You are on page 1of 21

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
MODYUL 1:Batayang Kaalaman sa
Wika Kahulugan,Katangian,at
Kahalagahan
LAYUNIN:
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng
mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85)
 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan
(F11PD – Ib – 86)
“WIKA”
ANO ANG WIKA?
Ang salitang wika ay nagmula sa
salitang Latin na lengua na ang
literal na kahulugan ay “dila”
kaya’t magkasingtunog ang dila
at wika.
Ayon kay Henry Gleason (1988),
ang wika ay masistemang
balangkas na sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura.
Ayon kay Bernales et. al (2002),
ang wika ay proseso ng pagdadala
at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues
na maaaring berbal o di-berbal.
Lumbera (2005), ang wika ay tila
hininga na sa bawat sandali ng ating
buhay ay nariyan. Kung mawawala ang
hiningang iyon, tiyak na mawawalan
ng saysay ang lahat, ang bansa ay
tulad ng estatwa.
Tinukoy naman ni Santiago (2003),
ang wika ang sumasalamin sa mga
mithiin, lunggati, pangarap,
damdamin, kaisipan o saloobin,
pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala at mga
kaugalian ng tao sa lipunan.
Katangian ng Wika
1. ANG WIKA AY MASISTEMA
Ang wika ay may organisadong balangkas
ng mga tunog kung kaya ito ay
naiintindihan ng lahat. Ang mga salita ay
hindi mabubuo kung walang balangkas ng
mga tunog.
2. ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG
Ang wika ay pinagsama-samang
makabuluhang tunog at dahil sa
pagsasama-samang ito, tayo ay nakalilikha
ng mga salita, pangungusap at mga
parirala.
3. ANG WIKA AY ARBITRARYO
Ang wika ay nakatutulong sa mga taong
gumagamit nito. Sinasabing ang wika ay
arbitraryo sa kadahilanang walang anumang
kaugnayan ang mga salita at kahulugan nito sa
mga kaisipang ikinakapit dito. Masasabing ang
pagiging arbitraryo ng wika ay nakadepende sa
kultura ng isang bansa.
 4. ANG WIKA AY GINAGAMIT
Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang patuloy itong
ginagamit. Ang isang kasangkapang
hindi ginagamit ay nawawalan ng
saysay.
5. ANG WIKA AY NAKABATAY SA
KULTURA
Ang wika ay nakabatay sa kultura at ito ay
makikita sa pagkakaiba-iba ng mga
kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang
paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa
isang wika ang walang katumbas sa ibang
wika.
6. ANG WIKA AY NAGBABAGO
Ang wika ay dinamiko. Hindi ito maaaring
magbago. Ang isang wika ay maaaring
nadaragdagan ng mga bagong bokubularyo.
Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao,
maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong
salita.
7. ANG WIKA AY MAY ANTAS
Ang isa sa pinakamahalagang katangian ng
wika ay ang pagkakaroon nito ng antas.
Nahahati ang wika ayon sa iba’t ibang
kategorya ayon sa kaantasan nito. Kalimitan
nagiging batayan ang wika upang makilala ang
isang tao at maiuri ayon sa antas ng lipunang
kaniyang kinabibilangan.
8. ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN
Ang wika ay makapangwasak, mang-alipin
at makasakop ng isang bansa. Ang wika ay
makapangyarihan sapagka’t kaya nitong
magpalaya ng sarili sa anumang nasa isip
ng indibidwal. Ang mga salita na isinulat o
ibinigkas ay isang lakas na nagpapakilos sa
mundo.
PANGKATANG GAWAIN :
Panuto: Ang bawat pangkat ay may nakatalang bilang tungkol sa
kanilang ipapaliwanag na kahalagan ng wika. “ WITH A TWIST “
1.Ang wika ang instrumento ng komunikasyon.
2. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at
pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
3. Ang wika ay nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga
karunungan at kaalaman.
4. Mahalaga ang wika bilang tulay sa pagkakabuklod ng mga bansa
tungo sa pagkakaisa, pag-unlad at sa pagkamit ng kalayaan ng tao.
5. Ang wika ang kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi.
INDIBIDWAL NA GAWAIN:
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na
may temang “Wikang Filipino ay
gamitin para sa iisang mithiin“. Isulat
sa isang buong papel mayroon lamang
20 minuto upang tapusin.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
MARAMING
SALAMAT!!!!!

You might also like