You are on page 1of 2

KAHULUGAN NG WIKA

 Ang wika ayon kay Chomsky (1957), ay isang prosesong mental. May unibersal na
gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang
linggwistik.

 Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa


sistema ang wika na nakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran
bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang
panlipunan at makatao.

 Sa pagtalakay ni Halliday (1973) may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong


ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit
ang wika sa pagpapangalan, berbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi,
pag-uutos, at pakikipag-usap.

 Ayon kay Hayawaka, may tatlong gamit ang wika: (1) Pagbibigay ng impormasyon
tungkol sa tao, bagay, at maging sa isang magaganap na pangyayari, (2) Ito ay nag-
uutos, (3) Ito ay nagseset-up o saklaw ang mga kahulugan.

 Ayon kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang
nagtuturo ay naririnig. Ang naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa
malayong lugar na walang nakikita o naririnig. Ang unang salitang binibigkas ay
“bekos”, ang ibig sabihin ay tinapay.

 Sa pag-aaral ni Charles Darwin, nakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na may


pamagat na “The Origin of Language”, ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay
ay may nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t-ibang wika.

 Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng
pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga
kinatawan nito. Paniniwala naman ng mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa
homo sapiens o mga unang tao.

 Sa pananaw ni Rene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba.


Ang mga hayop ay maaaring nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-
unawa ng tao.

 Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit
sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog
kundi ito ay sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang daalwang wikang magkapareho
bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

KAHULUGAN NG WIKA | KARAGDAGANG IMPORMASYON


 Si Caroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob
ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon
ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-
aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t-ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad.

 Ang wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay paraan ng pagpapahayag ng kuru-
kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa
kapwa-tao. Ito ay binubuo ng mga salita, parirala, at pangungusap na may
kahulugan.

 Ayon kay Henry Sweet (Philologist, Phonetician at Grammarian), ang wika ay


pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang
maging salita.

 Ang wika ay pormal na sistema ng mga simbolo na sumusunod sa patakaran ng


isang grammar upang maipahayag ang kominukasyon, ayon kay Ferdinand de
Saussure (Linguist at Semiotician).

 Ang wika ayon kay Robins (1985) ay sistematikong simbolo na nababatay sa


arbitraryong tuntunin na maaaring magbago at mapadali ayon sa pangangailangan
ng taong gumagamit nito.

 Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.

 Ang wika ay isang institusyong ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan at


pakikipag-ugnayan sa bawat isa sa pamamagitan ng nakagawiang paraang pasalita-
pakikinig na naaayon sa simbolong arbitraryo, ayon kay Hall (1969).

 Ang wika ayon kay Wardaugh (1972) ay arbitraryong sistema ng mga sinasalitang
tunog na ginagamit para sa komunikasyon ng tao.

 Ayon sa isang Pilosopong Ingles na si John Locke, ang wika ay arbitraryong walang
kahulugan kundi naglalaman ng ideya sa pag-iisip ng tao.

KAHULUGAN NG WIKA | KARAGDAGANG IMPORMASYON

You might also like