You are on page 1of 25

MGA GAWAING

PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
LAYUNIN:
❑Mailalarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino sa iba’t-ibang
antas at larangan.
❑Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa
❑Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Filipino.
❑Mapalalim ang pagpapahalaga sa sailing paraan ng pagpaphayag ng mga Filipino
sa iba’t-ibang antas at larangan.
PANIMULA
Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kaniyang kaisipan
at damdamin. Bagamat sa iba-ibang kontekstong kultural, iba-iba
ang pamamaraan, gawi at ugaliin ng pagpapahayag nito. Upang
maging mabisa at malinaw ang pakikipag komunikasyon,
nararapat matutuhan ang mga pamaraaan, ugaliin at mga gawing
pangkomunikasyon ng iba-ibang pangkat.
PANIMULANG GAWAIN

Pakinggan ang awit na “Pitong


Gatang” ni Fred Panopio. Pagkatapos
ay sagutin ang ilang tanong ukol dito.
PAMPROSESONG TANONG:
1. Hinggil saan ang pinakinggan?
2. Ilarawan ang lugar na pinangyariha ng, “kasaysayang
nalaman” na binanggit ng awit. Mayroon din bang
ganito sa inyong lugar? Isalaysay
3. Ano-ano kaya ang maaaring pinag-uusapan sa
ganitong lugar? Magbigay ng halimbawa.
PITONG GATANG
FRED PANOPIO

Yodelihihoooo ….. 2x
Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng Umbuyan
May kasaysayan akong nalalaman
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang.
May isang munting tindahan sa bukana ng Umbayan
At sa kanto ng kalye Pitong Gatang
Dito ay nag-uumpukan ang ilang pilyong istambay
Na walang hanapbuhay kundi ganyan.
Ito ay hindi tsismiss, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labas, walang kulang

Yodelehihoooo ….. 2x
Ngunit bakit mayroong tao na katulad kong tsismoso
At sa buhay ng kapwa’y usisero
Kung pikon ang iyong ugali at hindi pasensiyoso
Malamang oras-oras basag-ulo
Ito ay hindi tsimis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Yodelehihoooo ….. 2x
Impossible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong
secret
Sa Pitong Gatang lahat naririnig
At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik
Magpatay-Patayan ka bawat saglit
Ito ay hindi tsimis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang
Itong aking inaawit, ang tamaa’y huwag magalit
Ito naman ay bunga lang n’yaring isip
Ang Pitong Gatang kailanman ay di ko maiwawaglit
Tagarito ang aking iniibig .

Yodelehihoooo ….Yodelehi, yodelehi, oh ho


yodelehihi
ALAMIN!

❑Iba-iba ang mga gawaing pangkomunikasyon nating


mga Pilipino. Nag-iiba-iba ito ayon sa kultural na
katangian ng isang pangkat at naaapektuhan ito ng
ilang mga salik tulad ng lugar, mga taong naninirahan
sa lugar, sosyo-ekonomiko, edukasyon at kasarian.
MGA SALIK NA
NAKAAAPEKTO SA
GAWING
PANGKOMUNIKASYON
LUGAR
❑Ito ay tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang
komunikasyon. Malaki ang epekto nito sa gawing
pangkomunikasyon sapagkat ito ang nagtatakda sa uri, paraan at
gawi ng pananalita.
❑Isinaalang-alang ang lugar sa pagsasakatuparan ng paghahatid ng
mensahe at kung paano maaaring isagawa ang daloy ng usapan.
❑Ang salik na ito ay may impluwensiya sa paksa sa pag-uusapan.
MGA TAONG NANINIRAHAN
SA LUGAR
❑Napakalaki ang epekto sa gawing pangkomunikasyon ang mga
taong nahihirahan sa lugar. Ito ay sapagkat sila ang humuhubog
ng kultura sa lugar.
❑Ang kanilang mga paniniwala, ugaliin, gawi at uri ng
pamumuhay, at maging ang kanilang mga kaisipan hinggil sa mga
bagay-bagay sa kanilang paligid ang siyang nagtatakda sa paksa o
usapin.
DAVEY, 2018
❑Ang kultura ay ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at
karanasan na nabuo sanhi ng sama-sama pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng
iisang pangkat.
❑Nakikisalamuha ang mga tao kaya nabubuo ang tanging paraan ng paghahatid
at pagtanggap ng mensahe na tinatawag na komunikasyon.
❑Ang kultura ay sinasabing komunikasyon sapagkat may malaking bahagi ito sa
kung paanong ang mga mensahe ay naihahayag at naiintindihan kaya nahuhubog
ang natatanging kilos, ugaliin at pananalita at gawing pangkomunikasyon ng mga
indibidwal sa isang pangkat etniko.
SOSYO-EKONOMIKO
❑Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang
kaniyang estadong sosyo-ekonomiko ay nauugnay
sa gawing pang komunikasyon.
❑Minsa’y iniaayon ang gawi ng komunikasyon sa
iba-ibang antas ng pamumuhay ng mga tao.
EDUKASYON
❑Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan at
nilalaman ng pahayag ay naiimpluwensiyahan ng
edukasyon ng isang tao.
❑Ang paggamit ng antas na salita ay may kaugnayan
sa edukasyon.
KASARIAN
❑May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag
ginagamit ng lalaki ay hindi ayon sa kaniyang kasarian.
Gayundin, may mga salitang ginagamit ang mga lalaki na
hindi akma kapag ginagamit ng isang babae.
❑Kung gayo’n ang paraan at gawi ng komunikasyon ay
apektado dahil sa kasarian.
❑Bagama’t sa kasalukuyan, ang ganitog kalakaran sa
paggamit ng mga salita bilang bahagi ng gawi ng
komunikasyon ay hindi na rin batayan kung sino ang
kausap at kung ano ang kasarian ng kausap sanhi ng
usapin hinggil sa gender awareness and development kung
saan tanggap ng lipunan ang paggamit ng alimang salita
na hindi na mahalaga ang sekswalidad ng nagsasalita.
MGA GAWING
PANG-
KOMUNIKASYON
TSISMISAN
❑Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na “Chismes”.
❑Karaniwan, kapag sinabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari na
maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng kuwento o
pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay maging
usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t-ibang bersyon.
❑Intriga, alimuom, sagap, sabi-sabi, bali-balita o kaya ay blong-bulungan at
alingasngas ito kung tawagin.
UMPUKAN
❑Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa
pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o magkakapatid,
magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho o
magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin.
❑Nagsisilbi itong pagkakataon sa pangkat upang lalong mapatatag ang
kanilang Samahan at lalo pang mapabuti ang pagtrato sa isa’t-isa.
❑Napakaimpormal na Gawain ang umpukan, madalas
itong nangyayari na hindi binalak.
❑Sa isang pamilya o magkakapatid, karaniwan na
nagaganap ito sa mga oras matapos ang tanghalian,
nago magtakipsilim o matapos matapos ang hapunan
bilang pampalipas-oras at pinag-uusapan ang tungkol sa
mga bagay-bagay na natapos o mga nais pang gawin.
PAGBABAHA
Y-BAHAY
❑Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing panlipunan.
❑Tuon nito ang pakikipag-usap sa mga mamamayan sa kanilang
mga bahay.
❑Karaniwan, may mga isyu sa barangay na nais ipahatid kaa ang
ilang piling opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang
barangay upang ipagbigay-alam ang isyu o mga isyu.
PULONG-
BAYAN
❑Usaping Politikal ang karaniwang paksa ng pulong-bayan.
❑Ito ay nauukol sa Gawain at layuning pambarangay at pambayan.
❑Higit itong pormal kapag ang mga opisyal ng barangay o bayan ang
kasangkot at sama-sama sa pagpupulong dahil ang mga na-uusapan at
napagkakasunduan at tinatalakay sa inihandang lugar at inilalahad sa
pamamagitan ng katitikan.

You might also like