You are on page 1of 10

1

3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


9

YUNIT 3: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

3.0 Sa araling ito, inaasahan na:


a. Mailalarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang
antas at larangan;
b. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
sa lipunang Pilipino; at
c. Mapalalim ang pagpapahalaga sa wika sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

3.1 Introduksyon
Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin.
Bagamat sa iba’t ibang kontekstong kultural, iba-iba ang pamamaraan, gawi at ugaliin ng
pagkakahayag nito. Upang maging mabisa at malinaw ang pakikipagkomunikasyon,
nararapat matutuhan ang mga pamaraan, ugaliin at mga gawaing pangkomunikasyon ng
iba-ibang pangkat.
Tayong mga Filipino ay mayroong kani-kaniyang natatanging pamamaraan, gawi at
ugaliin hinggil sa pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat pangkat ng tagapagsalita
ayon sa nakagawiang konteksto ng kultura.

3.2 Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

3.2.1 Mga Salik na Nakaaapekto sa Gawing Pangkomunikasyon

3.2.1.1 Lugar. Ang lugar ay tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa


komunikasyon. Malaki ang epekto nito sa gawing pangkomunikasyon. Ito ang nagtatakda
sa uri, paraan at gawi ng pananalita. Isinasaalang-alang ang lugar sa pagsasakatuparan ng
paghahatid ng mensahe at kung paano isagawa ang daloy ng usapan. Ang salik na ito ay
may impluwensiya sa pag-uusapan. Bukod pa rito, may mga kultural na gawi at
pamamaraan ng pagpapahayag sa bawat lugar na tangi sa pangkat ng tagapagsalita.
Halimbawa ay ang paggamit ng mga Ilocano ng wen, win at wën na ang kahulugan ay “oo”
sa mga Tagalog. Iba-iba ang gawi at paraan ng pagbigkas ng salita sa iba-ibang ngunit ang
kahulugan ay iisa. Isa pang halimbawa ay ang agalwad kayo o ka agannad kayo na isang
pahayag-Iloko na maaaring mangahulugang maging ligtas kayo sa inyong pag-uwi o simpleng
ingat kayo. Sa ilang lugar sa llokos, ang agalwad kayo o agannad kayo ay pagbibigay-babala sa
kaanak, kaibigan o kakilala sapagkat may hinihinuha na nakaambang panganib.

C. M. D. Hamo-ay
2
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

3.2.1.2 Mga taong naninirahan sa lugar. Napakalaki ang epekto sa gawing


pangkomunikasyon ang mga taong naninirahan sa lugar. Ito ay sapagkat sila ang
humuhubog ng kultura sa lugar. Ang kanilang mga paniniwala, ugaliin, gawi, uri ng
pamumuhay, at maging ang kanilang mga kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay sa kanilang
paligid ang siyang nagtatakda ng paksa o usapin. Ayon kay Davey (2018), ang kultura ay
ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at karanasan na nabuo sanhi
ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng iisang pangkat. Nakikisalamuha ang
mga tao kaya nabubuo ang tanging paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe na
tinatawag na komunikasyon. Ang kultura ay sinasabing komunikasyon sapagkat may
malaking bahagi ito sa kung paanong ang mga mensahe ay naihahayag at naiintindihan kaya
nahuhubog ang natatanging kilos, ugaliin at pananalita at gawing pangkomunikasyon ng
mga indibidwal sa isang etnikong pangkat.

3.2.1.3 Sosyo-ekonomiko. Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang kaniyang


estadong sosyo-ekonomiko ay nauugnay sa gawing pangkomunikasyon. Minsa'y iniaayon
ang gawi ng komunikasyon sa iba-ibang antas ng pamumuhay ng mga tao. Halimbawa, sa
mga pelikula ay napapanood ang mga sitwasyong kinasasangkutan ng tauhang mayaman
na karaniwang mababa ang tingin sa mga kasambahay. Naiiba ang gawi ng pananalita ng
mayamang amo sa pananalita ng aping kasambahay.

3.2.1.4 Edukasyon. Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan at nilalaman ng


pahayag ay naiimpluwensiyahan ng edukasyon ng isang tao. Ang paggamit ng antas ng mga
salita ay may kaugnayan sa edukasyon. Saan ba madalas marinig ang mga salitang balbal at
kolokyal? Sino ang madalas gumagamit ng mga salitang pormal? Ang mga guro sa kanilang
pagtuturo at tagapamahala ng kumpanya ay higit na gumagamit ng mga salitang pormal.
Ang impormal na salita ay maririnig naman sa mga pangkat ng indibidwal na nasa palengke,
umpukan ng magbabarkada at iba pa. Ang gawi ng pananalita ng isang doktor ay pormal,
higit itong malumanay at nagtataglay ng mataas na uri ng bokabularyo samantalang ang
barker sa isang paradahan ng dyip ay gumagamit ng impormal na salita at malakas na boses
sa pagtawag ng mga pasahero.

3.2.1.5 Kasarian. May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng
lalaki ay hindi ayon sa kaniyang kasarian. Gayundin, may mga salitang ginagamit ang mga
lalaki na hindi akma kapag ginamit ng isang babae. Kung gayon, ang paraan gawi ng
komunikasyon ay apektado dahil sa kasarian. Halimbawa ang paggamit ng mga salitang
besh o kaya ay beshie na higit na angkop gamitin ng mga babae sa kapwa babae at ang bro
o brod na malimit namang gamitin ng mga lalaki sa kapwa lalaki. Bagama't sa kasalukuyan,
ang ganitong kalakaran sa paggamit ng mga salita bilang bahagi ng gawi ng komunikasyon
ay hindi na rin batayan kung sino ang kausap at kung ano ang kasarian ng kausap sanhi ng
usapin hinggil sa gender awareness and development kung saan tanggap ng lipunan ang
magamit ng alinmang salita na hindi na mahalaga ang sekswalidad ng nagsasalita. Maging
lalaki, babae, tomboy o bakla ay malayang nakagagamit ng mga salitang naisin upang
magpahayag ng kaisipan at damdamin.

C. M. D. Hamo-ay
3
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

Panimulang Gawain
Ang komunikasyon ay nauugnay at nararapat na umayon sa kontekstong kultural.
Iba-iba ang mga pamamaraan, gawi at ugaliin ng pakikipagkomunikasyon sa bawat kultura.
Katulad ng mga mamayan sa iba-ibang bansa, ang mga Filipino ay mayroon ding
natatanging kultural na pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat
pangkat etniko na naninirahan sa libo-libong kapuluan ng bansa.
Pakinggan at/o basahin ang awit na "Pitong Gatang" ni Fred Panopio. Pagkatapos ay
sagutin ang ilang tanong hinggil dito. Mababasa ang mga tanong sa ibaba ng lyrics ng awit.
Pitong Gatang
Fred Panopio
Halaw sa https://www.musixmatch.com/lyrics
Yodelehihoo... 2x
Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng Umbuyan
May kasaysayan akong nalalaman
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang.

May isang munting tindahan sa bukana ng Umbuyan


At sa kanto ng kalye Pitong Gatang
Dito ay nag-uumpukan ang ilang pilyong istambay
Na walang hanapbuhay kundi ganyan.
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Ngunit bakit mayroong tao na katulad kong tsismoso


At sa buhay ng kapwa'y
usisero Kung pikon ang iyong ugali at hindi pasensiyoso
Malamang oras-oras basag-ulo
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Yodelehihoo... 2x

Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret


Sa Pitong Gatang lahat naririnig
At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik!
Magpatay-patayan ka bawat saglit
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Itong aking inaawit, ang tamaa'y huwag magalit


Ito naman ay bunga lang n'yaring isip
Ang Pitong Gatang kailanman ay di ko maiwawaglit
Tagarito ang aking iniibig. Yodelehihoo... Yodelehi, yodelehi, oh ho vodelebihi

C. M. D. Hamo-ay
4
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

Ang lahat ng mga kasagutan sa modyul na ito ay ilagay sa short bondpaper.


Maaaring sulat-kamay o computerized.
a. Hinggil saan ang pinakinggang awit?
b. Ilarawan ang lugar na pinangyarihan ng "kasaysayang nalaman" na binanggit
ng awit. Mayroon din bang ganito sa inyong lugar? Isalaysay.
c. Batay sa awit, sino-sino ang nasa lugar na tulad ng Umbuyan at Kalye Pitong
Gatang? llarawan sila.
d. Ano-ano kaya ang maaaring pinag-uusapan sa ganitong lugar? Magbigay ng
halimbawa.
e. Ipaliwanag ang bahagi ng awit na:
"Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret
Sa Pitong Gatang lahat naririnig
At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik
Magpatay-patayan ka bawat saglit"

f. Sa paanong paraan kaya maaaring maibsan o matigil ang tulad ng mga


nangyayari sa kalye Pitong Gatang? Maglahad ng mga paraan at ipaliwanag.

3.2.2 Mga Salik na Nakaaapekto sa Gawing Pangkomunikasyon


3.2.2.1 Tsismisan
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang
Kastila na "chismes". Karaniwan, kapag sinabing
tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaaring
totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng
kuwento o pangyayari ay maaaring sadyang
binawasan o dinagdagan upang ito ay maging
usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon
ng iba't ibang bersiyon. Nangyayari sapagkat
mabilis itong nagpapasalin-salin mula sa isang tao
tungo sa iba pang indibidwal. Intriga, alimuom,
sagap, sabi-sabi, bali-balita o kaya ay bulong-
bulungan at alingasngas ito kung tawagin.
Kadalasa'y hindi kabutihan ang dulot nito dahil
nakasisira ito sa ugnayang pantao, reputasyon at
Larawan halaw sa: Tsismisan - Google search. (n.d.). Google.
nagbubunyag ng mga lihim na maaaring wala https://www.google.com/search?q=tsismisan&source=lnms&tbm=isch&sa
=X&ved=2ahUKEwjhnoraqOnsAhUBZt4KHXKcA-
naman talagang katotohanan. EQ_AUoAXoECAQQAw#imgrc=uwl1drlmj_P56M&imgdii=yuLHdvWspY9ct
M

C. M. D. Hamo-ay
5
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

3.2.2.2 Umpukan

Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa


pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o magkakapatid, magkakaibigan,
magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho o magkakakilala na may
magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin. Ito ay nangyayari dahil ang isang
paksa, usapin at hangarin na karaniwan sa bawat isa ay nais talakayin at bigyang
linaw. Nagsisilbi rin itong pagkakataon sa pangkat upang lalong mapatatag ang
kanilang samahan at lalo pang mapabuti ang pagtrato sa isa't isa. Naiiba ang
umpukan sa tsismisan
sapagkat higit na mabuti ang
tunguhin ng usapin sa
umpukan. Napakaimpormal
na gawain ang umpukan,
madalas itong nangyayari na
hindi binalak. Sa isang
pamilya o magkakapatid,
karaniwan na gaganap ito sa
mga oras matapos ang
tanghalian, bago
magtakipsilim o tapos ang
Larawan halaw sa: Umpukan - Google search. (n.d.). Google.
https://www.google.com/search?q=umpukan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiJl4XcmursAhXUAaYKHUe6DxMQ2- hapunan bilang pampalipas-
cCegQIABAA&oq=umpukan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEEM6
BQgAELEDULnoBFi6hQVgpY8FaABwAHgEgAHZA4gBnRmSAQkwLjMuNy4wLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclie oras at pinag-uusapan ang
nt=img&ei=ek-jX4nyJ9SDmAXH9L6YAQ&bih=657&biw=1366#imgrc=HMko6LQh_zZ-NM
tungkol sa mga bagay-bagay
na natapos o mga nais pang gawin. Minsan, sa umpukan ay walang paksang
tinatalakay kundi biruan lamang. Sa mga magkakaibigan, magkakaklase at
magbabarkada, karaniwang nangyayari ang umpukan dahil mayroon silang nais
talakayin ukol sa kanilang mga gawaing sa paaralan tulad ng pagsasagawa ng
proyekto, pag-aayos ng schedule, mga gawain sa akademiya at iba pa. Sa mga
magkakatrabaho, nangyayari din ang umpukan pagkatapos ng oras ng trabaho upang
pag-usapan ang mga kaugnay na gawain sa trabaho na dapat umpisahan at tapusin,
mga nais maisakatuparan at iba't ibang personal at interpersonal na pakikipag-
ugnayan.

3.2.2.3 Pagbabahay-bahay

Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing


panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-
usap sa mga mamamayan sa kanilang
mga bahay. Karaniwan, may mga isyu
sa barangay na nais ipahatid kaya ang
ilang piling opisyal ay nagtutungo sa
mga kabahayan ng isang barangay
upang ipagbigay-alam ang isyu o mga
isyu. Sa pamamagitan ng pagbabahay-
bahay, ang mga mamamayan ay
nagkakaroon ng impormasyon hinggil
sa mga gawain at layuning nais Larawan halaw sa: Pagbabahay bahay - Google search. (n.d.). Google.

isakatuparan sa lugar. https://www.google.com/search?q=pagbabahay+bahay&tbm=isch&ved=2ahUKEwjtltuGm-


rsAhVL6ZQKHWAvB7QQ2-
cCegQIABAA&oq=pagbaba&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgUIABCxAzICCAAyAggAMgIIADICCA
AyAggAMgIIADICCAAyAggAOggIABCxAxCDAVC38g5Yj5MPYP2kD2gBcAB4BIAB_gKIAaoakgEHMC4zLjY

C. M. D. Hamo-ay
uNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=1E-jX-
3cCMvS0wTg3pygCw&bih=657&biw=1366#imgrc=bUbuL1p5EM_I3M
6
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

3.2.2.4 Pulong-bayan
Usaping politikal ang
karaniwang paksa ng
pulong-bayan. Ito ay
nauukol sa mga gawain at
layuning pambarangay at
pambayan. Kinabibilangan
ito ng pangkat ng mga
namumuno sa isang
barangay o bayan kasama
ang mga mamamayan upang
pag-usapan ang mga Larawan halaw sa: Pulong bayan - Google search. (n.d.). Google.
layunin, proyekto at mga https://www.google.com/search?q=pulong+bayan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiLjZ__m-rsAhXXyosBHSsjDCcQ2-
cCegQIABAA&oq=pulong&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECAAQQ

batas na isasakatuparan sa DD2D8lg9oAHAAeASAAbYDiAHIFJIBCTAuNi4zLjEuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=0FCjX4vlN9eV


zoFCAAQsQM6BwgAELEDEENQwukOWK-

lugar. Higit itong pormal


r7wPq8awuAI&bih=657&biw=1366#imgrc=OYIhlO4ZN7PAvM

kapag ang mga opisyal ng barangay bayan ang kasangkot at sama-sama sa


pagpupulong dahil ang mga na uusapan at napagkakasunduan ay tinatalakay sa
inihandang lugar at inilalah. pamamagitan ng katitikan. Ang pulong-bayan din ay di-
gaanong pormal ang pinuno ng bayan ay nagsasagawa lamang ng anunsyo sa
pangkat mamamayan sa pamamagitan ng pamaraang pasalita.

Pagkilala.Basahing mabuti ang pahayag sa bawat aytem upang matukoy ang konseptong
binabanggit. Isulat ang sagot sa patlang.

________1. Usaping politikal ang karaniwang paksa nito na nauukol sa mga gawain
at layuning pambarangay at pambayan,

________2. Kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at karanasan na


nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng iisang pangkat.

________3. Ito ang salik sa gawing pangkomunikasyon na nagtatakda sa uri, paraan


at gawi ng pananalita.

________4. Tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o magkakapatid,


magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho o magkakakilala na
may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin

________5. Isang gawaing panlipunan na tumutukoy sa pakikipag-usap sa mga


mamamayan sa kanilang mga bahay upang maghatid ng impormasyon.

C. M. D. Hamo-ay
7
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

________6. Ang salik sa gawing pangkomunikasyon na nauukol sa paggamit ng mga


salitang pormal at impormal at nauugnay sa antas ng napag-aralan.

________7. Isang salik sa gawing pangkomunikasyon na tumatalakay sa paggamit ng


mga salita ng iba-ibang kasarian.

________8. Tumutukoy ito sa antas ng pamumuhay ng mga tao na nauugnay sa


gawing pangkomunikasyon.

________9. Salik na humuhubog sa kultura ng isang lugar.

________10. Isang gawing pangkomunikasyon na kadalasa'y hindi kabutihan ang


dulot dahil minsa'y nakakasira sa ugnayang pantao, reputasyon, at nagbubunyag ng
mga lihim na walang katotohanan

3.2.3 Komunikasyong Di-Berbal


Ang sumusunod ay halaw mula sa pagpapaliwanag sa artikula at Hans (2018)
hinggil sa tatlong aspekto ang komunikasyong di-berbal dito ang kinesika (kinesic
behavior), pandama (haptics) at (proxemics). Bagamat nakaugnay sa tatlong ito ang
dalawa pang mahalagang uri ng di-berbal na komunikasyon na batay sa
pagpapaliwanag ni Heathfield (2018) tulad ng paralengguwahe (paralanguage) at
mga bagay (object language).
3.2.3.1 Kinesika (Kinesics)
Ang kinesika ay tumutukoy sa komunikasyong di-berbal kaugnayan sa
paggalaw ng katawan tulad ng tindig (posture), kumpas(gesture), ekspresyon ng
mukha (facial expression) at occulesics na tumutukoy sa ng mata (eye contact) sa
pagpapahayag ng mensahe.
a. Tindig- Isinasaalang-alang dito ang idea kung paano naaapektuhan ang
ibang tao sa paraan ng pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng ulo.
Kung paano igalaw ang katawan o tumindig ay nagkapagpapahayag ng iba't
ibang kahulugan. Ang bilis at bagal ng paggalaw ay mayroon ding kahulugang
inihihiwatig.
b. Pagkumpas- Ang pagkumpas ay bahagi na ng pang-araw-araw na
pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng isang tao. Ang pagkaway ay
maaaring mangahulugan ng pagsasabi ng “kumusta" o kaya ay "paalam". Ang
pagturo (point) ay maaari ding mangahulugan ng galit o kaya ay simpleng
pagtukoy lamang ng mga bagay na nagugustuhan.
c. Ekspresyon ng mukha- Binanggit nina Hans at Hans (2015) na ang mukha
ay isa sa mga bahagi ng katawan na nakapagpapahayag ng maraming
ekspresyon at kahulugan. Ang mukha ay nakapagpapahiwatig ng kaligayahan
at saya, ng kalungkutan, ng galit, ng takot at maging ng kabiguan.

C. M. D. Hamo-ay
8
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

d. Occulesics / Pagtingin- Mabisang gamitin ang mata sa pagpapahayag.


Kung paano tumingin sa iba ay nakapagpapahayag ng maraming kahulugan.
Ito ay maaaring makapagpakita ng pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot at
maging pagkagusto. Ang pagtingin ay napakahalaga rin sa pagpapanatili ng
daloy ng usapan at sa kung paano maaaring tumugon ang kausap. Ayon pa rin
kina Hans at Hans (2015), maaari tayong makipag-usap sa pamamagitan ng
ating mga mata: "Eye contact serves several communicative functions ranging
from regulating interaction to monitoring interaction, to conveying
information, to establishing interpersonal connections.”

3.2.3.2 Pandama (haptics)

Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapagpapahayag din ng iba't ibang


kahulugan. Daan-dang taon na itong ginagamit bilang isa sa mga anyo ng komunikasyon.
Nagkakaroon ng iba-ibang kahulugan ang paraan ng paghawak. Halimbawa, ang mariing
pakikipagkamay at pagtapik sa balikat ay may magkaibang kahulugang inihahatid.
Maaaring may galit, nakikiramay, nagmamahal o nambabastos ang kahulugan ng
paghawak.

3.2.3.3 Proksemika (Proxemics)

Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaaring may kaugnayan sa wang taong nag-
uusap. Ang pagiging malapit, malayo o kaya'y malapit na malapit ng mga taong nag-uusap
ay naghahatid ng iba't ibang kahulugan ayon sa kung sino ang mga nag-uusap. Karaniwan,
ang espasyo ay di-gaanong napapansin na nakapaghahatid din ng kahulugan.

3.2.3.4 Paralengguwahe (Paralanguage)

Ang paralengguwahe ay higit na tumatalakay sa kung paano nasabi o kung ano ang
paraan ng pagkasabi ng isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi.
Halimbawa nito ay ang bilis o bagal ng pagsasalita, tono, impleksyon ng boses, pagtawa,
paghikab, buntong-hininga, pag-ungol at kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik.
Halimbawa, iba-iba ang naipararating ng simpleng pagngiti sa lakas ng pagtawa. Iba rin ang
kahulugan kapag ang isang tao ay humahalakhak sa karaniwang pagbungisngis.

3.2.3.5 Bagay (Object language)

Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong


nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na
nakikita sa paligid (na tinatawag ding material artifacts)

a. Oras- Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga, tanghali,


hapon, takipsilim, gabi, hatingggabi at madaling araw. Sa ibang kultural na
kalagayan, ang mga ito ay may kaugnayan sa trabaho at pagpapahinga ngunit
sa iba naman ay walang takdang oras ang pagtatrabaho at pagpapahinga.
Kaugnay nito, maaaring nakaugnay ang kaisipan na ang mga Filipino ay
maaaring pumasok sa trabaho na lampas sa takdang oras ng pagpasok
samantalang ang mga Amerikano ay dapat pumasok sa trabaho ayon sa oras
na itinakda.

C. M. D. Hamo-ay
9
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

b. Simbolo- Malinaw ang mga mensahe na inihahatid ng mga simbolo.


Makikita ang mga ito sa mga pamilihan, daan, palikuran, sasakyan at iba iba
pa. Halimbawa rito ang mga simbolo ng na No-U Turn, No Smoking, No
Parking at Male/Female sa mga palikuran.

c. Kulay- Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito. Halimbawa, ang


pagsusuot ng puting damit ng ikakasal na babae ay simbolo ng kabusilakan,
ang itim na damit ay simbolo naman ng pagluluksa. Ang pula ay karaniwang
ginagamit sa mga fastfood chain sapagkat ito ay sumisimbolo sa kulay ng
pagkain at bukod pa rito ay nagdadala ito ng mainit na pakiramdam katulad
ng apoy.

d. Bilang- Kultural ang simbolo ng mga pamilang. Halimbawa, binibigyan


ng kahulugan ang numerong 13 na masamang pangitain at ang 9 na
masuwerteng numero. Ang pagsasabi halimbawa ng 143 ay paghahatid ng
pagsinta.

Pagkilala. Tukuyin kung anong TIYAK na uri ng di-berbal na komunikasyon ang isinasaad ng/sa
bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

________1. Ika-3:00 ng hapon: oras ng pagdarasal


________2. Pagmamahal: Masuyong paghaplos ng ina sa sanggol
________3. Respeto: Pagmamano sa magulang
________4. Walang kahandaan: Mga upuan at entabladong di-maayos
________5. No U Turn sa gilid ng daan: Hindi pagliko ng sasakyan
________6. Usapang intimate: Paglapit ng lalake sa babae
________7. Stress: Malalim na buntong-hininga
________8. Pagbati: Pagkaway sa ibang tao
________9. Takot: Panginginig ng kamay at pagbilog ng mga mata
________10. Pagluluksa: Pagsusuot ng damit na kulay itim.

Huling Gawain:
Sumulat ng Sosyo-kultural na papel o sanaysay hinggil sa gampanin ng wikang
Filipino sa pagpapanatili ng pagpapahalaga at kulturang Filipino
Layunin:
Nakasusulat ng sosyo-kultural na papel ukol sa piling paksa.
Naipahahayag ang sariling kuro-kuro na nagbibigay-diin sa gampanin ng
wikang Filipino sa pagpapanatili ng pagpapahalaga at kulturang Filipino.

C. M. D. Hamo-ay
3 | Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
9

1 1
0 0

https://www.scribd.com/doc/199002288/Sanaysay

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Lubos


ang aking kasiyahan at napagtagumpayan mo ang
mga pagsasanay at gawain.

Ang galing mo, binabati kita!

3.3 Sanggunian

Dela Peña, JM L., & Nucasa, W. P. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.


Sanaysay. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/doc/199002288/Sanaysay
Pagbabahay bahay - Google search. (n.d.). Google. https://www.google.com/search?q=pagbabahay+bahay&tbm=isch&ved=2ahUKEwjtltuGm-
rsAhVL6ZQKHWAvB7QQ2-
cCegQIABAA&oq=pagbaba&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgUIABCxAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADI
CCAAyAggAOggIABCxAxCDAVC38g5Yj5MPYP2kD2gBcAB4BIAB_gKIAaoakgEHMC4zLjYuNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXot
aW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=1E-jX-3cCMvS0wTg3pygCw&bih=657&biw=1366#imgrc=bUbuL1p5EM_I3M
Pulong bayan - Google search. (n.d.). Google. https://www.google.com/search?q=pulong+bayan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiLjZ__m-
rsAhXXyosBHSsjDCcQ2-
cCegQIABAA&oq=pulong&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIA
DoECAAQQzoFCAAQsQM6BwgAELEDEENQwukOWK-
DD2D8lg9oAHAAeASAAbYDiAHIFJIBCTAuNi4zLjEuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=0FC
jX4vlN9eVr7wPq8awuAI&bih=657&biw=1366#imgrc=OYIhlO4ZN7PAvM
Tsismisan - Google search. (n.d.). Google.
https://www.google.com/search?q=tsismisan&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjhnoraqOnsAhUBZt4KHXKcA-
EQ_AUoAXoECAQQAw#imgrc=uwl1drlmj_P56M&imgdii=yuLHdvWspY9ctM
Umpukan - Google search. (n.d.). Google. https://www.google.com/search?q=umpukan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiJl4XcmursAhXUAaYKHUe6DxMQ2-
cCegQIABAA&oq=umpukan&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEEM6BQgAELED
ULnoBFi6hQVgpY8FaABwAHgEgAHZA4gBnRmSAQkwLjMuNy4wLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=img&ei=ek-
jX4nyJ9SDmAXH9L6YAQ&bih=657&biw=1366#imgrc=HMko6LQh_zZ-NM

3.4 Pagkilala
Ang mga larawan, talahanayan at impormasyon sa modyul na ito ay kinuha sa mga
sanggunian na nakatala sa itaas.

Kung may katanungan ay i-chat ako sa


facebook; @Ma Winna Mae Agbon
C. M. D. Hamo-ay

You might also like