You are on page 1of 3

IPINASA NI: CAÑOZA, SAFIYA RUTH A.

BSED ENGLISH 1
IPINASA KAY: MRS. MA. SALOME SANTOS
1. Batay sa paksa, Ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng diskursong
Filipino.

Ang diskurso ay ang paggamit ng wika upang makipagtalastasan o makipagpalitan


ng ideya patungkol sa isang paksa, sa paraang pasulat o pasalita. Mahalaga ang
diskurso dahil sa pamamagitan nito ay naipapahatid ang mensahe ng tagapagsalita
sa tagakapakinig, at ng manunulat sa mambabasa. Sa pamamagitan ng diskurso ay
nabibigyang diin, linaw, at maayos na interpresasyon ang palitan ng mga salita sa
isang komunikasyon.

2. Ano ang mahalagang salik o komponent na bumubuo sa diskurso sa isang


tiyak na lipunan. pumili ng isa at komprehensibong talakayin ito.

Isa sa mahalagang salik o komponent na bumubuo sa diskurso ay ang diskursong


pasulat. Ang diskursong pasulat ang napili ko dahil bilang isang manunulat ay mas
angkop at mas natural para sa akin ang magsulat kaysa sa magsalita. Sa mga
pagkakataong hindi ko alam kung paano ipahahayag ang aking sarili sa paraang
pasalita, ako ay nabibigyang tinig sa pamamagitan ng aking panulat. Ang diskursong
pasalita ay madalas na mas binibigyang halaga sa isang lipunan dahil ito ay mas
kumbinyenteng gawin sa simpleng pagbuka lamang ng bibig, pero kung gaano
kahalaga ang diskursong pasalita ay ganoon din ang bigat ng diskursong pasulat. Sa
pamamagitan ng pasulat na diskurso ay hindi basta-bastang mababali o mababago
ang impormasyon o ideyang inilahad ng manunulat dahil mayroong konkretong
katibayan na nagpapatunay dito, samantalang sa diskursong pasalita ay mas mabilis
na napapalitan ang mga inilahad na katotohanan ng kasinungalingan, at nagkakaroon
ng sagabal sa proseso ng diskurso dahil nagpapasalin-salin lamang ito sa bibig ng
mga taong nag-uusap. Para sa akin, sa pamamagitan ng diskursong pasulat ay mas
madaling naitatala ang mga diskursong naganap lalo na sa usaping pangkasaysayan,
mas angkop at eksakto rin ang mga impormasyon at ideyang naipapasa sa bawat
kultura at henerasyon.

3. Sa paanong paraan nagkakatulad at nagkakaiba ang diskurso sa isang tiyak


na kultura?

Sa isang bansa katulad ng Pilipinas na mayroong iba't ibang kultura, malinaw na


nakikita at natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng diskurso. Isa sa
pagkakatulad ng diskurso sa ating kultura ay ang pagiging magiliw ng mga Pilipino sa
kausap nito, banyaga man o hindi, hindi maikakaila na mahilig sa
pakikipagkuwentuhan ang Pilipino, lalo na sa hapagkainan. Isa pa sa pagkakatulad
ng diskurso ay ang paggamit ng 'po' at 'opo' ng mga mas nakababata o ng mga taong
hindi magkakilala bilang paggalang. Sa anomang sitwasyon, relihiyon, tradisyon, o
kultura, bagamat nag-kakaisa at nagkakaroon ng pagbubuklod, mayroon pa ring mga
pag-kakaiba na nagiging sanhi ng pagka-udlot ng diskurso. Isa na rito ang dayalekto
ng wikang Filipino na nagbibigay ng pagkakakilanlan sa bawat kultura at lugar na
pinagmulan ng taong sumasalita nito. Dahil sa samu't saring dayalekto sa wikang
Filipino, madalas na nagkakaroon ng hindi pagkaka-unawaan ang dalawang nag-
uusap. Ang kaibahan sa mga pananaw, mga konteksto ng usapin, lebel ng kaalaman,
at kulturang kinagisnan ay maituturing din na mga bagay na pagkakaiba ng bawat
indibidwal at ang mga ito ay nakaaapekto sa mensaheng kanyang ipinahahatid sa
isang diskurso.

4. Paano nabubuo ang diskurso sa isang kultura?

Ang diskurso ay nabubuo mula pa lamang sa kamusmosan ng isang bata at siya


ay namumulat sa kulturang niyakap ng kanyang pamilya. Dito paunti-onting natatanim
sa kakintalan ng bata ang kahalagahan ng wika, dayalekto, o partikular na
lengguwahe sa kanyang kultura. Kanya itong dadalhin habang siya ay lumalaki,
hanggang ito ay maipasa sa mga susunod pang mga henerasyon. Samakatuwid, ang
diskurso ay nabubuo sa pang-araw-araw na pamumuhay; malaki ang tungkuling
ginagampanan ng pakikipag-usap ng isang bata sa kanyang kapwa at ang
pakikipagpalitan ng ideya tungkol sa isang paksa. Nagkakaroon ang bawat isa ng
malalim na kaisipan na naibabahagi sa isang diskurso.

5. Maituturing bang diskurso ang mga di-berbal na pahiwatig at kilos? Patunayan


ang iyong sagot.

Mula sa kahulugan ng diskurso, hindi maipapaloob sa kategorya ng pasulat o


pasalitang anyo ang mga di-berbal na pahiwatig at kilos. Ito ay isang elemento lamang
na isinasaalang-alang sa komunikasyon at paghihinuha ng impormasyon.
Kinakailangan sa diskurso ang wastong paggamit ng wika sa gabay ng mga genre o
layunin, kabilang na ang pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad, pangangatwiran,
panghihikayat, at iba pa.

You might also like