You are on page 1of 6

(Chant)

Kayo po na naka upo,


Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng


Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga Patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,


Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata


Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

(Chant)
“Upuan”

Jeazell Grutas

Isa sa mga pinakasikat na rapper sa Pilipinas ngayon si Aristotle Pollisco, na


mas kilalang si Gloc-9. Minsan na siyang itinuring ng yumaong master rapper na si
Francis Magalona (1964-2009) na isang “panday ng mga salita at titik, at tunay na
Pilipinong makata” (Tingnan sa Diokno, sarilingsalin). Dagdag pa rito, noong 2011 at
2012 ay hinakot niya ang mga sumusunod na timpalak at karangalan: Best Movie
Theme Song para sa “Hari Ng Tondo” mula sa Famas Awards, Indie Rocker of the Year
mula sa Globe Tattoo Awards, Male Singer of the Year mula sa Yahoo OMG Awards,
Best Music Video para sa “Walang Natira” mula sa USTv Students’ Choice Awards,
Favorite MaleArtist mula sa Myx Music Awards, Rap Artist of the Year mula sa
Philippine Movie Press Club Star Awards, Rap Album of the Year para sa Talumpati
mula pa rin sa Philippine Movie Press Club Star Awards, Music Video of the Year para
sa “Walang Natira” mula pa rin sa Philippine Movie PressClub Star Awards, at
Ambassador of Peace mulasa Presidente ng Republika ng Pilipinas.

Tema: Imahen ng Politiko

Kung ang bilang ng download sa Youtube ang pag-uusapan, ang “Upuan,” na


ginawa kasama si Jeazell Grutas ng grupong Zelle, ang pinakasikat na siguro sa apat
na kanta ni Polliscona tumatalakay sa temang korapsiyon at politika. Kung ang kantang
“Bugtong” at “Akin Lang Naman” ay nakatutok sa nakararaming politikong Pilipino, ang
“Upuan” ay may mas tiyak na target, ang Pangulo mismo ng Republika ng Pilipinas.
Malinaw na Palasyo ng Malacañang ang tinutukoy ng mga katagang: “malaking bahay
at malawak na bakuran/ mataas na pader pinapaligiran/ at nakapilang mga mamahaling
sasakyan/ mga bantay na laging bulong nang bulong/ wala namang kasal pero marami
ang nakabarong.” Sa pamamagitan ng paghahambing sa pamumuhayng Pangulo at ng
mga maralitang tagalungsod, ipinakita ng mang-aawit ang eskandalo ng kahirapan at
kapabayaan. Kung sa Palasyo ng Malacañang ay “walang butas ang bubong,” “ang
kanin ay simputi ng gatas,” “sa lamesa may hamon;” ang barong-barong ng maliliit na
tao ay gawa sa “pinagtagpi-tagping yero,” mainit, ang kanilang panggatong ay hango
lamang sa estero, at ang kanilang kaldero ay nagagamit lamang kapag sumusuweldo
na palagi namang kulang. Ang pagdurusa ng mahihirap ay tila hindi napapansin ng
Pangulo: “di ko alam kung talagang maraming harang/ o mataas lang ang bakod/ o
nagbubulag- bulagan lamang po kayo/ kahit sa dami ng peran’yo/ walang doktor na
makapagpapalinaw ng mata n’yo.”

Feorillo Petronilo A. Demeterio III, Ph.D. (2013). Isang Semyolohikal na Pagsusuri sa


mga Kontradiksiyong Nakapaloob sa Panlipunang Kritsismo ni Gloc-9. Retrieve
from
https://www.academia.edu/7636613/Isang_Semyolohikal_na_Pagsusuri_sa_mga_Kontr
adiksiyong_Nakapaloob_sa_Panlipunang_Kritisismo_ni_Gloc-9

https://ronacastro.tumblr.com/likes/page/4

https://www.bulatlat.com/2012/04/20/gloc-9-nang-magkatinig-ang-pipi/
Madidilim na pamana: ang ekonomya sa
ilalim ni Arroyo
Tumitinding disempleyo at kahirapan
Ang panahong 2001-2009 ang pinakamahabang panahon ng mataas na disempleyo sa
kasaysayan ng bansa kung saan ang tunay na tantos ng disempleyo ay nag-abereyds ng mga
11.2% (tinatama ang di pagbilang ng gubyerno sa milyun-milyong walang-trabahong
Pilipino bilang ‘unemployed’ mula 2005). Ang bilang ng walang-trabaho at kulang-sa-
trabahong Pilipino ay tumaas sa 11.4 milyon noong Enero 2010 na 3.1 milyong higit kaysa sa
noong Enero 2001, nang manungkulan si Pang. Arroyo. Ang 4.3 milyong walang-trabahong
Pilipino bandang Enero ay pagtaas nang 730,000 mula sa siyam na taong nakararaan; ang
7.1 milyong kulang-sa-trabaho ay 2.4 milyong mas marami.

May mga 877,000 trabahong nalikha taun-taon mula Enero 2001 para umabot ng 36
milyon noong Enero 2010. Subalit napakahina ng kalidad ng mga trabahong nalikha: 3.8
milyon ay “di-bayad na nagtatrabaho sa pamilya” (585,000 na pagtaas mula Enero 2001),
12.1 milyon ang “mga may-trabaho sa sariling puhunan” – mas yaong mga nasa impormal
na sector (1.6 milyong pagtaas), at mga 12.6 miyon ang “mga manggagawang sumusweldo”
subalit walang nakasulat na kontrata. Ang bilang sa trabahong di-pultaym ay tumaas nang
3.8 milyon at naging 12.3 milyon nitong Enero at ngayo’y bumibilang nang isa sa tatlong
trabaho.

Tumaas ang insidente ng kahirapan kahit sa mababang upisyal na linya ng kahirapan ng


gubyerno. Ang bilang ng mga mahihirap na pamilya ay tumaas nang 530,642 o 13% mula
2,000 at umabot sa 4.7 milyon noong 2006. Ang bilang ng mahihirap na Pilipino ay tumaas
nang 2.1 milyon sa loob ng parehong panahon at umabot sa 27.6 milyon. Subalit ang upisyal
na linya ng kahirapan ay P42 kada tao kada araw lamang noong 2006 na nakabibili lamang
ng isang kilo ng bigas at isang itlog ng manok; ang mas mataas na hangganan ng P86 ay
dumodoble pa sa bilang ng Pilipinong nabibilang sa mahihirap.

Sa gayon, bumagsak ang tunay na kita ng mga sambahayan sa abereyds na 20% sa lahat ng
nasarbey na tahanan mula 2000 hanggang 2006 – ang nakarekord na 19% taas sa nominal
income sa panahong iyon ay madaling nabawi ng 38% pagtaas sa mga presyo. Ang
pinakabagong datos sa kahirapan ay para sa 2006 kayat ang padron na ito ay naganap
matagal pa bago ang kaguluhang pandaigdig at mga natural na kalamidad mula 2008 na
lalo lamang magpapalaki sa mga numero.
Lumalaking di-pagkakapantay-pantay
Nananatiling masahol ang mg di-pagkakapantay-pantay sa bansa. Noong 2006, ang netong
halaga ng 20 pinakamayayamang Pilipino lamang – kabilang ang malalapit na alyado ng
mga Arroyo na sina Lucio Tan, Enrique Razon, Jr., Eduardo Cojuangco, Enrique Aboitiz at
iba pa – a P801 bilyon (US$15.6 bilyon) na katumbas na ng pinagsama-samang kita sa
taong iyon ng pinakamahihirap na 10.4 milyong pamilyang Pilipino.
Ang netong kita ng Top 1,000 na korporasyon sa bansa ay tumaas mula P116.4 bilyon noong
2001 hanggang sa abereyds na P416.7 bilyon taun-taon sa panahong 2002-2008. Sa
kabilang banda, nagisnan ng mga manggagawa ang pinakamaliit na pagtaas sa kanilang
tunay na sahod sa ilalim ng administrasyong Arroyo kumpara sa iba pang gubyerno mula
noong panahon ng diktadurang marcos. Tumaas nang P5 lamang ang minimum na sahod sa
NCR sa tunay na halaga sa loob ng halos isang dekadang panunungkulan ni Arroyo
kumpara sa P82 noong panahon ni Aquino, P16 noong panahon ni Ramos, at P22 ni Estrada
(ang mga pigura ay inadyas ayon sa inflation batay sa mga presyo noong 2000).
Ang ipinangalandakang pag-unlad sa ekonomya ay nakakonsentra nang husto sa Metro
Manila na nagtaas ang bahagi sa GDP ng bansa mula 30.9% noong 2001 na umabot sa
33.0% o sangkatlo ng pambansang ekonomya noong 2008. Ito ay sa kapinsalaan ng 10 iba
pang rehiyon na bawat isa’y bumagsak ang bahagi sa GDP – Cordillera, Ilocos, Cagayan
Valley, Central Luzon, Southern Tagalog, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao,
ARMM at CARAGA. Dalawang ibang rehiyon lamang, ang Northern Mindanao at
SOCCSKSARGEN, ang bawat isa’y tumaas nang 1% ang bahagi sa GDP.

Nagsanhi itong ibayong lumaki ang pagkakaiba-iba sa kita. Noong 2001 ang kita kada tao sa
Metro Manila, ang pinakamayamang rehiyon, ay walong (8) beses kaysa sa pinakamahirap
na rehiyong ARMM. Pagdating ng 2008, ang kita kada tao sa Metro Manila ay naging 12
beses kumpara sa ARMM.

Sonny Africa. (15, Hunyo 2010). Madidilim na pamana: ang ekonomya sa ilalim ni
Arroyo. Retrieve from https://ibonreads.wordpress.com/2010/06/15/madidilim-na-
pamana-ang-ekonomya-sa-ilalim-ni-arroyo/

You might also like