You are on page 1of 6

Aralin 1:

MGA BATAYANG KAALAMAN TUNGKOL UNIVERSITY OF MAKATI


HIGHER SCHOOL NG UMAK
SA KONSEPTONG PANGWIKA

Oras na nagsimula: ______________


Oras na natapos: _______________

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika;


2. nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa wika; at
3. naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga
karanasan.

PANIMULA
Mayaman ang wika at isa itong malawak na
larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang
natutuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Sa tanong
na “Ano nga ba ang wika?” napakaraming
makukuhang sagot mula sa iba’t ibang dalubhasa sa
wika.

Ayon sa linggwistang si Henry Gleason (1988)


“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paarang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.” Sa aklat ni Bernales et al.
(2002), “Mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.” Samantala, sa
aklat naman ni Mangahis et al. (2005), binanggit na may “Mahalagang papel na ginagampanan ang
wika sa pakikipagtalastasan, ito ang midyum na gumagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”

Bukod sa depinisyon ng wika na ibinigay ng iba’t ibang dalubhasa, alamin natin ang iba’t
ibang batayang kaalaman tungkol sa konseptong pangwika.

PANGUNAHING NILALAMAN
MGA KALIKASAN NG WIKA

Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian o kalikasang taglay. Tulad ng mga tao at iba
pang mga bagay sa mundo, nagtataglay rin ng mga katangian o kalikasan ang wika. Kung babalikan
ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason, nakapaloob sa kahulugang kaniyang ibinigay ang
tatlong katangian ng wika.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KPWKP: MGA BATAYANG KAALAMAN
TUNGKOL SA KONSEPTONG PANGWIKA

Una, ang wika ay may masistemang balangkas. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o
ponema ang wika na nalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos
at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata.
Pangalawa, ang wika ay arbitraryo. Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga
grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Pangatlo, ginagamit ang wika ng
pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura. Magkaugnay ang wika at kultura at hindi
maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa wika
samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing
nakapaloob sa kultura.

MGA KATANGIAN NG WIKA

Kasama rin sa mga katangian ng wika ang pagiging


buhay o dinamiko nito. Ibig sabihin, sumasabay sa pagbabago
ng panahon ang wika at malaya itong tumatanggap ng mga
pagbabago upang patuloy na yumabong. Namamatay ang wika
kapag hindi nakasabay sa pagbabago ng panahon o kapag
hindi tumanggap ng mga pagbabago. Nagbabago ang anyo,
gamit, at kahulugan ng mga salita ayon sa takbo at sa mga taong gumagamit. Dahil nagbabago ang
wika, may mga salitang namamatay o hindi na ginagamit sa paglipas ng panahon, at may
nadaragdag o nasisilang namang bagong salita sa bokabularyo.

Katulad ng salitang “hataw” na nangangahulugang “pagpalo”. Ngayon, may dagdag na itong


kahulugan sa pangungusap na “humataw” sa takilya ang pelikula ng bagong tambalan”. Sa
pangungusap na ito, ang “humataw” ay may dagdag na kahulugan ng pagiging mabili o nagustuhan
ng marami kaya kumita nang malaki.

Bawat wika ay unique o natatangi. Walang wikang may magkatulad na katangian. May kani-
kaniyang lakas o kahinaan din ang wika. May mga salitang mahirap hanapan ng eksaktong salin o
katumbas sa ibang wika dahil sa magkakaibang kulturang pinagmulan. Gayundin, hindi dahil mas
mayaman, malakas, at mas maunlad ang isang bansa ay may superior o mas makapangyarihan na
ang wika ng bansang ito kaysa sa ibang mas mahirap na bansa. Walang wikang superior sa isa
pang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay sapagkat mayroon itong kani-kanyang katangiang
taglay na natatangi sa isa’t isa.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KPWKP: MGA BATAYANG KAALAMAN
TUNGKOL SA KONSEPTONG PANGWIKA

MGA KAHALAGAHAN NG WIKA

Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang


pagiging instrumento nito sa komunikasyon. Mahihirapang
magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang
ginagamit. Kailangan naman ang komunikasyon hindi
lamang sa pagpapalitan ng mensahe kundi sa
pagkakatuto at sa paghahasik ng karunungan at kaalaman
sa mundo.

Mahalaga ang wika sa pagpapanatli, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng


bawat grupo ng tao. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang
wika, walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin, at sa iba
pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Naipakikilala ang
kultura dahil sa wika. Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura. Isang halimbawa ng salita na
nagpapakita ng kultura ay ang payyo (tinatawag ding payao o payaw), na tumutukoy sa hagdan-
hagdang taniman na palay ng mga Igorot.

Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at
may soberanya. Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wikang
lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili. Malaki ang papel na ginagampanan ng
wika bilang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at pagkakakilanlan. Wika ang
tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito.

Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para makausap at magkaunawaan
ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. Mas nagkakaunawan ang mga
tao sa isang bansa at nakabubuo ng ugnayan ang bawat bansa sa daigdig sapagkat may wikang
nagsisilbing tulay ng komunikasyon sa bawat isa.

Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika at pakikipag-ugnayan tungo sa


pagkakaunawaan at pagkakaisa. Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika sapagkat
walang hiraman ng kultura at/o paraan ng pamumuhay, walang mangyayaring kalakaran, walang
pagbabahagi ng mga tuklas at imbensyon, walang palitan ng talino at kaalaman, walang
diplomatikong pagkakasundo ang bawat pamahalaan, at walang pagtutulungan sa paglinang ng
siyensiya at teknolohiya. Ang kawalan ng wika ay magdudulot nang pagkabigo ng sangkatauhan.
Sa kabilang banda naman, ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at
masiglang sangkatauhang bukas sa pakikipagkasunduan sa isa’t isa.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KPWKP: MGA BATAYANG KAALAMAN
TUNGKOL SA KONSEPTONG PANGWIKA

GAWAIN
PANUTO: Kumpletuhin ang kasunod na semantic map. Isulat sa mga bakanteng bilog ang
mga maiisip mong salita na may kaugnayan sa salitang wika.

WIKA

SARILING PAGTATASA/KABATIRAN
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa iyo bilang mag-aaral?


Mga kahalagahan ng wika sa sarili bilang mag-aaral
1.
2
3

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KPWKP: MGA BATAYANG KAALAMAN
TUNGKOL SA KONSEPTONG PANGWIKA

2. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa lipunan?


Mga kahalagahan ng wika sa lipunan
1.
2.
3.

3. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa inyong magkakaibigan?


Mga kahalagahan ng wika sa pagkakaibigan
1.
2.
3.

TAKDANG- ARALIN
PANUTO: Poster mo, I-post mo! Gamit ang isang bondpaper, gumawa ng poster kung ano
ang pakahulugan mo sa wika. Maging malikhain sa paggawa ng iyong poster ang iyong likha
ay i-popost sa iyong facebook wall para sa pag-mamarka. Huwag kalimutang i-tag ang aking
pangalan sa inyong post.

Rubrik sa pagtaya ng poster:

Malinaw ang sinulat na pagpapakahulugan sa wika 15 puntos


Orihinal ang disenyo at konsepto 10 puntos
Malikhain na nakakaakit na disenyo 5 puntos
30 puntos

MGA BATAYAN/ SANGGUNIAN


Libro

Anastacio, T. M., Coralejo, E. F., Naval, J. C., & Talegon, V. M. (2016). Daloy ng Wika:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon: Brilliant Creations
Publishing Inc.

Balunsay, J. R., Bernales, R. A., Del Rosario, L. Z., Lopez, L. M., Martinez, E. P., Quijano, M.
R., . . . Tindugan, S. M. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Malabon: Mutya Publishing House Inc.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


KPWKP: MGA BATAYANG KAALAMAN
TUNGKOL SA KONSEPTONG PANGWIKA

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT

You might also like