You are on page 1of 2

Arcilla, Ezekiel C

BSA 1-19

ANG WIKA
Sa mga linggwista, mapapansing binibigyan nila ng pansin and depinisyon ng
wika ayon sa estruktura nito. Dahil siyentipiko ang pag-aaral ng wika ayon sa kanila, hindi
nalalayo ang pagtingin sa wika bilang isang masistemang balangkas na may sinusunod na
hakbang o pamamaraan upang ito'y matutuhan at mapag-aralan.

Ayon kay Henry Allan Gleason, 'ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang makamit sa
komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.'

May pagkatulad dito ang pagpapakahulugan ni Caroll (1973) kung saan nabanggit
niyang 'ang wika ay masistemang estruktura ng sinasalitang tunog at pagsasaayos nito
sa paraang arbitraryo upang makamit sa interpersonal na pakikipagkomunikasyon at
ang makabuluhang pagsasama-sama ng mga bagay, pangyayari at mga karanasan
ng sangkatauhan.'

Sa mga sosyolinggwista, nakapokus ang pagbibigay nila ng depinisyon sa wika sa


kaugnayan nito sa lipunan. Binibigyan diin nila ang pagbibigay ng katuturan sa
kabuluhan ng wika sa panlipunang aspekto at ang paggamit ng tao ng wika bilang bahagi
ng lipunan.

Ayon kay Basil Bernstein, ang wika bilang sistema ng mga tuntunin, ay
nagrerepresenta ng mga code. Ang mga code na ginagamit ay naaayon sa kinabibilangan
sa lipunan. Naniniwala siyang nagkakaiba ang ginagamit na wika dahil sa mga hadlang
sa pagkakaiba sa antas ng mga taong nabibilang sa isang lipunan. Ang pampublikong wika
o wikang pangmasa ay tinawag niyang "restricted code" dahil limitado lamang iito sa mga
ekspresyong pangliggwistika. Tinawag niyang "elaborated code" ang pormal na wika o
ang wikang ginagamit sa mga komplikado at ekspresyon ng organisasyong
panlinggwistika. Dahil dito, ang iba't-ibang estilo sa pagsasalita at paggamit ng mga tao
ng wika ay nagmula sa iba't-ibang pangkaugalian at panlipunang karanasan.

Isa rin si Benjamin Lee Whorf na nagbigay ng kahulugan sa wika. Aniya, 'ang wika ay
binubuo ng mga payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa kaniyang
kapaligiran. Ang kalikasan ng sistemang panlinggwistika ng bawat wika ay di lamang
instrumento sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kundi tagahubog din ng mga
ideya na nagsisilbing gabay para sa mga gawaing pangkaisipan.' Dahil dito,
nagkakaiba ang wikang nalilikha ng mga tao dahil sa iba't-ibang antas ng pagkalantad sa
lipunan.

Sang-ayon naman kay Edward Sapir, 'ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng
tao sa wika. Ginagamit niya ang wika bilang kasangkapan sa sosyalisasyon na kung
walang wika, walang iiral na relasyong sosyal. Gumagamit ang mga tao ng mga
simbolismo upang makipag-ugnayan sa iba na nagbubunga ng pagkakaroon ng
solidaridad at pagkakaisa ng mga tagapagsalita ng naturang wika.'

Sa mga transpormasyonal na pananaw, nanguna si Chomsky sa paniniwalang 'ang


wika bilang isang sitema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan'. Dagdag pa
niya, ang wika ay isang penomenang mental kung saan ito ay likas sa tao at dahil sa
kalikasan nito, may kakayahan siyang matuto ng wika.

Sa iba pang pananaw sa wika, ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay-
kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga bahagi ng katawan sa pagsasalita upang
makamit aang layuning makaunawa at maunawaan ng iba (Tumangan, 1997)

Noah Webster 1974 – Ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng


mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.
Borja At Espina 1999 – Ang wika ay mahalaga upang maipahayag ng tao ang
kanilang damdamin at kaisipan.
Sabi ni Delmirin (2012) ang material na kultura at di-materyal na kultura
angdalawang uri ng kultura. Binubuo ng di-materyal na kultura ang kaugalian,
tradisyon,panitikan, musika at ibapang hindi na pisikal na makikita. Binubuo naman ng
materyal na kultura ang bagay nanakikita at nahahawakang pisikal tulad ng damit,
bahay, pagkain at kagamitan.
Ayon kila (Buensuceso, et al., 1991) kung walang wika, gayun din ang bansa
dahilwalang komunikasyon sa isa’t-isa. Wala ring pagkakaisa kung walang wika dahil
walang kultura na kagalang-galang, kaya ang wika ay isang instrumento ng tao
paramakipagkomunikasyon.
Ayon kay Gleason (1988) na ang wika ay ang kaluluwa ng isang bansa.
Hindimatatawag na bansa kung walang wika dahil eto ang dahilan ng pagkakaroon
kultura ngespisipikong bayan sa isang bansa.

You might also like