You are on page 1of 11

Makilala Institute of Science and Technology

Brgy. Concepcion, Makilala, Cotabato

Deskripsyon ng Kurso: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Bilang ng Kurso: FIL 1


Talakayan: UNA-IKALAWANG LINGGO/3 ORAS KADA LINGGO Bilang ng Modyul: 1
Instruktor: JUVYLYN L. GARCIA, LPT (Ariculture Department)
ANGELINA S. RABINO, MA Ed. Ad (Criminology Department)
RHOSSEL MAE L. MADELOZO, LPT (BSIS Department)
NOVIE LOVE C. NABESES, LPT (BPA/MIDWIFERY/BSE Department)
ANNALEJUNE A. NEDAMO, MA Ed. (BPA Department)

INTRODUKSYON

Ang Filipino 1 na may deskriptib na pamagat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino ay isang


metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng Akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa
paraang interdisiplinari at interaktibo, inaasahang mauunawaan ninyong mga mag-aaral at malilinang sa inyo
ang mga kailangang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng Filipino sa lalong mataas na edukasyon.

METALINGGWISTIK NA PAGTALAKAY SA WIKANG FILIPINO

INAASAHANG MATUTUTUNAN:

1. Nauunawaan at nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa wika at katangian nito.


2. Nasusuri ang batayang pinagmulan o teorya ng wika.
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawang tunog o wika na nagsasaad ng bawat teorya ng wika.
4. Naipaliliwanag at nakapagbibigay sitwasyon ukol sa kahalagahan ng wika.
5. Nailalahad ang iba’t ibang tungkulin, antas at barayti ng wika.

- - - TALAKAYAN - - -
1.1. Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Layunin: Nauunawaan at nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa wika at katangian nito.

1.1.1. Wika
◼ “Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang
simbolo.” – Webster
◼ “Ang wika at masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taog kabilang sa isang kultura. – Henry Gleason
◼ “Ang wika ang pangunahin at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.” – Ayon kay Archibald
A. Hill sa kanyang aklat na What is Language?

1.1.2. Katangian ng Wika:


a. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang
tiyak na balangkas. Ang balangkas na ito ay ang sumusunod: ponema (tunog ng wika) > ponolohiya (pag-aaral
sa tunog ng wika) > morpema (yunit ng salita) > morpolohiya (pag-aaral sa mga morpema) > sintaksis (pag-
aaral ng mga pangungusap) > diskurso (pagpapalitan ng kuro-kuro). Ito ang proseso upang makabuo ng isang
ganap na talakayan.
b. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula
sa hanging nanggagaling sa baga o pinanggalingang lakas o enerhiya na siyang naibubulalas natin.
c. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Upang maunawaan nang lubusan, nararapat lamang na piliin at isaayos
natin ang wikang gagamitin. Isang maiging halimbawa na rin dito ang pagpili ng wikang gagamitin sa
pakikipagtalastasan. Halimbawa, kung ang iyong kausap ay taga-Pasig City, at ikaw ay taga-Mindanao na
marunong din namang mag-Tagalog, maiging gamitin mo sa pakikipag-usap sa kanya ang wikang Tagalog kaysa
sa wikang Bisaya na iyong nakasanayan.
d. Ang wika ay arbitraryo. Ang arbiraryo ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawang bagay. Kung gayon, ang isang
taong walang ugnayan sa kanyang komunidad na kinabibilangan ay hindi matututong magsalita sapagkat ang
esensya ng wika ay panlipunan. Ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa
paggamit ng wika o mayroon silang sariling wika na ikinakaiba nila sa iba pang komunidad. Ika nga nila, “After
all, no two individuals are exactly alike.”
e. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan,
kailangang patuloy itong ginagamit.
f. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Mayroong mga wika na walang katumbas sa ibang wika sapagkat hindi
iyon naaayon sa kanilang kultura. Halimbawa na lamang, pansinin natin ang pagkakaiba sa Ingles at Filipino,
gamitin natin ang salitang “ice formation”. Sa Filipino maaari nating tawaging nyebe or yelo lamang. Sa Ingles
maaaring, glacier, icebergs, frost, hailstorm, snowballs, at iba pa. Maraming katawagan sa kanila sapagkat ang

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 1


ice formation ay naaayon sa kanilang kultura. Bukod dito, magandang halimbawa rin ang salitang “palay”, “bigas”,
at “kanin”. Sa Ingles, ang tawag lamang ay “rice.” Limitado lamang sa kanila sapagkat hindi naman makikita ang
kulturang agrikultural sa ibang bansa.
g. Ang wika ay dinamiko. Ang wika ay nagbabago. Hindi ito maaaring tumangging magbago, ngunit may mga
salitang hindi na gaanong ginagamit. Paano nagbabago ang wika? May mga wikang maaaring nadaragdagan
ng bagong bokabularyo. Ang tao ay malikhain, nakabubuo ng marami at mga bagong salita. Isang magandang
halimbawa ang mga salitang Gay Lingo. Bagamat napapaloob sa salitang Balbal ang mga salitang iyon, isa pa
rin iyong patunay na ang wika ay nagbabago.

- - - PAGSASANAY BLG. 1 - - -

Panuto: Mula sa binasang talakayan, magbigay ng sariling pagpapaliwanag o magsaliksik sa mga sumusunod na
katanungan o kahilingan. Limang (5) puntos bawat isa.

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos:


4-5 – Nakapagbibigay ng sapat, may kaukulang pagpapaliwanag at may balidong preperensya.
2-3 – Nakapagbibigay ng iilang impormasyon tungkol sa hinihiling.
1 – Kapag nakapagbigay ng impormasyong walang kaugnayan sa hinihiling.

1. Ano ang wika? Maliban kina Webster, Gleason at Hill, magsaliksik pa ng kilalang tauhan na nagbigay
pagpapakahulugan sa wika. Iugnay ang kanyang pahayag sa iyong sariling pagpapaliwanag tungkol sa wika.
2. Magbigay ng iba pang mga salita na magpapatunay na “ang wika ay nakabatay sa wika.”
3. Paano nagbabago ang wika?

- - - TALAKAYAN - - -

Layunin: Nasusuri ang batayang pinagmulan o teorya ng wika. Nakapagbibigay ng mga halimbawang tunog o wika na
nagsasaad ng bawat teorya ng wika.

1.1.3. Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika:


a. Teoryang Bow-wow – ang wika ay mula sa pangagaya sa mga tunog ng kalikasan; hal. tuko (mula sa mismong
tunog ito ng nasabing insekto), kaluskos ng hangin, atbp.
b. Teoryang Pooh-pooh – ang wikang nabubuo ay bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.; hal. nasasaktan (damdamin ng tao) – napapa-Aray! O di kaya
ay Ouch!, atbp.
c. Teoryang Yo-he-ho – ayon kay A.S. Diamond, natututong magsalita ang tao bunga diumano ng kanyang
puwersang pisikal; hal. kapag nanganganak ang isang ina, ano ang tunog na kanyang nalilikha? Maaari rin
naming kapag nagbubuhat ng mabibigat na bagay, atbp.
d. Teoryang Tarara-boom-de-ay – ang wika ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging
sa paliligo at pagluluto. Alinmang wikang nabubuo mula sa kanilang pagriritwal ay naaayon sa teoryang ito.
e. Teoryang Ta-ta – ang kumpas o galaw ng kamay ng tao ay lumikha ng tunog; hal. Palakpak, atbp
f. Teoryang Ding-dong – kahawig ng teoryang bow-wow; nagkaroon ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid; hal. tunog ng orasan, atbp.

- - - PAGSASANAY BLG. 2 - - -

Panuto: Magbigay ng tig-tatatlong (3) tunog o salita na nagpapakita o nagsasaad sa mga sumusunod na teorya ng
wika:
1. Teoryang Bow-wow
Halimbawang sagot: 1.1. agos ng sapa
1. Teoryang Pooh-pooh
2. Teoryang Yo-he-ho
3. Teoryang Tarara-boom-de-ay
4. Teoryang Ta-ta
5. Teoryang Ding-dong

- - - TAKDANG-ARALIN BLG. 1- - -

Panuto: Saliksikin ang Teoryang Biblikal na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng wika. Bigyang puna ang dahilan ng
pagkakaiba ng mga wika sa daigdig.

- - - TALAKAYAN - - -

Layunin: Naipaliliwanag at nakapagbibigay sitwasyon ukol sa kahalagahan ng wika.

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 2


1.1.4. Kahalagahan ng wika:
1. Instrumento ng Komunikasyon. Pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at
kaisapan. Sa micro level, ang dalawang tao ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng
wika. Gayundin sa macro level, ang dalawa o higit pang bansa ay nagkakaroon ng ugnayan sa pamamagitan
din ng wika.
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Maraming kaalaman ang napakikinabangan ng kasunod na
henerasyon o kahit pa ng ibang lahi dahil sa pagrereserba nito sa pamamagitan ng pagsasa-aklat. Isang
halimbawa lamang ito ng pag-iingat at pagpapalaganap.
3. Nagbubuklod ng Bansa. Ang wika ay isa sa mga susi upang magkaroon ng ugnayan ang dalawa o higit pang
bansa. Wika ang ginagamit upang magkaroon ng komunikasyon ang mga tao o bansa, dahil sa wika, ginagapos
o binibigkis ang bawat bansa dahil dito.
4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Kapag nagbabasa tayo ng isang maikling kwento, nobela, o di kaya
nagbibigkas ng isang tula, unti-unti nating nailalagay ang ating mga sarili sa akda. Naiisip natin kung gaano
kaganda ang tagpuan, gaano kasakit o kasaya ang nararamdaman ng isang tauhan sa akda, nagkakaroon tayo
ng imahinasyon kung ano ang kaganapan sa isang akda.

- - - PAGSASANAY BLG. 3 - - -

Panuto: Ibigay ang mga sumusunod na kahilingan. Limang (5) puntos bawat isa.
1. Magbigay ng isang sitwasyong nagpapakita kung paano ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng
komunikasyon. Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Magbigay ng isang sitwasyong nagpapakita kung paano naiingatan at naipapalaganap ng wika ang isang
kaalaman. Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Magbigay ng isang pangyayari sa ating kasaysayan na nagpapatunay na ang wika ay nagbubuklod ng bansa.
Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Magbigay ng isang sitwasyong nagpapakita kung paano nalilinang ng wika ang ating malikhaing pag-iisip.
Ipaliwanag ang iyong sagot.

- - - TALAKAYAN - - -

Layunin: Nailalahad ang iba’t ibang tungkulin ng wika.

1.1.5. Tungkulin ng Wika (ayon kay M.A.K. Halliday):

Tungkulin ng Wika Katangian Halimbawang Pasalita Halimbawang Pasulat


1. Interaksyonal Nakapagpapanatili o Pormularyong panlipunan, Liham-Ppangkaibigan,
nakapagpapatatag ng pangungumusta, Text o Chat
relasyong sosyal pagbabatian, pagpapalitan
ng biro
2. Instrumental Tumutugon sa Pakikiusap, pag-uutos Liham-Pangangalakal
pangangailangan.
3. Regulatori Kumokontrol at Pagbibigay ng direksyon, panuto
gumagabay sa kilos o asal paalala, o babala
ng iba
4. Personal Nakapagpapahayag ng Pormal o Di-Pormal na Liham sa Patnugot
sariling damdamin o Talakayan
opinion
5. Imahinatibo Nakapagpapahayag ng Pagsasalaysay o Akdang Pampanitikan
imahinasyon sa malikhaing Paglalarawan
paraan.
6. Heuristik Naghahanap ng mga Pagtatanong o Sarbey o Pananaliksik
impormasyon o datos. Pakikipanayam
7. Impormatibo Nagbibigay ng Pag-uulat o Pagtuturo Ulat, Pamanahong Papel
impormasyon o datos

- - - PAGSASANAY BLG. 4 - - -

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay: Interaksyonal, Instrumental, Regulatori, Personal,
Imahinatibo, Heuristik, o Impormatibo. Isulat ang tamang sagot.
1. Magandang araw, mahal kong mag-aaral. Kumusta kayo?
2. Tumala ng mahigit-kumulang ang 10,000 katao ang nagkaroon na ng COVID-19 ayon sa ulat ng WHO.
3. Maaari mo bang kunin ang mga basura sa ilalim ng iyong upuan.
4. Pakikuha naman ng bag ko sa mesa.
5. Matagal na akong nagmamahal sa matalik kong kaibigan.
6. Kapag dumating ka na sa unang kanto, pumasok ka roon at lumiko ka pakanan. D’yan ang bahay namin.
7. Saan nga ba ang bahay ni Binibining Juvylyn?
8. Bawal kainin ang mga pagkaing hindi nakasilyado.

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 3


9. Ang araw na nangungusap, mga dahong umaawit, mga hanging dumadampi sa akin, sadyang kay sarap
mabuhay.
10. Balita ko ay umutot ka raw sa gitna ng klase. Sige na, aminin mo na.

- - - TALAKAYAN - - -

Layunin: Nailalahad ang iba’t ibang antas ng wika.

1.1.6. Antas ng Wika:


A. Pormal – Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na
ng mga nakapag-aral ng wika.
1. Pambansa – salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila
2. Pampanitikan/Panretorika – salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan
B. Impormal – Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, o pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
1. Lalawiganin – bokabularyong diyalektal
2. Kolokyal – pang-araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal; pagpapaikli ng isa o dalawang
salita (hal. sa iyo = sa’yo);
3. Balbal – slang (Ingles); wikang nagmula sa iba’t ibang pangkat upang magkaroon ng sariling codes;
mababang antas ng wika
▪ Antas-Bulgar – pinakamababang antas ng wika (ayon sa mga dalubwika); naglalaman ng mga
salitang di-kanais-nais; hal. y*w*

Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal


1. Ina Ilaw ng tahanan Inang Nanay Ermat
2. Baliw Nasisiraan ng bait Muret, bal-la Sira-ulo praning
3. Pulis Alagad ng batas pulis Pulis Parak, buwaya
4. Maganda Mala-Diyosa ang napintas Maganda Adnagam, erfa
kariktan
5. Yumao Sumakabilang-buhay natayen Namatay nadedbol

- - - PAGSASANAY BLG. 5 - - -

Panuto: Kilalanin at tukuyin ang mga salitang nakasalungguhit sa sumusunod na pangungusap kung ito ay
Pambansa, Pampanitikan, Lalawiganin, Kolokyal, o Balbal.
1. Napakaigi ng kanilang haligi ng tahanan sapagkat ito ay nagtatrabaho mula madaling-araw hanggang dapit
hapon.
2. Hindi muna ako makapag-ienrol ngayong pasukan sapagkat wala na kaming kwarta.
3. Napakagara naman ng kanyang tsi-kot, napakakintab.
4. Umuwi si Marl mula abroad at ngayo’y nagbibilang na ng mga poste.
5. Mahirap ang umasa sa mga magulang.
6. Pa’no mo nasabing minahal nga niya ako nang lubusan?
7. Kay sakit sa kasing-kasing ng ginawa mo.
8. Ikaw ang ilaw na tumatanglaw sa masukal kong landas.
9. Para sa sa’kin, ikaw ang pinaka-machong Papa.
10. Iba-iba ang mga mag-aaral sa Makilala Institute of Science and Technology.

- - - TAKDANG-ARALIN BLG. 2 - - -

Panuto: Magbigay ng tig-lilimang halimbawang salita ng mga sumusunod:


5-Pambansa
5-Pampanitikan
5-Lalawiganin
5-Kolokyal
5-Balbal

Halimbawa: Gayahin ang pormat.


Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal
1. Kotse Sasakyang Panlupa Awto Kotse Tsi-kot

- - - TALAKAYAN - - -

Layunin: Nailalahad ang iba’t ibang barayti ng wika.

1.1.7. Barayti ng Wika:


1. Dayalek – likha ng dimensyong heograpiko; “wika” sa ibang salita; wikang ginagamit ng isang rehiyon; lalawigan
o pook; apat na raan (400) na dayalelek sa Pilipinas (ayon kay Ernesto Constantino); hal. Kiniray-a (Iloilo),

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 4


Cebuano (Negros), atbp.; ito ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na
bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap, hal.: Maynila – Aba, ang ganda!,
Batangas – Aba, ang ganda eh!, Bataan – Ka ganda ah!, Rizal – Ka ganda, hane!. Ano ang napapansing
pagkakaiba sa bawat pook?
2. Sosyolek – batay naman sa dimensyong sosyal; nakabatay sa pangkat panlipunan ng mga tao; hal. mga salita
mula sa pangkat kababaihan, bakla, guro, atbp; maaaring okupasyunal na rehistro ang mga salita (mula sa iba’t
ibang larangan)
▪ Hal. Larangan ng Paghuhukom/Abogasya: Hearing, Settlement, Appeal, Justice, Court, atbp –
Legal Jargon (tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain)
▪ Ngunit may mga salita na matatagpuan sa dalawang larangan, tulad ng: mouse (computer,
zoology), nursery (education, agriculture)
3. Idyolek – kanya-kanyang paraan ng paggamit ng wika; hal. Mike Enriques, Gus Abelgas, Kris Aquino, atbp.

- - - PAGSASANAY BLG. 6 - - -

Panuto: Manood ng isang vlog, pelikula o palabas. Maglista ng hindi kukulangin sa 25 salita ng isang dayalek o jargon.
Ilista rin ang katumbas na kahulugan ng bawat salita. Isulat ang pamagat ng pelikula o palabas, o ang website ng vlog
na pinanood.

- - - MAHABANG PAGSUSULIT BLG. 1 - - -

PANUTO: Para sa bilang 1-8, piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.
Webster Dayalekto Tara-ra-boom-de-ay Gleason Idyolek
Pampanitikan Sosyolek Pambansa Archibald Hill Jargon
1. Ayon sa kanya, “ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng
pasulat o pasalitang simbolo.”
2. Barayti ng wika ng likha ng dimensyong heograpiko.
3. Siya ang nagsabi na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.”
4. Ito ay teoryang pinagmulan ng wika na nagsasabing ang tunog ng tao ay nag-ugat sa mga nililikha nilang
ritwal.
5. Tumutukoy sa sariling paraan ng isang tao sa paggamit ng kanyang salita.
6. Baryti ng wika na likha ng dimensyong sosyal.
7. Ang wika ang pangunahin at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ayon ito kay…
8. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang akda.
PANUTO: Para sa bilang 9-13, isulat sa inihandang papel ang letra lamang ng tamang sagot.
9. Ang wika ay ang susi ng pakikipag-ugnay ng tao sa kapwa niya tao.
a. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman b. Instrumento ng Komunikasyon
c. Nagbubuklod ng Bansa d. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
10. 18. Ito ang maka-agham na pag-aaral ng makahulugang tunog.
a. Morpolohiya b. Ponolohiya c. Sintaksis d. Ponema
11. Ayon sa mga dalubwika, ang pinakamababang antas ng wika ay .
a. Balbal b. Lalawiganin c. Kolokyal d. Antas-Bulgar
12. Ang wika ay patuloy na masasaksihan sa mga babasahing matatagpuan sa silid-aklatan.
a. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman b. Instrumento ng Komunikasyon
c. Nagbubuklod ng Bansa d. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
13. Ang wika ay siyang dahilan ng pagkakaroon ng sariling identidad ng bansa.
a. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman b. Instrumento ng Komunikasyon
c. Nagbubuklod ng Bansa d. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
PANUTO: Sa bilang 14-18, piliin sa kahon kung anong antas ng wika ang salitang sinalungguhitan sa bawat
bilang. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
a. Pambansa b. Pampanitikan/Panretorika c. Kolokyal d. Lalawiganin e. Balbal
14. Nagdisisyong lumagay sa tahimik si Patrick at Jules.
15. Hindi nagtagal at natayen din si Carlo sa kanyang sakit.
16. Ang sakit sa kasing-kasing ng ginawa mo. Napakasama mo!
17. Na-Columbia zone talaga ang beauty ko kahapon.
18. Hindi nagtagal ay nawala rin ng parang bula ang kanyang tatay.

PANUTO: Sa bilang 19-23, hanapin sa Hanay B kung anong Teorya ng Pinagmulan ng Wika ang tinutukoy sa
Hanay A. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
19. Rumaragasa na naman ang ulan. a. Ding-dong
20. Nagsampalan ang dalawang b. Bow-wow
babae sa Coffee Shop. c. Hey you!
21. Napaka-ingay ng iyong orasan. d. Pooh-pooh
22. Pagbubuhat ng timba. f. Ta-ta
23. Mabilis na humakbang si Mureen. g. Yum-yum
h. Yo-he-ho
Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 5
PANUTO: Para sa bilang 24-33, tukuyin kung anong Tungkulin ng Wika (ayon kay M.A.K. Halliday:
Interaksyonal, Regulatori, Intrumental, Personal, Imahinatibo, Heuristik, at Impormatibo) ang ginamit sa
kombersasyon ng magkakaibigan. Isulat sa papel ang tungkuling tinutukoy sa bawat bilang.
Patrick: Hi, Juvy. ( 24. )
Juvy: Hello, Patrick.
Patrick: Kumusta ka na? Ilang taon na nga ba tayong hindi nagkita? ( 25. )
Juvy: Magdadalawang taon na yata. ( 26. ) Ikaw, kumusta ka na ba?
Patrick: Ito, nakapag-ipon na ng konti. S’ya nga pala, saan ka nagtatrabaho ngayon?
Juvy: Ka-aalis ko lang sa kompanyang dalawang taon kong pinagtatrabahuan. Paano ba naman, ‘yong presidente
ngayon ng kompanya namin ay maitim ang budhi. ( 27. )
Patrick: Tamang-tama, magbubukas ako ng Coffee Shop sa Lunes, at hanggang ngayon ay wala pa
akong manager. Alam kong magaling ka sa pamamahala ng kompanya. ( 28. )
Juvy: Naku, Patrick! Kulang pa ang aking mga karanasan tungkol sa ganyang mga bagay.
Patrick: Ngunit nakiki-usap ako sa’yo, Juvy. ( 29. ) Alam kong sa paglipas ng panahon
ay matututunan mo rin ang mga bagay na hindi mo pa natututunan. Please..
Juvy: Sige na nga. Saan ba ang lokasyon ng iyong Coffee Shop.( 30. )
Patrick: Mula sa inyo, sasakay ka lamang ng taksi papuntang Quezon Blvd., sabihan mo ang drayber na sa harap ng
Limketkai Mall, katabi ng Jules Internet Café. ( 31. )
Juvy: Sige, pupuntahan na lang kita bukas doon.
Patrick: Maraming salamat, Juvy. Maaari ko bang makuha ang contact number mo?
Juvy: Sure, 0950-343-2733. ( 32. ) Ikinagagalak kong muli kang makasama, Patrick.
Sana’y patuloy kang pagpalain ng Poong Maykapal.
Patrick: Ako’y masayang-masaya dahil muli kitang nakita. Nawa’y magdilang anghel ka at patuloy tayong pagpalain ng
Poong Maykapal.( 33. )

Batayang-Aklat:
• Bernales, Rolando A., et. al.2014. Akademikong Filipino Para sa Kompetitibong Pilipino. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.
• Santos, Angelina L., et. al. 2014. Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.
• Mag-atas, Rosario U., et.al. 2011. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila: Booklore Publishing Corp.

Karagdagang Impormasyon at Paalala:


• Ipasa ang inyong mga gawain bago ang itinilagang panahon o sa mismong araw ng pasahan.
• Kung mayroong mga paglilinaw o katanungan, maiging tumawag o makipag-ugnayan sa akin sa pamamagitan ng:

Agriculture Department:
o Messenger: Juvylyn Ladao Garcia
o Email: jlglpt1227@gmail.com
o Contact Number: 0950-638-8814

Criminology Department:
o Messenger: Angelina Rabino
o Contact Number: 0928-266-3005

BSIS Department:
o Messenger: Rhossel Mae Madelozo
o Contact Number: 0907-628-2601
o Email: rhosselmadelozo@gmail.com

BPA/MIDWIFERY/BSE Department
o Messenger: Novie Love Nabeses
o Contact Number: 0909-014-7493
o Email: novielove20@gmail.com

BPA Department

o Messenger: analiejune nedamo


o Contact Number: 0907-748-5466

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 6


Makilala Institute of Science and Technology
Brgy. Concepcion, Makilala, Cotabato

Deskripsyon ng Kurso: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Bilang ng Kurso: FIL 1


Talakayan: IKATLO-IKAAPAT NA LINGGO/3 ORAS KADA LINGGO Bilang ng Modyul: 2
Instruktor: JUVYLYN L. GARCIA, LPT (Ariculture Department)
ANGELINA S. RABINO, MA Ed. Ad (Criminology Department)
RHOSSEL MAE L. MADELOZO, LPT (BSIS Department)
NOVIE LOVE C. NABESES, LPT (BPA/MIDWIFERY/BSE Department)
ANNALEJUNE A. NEDAMO, MA Ed. (BPA Department)

METALINGGWISTIK NA PAGTALAKAY SA WIKANG FILIPINO

INAASAHANG MATUTUTUNAN:

1. Nabibigyang-diin ang mga konseptong may kinalaman sa wikang Pambansa;


2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa pag-unlad ng wikang Pambansa sa Pilipinas;
3. Nakikilala ang mga batas, mga kautusan o proklamasyon, gayundin ang mga tauhang may kinalaman
sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa; at
4. Natatalakay ang mga isyung pangwika.

- - - TALAKAYAN - - -
1.2. Filipino Bilang Wikang Pambansa at Wikang Akademiko

Layunin: Nabibigyang-diin ang mga konseptong may kinalaman sa wikang Pambansa.

1.2.1. Kalikasan, Konsepto, at Proseso ng Paglinang

◼ “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” – Artikulo XVI, Seksyon 6, Probisyong
Pangwika, Konstitusyon ng Pilipinas.
• Filipino ang itatawag na wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay isang wikang nasa proseso pa rin ng
paglilinang, may dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayama, at ito ay umiiral na wika sa ating
bansa o ang mga dayalekto at ang ikalawa ay ang iba pang mga wika o ang mga wikang dayuhan na
nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan tulad ng Ingles, Kastila at iba pa.
◼ “Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan
ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika
para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.” –
Resolusyon 96-1, Komisyon sa Wikang Filipino.
◼ Tagalog ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang bahagi ng
Nueva Ecija, Puerto Princesa at maging sa Metro Manila. Kung gayon, Tagalog ay isang wikang natural at may
mga katutubo itong tagapagsalita. Isa rin itong particular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistik na
grupo sa bansa na tinatawag ding Tagalog (Constantino, sa Bernales, et.al.: 2002).
◼ Noong 1959, pumasok ang pangalang Pilipino bilang wikang pambansa na bunga ng pagbatay sa wikang
pambansa sa Tagalog noong 1937. Samakatuwid, ang Pilipino ay isang mono-based national language.
◼ Ang wikang Filipino ay nagpapakita ng esensya ng konsepto ng pagiging lingua franca. Ito ang nagsisilbing
pangalawang wika higit na nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa isa’t isa
lalo na sa mga syudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang katutubo at unang wika gaya ng Cebuana,
Ilocano, Pampanggo, Tausug, Kalinga at iba pa.

- - - PAGSASANAY BLG. 1 - - -

Panuto: Bigyang-depinisyon ang mga sumusunod na termino. Ibigay ang pagkakaiba nito sa isa’t isa.
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos:
4-5 – Nakapagbibigay ng sapat, may kaukulang pagpapaliwanag at may balidong preperensya.
2-3 – Nakapagbibigay ng iilang impormasyon tungkol sa hinihiling.
1 – Kapag nakapagbigay ng impormasyong walang kaugnayan sa hinihiling.

1. Lingua Franca
2. Filipino
3. Pilipino
4. Wikang Pambansa

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 7


- - - TALAKAYAN - - -

Layunin: Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa pag-unlad ng wikang Pambansa sa Pilipinas; Nakikilala
ang mga batas, mga kautusan o proklamasyon, gayundin ang mga tauhang may kinalaman sa pagpapaunlad ng
Wikang Pambansa; at Natatalakay ang mga isyung pangwika.

1.2.2. Kasaysayan sa Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas.

Saligang Batas ng 1935 sa Artikulo XIV, Seksyon 3:


“The congress shall take steps toward the development and adoption of a common national
language based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by law,
English and Spanish shall continue as official languages.”

Batas Komonwelt Blg. 184


➔ Ika-13 ng Nobyembre, 1936, alinsunod sa itinagubilin ni Pang. Manuel L. Quezon
➔ “An Act to Establish a National Language Institute and Define It’s Power and Duties”
➔ National Language Institute o Surian ng Wikang Pambansa

Surian ng Wikang Pambansa


➔ magsasagawa ng pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas upang tukuyin mula sa mga ito ang pauunlarin at
kikilaning pambansang wika

Kinatawan ng SWP:
Pangulo:
Jaime C. De Veyra (Bisaya-Samar-Leyte)
Kasapi:
Santiago A. Fonacier (Ilokano)
Cecilio Lopez (Tagalog)
Casimiro F. Perfecto (Bikol)
Filemon Sotto (Bisaya-Cebu)
Felix S. Salas-Rodriguez (Bisaya-Panay)
Hadji Butu (Muslim)

➔ Si Filemon Sotto ay may karamdaman, kaya ang pinalit sa kanya ay si Isidro Abad.
➔ Si Hadji Butu naman ay namatay kay ang pumalit sa kanya ay ang anak niyang si Gulamo Rasul.

Batas Komonwelt Blg. 184, s. 1937


➔ “Proclaiming the National Language of the Philippines Based on the Tagalog Language”
➔ TAGALOG ang magiging batayan sa pagbuo ng pambansang wika
➔ nilagdaan ni Pang. Quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937
➔ Ika-30 ng Disyembre, 1939, taon kung kailan nagkabisa ang batas na ipinaloob sa Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263


➔ Ipinalabas ni Pang. Manuel L. Quezon noong ika-1 ng Abril, 1940
➔ “Authorizing the Printing of the Dictionary and Grammar of the National Language and Fixing the Day from
Which Said Language Shall Be Used and Taught in the Public and Private Schools of the Philippines”

Ordinansa Militar Blg. 13


➔ inilabas noong ika-24 ng Hulyo, 1942 ng Philippine Executive Commission na pinamunuan ni Jorge B. Vargas
➔ TAGALOG at NIPPONGO ang magiging mga wikang opisyal nag Pilipinas

Proklamasyon Blg. 12, s. 1954


➔ ipinalabas ni Pang. Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1946
➔ nag-aatas ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 - Abril 4 taon-taon bilang
paggunita sa kaarawan ni Francisco Baltazar (may- akda ng Florante at Laura, “Prinsipe ng mga Makatang
Tagalog”)

Proklamasyon Blg. 186, s. 1955


➔ ipinalabas ni Pang. Magsaysay noong Setyembre 23, 1955
➔ paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wikang Pambansa sa 13 – 19 ng Agosto bilang panggunita sa kapanganakan
ni Pang. Manuel L. Quezon (“Ama ng Pambansang Wika”)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959


➔ Pagkilala sa “Pilipino” bilang wikang pambansa ng Pilipinas
➔ Ipinalabas ito ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon.

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 8


Memorandum Sirkular Blg. 384, s. 1970
➔ ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor noong Agosto 17, 1970
➔ nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan sa Pilipinas na
gamitin ang Wikang Pilipino sa lahat ng transaksyon

Artikulo XIV, Seksyon 6-9


➔ Sekyon 6 – “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
➔ Seksyon 7 – “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon. Dapat itaguyod nang
kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.”
➔ Seksyon 8 – “Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.”
➔ Seksyon 9 – “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’ ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pagpapanatili.”

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, s. 1987


➔ ipinalabas ni Pang. Corazon Aquino noong Enero 30, 1987
➔ nag-aatas na re-organisahin ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (DECS) na kilalanin bilang
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) ang SWP

Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 ng DECS


➔ ipinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng DECS noong Marso 12, 1987
➔ nagtatakda ng paggamit sa salitang “FILIPINO” bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa paaralan sa Pilipinas
bilang pagsunod sa isinaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987

Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng DECS


➔ ipinalabas ni Kalihim Quisumbing na nagpapakilala sa “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino” – ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na titik

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988


➔ ipinalabas ni Pang. Corazon Aquino noong Agosto 25, 1988
➔ paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng pamahalaang transaksyon

Batas Republika Blg. 7104


➔ ipinasa ng Kongreso at ipinatupad noong Agosto 14, 1991
➔ pagkakalikha sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001 ng DESC


➔ ipinalabas ni Pangalawang Kalihim Isagani R. Cruz
➔ ipinapakilala ang 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
➔ paggamit ng walong hiram na titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 ng DepEd


➔ ipinalabas ni Kalihim Jesli A. Lapus noong Oktubre 9, 2006
➔ pagrerebyu ng KWF sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, gayundin ang
pagpapatigil sa paggamit nito

Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s. 2013 ng DepEd


➔ ipinalabas ni Kalihim Br. Armin A. Luistro noong Agosto 14, 2013
➔ pagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa (ang binagong gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino na binuo
ng KWF)

Ortograpiyang Pambansa
➔ paglingon sa kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino
➔ layunin ng bagong ortograpiya na mailahok ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubong wika tungo
sa estandardisadong ortograpiyang Filipino na maaaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas

Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 ng KWF


➔ ipinasa ni Tagapangulo Virgilio S. Almario noong Abril 12, 2013
➔ pagbabalik ng opisyal na pangalan ng bansa mula “Pilipinas” tungong “Filipinas”

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 9


- - - PAGSASANAY BLG. 2 - - -

Panuto: Kompletuhin ang inihandang timeline sa ibaba. Siguraduhing magpapakita ng pag-unlad ng wikang pambansa
ang bawat serye ng taon. Gumamit ng sariling pagpapaliwanag ayon sa pagkakaintindi sa inihandang talakayan.

1935 1937 1942 1959 1987 2001 2006 2013

- - - MAHABANG PAGSUSULIT BLG. 2 - - -

Panuto: Piliin ang titik ng salita o pariralang makabuo sa diwa ng mga sumusunod na pahayag.

1. Ayon sa bagong saligang batas (1987), ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging .
a. Filipino b. Filifino c. Pilipino d. Pilifino
2. Noong 1987, iminungkahi ng SWP sa kanilang resolusyon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa .
a. Tagalog b. Iloco c. Cebuano d. Waray
3. Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ang .
a. Araw ni Balagtas b. Buwan ni Quezon c. Linggo ng Wika d. Buwan ng Wikang Filipino
4. Ang KWF ay kumakatawan sa .
a. Kapisanan sa Wikang Filipino c. Kagawaran ng Wikang Filipino
b. Komisyon ng Wikang Filipino d. Komisyon sa Wikang Filipino
5. Ang kahulugan ng SWP ay .
a. Sambayanan ng Wikang Pambansa c. Sanggunian ng Wikang Pambansa
b. Samahan ng Wikang Pambansa d. Surian ng Wikang Pambansa

Panuto: Piliin kung sino ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa papel ang titik ng iyong sagot.

Pagpipilian:
A. Bro. Armin Luistro B. Cecilio Lopez C. Alejandro Melchor D. Jaime C. de Veyra
E. Jose E. Romero F. Ramon Magsaysay G. Jorge B. Vargas H. Virgilio Almario
I. Lourdes R. Quisumbing J. Manuel L. Quezon K. Fidel V. Ramos L. Rolando A. Bernales

6. Ipinalabas niya ang Ordinansa Blg. 13 na nagsasaad ang magiging wikang opisyal ng Pilipinas ay Tagalog at
Niponggo.
7. Nagpakilala ng Ortograpiyang Filipino, ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 34.
8. Tagapangulo ng KWF na nagpasa ng Resolusyon Blg. 13-19 na nagbabalik ng opisyal na pangalan ng bansa
mula Pilipinas tungong Filipinas.
9. Kalihim na nagtakda sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng paaralan sa Pilipinas.
10. Kinatawan ng SWP na nagging tagapangulo sa surian at siyang namuno sa Bisaya-Samar-Leyte.
11. Kasapi ng SWP na siyang namuno sa Tagalog.
12. Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na nagpalabas ng Kautusang Pangkagawarab Blg. 7 na nagpapakilala sa
Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.
13. Pangulong nag-atas nga pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29-Abril 4 taon-taon bilang
paggunita sa kaarawan ni Francisci Baltazar.
14. Nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg, 263 na naglalaman ng pagpapalabas ng diksyunaryo na siyang
gagamitin sa pampubliko at pribadong paaralan.
15. Kalihim na nag-atas na gagamitin ang wikang Pilipino sa lahat ng transaksyon sa pamahalaan sa Pilipinas.

Batayang-Aklat:
• Bernales, Rolando A., et. al.2014. Akademikong Filipino Para sa Kompetitibong Pilipino. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.
• Santos, Angelina L., et. al. 2014. Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.
• Mag-atas, Rosario U., et.al. 2011. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila: Booklore Publishing Corp.

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 10


Karagdagang Impormasyon at Paalala:
• Ipasa ang inyong mga gawain bago ang itinilagang panahon o sa mismong araw ng pasahan.
• Kung mayroong mga paglilinaw o katanungan, maiging tumawag o makipag-ugnayan sa akin sa pamamagitan ng:

Agriculture Department:
o Messenger: Juvylyn Ladao Garcia
o Email: jlglpt1227@gmail.com
o Contact Number: 0950-638-8814

Criminology Department:
o Messenger: Angelina Rabino
o Contact Number: 0928-266-3005
BSIS Department:
o Messenger: Rhossel Mae Madelozo
o Contact Number: 0907-628-2601
o Email: rhosselmadelozo@gmail.com

BPA/MIDWIFERY/BSE Department
o Messenger: Novie Love Nabeses
o Contact Number: 0909-014-7493
o Email: novielove20@gmail.com

BPA Department

o Messenger: analiejune nedamo


o Contact Number: 0907-748-5466

Fil 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 11

You might also like