You are on page 1of 7

ARALIN 2: BARAYTI NG WIKA

KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO


TUNGKULIN AT GAMIT NG WIKA
BARYASYON NG WIKA

KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO


ang kahalagahan ng wikang Filipino-- ito ay isang mahalagang salik ang wika
sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika,
nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng
mga kaalaman, ng mga mithiin at mga nararamdaman.

1. Ang Wikang Filipino ay mahalaga upang magkaroon ng maayos na


komunikasyon ang bawat isa. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino, nagkakaroon
ng pagkakaintindihan ang bawat Pilipino. Kahit na mayroong iba't-ibang isla sa
buong bansa kagaya ng Bisaya at Kapangpangan, nagkakaintindihan ang bawat
isa kapag gumagamit ng Wikang Filipino.

2. Ang Wikang Filipino ay mahalaga upang makapagbahagi ng karunungan sa


bawat isa. Ang Wikang Filipino ay ginagamit ng mga guro upang makapagturo sa
mga paaralan. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino, nagkakaroon ng kaalaman
ukol sa teknikal at kagandahang asal ang mga mag-aaral na Pilipino.

3. Ang Wikang Filipino ay mahalaga upang magkaroon ng kaalaman at wastong


pananaliksik ukol sa kasaysayan ng bansa. Sa pamamagitan ng Wikang Pilipino,
naiintindihan ng mga Pilipino ang kasaysayan ng bansa. Ito ay dahil nakasulat sa
Wikang Filipino ang mga sulatin sa bansa noong mga naunang taon. Bukod dito,
nagagamit din ang Wikang Filipino upang makapagsaliksik ukol sa agham,
matematika, kasaysayan, at iba pa.

❖ Wika bilang totalidad sa pag-aaral


❖ Kasangkapan ng pagpapahayag
❖ Instrumento ng komunikasyon
❖ Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
❖ Nagbubuklod ng bansa
❖ Lumilinang ng malikhaing pag-iisip

TUNGKULIN AT GAMIT NG WIKA


Mahalagang instrumento sa pakikipagtalastasan ang wika. Dito nag-uugat at
nabubuo ang kultura ng isang bansa ayon na rin sa pamantayan katulad ng
paniniwala, tradisyon pagsasamahan, uri ng pamahalaan, pag-uugali at iba pa.
Ang kahulugan ng sinasabi ng isang nakikipagtalastasan.

Batay sa pag-aaral ni JACOBSON (2003), my anim na paraan ng paggamit ng


wika.
1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE)
❖ Ginagamit ang wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita.
❖ Pagpapahayag ng isip at damdamin na ginagamit ang iba't-ibang uri ng
pangungusap.
Halimbawa: Nakikiisa ako sa adhikain ng ating pamunuan.
Woah!Napakagaling!
Ayy!Ganun pala!

2. PAGHIHIKAYAT (CONATIVE)
❖ Ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos ng taong
kinakausap.
Halimbawa: Magkaisa tayong lahat upang maging ganap ang katahimikang ating ninanais.
Bilisan ninyong maligo, paalis na tayo!

3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG- UGNAYAN (PHATIC)


❖ Ginagamit ang wika bilang panimula ng isang usapan o pakikipag-
ugnayan sa kapwa.
Halimbawa: Ikinagagalak kong makasama ka sa aming krusada.

4. PAGGAMIT BILANG SANGUNIAN ( REFERENTIL)


❖ Ginagamit ang wika na nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang
sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman .
Halimbawa:
Ayon kay Don Gabor, sa kanyang aklat na Speaking your Mind 101
Difficult Situation, may anim na paraam kung paano magkakaroon ng maayos na
pakikipagtalastasan.

5. PAGBIBIGAY NG KURO-KURO (METALINGGWAL)


❖ Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa
isang kodigo o batas.
HALIMBAWA:
Itinadhana nang walang pasubli sa Batas ng Komonwelt Blg. 184 ang
pagkakatatag sa surian ng wikang pambansa na ngayon ay komisyon ng wikang
Filipino.

6. PATALINHAGA (POETIC)
❖ Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
HALIMBAWA:
Isa isa mang mawala ang mga bituin sa langit, hindi pa rin niya maikakaila
na nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugong naghasik ng lagim sa puso
ng bawat Pilipino noong panahon ng digmaan.

Sa kabilang dako, si M.A.K. HALLIDAY ay nagbigay rin ng pitong tungkulin ng


wika na inilahad niya sa Explorations in the Functions of Language (1973).
1. PANG-INSTRUMENTAL
❖ Ito ay tungkulin ng wika upang matugunan ang mga may mga
katanungan na kailangang sagutin.
HALIMBAWA:
Pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng
gamit at halaga ng produkto.

2. PANREGULATORI
❖ Tumutukoy ito sa pagkontrol ng ugali o asal ng tao. Saklaw ng tungkuling
ito ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo kung saan matatagpuan ang
isang partikular ng lugar.
HALIMBAWA:
Pag-uutos ng tatay sa kaniyang anak na lalaki.
Pagsasalita sa isang debate.

3. PANG – INTERAKSYON
❖ Ang tungkuling ito ay makikita sa paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa
kaniyang kapwa.
HALIMBAWA:
Pagbati ng magandang umaga sa mga kapit-bahay.

4. PAMPERSONAL
❖ Naiipahayag sa tungkuling ito ang sariling pala-palagay o kuro-kuro sa
paksang pinaguusapan. Kasama rin rito ang pagsulat ng talaarawan o journal.
HALIMBAWA:
Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong.

5. PANG – IMAHINASYON
❖ Tumutukoy ito sa malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasulat o
pasalita.
HALIMBAWA:
Pagsulat ng nobela.
Paggawa ng kanta.

6. PANGHEURISTIKO
❖ Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaaralan.
HALIMBAWA:
Pagtatanong sa guro tungkol sa paksang hindi naintindihan.

7. PANG-IMPORMATIBO
❖ Ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang
pasulat o pasalita.
Kabilang sa bahagi na ito ang ulat, pamanahong papel at tesis.
HALIMBAWA:
Paguulat sa telebisyon o radyo.
VARYASYON O BARAYTI NG WIKA
Ang baryasyon ay pagkakaiba sa pagbigkas, grammar o pagpiling salita sa loob
ng wika.

Ang baryasyon sa wika ay maaaring may kaugnayan sa rehiyon, sa uringg


sosyalat/ o sa uring edukasyon, o sa digring pormalidad ng isang sitwasyon na
pinaggagamitan ng wika.

Homogeneus at Heterogeneous na wika

Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit


nito.
(Paz, et.al.2003).

Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at


pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito ay
nagtataglay o binubuo ng magkakaibang kontent o element heteros –
nangangahulugang magkaiba samantalang ang genos – nangangahulugang uri
o lahi.
Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at
grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa

Dayalek/Dayalekto – ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng


mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan.
Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong
wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito rin ang wikang sinasalita ng isang
neyographical.
Halimbawa: pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan)
pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog)

Idyolek - ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan o istilo sa


pagsasalita. Makikita rito ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong
nagsasalita o ng isang pangkat ng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa).
Ito rin ang Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.
Halimbawa:
Tagalog – Bakit?
Batangas – Bakit ga?
Bataan – Bakit ah?
Ang idyolek ni Marc Logan –paggamit ng salitang magkakatugma
Ang idyolek ni Mike Enriquez – hindi namin kayo tatantanan
Ang idyolek ni Kris Aquino - Aha!, ha, ha… okey! Darla!
Sosyolek - naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal
o nakabatay sa katayuan, antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang
panlipunan. Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian,
edad at iba pa. Ito ay may kinalaman din sa katayuang sosyo-ekonomiko ng
nagsasalita.
Halimbawa:
Wika ng mag-aaral -Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang crush ko!
Tapos nakasabay ko pa s'yang mag-lib! (estudyante)
Wika ng matanda - Ano ikamo, wala pa ang tatay n'yo diyan? Aba at saan na
naman napunta ang damuhong 'yon? Malilintekan 'yon sa akin! (matanda)

Iba't ibang Sosyolek


1. Gay Lingo – ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang
mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan
ng salita.
Halimbawa: Churchill para sa sosyal,
Indiana jones para sa hindi sumipot,
begalou para sa malaki,
Givenchy para sa pahingi,
Juli Andrews para sa mahuli.

2. Coňo - tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o


salitang Ingles na hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng coede switching.
Kadalasan din itong ginagamitan ng pandiwang Ingles na make at dinugtong sa
Filipino. Minsan kinakabitan pa ito ng ingklitik na pa, na, lang at iba pa.
Halimbawa: Let’s make kain na… wait lang I’m calling Ana pa… We’ll gonna
make pila pa…It’s so haba na naman for sure.

3. Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng


salitang mula sa Hapon na pokemon. Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles
at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at
may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin at intindihin
lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping. Madalas na nagagamit ang mga titik
H at Z.
Halimbawa: 3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? - Hello po, kumusta po kayo?
     aQcKuHh iT2h - Ako ito
iMiszqcHyuH - I miss you

4. Jargon - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng


isang propesyon, artikula na trabaho, o gawain ng tao.
Halimbawa: abogado – exhibit, appeal, complainant
     guro – lesson plan, class record, Form 138
Etnolek – ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo. Ang
salitang ito ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga
salitang nagiging bahagi ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Halimbawa: Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o ulan
Bulanon – full moon
Kalipay – tuwa o ligaya
Palangga – mahal o minamahal
Shuwa – dalawa
Sadshak – kaligayahan
Peshen – Preshen

Register – ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri
ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasaita ang
pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na
katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda o hindi niya masyadong kakilala.
Pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:
    a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang
wika sa sino ang nag-uusap.
    b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan
na tinatalakay at sa panahon.
    c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) – pasalita o
pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling
paraan ng pag-uusap.
Halimbawa:
Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at pagsulat
ng aklat pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay.
Paggamit ng di pormal na wika sa pagsulat ng komiks, talaarawan at liham
pangkaibigan o di pormal na paraan ng pagsasalita kung ang kausap ay
kaibigan, malalapit na kapamilya, kaklase o kasing-edad

Ekolek - Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng


bahay. Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan
ng mga gumagamit nito.
Halimbawa: Mamita
Lolagets
Papsy

Pidgin - ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s


Native Language o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-
uusap ng dalawang taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon
sila ng makeshift language. Dahil dito makakalikha sila ng isang wikang
pinaghalo ang kanya-kanya nilang unang wika.
Halimbawa:
Ang pagpunta ng mga Kastila noon sa Zamboanga nakabuo sila ng wikang
pinaghalong Espanyol at Katutubong Wika ng Zamboanga.
Creole - ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na
wika (nativized) na ng mga batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito
sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon ng pattern o tuntuning
sinusunod na ng karamihan.
Halimbawa: ang wikang Chavacano

You might also like