Professional Documents
Culture Documents
1 Wika
Ang pinakamahalagang interes sa pag-aaral ng wika ay hindi ang wika mismo kundi ang
gamit nito, kung papaano ang wika nagpapakilala sa tao, ang sosyal niyang kaligiran, mga
pangarap at mithiin niya, persepsyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan na kung saan
siya nabibilang. (A.D. Edwards, 1979) .
Saan nga ba nagmula ang wika? Paano nga ba nagkaroon ng wika ang mga tao sa
sanlibutan? Ito ang mga tanong na madalas na umuukilkil sa isipan ng bawat isa kung ang pag-
uusapan ay patungkol sa pinagmulan ng wika. Ayon sa iba’t ibang manunulat at teorista, ang
may pinakamatandang lahi ay ang mga Egyptian at maging ang kanilang wika ay kasing tanda na
rin nila.
Mula sa aklat nina Fromkin, V.& R. Rodman (1983), ang lahat ng kultura ay may
kanikanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Ayon naman kay Darsna Tyagi (2006),
pinaniniwalaang ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at kapangyarihan. Sa
bansang Hapon, si Amaterasu ang tinaguriang manlilikha nila ng wika.
Caroll (1954) – ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan.
Edward Sapir (1949) – ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid
ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Todd ( 1987 ) - ang wika ay isang set ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
Tumangan, Sr. et al. (1997)- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang
isang pulutong ng mga tao.
2.4 IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA
Ang pinagmulan ng wika ay may pinaniniwalaang mga teorya kung saan at paano ito
nagsimula ;
Teoryang Bow-wow – ang teoryang ito ay naninindigan na ang wika ay nagsimula sa
pamamagitan ng panggagaya sa mga likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.
Teoryang Pooh-pooh – ang teoryang ito ay naniniwalang, nabuo ang wika sa
instinktibong pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa at iba pa.
Teoryang Dingdong - Ito ay kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang
misteryo ang mga tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.
Teoryang Yum-Yum - ang teoryang ito ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa
pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay na nagangailangan ng aksyon.
Teoryang Yo-he-ho - ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga ingay na nalilikha
ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersng pisikal.
Teoryang Tarara-boom-de-ay-Ang teoryang ito ay naniniwalang, ang mga tunog na
mula sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan upang magsalita ang tao.
Ayon kay Virgilio Almario, “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.”
Tumangan Sr. et al. (1977), “Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa
at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao”.
Hindi na kaila sa ating lahat ang kabatirang ang wika at lipunan ay tuwirang
magkaugnay. Binanggit ni Wardhaugh (2006), na ang isang lipunan ay tumutukoy sa grupo
ng mga tao na magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga layunin. Dito, ang lipunan
ay isang komprehensibong konsepto subalit mahalaga ang komprehensibong pananaw na ito
sa kadahilanang, iba’t ibang uri ng lipunan ang nagbibigay ng direktang impluwensiya sa
wika o bise bersa. Sa pamamagitan nito, mahuhulma ang kabuluhan ng wika sa paligid na
kung anong wika ang sinasalita ng isang indibidwal sa lipunan.
2.2 . SOSYOLINGGUWISTIKA
2.4. ARGOT
Ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan, ngunit hindi
limitado, ng mga magnanakaw at iba pang criminal. Ito ay naglalayong maiwasang mabatid o
maunawaan ng mga hindi kasama sa grupo ang kombersasyon sa loob ng samahan. (Hufana, et
al. 2018 ) .
Iba ang balbal o slang sa argot sapagkat hindi sekreto ang kahulugan ng mga salita,
higit na pampubliko, mas pangkalahatang magagamit at siyempre mas kagalang-galang . Ang
argot naman ay isang espesyal na bokabularyo o hanay ng mga idyoma na ginagamit ng isang
particular na uri o grupong panlipunan, lalo na ng mga hindi sumusunod sa batas. Ito ay
tinatawag na cant at cryptolect (Hufana, et al. 2018).
2.5. SOSYOLOHIYA NG WIKA
Ang sosyolohiya ng wika ay nagmula sa larang ng sosyolinggwistika. Sa ugnayan ng
wika at lipunan nakatuon ang araling ito. Proponent ng larang na ito sa ugnayan ng wika at
lipunan ay ang kanilang iskolar sa wika na si Joshua Fishman. Ang International Journal of the
Sociology of Language ay ang kanyang pangunahing kontribusyon dito.
Samakatuwid, lipunan ang emphasis ng sosyolohiya ng wika at ang relasyon nito sa wika,
samantalang ang sosyolingguwistika ay tungkol naman sa relasyon ng wika sa lipunan. Sa
bahaging ito, ang dimarkasyon ng dalawa ay makikita sa paksang nais tingnan sa wika bilang
produkto ng lipunan.
2.7. ETNOLINGGWISTIKA
Ang etnolinggwistika ay nakatuon sa ugnayan ng wika at kultura sa pag-aaral ng wika.
Ipinahayag ni Underhill (2012), ito ay pag-aaral sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad.
Ang larang na ito ay may konotasyon kung pagbabatayan ang kasamang salita nitong etnik o
etniko na tumutukoy sa mga marhinal na grupo tulad ng Lumad, Igorot, Merano at iba pa. Ayon
pa sa kaniya, may dalawang konotasyon ang pang-uri na etnik (sa etnolinggwistika) na iba dahil
sa mga marhinal na grupo.
3.4. TABOO
Sa lipunan, may mga salitang tinatawag na taboo . Ito ay mga salitang bawal gamitin o
hindi maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo, ang
paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Ipinagbabawal ang paggamit nito
kapag hindi pinahihintulutan ng publiko at ipinagbabawal din ang pag -uusap tungkol dito lalo na
sa mga pormal na usapan at domeyn. Halimbawa nito ay mga salitang puki, puta, utin, makiri at
iba pa (Hufana et al. 2018).
3.5. YUFEMISMO
Ang mga ideya o salitang taboo ang naging isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng mga
salitang yufemismo. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi
dapat sambitin dahil sa kalaswaan nitong pakinggan sa pandinig ng ninoman. Halimbawa nito
ay sa halip na nagtalik, maaari itong sabihing, nagsiping, sumakabilang buhay sa halip na
namatay, nagsakses sa halip na nagtae, ibaon sa halip na utin, bulaklak sa halip na puki, at iba
pa (Gervcio, et al. 2018).
BILINGGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO