You are on page 1of 18

25

MODYUL 2
(1 linggo)

PANGKALAHATANG KATANGIAN NG MGA WIKA SA PILIPINAS

INTRODUKSIYON

Ang wika ay isang mahalagang likha ng Diyos. Dahil sa wika ang tao ay

nagkaroon ng ugnayan at pagkakaunawaan. Sinasabing bago pa man dumating

ang mananakop sa Pilipinas ay may sistema na ng panulat at komunikasyon ang

ang mga Pilipino na mababakas sa mga dahon ng kasaysayan mula sa mga liblib

na lugar at mga ukit sa puno at batuhan.

Katangi-tangi ang isang bansa na may maraming wika. Sa Pilipinas may iba’t

ibang mga wika na pangunahing ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, kabilang sa

wikang ito ay Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikolano, Cebuano,

Waray, at Hilgaynon.

MGA LAYUNIN

1. Maunawaan ang halaga ng pamilyaridad sa balangkas ng wika sa

proseso ng pagsasalin.

2. Mapag-uugnay ang wika, kultura, at pagsasalin.

PAUNANG PAGTATAYA

1. Sa anong kasanayan sa wika ka nahihirapan? Paano mo kaya

mapaghuhusay ito?
26

2. May nakita ka na bang salita o pahayag na nahirapan kang isalin sa

ibang wika? Ano ito?

3. Bakit sinasabing isang mapanghamong gawain ang pagsasalin?

PAGTALAKAY

Magbigay ng isang salita na mayroong iba’t ibang kahulugan at gamitin ito sa

pangungusap.

Halimbawa:

Upo- nagbigay ng upo ang aking ina sa kapitbahay.( gulay)

Upo- Upo! Ang sigaw ni nanay sa akin. (utos)

1. a.

b.

2. a.

b.

3. a.

b.

4.a.

b.

5.a.

b.
27

Nagawa mo ba ang gawain sa itaas? Maari ka na ngayong magpatuloy sa susunod

na aralin…

ARALIN 1
ESTRUKTURA NG FILIPINO

Kung nagnanais na magsalin sa Filipino, mahalagang pamilyar ang

nagsasalin sa balangkas o estruktura ng wikang pinagsasalinan. Kung gayon,

kailangan mong unawain ang pangkalahatang estruktura ng Filipino na

makatutulong sa iyo sa mga gawaing pampagsasalin.

Ponolohiya

Pragmatiks BALANGKAS Morpolohiya


NG
WIKA

Semantiks Sintaks

Ponolohiya. Ito ang pag-aaral sa tunog ng wika. Ang wikang Filipino ay may mga

tunog na katinig at patinig na tinatawag na segmental na tunog. Inirerepresenta ito

ng mga ponema o pinakamaliit na yunit ng tunog. Para sa mas komunikatibong


28

pagpapakahulugan, may mga tunog na suprasegmental tulad ng diin, tono, hinto, o

bilis

Morpolohiya. Pag-aaral ito sa pagbubuo ng mga salita. Isang paraan ng pagbubuo

ng salita sa Filipino ang afikseysyon o paglalapi. Tingnan ang halimbawa :

Unlapi – nagsayaw (nasa una ang panlaping ginamit)

Gitlapi – sumayaw (nasa gitna ang panlaping ginamit)

Hulapi – sayawan (nasa hulihan ang panlaping ginamit)

Kabilaan -nagsayawan (nasa unahan at hulihan ang panlaping ginamit)

Laguhan – nagsipagsasayawan (nasa unahan, gitna at hulihan ang

panlaping ginamit)

Sintaks. Tinatawag na “syntattein” sa salitang Griyego. Ito ay pag-aaral sa kung

paano nabubuo ang mga pangungusap. Sa Filipino, ang pangungusap ay nasa

karaniwan ayos o di-karaniwang ayos. Sa karaniwang ayos, ang pangungusap ay

hindi ginagamitan ng “ay” at nauuna ang panaguri kaysa paksa, na kabaligtaran

naman ng di-karaniwang ayos na,- ang pangungusap ay may panandang “ay” at

nauuna ang paksa sa panaguri.

Semantika. Ito ay siyentipikong paraan ng pagpapakahulugan. Nagmula sa salitang

Griyego na “semaino” na ang ibig sabihin ay “nangangahulugan”.

Dalawa ang paraan ng pagpapakahulugan sa mga salita. Ito ay maaaring sa

literal (denotasyon) at di-literal (konotasyon). Halimbawa,

“Kuhanin mo ang palakol at hukayin mo ang lupang pagtataniman ng

gulay”.

“Puro palakol na naman ang grado mo sa bawat asignatura”.


29

Ang salitang palakol sa unang pangungusap ay literal ang kahulugan na

isang kagamitan sa pagputol ng kahoy. Samantalang sa ikalawa, ay di - literal ang

bitbit na kahulugan, na tumutukoy naman sa markang 70 – hanggang 79.

Pragmatiks. May kaugnayan din sa pagbibigay kahulugan sa isang salita na

bahagi naman ng tinatawag na semiotika o mas malalim na pagpapakahulugan.

Tingnan ko ngayon ang iyong kakayahan sa pagpapalawak ng iyong kaalaman sa

pagbibigay ng mga salita sa ibaba ng kahon. Sundan ninyo ang ibinigay kong

halimbawa. Malalaman ko ngayon kung may natutunan ka sa talakayan na ginawa

natin. Alam kong kaya mo yan!

A. Magtala ng mga salita na parehong nagtataglay ng kahulugang denotasyon

at konotasyon at gamitin ito sa pangungusap. Ilagay rin ang kahulugang

taglay nito.

Salita Gamitin sa pangungusap Konotasyon Denotasyon


Halimbawa: A. Balimbing ang aking Baligtarin
Balimbing kaibigan.

B. Maasim ang Isang uri ng prutas


balimbing na kinain
ko kanina.

1. A.

B.

2. A.
30

B.

3. A.

B.

4. A.

B.

5. A.

B.

ARALIN 2

KAALAMANG PANGKULTURA BILANG PANGANGAILANGAN SA


PAGSASALIN

Ang proseso ng pagsasalin ay hindi lamang usaping linggwistiko

kung hindi kultural din. Dahil dito, mahalagang matukoy ang napapaloob

na kultura sa tekstong isinasalin at kung paano ito maiaangkop sa

pinagsasalinang wika.

Ang ideya ng kultural na kaalaman ay maaaring maunawaan mula

sa halimbawa ng konseptong pagsasakatutubo ng Sikolohiyang Pilipino

ni Enriquez (1992). Ipinakikita rito na may mga salita sa Filipino na

walang eksaktong katumbas sa Ingles, tulad ng mga sumusunod dahil

nga kultural ang mga ito.


31

Wika Kultura

1. Mga katutubong konsepto

1.1 Saling-pusa. Isa itong manlalarong bata na hindi

pa totoong kasali sa laro sapagkat, dahil sa kaniyang

murang pag-iisip at pisikal na gulang, hindi pa

makasusunod sa mga patakaran at batas ng laro.

Kunwari lamang na totoong kasali o tunay na manlalaro

ang panauhing bata. Karaniwang isinasali nang ganito

ang bata para mapagbigyan ito at maiwasang umiyak.

1.2 Utang na loob. Nag-ugat ito sa kasabihang Tagalog

na “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, ay hindi

makakarating sa paroroonan”. Ito ay isang

responsibilidad o obligasyon na dapat tumbasan o

kabutihang dapat ibalik sa kapuwa. Dahil sa mabuting

ginawa, maliit man o malaki ay isang bagay na hindi

dapat makalimutan.
32

1.3 Bayanihan.Sa nayon, nangangahulugan ito ng grupo

ng mga tao na nagtutulungan upang mapagtagumpayan ang

isang mabigat na gawain. Pagpapakita ito ng isang

magandang kaugalian ng mga Pilipino na nagdadamayan at

nagkakaisa upang matulungan ang kapuwa.

1.4 Panakip-butas. Kahalintulad ito ng salitang

“rebound” sa Ingles na nagsisilbing pamalit sa unang

minahal.

1.5 Pikon. Nangangahulugan na mabilis mainis o magalit

sa isang simpleng biro na tinototoo.

1.6 Balik-bayan. Pilipinong nagtrabaho sa ibang bansa

na bumalik sa Pilipinas.

1.7 Tsansing.isang uri ng pang-aabuso sa isang tao sa

pamamagitan ng paghawak sa mga pribadong bahagi ng

katawan.

1.8 Pamanhikan. Ito ay isinasagawa kapag

ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal.

Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae

sa magulang nito. Sa ilang lugar ay isinasama pa ng

lalaki ang Punong Barangay o iba pang

maimpluwensiyang kamag-anak o kaibigan upang

lumahok sa pamamanhikan. Kadalasang may malaking

salosalo sa hapag na nagaganap. Dito ay pinag-uusapan

ang petsa at pook-kasalan ng mag-sing irog, maging ang

ilan pang detalye, katulad ng magiging ninong at ninang,


33

ang paring magkakasal, mga abay, lugar ng kainan, at

maging ang listahan ng mga bisita.

Malinaw na ang mga konseptong nabanggit sa itaas ay

pagpapakita ng kulturang Pilipino na may mga natatanging

kahulugang kultural. Sa kabuuan, ang mga salitang ito ay

nagpapakita ng iba’t ibang mga pananaw, karanasan at

kaalaman ng mga Pilipino na naglalarawan ng makabuluhang

kasaysayan.

Samantala, may mga salita naman na kailangang hiramin

nang buo dahil sa wala ring itong katumbas sa wikang Filipino

tulad ng mga halimbawa sa ibaba.

1. Siomai. Isang uri ng pagkain na binalot sa tinatawag na “molo

wrapper” na yari sa harina at niluluto sa paraang pasingaw.

Karaniwan na ang laman ng wrapper ay giniling na karne ng

baboy, baka o ano mang uri ng seafoods.

2. Hotdog. Maituturing na meryenda sa iilan ngunit maaari ring

iulam sa panaghalian o hapunan. Ito ay isang pagkain nagrilled

o steamed link-sausage.

3. Spaghetti. Pagkain na madalas inihahanda kapag may okasyon

sa tahanan tulad ng kaarawan o pista. Ito ay isang pagkain na

ang pangunahing sangkap ay pasta na hinaluan ng pulang

sauce o ketchup.

Malinaw na ang mga hiram na salitang nabanggit sa itaas ay

naging bahagi na rin ng wikang Filipino dahil sa ito ay nakasanayan

na nating kainin.
34

1. Mga konseptong bunga ng pagtatakda ng kahulugan

Mas epektibo ang pagtatakda ng kahulugang teknikal kaysa sa

konseptong makahulugan na sa mga Pilipino. Halimbawa na lamang nito

ay ang “alaala at gunita”. Malaki ang pagkakaiba nito sa isa’t isa. Ang

alaala ay isang lugar kung saan ang mga isip natin ay nagkakaroon nang

pag-iimbak at naaalala natin ang mga impormasyon ngunit ang gunita

naman ay mga pangyayaring naganap sa ating buhay o kahit sa ibang

tao.

Kung pagbabatayan naman natin ang salitang kahulugang teknikal,

ang gunita ay “recall” at ang alaala ay “memory”.

Samakatuwid ang mga salitang nabanggit sa itaas ay bunga ng

mga pagkatuto at pagtuturo sa akademya.

2. Pag-aandukha o paglilipat ng katutubong kahulugan sa ideya at salita.

Salvage Pagliligtas Pagpatay


Orihinal na Kahulugan sa
Filipino
Wikang Banyaga

Katutubong Wika

Marami sa mga salitang hiram sa wikang banyaga ang nabibigyan

ng ibang kahulugan batay sa mga katutubong salita. Ang ganitong

pamamaraan ay tinatawag na pag-aandukha dulot na rin ng pakikipag-


35

ugnayan natin sa ibang bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ang wikang

Inlges na “Traffic” na may orihinal na kahulugan na paggalaw ng

sasakyan na mabagal, mabilis o katamtaman ngunit sa atin ito ay

nangangahulugan ng mabagal at di umuusad na galaw ng sasakyan sa

kalsada.

3. Pagbibinyag o paggamit ng katutubong salita para sa

pandaigdigan o banyagang konsepto

Katutubong Pandaigdigang
Salita Konsepto

Tumutukoy ito hindi lamang sa mga ritwal na mayroon tayo kundi sa paggamit

ng mga salitang katutubo. Ang mga halimbawang ito (palabra at amor..) ay hindi

gumamit ng katutubong salita. Sa kaso ng utang na loob at pagdadalmhati hindi

naman ito nagmula sa banyagang konsepto. Likas ito sa atin. Kailangan din

naintindihin nating mabuti ang mga salita na gagamitin natin para hindi tayo

magkamali ng pagkaintindi rito.

Kapansin-pansin na ang mga salitang nabanggit ay tumatalakay sa mga

katangian ng mga Pilipino tulad ng mga karanasan, pananaw at kaalaman na

mula sa kultura ng iba’t ibang bansa.

4. Paimbabaw na asimilasyon ng taguri at konseptong hiram

Mga konseptong matagal nang tumitimo sa isip ng mga Pilipino ngunit

ang kahulugan nito ay pagtanggal sa karanasang Pilipino. Halimbawa nito ay


36

need achievement na kung tutuusin wala pa itong katumbas na salin sa atin

dahil kailangan pa itong pag-aralan nang husto.

Sa paimbabaw na asimilasyon at konseptong hiram, inilalayo ng mga

salitang patuloy na ginagamit sa komunikasyon ang karanasan, pananaw at

kaalaman ng mga Pilipino.

5. Mga ligaw at banyagang konsepto

Ito ay mga salita ng mga dayuhan na walang katumbas sa wikang

Filipino dahil malayo ito sa kultura ng mga Pilipino.

Isa pa sa mga nakasanayang pagtawag ng mga Pilipino sa kasilyas ay

comfort room, na katumbas ng CR at ang pagbabagong ito ay dulot ng

modernisasyon. Ang kasilyas ay salitang Espanyol na hiniram natin na

bagamat patuloy na ginagamit ay bihira na lamang itong marinig sa mga

kabataan.

Patunay lamang na ang ilan sa mga wika ay may mga konseptong

walang malinaw na katumbas sa wikang Filipino na ginagamit natin ng hindi

napapansin, ilan pa sa mga halimbawa ng salita ay White Christmas at

Halloween Party.

Narito ang ilan pang halimbawa ng mga salitang Kastila na hiniram at

binaybay sa Filipino na naging bahagi na ng bokabularyong Filipino.


37

WIKANG KASTILA WIKANG FILIPINO WIKANG INGLES

casillas kasilyas comfort room

ventana bintana window

vandera bandera flag

Nang dahil sa pagsasalin mas napauunlad natin nang husto ang mga

salita na mayroon tayo, nagkakaroon man ng maraming pagbabago subalit

masasabing ang wika at kultura natin ay buhay magpakailanman.


38

Sukatin natin ang iyong natutunan sa aralin na ito. Sagutan mo ang

sumusunod na pagsasanay na may kaugnay nito.

Sa pagsagot nito, masusubok ang iyong kaalaman ukol dito. Mas mapalalago

mo rin ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga katanungan na nakalaan sa bawat

bilang.

Hanapin at bilugan ang iba’t ibang kaugalian na mayroon ang mga Pilipino sa loob
ng palaisipan. Isulat din ang mga nakitang kaugalian ng mga Pilipino sa ibaba ng
palaisipan.

P A P A G M A M A N O E R U P O U P E R
A D T A K O T S A D I Y O S P A N A A D
G H R D E G R O N I R U N U S A M M R U
G K E U T A N G N A L O O B B U S A E I
A T D H E L L O H I B U H H A L O M D N
L U G D U R O G N N O O E K A N O A L I
A I O A M A H A R A N A D B A H A N I G
N O P E R E H A S A A M A S A Y A H I N
G P P A K I K I I S A T R P I K O I A U
H E A S N G A D E T U I B W I K A K M L
K R P A K I K I P A G K A P W A T A O U
L Y Y S T U K O P A M A L A M B I N G T
O A S D E L I K A D E S A U N A B I G A
B D E D B Y A G I B G A P A M M H A E M

1. _______________________ 9. _______________________

2. _______________________ 10. _______________________

3. _______________________ 11. _______________________

4. _______________________ 12. _______________________

5. _______________________ 13. _______________________

6. _______________________ 14. _______________________


39

7. _______________________ 15. _______________________

8. _______________________

Sa unang aralin ay naipamalas mo ang iyong kasipagan at katiyagaan sa

pag-aaral ipagpatuloy mo lang ang iyong naumpisahan. Ngayon naman, magsalisik

ka hinggil sa kultura ng paggamit ng wika sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.Gawan ng

powerpoint presentation ang lumabas sa inyong ginawang pananaliksik at pag-

usapan ito sa klase.

Repleksiyon

Ang patuloy mong pagsisikap na magawa at matapos ang Modyul 2 ay lubos

kong kinatutuwa at pinagmamalaki ko na ikaw ay unti-unting lumalago sa larang ng

pagsasalin.

Ang pagpapahalaga sa aralin ay lalong tumitimo sa ating kaisipan at

kamalayan sa ating buhay. Muli, may mga katanungan na magiging gabay mo na

makatutulong upang lalong maintindihan ang Modyul 2.

Maaari kang magbahagi ng iyong mga opinyon batay sa katanungan na

nakalahad sa ibaba.

Sa pamamagitan ng mga katutubong konseptong pananaw, paano mo

maipapakita ang iba’t ibang karanasan, kaalaman at kasaysayan ng mga

Pilipino na naglalarawan ng makabuluhang nilang pamumuhay. Bigyan ito ng

makabuluhang pagpapaliwanag. Bilang mag-aaral, ano ang kahalagan ng

wika sa pagsasalin ng mga salitang nasusulat sa ibang wika? Paano nito

mapapaunlad ang wikang pambansa?


40

Kumusta? Nahirapan ka ba sa aralin natin at pagsasanay rito? Huwag kang

susuko...kaya mo iyan! Magtiwala ka lang sa iyong sariling kakayahan. Magpatuloy

ka!

PAGTATASA
Pangalan:________________________________________ Marka:____________

Seksyon:_________________________________________ Petsa:_____________
A. Isulat ang TAMA kung may katotohanan ang pahayag at MALI kung wala.

__________ 1. Ipinakikita ng morpoplohiya na nagbabago ang kahulugan ng mga


salita kung may pagbabago sa tunog nito.
__________ 2. Kahulugan lamang ng mga salita ang isinasalin.
__________ 3. Ang sintaks tumutukoy sa pagkakabuo ng mga salita sa isang wika.
__________ 4. Ang mga kultural na kahulugan ay mahirap mabigyang-tumbas sa
mga wikang hindi bahagi ang kulturang ito.
__________5. Mabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng konotatibo o
denotatibong pamamaran.

B. Ipaliwanag kung paanong ang kahusayan sa ponolohiya, morpolohiya,


sintaks, semantika, at pragmatiks ay makatutulong sa proseso ng pagsasalin.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
41

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

KAHINGIAN

1. Gumawa ng isang maikling video na nagpapaliwanag sa ugnayan ng wika,


kultura, at pagsasalin.

2. Gumawa ng komiks strip na pagpapakita ng mga kaugalian ng mga Pilipino.


Tumukoy ng mga salitang kultural na nagamit. Isalin ito sa Ingles.

SANGGUNIAN

Batnag, Aurora E., et.al (2009). “Teksbuk sa Pagsasalin”.Quezon City: C & E


Publishing, Inc.

Canal Hamamatsu “Sistemang Edukasyon ng Hapon” mula sa


https://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamatgl/06education/06_1.html

Cariňo, Jorge. ABS-CBN News Online. (2017). “Tama ba ang Pagbabago sa


Wikang Filipino”. Mula sa https://news.abs-cbn.com/life/08/08/17/tama-ba-ang-mga-
pagbabago-sa-wikang-filipino

Comia, John Enrico (2011) “Ang Edukasyon sa Panahon ng Kastila” Filipino


Corner Mula sa http://filipinocorner.blogspot.com/2010/11/ang-edukasyon-sa-
panahon-ng-mga-kastila.html

Dureza Teric (2019) “Edukasyon sa Pilipinas sa Panahon ng Amerikano” Mula sa


https://www.academia.edu/40239856/EDUKASYON_sa_PILIPINAS_SA_PANAHON
_NG_MGA_AMERIKANO

Exploreading (2014) “Isang Pagsusuri: Sistema ng Edukasyong noong Panahon ng


Kastila” mula sa http://irishmurillodizon.blogspot.com/2014/02/isang-pagsusuri-
sistema-ng-edukasyon.html
42

Francisco, Ley Ann (2017) “Magandang Epekto ng MTB-MLE sa mga Pilipino”


Mula sa http://leyannfrancisco.blogspot.com/2017/03/magandang-epekto-ng-mtb-
mle-sa-mga.html

Garcia, Mark (2014) “ Ang Relasyon ng Wika at Kultura” mula sa


https://www.scribd.com/doc/202499893/Ang-Relasyon-Ng-Wika-at-Kultura

Hufana, Nerissa L. (2010) “Wika, Kultura at Lipunang Pilipino. Iligan City:


Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika. Kolehiyo ng Sining at Agham
Panlipunan. MSU-Iligan Institute of Technology

Madrid, Ludho. (2012). Wikang Filipino Bilang Konsepto ni Pamela Constantino.


Mula sa https://www.scribd.com/document/230680676/Fil-40-Summary-Pamela-
Constantino \

Rubrico, JG. (2009) “Linggwistiks para sa mga Mag-aaral ng Agham Panlipunan 1

GLOSARI
Denotasyon – Literal na kahulugan ng mga salita.
Konotasyon – Malalim at kontekstuwal na kahulugan ng mga salita.

Morpolohiya - Tawag sa pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita. Maaring
tingnan halimbawa ang paglalapi sa mga salita.

Ponolohiya - Tumutukoy sa “pag-aaral ng tunog”. Bawat titik ay may magkakaibang


tunog na tinatawag na ponema o isang yunit ng salita.

Pragmatics - May kaugnayan din sa pagbibigay kahulugan sa isang salita na


bahagi naman ng tinatawag na semiotika o mas malalim na pagpapakahulugan.

Semantika - Sa siyentipikong paraan ng pagpapakahulugan. Nagmula sa salitang


Griyego na “semaino” na ang ibig sabihin ay “nangangahulugan”.

You might also like