You are on page 1of 2

Pebrero 17, 2020

Banghay Aralin sa Filipino (Grade 12-Pascal)


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. F11PS-IIIf-92

I. Layunin
1. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
2. Nalalaman at magagamit ang tamang proseso ng pagbasa ng teksto.
3. Nakasusulat ng pahayag ayon sa pag-unawa sa nakapaloob sa binasang teksto.

II. Paksang Aralin


 Paksang Aralin: Pagbasa ng Iba’t Ibang Teksto
 Kagamitan: Laptop, marker, kagamitang biswal, powerpoint, aklat
 Sanggunian: Heidi C. Atanacio et al. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
C & E Publishing, Inc.
III. Hakbang sa Pagkatuto

A. Motibasyon
Gawain 3. (sa kasunod na pahina)

B. Aktibiti:
Basahin at suriin ang nilalaman ng teksto.
Sanaysay Tungkol sa Wika
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging
kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang
Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting
pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang
pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang
kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang
maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang
wika.
Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon
ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o
pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang
panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.
Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang
kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang
kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at
komunikasyon.

C. Analisis
1. Ano ang layunin ng teksto?
2. Ano-ano ang mga mahahalagang inpormasyon sa sanaysay?
3. Paano inilahad ng manunulat ang inpormasyon na nakapaloob sa sanaysay?

D. Abstraksyon
1. Dapat bang bigyan ng panahon na suriin ang nilalaman ng teksto? Bakit?
2. Paano inilahad ng manunulat ang gustong iparating ng manunulat?
3. Dapat bang bigyan ng pansin ang mga sinulat sa teksto?
4. Gaano kahalaga ang pagbasa? Ano ang naitutulong nito sa buhay ng isang tao?
Pagbibigay ng Input ng Guro

Ang pagbasa ay pagbibigay kahulugan sa mga simbolo na nakasulat sa teksto. Ayon kay Bautista et.al (2014) ito
ay ginagawa upang magkaroon ng kabatiran, madama ang damdaming isinasaad ng binasa, matuto at lumaya sa
ating ditto. Ito ay may tatlong proseso ng pagbasa; bago magbasa, habang nagbabasa at pagkatapos magbasa. Sa
kabuuan ng prosesong ito maari tayong magsagawa ng pagbabasang kritikal.

E. Aplikasyon
Panuto: Base sa sanaysay tungkol sa wika, ano ang wika at ang papel nito sa pagkatuto ng isang tao?

IV. Ebalwasyon
Panuto: Pag-isaisahain ang mga sumusunod.
1 – 5 - Mga katangian ng katangian ng wika
6 – 10 - Kahalagahan ng wika

V. Takdang Aralin
Magsaliksik at magbasa tungkol sa pagsusuri. Alamin ang kahalagahan ng pagsusuri sa akademikong gawain.

Inihanda ni:

Bb. Dezzelyn B. Balleta


Guro

You might also like