You are on page 1of 7

Bato Institute of Science and Technology

Dolho, Bato, Leyte


bistreg@yahoo.com

MAHAHALAGANG PAALALA
1. Gamitin ang modyul na ito nang may pag-iingat.
2. Hindi pinahihintulutan ang mag-aaral na mamigay ng kopya ng modyul na ito sa iba. Ito ay para lamang sa inyo na
nag-aaral sa asignaturang ito.
3. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Hindi kailan man inangkin ng may-akda ang karapatang-aring iyon.
4. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.
5. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
kaukulang pahintulot.

MODYUL 11: Ugnayan ng Wika sa Lipunan

Instructor: Roel R. Vertudazo Week 14

Naipakita ang kaalaman sa pag-unawa sa mga batayang nilalaman ng ugnayan ng Wika at Lipunan.

 Natukoy ang ugnayan ng wika sa lipunan;


 Nakilala ang iba’t ibang wika sa lipunan

Panimula

Ang lipunan ay maituturing na anumang pangkat ng tao na nagsama-sama dahil sa iisang tunguhin o layunin. At
ang wika ay mahalaga sa isang lipunan. Hindi maipagkakaila na minsan, ang lipunan ay nagtataglay ng hindi lamang
iisang wika (plurilingual): nangangahulugan na ang karamihan ay maaaring nakapagsasalita ng higit sa isang wika.
Mahalaga ding bigyang-pansin na ang kahulugan ng wika at ng lipunan ay hindi independent. May kaugnayan ito sa isa’t
isa.

Ang Wika at Lipunan


Ang wika ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura. Ito ang kanilang identidad o pagkakakilanlan. Ang kultura
ay maiintindihan at mapahahalagahan lamang sa tulong ng wika ng mga taong kasapi sa grupo at maging ng mga taong
hindi kabilang sa pangkat.

Ayon sa linggwistang si W.P. Robinson may mga tungkulin ang wika sa aklat niyang Language and Social
Behavior (1972). Ito ay ang mga:

1. Pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan; at


2. Pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.

Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiba
nila sa iba pang lipunan. Bawat tao rin ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na nagpapakita ng
kaniyang pagkakaiba sa iba pang tao. Bawat tao ay may sariling katangian, kakayahan, at kaalaman hindi maaaring
katulad ng iba. Dayag (2016)

Apat na Posibilidad na Ugnayan ng Wika at ng Lipunan


1. Ang estrukturang sosyal ay maaaring nakaiimpluwensya o makatukoy ng panlinggwistikang estruktura o
kaugalian.
Ang mga nakababata ay ibang magsalita kaysa sa mga nakatatanda at sa kabaliktaran, iba magsalita ang
mga bata kaysa sa mga matured. Mayroong pag-aaral na nagpapakitang ang barayti ng wika na ginagamit ng
1
mga tao ay sumasalamin sa kanilang relihiyon, sosyal at etnikong pinaggalingan, at maging ng kanilang gender;
may iba ring pag-aaral na nagsasabing ang paraan ng pagsasalita ng tao, mga salitang ginagamit, at maging mga
tuntunin sa pakikipagtalastasan ay natutukoy dahil sa pangangailang sosyal.
2. Ang panlinggwistikang estruktura o kaugalian ay maaaring makaimpluwensya sa estrukturang sosyal. Ito ang
pananaw sa likod ng Whorfan hypothesis na taliwas sa unang posibilidad.
3. Ang impluwensya ay maaaring Bi-directional. Ang wika at ang lipunan ay maaaring makaimpluwensya sa isa’t
isa.
4. Pagpapalagay na walang kaugnayan ang panlinggwistikang estruktura sa estrukturang sosyal at sila ay
independent sa isa’t isa.

Ayon kay Holmes (1992) ang isang sosyolinggwista ay naglalayong makatuklas ng teoryang makapagbibigay ng
dahilan kung bakit ginagamit ang wika sa isang komunidad, at ang mga pagpipiling ginagawa ng mga tao kapag ginagamit
nila ang wika.

1.1.Pananaw sa Ugnayan ng wika at lipunan

Nabanggit ni Wardhaugh (2006) na ang ang isang lipunan ay anumang grupo ng mga tao na magkakasama para
sa isang tiyak na layunin o mga layunin. Komprehensibong konsepto ang lipunan dito ngunit mahalaga ang
komprehensibong pananaw na ito dahil sa iba’t ibang uri ng mga lipunan na nagbibigay ng direktang impluwensya sa
wika o bise bersa.

Halimbawa, ang lipunan ng mgaa bayot/bakla ay may sariling wika na sila-sila lamang ang nakapagsasalita at
nakauunawa. Kinikilala nila ang wikang ito sa tawag na bekimon.

1.2.Sosyolinggwistika

Ayon kay Constantino (2000) sa aklat ni Santos, et al (2010) ang sosyolinggwistika ay pag-aaral sa ideya ng
paggamit ng heteregenous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na
tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan, at iba pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento
ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isang sistemang mga alituntunin kundi isang kolektibong puwersa,
isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang kultural ay sosyal na mga gawain at grupo.

Ayon naman sa pagtalakay sa dyornal na inilathala ng Shieffield Academy sa United Kingdom (2013), ang
sosyolinggwistika ay ang pinagsamang pag-aaral ng sosyolohikal at linggwistika na kung saan pinag-uugnay ang wika at
ang lipunan. Ayon dito, malaki ang tulong ng sosyolinggwistika para mas lalong maunawaan kung bakit may iba-ibang
wikang ginagamit ang isang lipunan.

Ayon naman kay Chambers (1971) ang sosyolinggwistika ay ang pag-aaral ng maka-sosyal na gamit ng wika at
ang mga prodatibong pag-aaral sa apat na dekada ng sosyolinggwistikang pananaliksik ay nanggaling sa sosyal na
ebalwasyon ng linggwistikong baryant.Ang sosyolinggwistika ay pag-aaral ng wika ng mga konteksto ng lipunan nito at
ang pag-aaral ng buhay panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika (Coupland at Kaworkski, 1997).

Sa talakay ni Wardhaugh (2006), ang sosyolinggwistika at tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa


pamamagitan ng wika at lipunan na may layunin sa pag-unawa sa istrasktura ng wika at kung paano gumagawa ang mga
wika sa komunikasyon.

Sa pagitan ng mga tagapagsalita ng anumang wika, mayroong pagkakaiba-iba sa paraan na ginagamit nila ang
kanilang wika. Ito ang tinatawag na baryasyon ng wika. Ang mga baryasyong ito ay ipinapakita ng mga pagkakaiba sa
wika sa mga tuntunin ng tunog (ponetiko) at istraktura (grammar).

Halimbawa, ang bigkas ng mga Mindanawon sa /e/ ay /i/ kaya ang pera ay nagiging pira. Ito ang mapapansin sa
isang patalastas ng Palawan Pawnshop Express Pera Padala na pinagbidahan ni Aling Dionisia, ang ina ni Senador Manny
Pacquiao.

Samakatwid, ang sosyolinggwistika ay nakatuon sa pagkakaiba-iba ng wika na mula sa lipunan.

Tinalakay nina Santos, et.al. (2012) ang heyograpikal at sosyal bilang pangunahing ugat sa pagkakaiba ng wika.
2
Heyograpikal na pagkakaiba ng wika ang magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang dahilan
ng dayalekto o wikang subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi lamang ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
Halimbawa, ang Cebuano ay magkakaroon ng ibang paraan ng paggamit sa mga lugar ng Iligan kaya naging Cebuano-
Iligan, Cayayan de Oro kaya naging Cebuano-Cagayan de Oro, Surigao kaya naging Cebuano-Surigaonon.

Sosyal naman na salik ng baryasyon ng wika ang tawag dahil sa posisyong sosyal o panlipunang bawat grupo.
Ang kontekstong pagkakaiba ng gamit ng wika dulot sa sosyal na paktor ay tinatawag na sosyolek. Halimbawa nito ang
lipunan ng mga babae ay mapapansing may sariling paraan ng pagpapahayag na kaiba rin sa mga lalaki.

Mga Paraan o barayti ng Paggamit ng Wika

1. Rehistro ng Wika

2. Argot

3. Sosyolohiya ng Wika

4. Antropolohikong Linggwistika

5. Etnolinggwistika

1.3.Rehistro ng Wika

Ang rehistro ng wika ay kilala rin sa tawag na Jargon. Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga
gumagamit nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi familiar sa propesyon, o uri
ng trabaho (Santos, Hufana, at Magracia, 2008).

Ang mga Jargon ay maaring tawagin na “salitang balbal”, “salitang kalye”, o “salitang kanto”. Ito ay grupo ng
mga salita na hindi mo mauunawaan kung hindi ka parte ng isang grupo o kung wala kang konteksto sa nagaganap.

Ang mga guro ay may mga salita na grupo lamang nila ang nakakaunawa at gumagawa tulad ng lesson plan,
curriculum guide, MELCs at iba pa.

Ang mga abogado naman ay may mga termino na sila lamang ang nakakaunawa gaya sa salitang order sa Order
of the Court na nangangahulugang kaayusan.

1.4.Argot

Ang argot ay sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan, ngunit hindi limitado hindi limitado
ng mga magnanakaw at iba pang mga kriminal. Layunin nito na maiwasangmabatid o maunawaan ng mga hindi kasama
sa grupo ang kombersasyon sa loob ng samahan.

Argot ay isang dalubhasang bokabularyo o hanay ng mga idiom na ginagamit ng isang partikular na klase o grupo
ng mga panlipunan, lalo na ang isang gumaganap sa labas ng batas. Tinatawag din cant at cryptolect.

Sinabi ng nobelong Pranses na si Victor Hugo na "ang argot ay napapailalim sa panghabang-buhay na


pagbabagong-isang lihim at mabilis na gawain na patuloy na nagaganap. Gumagawa ito ng higit na pag-unlad sa
sampung taon kaysa sa regular na wika sa sampung siglo" (Les Misérables , 1862).

Ano ang kaibahan nito sa salitang balbal o slang na mga salita?

 Balbal – hindi sekreto ang kahulugan


 Argot – espesyal na bokabularyo ng mga idyoma na ginagamit ng isang partikular na grupo.

Halimbawa ng balbal at argot:

Balbal Argot
Yosi - sigarilyo Sigue Sigue Commando – gang/grupo sa bilibid
Parak – pulis Budol-budol gang – grupo ng tao na nangunguha ng pera sa
pamamagitan ng panloloko
Tsimay - katulong

3
1.5.Sosyolohika ng Wika

Ang sosyolohiya ng wika ay tinatawag ding makro-sosyolinggwistika.

Proponent ng larang na ito sa ugnayan ng wika at lipunan ay ang kilalang sikolar sa wika na si Joshua Fishman,
ang kanyang pangunahing kontribusyon dito ang pagbuo ng International Journal of the Sociology at Language.

Ano ang pagkakaiba ng sosyolohiya ng wika sa sosyolinggwistika?

Sabi ni Fishman (1997), patuloy na gumagamit ang tao ng wika – pasalita, pasulat, at maging nakalimbag man –
at patuloy rin siyang nakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng mga ibinabahaging mga norm ng pag-uugali.

Social Organization of Behavior – paggamit ng wika at ang sosyal na samahan ng pag-uugali.

Social Organization of Language Behavior – sosyolohiya ng wika na sumasaklaw sa mga paksa na may
kaugnayan sa panlipunang samahan ng pag-uugali ng wika.

Language Attitude – saloobon sa wika

Halimbawa: Kapag napansin mo si A ay may ibang pagbigkas ng tunog kaysa kay B kahit pareho silang
gumagamit ng wika ito ay may kaugnayan sa sosyolinggwistika. Sa kabilang banda, kapag higit ang panturing ni A sa
wikang Ingles bilang wika ng karunungan at si B naman ay higit sa nagsusulong sa paggamit ng wikang Filipino bilang
pambansang pagkakakilanlan, ito ay nasa larang ng sosyolohiya ng wika.

Ayon kay Wardhaugh (2006), sinusukukan ng sosyolohiya ng wika na matuklasan kung paano mas madaling
maunawaan ang estrukturang panlipunan sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika.

Ayon kay Fishman (1975), bahagi rin ng sosyolohiya ng wika ang pagbibigay-diin sa mga barayti at baryasyon ng
wika subalit inilalagay ito sa konteksto ng pag-uugali para sa sariling identipikasyon ng grupo, pagbuo ng grupo at
pagkabuwag nito, at referential membership behaviors.

1.6. Antropolohikong Linggwistika

Bahagi ito ng larang ng linggwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa mas malawak na konteksto ng lipunan
at kultura nito at ang papel nito sa paggawa at pagpapanatili ng mga kultural na kasanayan at mga panlipunang
kaayusan.

Tinitingnan sa antropolohikal na linggwistika ang wika sa pamamagitan ng lente ng antropolohikal na konsepto -


kultura upang makita ang kahulugan sa likod ng paggamit, maling paggamit o hindi paggamit ng wika ng iba’t ibang anyo
nito, mga rehistro at estilo.

Ayon ni Foley (1997) kung ang hanap ng larang na ito ay makahanap ng kultural na pag-unawa sa likod ng pag-
uugali sa wika, ang sosyolinggwistika naman ay tumitingin sa wika bilang panlipunang institusyon na nagdadala sa
mapanlipunang interaksyon. Dagdag pa niya, magkaiba na larang ang antropolohikal na linggwistika at linggwistikang
antropolohiya. Higit di umano na binibigyan nang diin sa una ang larang ng linggwistika upang maipaliwanag ang kultural
na konteksto ng wika.

Pinutol ang dimarkasyong ito ni Dell Hymes (nasa Duranti, 2009) nang ginamit niya ang terminong linggwistikang
antropolohiya upang tukuyin ang pagdulog antropolohikal sap ag-aaral.

Dalawang alalahanin ng antropolohiya sa wika o linggwistikang antropolohiya:

1. upang panatalihin ang pag-aaral ng wika bilang isang sentral na bahagi ng disiplina ng antropolohiya, at

2. upang palawakin ang konsepto ng wika na lampas sa makitid na interes sa estrakturang gramatikal.

Ang antropolohiyang lingguwistiko o antropolohiyang lingguwistika (Ingles: linguistic anthropology) ay ang


interdisiplinaryong pag-aaral sa kung paano nakakaimpluwensiya ang wika sa buhay na panlipunan o pakikisalamuha. Isa
itong sangay ng antropolohiya na nagmula sa pagpupunyagi na maitala o maidokumento ang nanganganiba na mga
wika, at lumawig sa loob ng huling 100 mga taon upang saklawan ang halos anumang aspekto ng kayarian ng wika at
paggamit ng wika.

Ang antropolohiyang lingguwistiko ay gumagalugad sa kung paano nahuhubog ng wika ang komunikasyon, kung
paano nabubuo ang pagkakakilanlan na panglipunan at pagkakasapi sa pangkat, paano naisasaayos ang may malakihang

4
sukat na mga paniniwala at ideyolohiyang pangkultura, at paano umuunlad ang isang pangkaraniwang representasyon
ng likas at panlipunang mga mundo.

1.7.Etnolinggwistika

Ayon kay Underhill (2012), ang etnolinggwistika ay pag-aaral sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. May
konotasyon ang larang na ito kung pagbabantayan ang kasamang salita nitong etnik/o na maaaring tumukoy sa mga
marhinal na grupo – mga Lumad, Igorot, Maranaw at iba pa.

Paliwanag ni Underhill, may dalang konotasyon ang pang-uri na etnik (sa etnolonggwistika) na iba dahil sa
marhinal na grupo.

Gayunpaman, sa lente nito higit ang pagtingin sa pag-aaral ng mga wika sapagkat ito ay isang larang ng
linggwistika nap ag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at kultura at ang paraan ng iba’t ibang grupo ng etniko na
nakikita ang mundo.

Halimbawa, mauunawaan lamang ng kapatid nating Maranaw ang konsepto at pagpapakahulugan ng rido
ngunit kahit maiintindihan ng mga kristiyano, hindi pa rin lubos itong mararamdaman sapagkat wala sa kanilang kultura.

Ang etnolinggwistika ay isang larangan sa antropolohiyang linggwistika na nag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng


wika at kalinangan, at ang paraan kung paano tinatanaw at dinarama ng mga pangkat etniko ang mundo. Isa itong
kombinasyon sa pagitan ng etnolohiya at ng linggwistika. Ang etnolohiya ay tumutukoy sa paraan ng buhay ng isang
buong pamayanan, o iyong lahat ng mga katangian kung bakit naiiba ang isang pamayanan mula sa isa pa. Ang mga
katangiang ito ang gumagawa ng mga aspetong pangkultura ng isang pamayanan o ng isang lipunan. Ang isang kilalang-
kilala (ngunit kontrobersiyal) na paksang etnolinggwistiko ay ang Hipotesis na Sapir-Whorf, na nagsasaad na ang
persepsiyon ay hinahangganan o nililimitahan ng kung ano ang mailalarawan sa sariling wika ng isang tao.
Pinag-aaralan ng mga etnolinggwista ang paraan kung paano naiimpluwensiyahan ng persepyon at
konseptuwalisasyon ang wika, ang nagpapakita kung paano ito may kaugnay sa iba't ibang mga kultura at mga lipunan.
Isang halimbawa nito ay ang paraan kung paano isinasaad ng samu't saring mga kultura ang oryentasyong pang-espasyo
(Bernd Heine 1997, Yi-Fu Tuan 1974). Sa maraming mga lipunan, ang mga salita para sa mga direksiyong kardinal na
Silangan at Kanluran ay hinango mula sa mga kataga para sa pagsikat/paglubog ng araw, subalit ang nomenklatura para
sa mga direksiyong kardinal ng mga tagapagsalitang Eskimo ng Grinland ay batay sa mga palatandaang-pook na katulad
ng sitema ng ilog at ng posisyon ng isang tao sa dalampasigan. Gayun din, ang wikang Yurok ay walang ideya ng mga
direksiyong kardinal; inaalam nila ang kanilang kinalalagyan o kinaroroonan ayon sa kanilang pangunahing tampok na
pook na pangheograpiya, ang Ilog Klamath.

5
A. Ipaliwanag

1. Ano ang pagkakaiba ng sosyolohiya ng wika sa sosyolinggwistika? (2.5 puntos)


2. Mayroon bang pagkakaiba ng antropolohiya sa wika sa linggwistikang antropolohiya? Ipaliwanag. (2.5 puntos)

B. Magbigay ng halimbawa at kahulugan ng mga sumusunod:

Salita Kahulugan
1.
A. Bekimon 2.
3.
4.
5.
1.
2.
B. Jargon 3.
4.
5.
1..
2.
C. Argot 3.
4.
5.
1.
2.
D. Balbal 3.
4.
5.

6
/rrv2023

You might also like