You are on page 1of 3

Unibersidad ng Pilipinas Manila

Departamento ng Arte at Komunikasyon


Wika 1 – Wika, Kultura, at Lipunan

GABAY SA PAG-AARAL: IKAAPAT NA LINGGO (4.2 oras)

INTRODUKSIYON

Nilalayon ng mga gawain ngayong linggo na suriin ang wika bilang isang pananaw-mundo, at ang
ugnayan nito sa kultural na diversidad at identidad ng mga nagsasalita nito.

MODYUL 3: WIKANG FILIPINO BILANG PANANAW-MUNDO, KULTURAL NA DIVERSIDAD, AT


IDENTIDAD

BABASAHIN (1 oras)

Modyul 3

Basahin ang modyul bilang paghahanda sa mga konseptong tatalakayin ng mga susunod na babasahin.

BABASAHIN (1 oras)

Deutscher, G. (2010). Prologue: Language, Culture, and Thought mula sa Through the language glass:
Why the world looks different in other languages (pp. 1-22)

Layunin

Sa pamamagitan ng babasahing ito ay palalalimin ang ating pag-unawa sa ugnayan ng wika at ating
pag-iisip.

Pagsasagawa

1. Basahin ang Prologue ng Through the language glass: Why the world looks different in other
languages ni Deutscher (2010, pp.1-22).
2. Bigyang-pansin ang mga sumusunod:
a. ang wika ay may kakayahang magbigay ng label sa mga bagay; gayunpaman,
b. hindi ito magagawa sa pagpapangkat ng mga bagay dahil hinuhulma pa rin ito ng
kalikasan (makikita sa bahaging Adventures On The Remote Island Of Zift patungkol
sa “bose” at “rird”);
c. hindi lamang sa mga label may control ang kultura ngunit lalo na sa mga abstrak na
konsepto, at lalo na doon sa mga madalas nating ginagamit at/o ginagawa sa pang-
araw-araw na pamumuhay;
d. makikita ang pagkakaiba sa iba’t ibang kultura, at sa gayon, maging wika, sa mga
panghalip gaya ng “tayo”, “kita”, at “kami”; at
e. makikita rin ito sa mga kawagan sa kulay; at binigyang-pansin na
f. ang nosyon na ang wika ay maaaring makaapekto sa pag-iisip ay hindi dapat basta-
basta binabalewala.

Inihanda ni: Jessalyn Martinez Basco (DAC, CAS, UPM)


3. Pag-isipan: Naniniwala ka bang ang isang partikular na wika ay maituturing na mga lenteng
ginagamit natin sa pagtingin sa mundo? Tandaan muna o i-note ang iyong kasagutan bilang
paghahanda sa gawain.

BABASAHIN (1 oras)

Singh, I. (2004). Language, thought, and representation mula sa Language, Society and Power: An
Introduction (pp. 17-34)

Layunin

Sa pamamagitan ng babasahing ito, mas palalalimin ang ating pag-intindi sa ugnayan ng wika at
pananaw-mundo.

Pagsasagawa

1. Basahin ang Language, thought, and representation ni Singh (2004, pp. 17-34).
2. Bigyang-pansin ang mag sumusunod:
a. ang konsepto ng senyas o sign (Saussure) at ang ugnayan ng signified at signifier;
b. ang langue at ang parole ang kaugnayan ng dalawang konsepto tungo sa mas malalim
na pagsusuri sa pagkabuo ng sistema ng wika ng iba’t ibang mga grupo;
c. ang Sapir-Whorf Haypotesis (Benjamin Lee Whorf at Edward Sapir) na tinatalakay ang
ugnayan ng konsepto ng realidad at representasyon sa wika; kung saan nakapailalim
ang
d. linguistic determinism kung saan sinasabing ang wikang alam at ginagamit natin ang
may kontrol at kapangyarihan na bumuo ng ating kaisipan o umilala ng kultura at;
e. linguistic relativity kung saan sinasabing ang wikang ating ginagamit ay makakaapekto
sa paraan ng ating pag-iisip;
f. maaaring gamitin ang wika para sa pagpapairal ng mga ideolohiya ng iba’t ibang grupo
kagaya na lamang sa isang Nukespeaking community (Carol Cohn) at sa paraan ng
paglalatag ng iba’t ibang mga balita gaya ng sa “Mistakes were made” (Simpson); dahil
g. ang wika ay laging may konteksto.
3. Pag-isipan: Naniniwala ka bang naapektuhan ng wika ang ating pag-iisip? Tandaan muna o i-
note ang iyong kasagutan bilang paghahanda sa gawain.

BABASAHIN (1 oras)

Zafra, G.S. (w.p.). Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng
K-12) (pp. 11-20)

Layunin

Sa pamamagitan ng babasahing ito, mas maiitindihan natin ang ugnayan ng wika at kultura tungo sa
mas malalim na pag-intindi naman sa ugnayan ng wika at kultural na diversidad at identidad nating
mga Pilipino.

Pagsasagawa

1. Basahin ang Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng
K-12) (pp. 11-20) ni Zafra (w.p.).

Inihanda ni: Jessalyn Martinez Basco (DAC, CAS, UPM)


Paalala: Hanggang sa bahaging Wika at Kultura lamang.
2. Bigyang pansin ang mga sumusunod:
a. ang pagpapakahulugan sa kultura;
b. ang iba’t ibang dimensiyon ng kultura (produkto, praktika, pamayanan, tao, at
pananaw);
c. kung papaanong ang wika ay makikita sa lahat ng aspekto ng kultura; at sa gayon,
d. para malaman at maunawaan ang kultura ay kailangang suriin ang wika.
3. Pag-isipan: Paano kaya nasasalamin ng iyong paggamit sa wika ang iyong kultura, bilang isang
indibiduwal at bilang bahagi ng isang kolektibo? Tandaan o i-note muna ang kasagutan dahil
isa ito sa susuriin sa gawain sa susunod na linggo.

LEARNING LOG (0.2 oras)

Sagutan ang Learning Log para sa linggong ito at ipasa sa Canvas (o iba pang alternatibong mapag-
usapan sa klase). Ilagay sa dulo ang apelyido at bilang ng linggo (Wika 1_D_Learning Log_BASCO_0X).

Mga opsyon at paalala para sa mga estudyanteng walang koneksyon sa internet at/o gadget:

 Gawin ang learning log gamit ang dokumentong “Wika 1_D_Learning Log”. Ipasa sa loob ng
Course Pack sa dulo ng semestre.

Sa linggong ito, pinalalim ang ating pag-intindi sa ugnayan ng wika at pananaw-mundo na


makatutulong naman sa pag-unawa natin kung papaanong nakapaloob sa lahat ng aspekto ng kultura
ang wika at sa gayon, sa ugnayan nito sa ating kultural na diversidad at identidad. Palalawakin pa natin
ang kaalamang ito sa susunod na linggo.

Mga Materyal at Babasahin

Basco, J. M. (2020d). Wika 1_D_Learning Log. Materyal na nilikha para sa kursong Wika 1 (Wika,
Kultura, at Lipunan) Unang Semestre, 2020-2021. UP Manila.

Deutscher, G. (2010). Prologue: Language, Culture, and Thought. Sa Through the language glass: Why
the world looks different in other languages (pp. 1-22). Henry Holt and Company.

Modyul 3 (w.p.). Wikang Filipino Bilang Pananaw-Mundo, Kultural na Diversidad, At Identidad.

Singh, I. (2004). Language, thought, and representation. Sa Thomas, L., Wareing, S., Singh, I. ,Peccei,
J., Thornborrow, J. & Jones, J. (Eds.), Language, Society and Power: An Introduction (pp. 17-34).
London. Routledge, 2004.

Zafra, G. S. (w.p.), Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-
12) (pp. 11-20). Ateneo de Manila University.
https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/katipunan/article/view/KA2016.00102/2173

Inihanda ni: Jessalyn Martinez Basco (DAC, CAS, UPM)

You might also like