You are on page 1of 3

Aralin I

Ang Sining ng Pakikipagtalasatasan

PAGSASANAY BILANG 1
Pangalan: Joannah Pauline Jason Seksyon: _____________
Petsa: 9/26/23 Marka: _______________

A. Magbigay ng mga kaugnay na salita gamit ang semantic webbing.

B. Ilahad ang iyong ideya tungkol sa pakikipagtalastasan at ang kahalagahan nito


sa buhay ng tao.
Ang aking ideya sa pakikipagtalastasan ay ito ay isa sa pinakamdaling paraan ng
komunikasyon sa buong mundo na ginagamitan ng lengwahe. Ang
pakikpagtalastasan ay isang uri ng sining kung saan ay nakakapagpalawak tayo ng
ating mga kaalaman sa isang bagay. Ito ay ang pagpapalitan ng mga opinion,
kaalaman at kuro-kuro para sa ika-uunlad ng bawat isa. Ito importante dahil
malayang nasasabi ang ating saloobin o anumang iniisip na may kinalaman sa
paksang tinatalakay.Sa pamamagitan ng ating wika ay naipapahayag natin ang
ating saloobin at kaisipan pati narin ang nais ipahiwatig ng ating kapwa. Ito rin ay
may importansya sa pampulitika upang malaman ng tao kung sino ka at kung karap-
dapat ka o hindi para sa posisyon o sa bayang iyong paglilingkuran.. At panghuli, ito
ay mahalga sa alinmang propesyon dahil pakikipagtalastasan ay paraa ng
paghahatid ng isang punto ng isang propesyonal.
C. Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag. Magbigay ng mga tiyak na
halimbawa bilang pagpapalawig.

1. Makapangyarihan ang wika.


Makapangyarihan ang wika dahil ito ay nagbibigay kahulugan, buhay, at diwa sa
isang bansang. Bukod dito, ang wika ay nagiging palatandaan ng kasarinlan ng
isang bansa at kalayaan nito. Dahil sa wika, nagkakaroon ng mas malakas na
paniniwala, kaalaman, karunungan, at kultura ang mga mamayan. Bilang daluyan
ng impormasyon, ang wika ay nagtataglay ng malalim at malawak na mga
katangian.

2. Wika ang nagdadamit sa ating kamalayan.


Ito ang dahilan kung bakit may pagkakaintindihan tayong mga tao at may
pagkakakilanlan. Mas nagiging mataas din tayong uri ng nilalang dahil dito.

3. Magkaugnay ang wika at kultura.


Dahil parehas silang tumutulong sa atin upang lalong malaman ng ibang lahi ang
ating kasaysayan at ang ating pagiging malikhain pag dating sa mga bagay bagay.

4. May pulitika ang wika.


Ang wika ay may malaking implikasyon sa pulitika ng isang bansa. Ang
pagpapahalaga sa isang wika ay maaaring magpakita ng pagpapahalaga sa
kultura at identidad ng isang bansa o rehiyon. Sa kabilang banda, ang
pangangalaga sa wika ay maaaring magpakita ng pagsuporta sa mga karapatan
ng mga grupo sa lipunan na kabilang sa wika na iyon. Sa ganitong paraan, ang wika
ay maaaring magamit bilang isang kasangkapan ng politikal na pag-aaral.
Kaya't dahil sa mga nabanggit na ugnayan ng wika sa kultura at pulitika, ito ay
magkakaugnay at nagtutulungan sa pagpapalaganap ng mga kaalaman,
pangangalaga sa mga tradisyon, at pagsusulong ng mga panlipunang pagbabago.

D. Ilahad ang iyong opinyon hinggil sa mga paksa sa ibaba.


1. Paano makatutulong ang asignaturang ito sa iyong kursong kinuha? Magbigay
ng mungkahi para sa iyong pagkatuto.
Ang kahalagahan ng asignaturang filipino sa aking kurso na BSED ay
makakatulong ito upang mas maging malawak ang aking kaalaman sa pagsusulat
at pagbabasa sa wikang pilipino lalung-lalo na at baka ako ay makalimot dahil ang
aking inaaral o major ay English. Ito ay makakatulong sa akin lalong lalo na sa pag-
alam ng ating sariling kultura at mahasa sa ating wika dahil ito ang isa sa mga
tungkulin ng bawat Pilipino mapa elementarya man hanggang kolehiyo ang pag-
aaral ng asignaturang pilipino. Dahil ito ay ang ating wika kung saan natin sinasalita
at ito ang wika ng lahat ng tao sa pilipinas at ang wikang aking kinagisnan.

You might also like