You are on page 1of 9

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________

GABAY SA PAGTUTURO PARA SA FILIPINO 11:


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
FILIPINO
(IKALAWANG LINGGO)

Inihanda ni:

NILALAMAN
Mga Konseptong Pangwika:
 Kahulugan ng Wika
 Wikang Pambansa

Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika sa


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
lipunang Pilipino.

Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan ng Wikang Pambansa ng


PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Pilipinas.

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika; at


KASANAYANG PAMPAGKATUTO
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga
karanasan.

1. Natutukoy ang kahulugan ng wika, wikang pambansa at kaligiran nito;

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO 2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng wika sa pang-araw-araw na


pakikipagkomunikasyon.

Pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng:

MGA KAGANDAHANG ASAL AT


PAGPAPAHALAGA  Pagkakaisa at pagkakaunawaan
 Pagmamahal at pagtangkilik sa sariling wika
 Paggamit ng Wikang Filipino sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon

PAMAMAHAGI NG ORAS 80 minuto (MWF); 120 minuto (TTH)

BALANGKAS NG PAGHUBOG SA PAGKATUTO


Lesson’s Outline Lesson’s Procedure Meeting Learner’s Needs

 Batiin at kamustahin ang mga mag-aaral. Kailangang maging malinaw sa


 Ilahad sa mga mag-aaral ang mga layunin sa pagkatuto para sa mga mag-aaral ang mga layunin
PANIMULA sesyon. sa bawat sesyon upang alam nila
 Ipabasa sa mga mag-aaral. Tanungin kung malinaw ang mga layunin. kung ano ang mga kailangang
matamo sa bawat paksang
tinatalakay.

“Ano-ano kaya ang mga maaaring mangyari kung ang mga nilalang sa daigdig Isa hanggang dalawang
ay hindi magkakaintindihan at magkakaunawaan?” konkretong sagot o opinyon ay
itatala sa pisara.
 Magtanong ng ilang mag-aaral kaugnay sa kanilang opinyon batay sa
nakalahad na tanong.
PAGGANYAK
Kaugnay sa pagtalakay ng wika: nagmula ang wika sa simpleng tunog
lamang, subalit dahil sa likas na talino ng isang tao binigyan niya ng
kaukulang simbolo ang bawat tunog na ito kaya nabuo ang mga letra o titik.
Kaugnay sa mga titik o letrang ito ang pagkakabuo ng alpabeto. Ilalahad ng
guro kung alin nga ba ang angkop na tawag sa sinaunang pagbabaybay ng
alpabetong Filipino, Alibata o Baybayin?

PAGTALAKAY
1. Tanungin ang mga mag-aaral ng kanilang mga kani-kaniyang
pagpapakahulugan ng wika, kultura at komunikasyon at kung paano
ito nauugnay sa isa’t isa.

2. Babasahin ng mga mag-aaral ang pagpapakahulugan ni Henry Allan


Gleason Jr. sa wika.

3. Isa-isang tatalakayin ang mga mahahalagang konsepto na nakapaloob


sa pagpapakahulugan ni Henry Allan Gleason Jr sa wika. (ugnayang
tanong – sagot at interaktibong talakayan.)
KAHULUGAN NG WIKA:

“Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog


na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.”

 Masistemang Balangkas
- Tinatawag na “masistema” ang isang bagay kung may sinusunod
itong isang tiyak na kaayusan.
- Organisado, planado at may direksiyon
- Sa likas na talino ng tao binigyan niya ng kaukulang simbolo ang
bawat tunog, sa pamamagitan ng …

letra o titik – salita – parirala – sugnay – pangungusap – talata –


komposisyon

 Sinasalitang Tunog
- Ponema – ang makabuluhang tunog sa wikang Filipino.
- nagagawa nitong baguhin o pag-ibahin ang kahulugan ng isang
salita.

Tatlong Salik sa Pagsasalita:

*Enerhiya – puwersang nanggagaling mula sa baga ng tao.


*Artikulador- ang lalamunan ang nagsisilbing “Artikulador”
*Resonador – daanan ng tunog mula sa guwang ng bibig at ilong.

Dila – Lingua
- pinakamakapangyarihang sandata ng tao sa kaniyang pagsasalita.

 Arbitraryo
- Alinmang bagay na pinili, isinaayos at pinagkasunduan.

 Tao
- Ang tao ang may pinakamataas na antas ng pag-iisip at kakayahan
“free will.”
- Ang pagkakaiba ng wika ng hayop sa tao ay ang wikang kanilang
ginagamit ay angkop o naaayon lamang sa kanilang kapasidad at
sariling kaparaanan.

 Kabuhol ng wika ang kultura


- Nasasalamin sa wika ang yaman ng kultura ng isang lugar gayundin
yumayabong ang wika sa tulong ng mayamang kultura.

 Kasama ito ng komunikasyon


- Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at komunikasyon sapagkat,
kahit hindi magsalita ang isang tao, siya ay may wika at nagwiwika.

WIKANG PAMBANSA:

 May humigit kumulang sa 150 wika at diyalektong sinasalita sa


Pilipinas.
 Isa ito sa pangunahing dahilan kung bakit kailangan na magkaroon ng
isang wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino.

BALANGKAS NG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

1934: Ang pagkakaroon ng hiwa-hiwalay na pulo sa Pilipinas at ang dami ng


wikang umiiral dito ang naging paksang pinagtalunan kaugnay sa pagbuo ng
isang wikang pambansa noong taong 1934.

- Marami sa mga lumahok ang sumang-ayon na ang pinakagamitin o wika ng


nakararami ang gamiting wikang pambansa.

Lope K. Santos – nagmungkahi na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa


isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
Manuel L. Quezon – Ama ng wikang pambansa

1935: nagbigay daan ang pagsusog na ito ng Pangulong Quezon sa


probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang
Batas 1935.
Batas Komonwelt Blg. 184
- inihain ng dating Kongresista ng Leyte na si Norberto Romualdez.

- napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil sa akma ito sa
pamantayang…
“Ang wikang pipiliin ay dapat…”

*wika ng sentro ng pamahalaan


*wika ng sentro ng edukasyon
*wika ng sentro ng kalakalan; at
*wika ng nakararami at pinakadakilang nasusulat sa panitikan.

1987: Disyembre 30, 1937


- iprinoklama ni Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging
batayan ng wikang pambansa.

- Tagapagpaganap Blg. 134

1940: nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga


paaralang pampubliko at pribado.

1946: Hulyo 4, 1946


- araw kung kalian iginawad ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas.

- inihayag ang wikang opisyal ay Tagalog at Ingles batay sa bisa ng Batas


Komonwelt Blg. 570

1959: Agosto 13, 1959


- mula sa Tagalog tinawag na Pilipino ang wikang pambansa

1972: Kumbensiyon Konstitusyunal ng 1972

1987: Saligang Batas ng 1987 (Pangulong Cory Aquino)


- pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng wikang Filipino.
-Filipino na ang wikang pambansa

- Artikulo XIV, Seksiyon 6, Saligang Batas ng 1987

“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang, nililinang ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

Kapasiyahan Blg. 13-39 ng KWF


- ipinaliwanag dito ang mga kailangang development ng wikang Filipino.

 Ang Filipino ay katutubong wika ay ginagamit sa buong Pilipinas bilang


wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at pasulat man na paraan.
 Ang wikang Filipino bilang isang wikang buhay at dinamiko ay patuloy na
pinauunlad at nagbabago.
 Nililinang sa iba’t ibang saliksik at talakayang akademiko
 Maging kasangkapan ang wika ng lipunang Pilipino.

Bakit may Wikang Pambansa:

 Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at


pagkakaunawaan.
 Katulong ito ng isang pambansang watawat, pambansang awit at iba
pang pambansang sagisag sa pagtatag ng isang pambansang
pamahalaan.
 Malimit na hinihirang na wikang Pambansa ang sinasalita ng dominante
o nakararaming pangkat.

Magiging dominante lang ang wika kung…

1. Gumanap ng pangunahing tungkulin sa paglaya ng isang bansa.


2. Dominate ito sa sentro ng komersiyo, edukasyon, kultura at
gawaing pampolitika.
PAGPAPALALIM
“Ang limitasyon ko sa wika ay limitasyon ko sa buong daigdig.”
 Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar na
pinupuntahan natin kung hindi tayo marunong ng kanilang wika?
 Ano-ano ang pagkakapare-pareho sa mga pagpapakuhulugang binasa at
ibinigay ng iba’t ibang dalubhasa sa wika? Sa paanong naman sila
nagkakaiba-iba ng pananaw?
 Bakit kinakailangan n gating bansang magkaroon ng isang wikang
pambansang magagamit at mauunawaan ng nakararaming Pilipino?
 Bakit kailangang itatag ang (Surian ng Wikang Pambansa) o Komisyon
ng Wikang Filipino? Ano ang pangunahing tungkulin nila sa wikang
Filipino?

Magsagawa ng isang pagsusuri sa mga umiiral na wika sa Pilipinas, kabilang


na ang 8 pangunahing wika at mga katutubong wika o diyalekto. Gumawa ng
PAGSASAGAWA isang sanaysay ukol sa paninindigan na dapat tangkilikin ang wikang
Filipino.

Sa anim na elementong bumubuo sa kahulugan ng wika, alin ang


KASUNDUAN
pinakamahalaga sa iyo at bakit?

Batayang aklat sa Filipino (Pinagyamang Pluma 11); Laptop at Projector;


KAGAMITAN SA PAGTUTURO
Notebook; whiteboard marker;

Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma:


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix
SANGGUNIAN Publishing House, Inc. 2016.

Victoria, Vasil A. et. al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Tarlac.


HISGOPHIL Publishing, Inc. 2013.

You might also like