• Ibig sabihin: Kakain na ang gamit ay ang kanyang kamay.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

• Ibang tawag: kamay o magkakamay.


• Halimbawa: “Masarap ang ulam ngayon nilabong itlog tapos may toyo , maslalo nang
sasarap pag magsasakol.”
Tabig: \tah-big\
• Ibig sabihin : Hinding sinasadyang masangi ang isang tao.
• Ibang tawag: sagî, tama, dali(e).
• Halimbawa : “Hala , pasensya na po di ko po nakita yung vase ninyo , sorry po talaga di
ko sinasadyang matabig ung vase.”
Tagaktak: \tah-gahk-tahk\
• Ibig sahihin : Tuloy tuloy na pagpatak, katulad ng pawis pag sobrang init.
• Ibang tawag: daloy.
• Halimbawa : “Kainit naman dito sa pinas , tuwing lumalabas ako ng bahay eh tagaktak
na pawis ko eh.”

Mga Gawain

Gawain 1
1. Ano-ano ang matitingkad na pagkakatulad at pagkakaiba ng tsisimisan, umpukan,
talakayan, pulong-bayan at pagbabahay-bahay sa isa’t isa?
2. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong magbahay-bahay ngayong panahon ng
pandemya, ano ang iyong magiging layon at bakit?
3. Paano mapapaunlad ang paggamit ng pambansang wika ang mga gawaing
pangkomunikasyon na tatak Pilipino?

Gawain 2: I-drowing ang iba’t ibang simbolo o icons na makikita mo sa iyong paligid (hindi
kukulangin sa sampu).Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng bawat isa. Ipost ito sa
FB closed group ng klase.

Gawain 3: Maglista ng tigsasampung (10) ekspresyong lokal na naririnig sa inyong lugar. Gumawa
ng talahanayan na may tatlong kolum. Sa unang kolum, isulat ang ekspresyon; sa
pangalawa, ilagay ang paliwanag sa kahulugan nito; at sa pangatlo, ilarawan ang isa o
higit pang sitwasyon kung saan ito ginagamit. Bigkasin at iparinig ito sa klase nang
may tamang tono at punto. Ipost sa FB closed group ng klase.

You might also like