You are on page 1of 3

Nobyembre 13, 2019

Banghay Aralin sa Filipino (Grade 12-Pascal)


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
Kasanayang Pampagkatuto: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. F11PS-
IIIb-91

I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pahiwatig at kaisipan na nakapaloob sa teksto.
2. Natutukoy at nailalarawan ang nilalaman ng tekstong deskriptibo.
3. Naipapaliwanag ang katangian ng isang tekstong deskriptibo.
4. Nakasusulat ng isang teskstong deskriptibo.

II. Paksang Aralin


 Paksang Aralin/Uri ng Teksto: Tekstong Deskriptibo
(Video Presentation – MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN by Asin)
 Kagamitan: Laptop, marker, kagamitang biswal, powerpoint
 Sanggunian: Heidi C. Atanacio et al. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
C & E Publishing, Inc.
III. Hakbang sa Pagkatuto

A. Motibasyon
Video Presentation.
Iparinig at ipakita sa mag-aaral ang awit na MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN by ASIN.

Masdan Mo Ang Kapaligiran by ASIN May hangin pa kayang matitikman


Wala ka bang napapansin? Sa iyong mga kapaligiran. May mga puno pa kaya silang aakyatin
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin. May mga ilog pa kayang lalanguyan.
Hindi nga masama ang pag-unlad Bakit 'di natin pag-isipan
At malayu-layo na rin ang ating narating Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Hindi nga masama ang pag-unlad
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim. Kung hindi nakakasira ng kalikasan.
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Darating ang panahon, mga ibong gala
Sa langit, 'wag na nating paabutin Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Upang kung tayo'y pumanaw man Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan.
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman. Lahat ng bagay na narito sa lupa
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Biyayang galing sa Diyos kahit nu'ng ika'y wala pa
Gitara ko ay aking dadalhin Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan. 'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na.
Ang mga batang ngayon lang isinilang

B. Aktibiti
C. Analisis
Mga gabay na katanungan na hahamon sa kaisipan ng mga mag-aaral ayon sa pamagat ng awit.
1. Batay sa narinig at nakita sa video presentation, ano ang gustong ipahiwatig ng awit.
2. Ano ang nilalaman at layunin ng teksto o awit?
3. Ano ang istilo na ginamit ng tekstong para ipahiwatig ang nilalaman?

D. Abstraksyon
1. Paano inilarawan ang kapaligiran ayon sa nilalaman ng awit?
2. Sang-ayon ka ba sa paraan ng paglalarawan na nabanggit sa awit?
3. Ano ano ang mga dapat tandaan sa pag-oorganisa o pagsulat ng tekstong deskriptibo? Bakit ito mahalaga?

Pagbibigay ng Input ng Guro

Ang deskriptib ay isang teksto kung saan ito ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian
ng isang tao, lugar, bagay at pangyayari. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano. Ang
halimbawa nito ay mga lathalain, karanasan, at mga akdang pampanitikan.

E. Aplikasyon
Panuto. Gumuhit ng isang bagay na naglalarawan ng iyong sarili o pagkatao. Ipakita ito at ipaliwanag sa
pamamagitan ng pasalitang diskurso. Gamitin ang batayan sa pagmamarka.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Indicator Natatangi Mahusay Medyo Mahusay Hindi Marka


(4) (3) (2) Mahusay (1)

Nilalaman Naipakita at naipakita Naipakita ang Hindi gaanong nakita Hindi naipakita
ang lahat ng dapat lahat na dapat ang dapat nilalaman at naipaliwanag
tunguhin ng proyekto nilalaman ng ng proyekto at dapat ang dapat
proyekto ngunit na paliwanag nilalaman ng
kulang sa proyekto
paliwanag
Pagkamalikhain Ang likha ay orihinal Ang likha ay Ang likha ay hndi Ang likha ay
orihinal ngunit orihinal at kulang sa hindi orihinal at
kulang sa kaayusan walang tunguhin
kaayusan
Presentasyon Naging maayos at Maayos ang Hindi naging maayos Hindi
mahalaga ang presentasyon ang presentasyon at naunawaan ang
kabuuang ngunit kulang sa kulang ang mga datos dapat tunguhin
presentasyon mga mahahalagan ng presentasyon
g datos
Kaangkupan ng Malinaw at angkop sa Malinaw ang Hindi malinaw ang Hindi
Impormasyon paksa ang impormasyon impormasyon at naunawaan ang
presentasyon subalit kulang sa walang kaangkupan impormasyon na
kaangkupan nais ipahiwatig

IV. Ebalwasyon
Panuto: Sumulat ng tatlong talata na sanaysay tungkol sa isang programa ng bansa o barangay ukol sa
pangangalaga ng kalikasan. Gamitin ang mga batayan sa pagsulat ng isang tekstong descriptibo.

Lebel PAMANTAYAN: Katangian ng sinulat na komposisyon Puntos

Napakahusa *Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye 10


y *Malinaw ang intensiyon at nilalaman ng teksto
*Gumamit ng wastong bantas
Mahusay *May kaisahan at may sapat na detalye nakabatay sa tunay na pangyayari 8
*May malinaw na intensiyon sa pagpapahayag
*Gumamit ng wastong bantas
Katamtaman *Konsistent, may kaisahan , kulang sa detalye 5
*Di-gaanong malinaw ang intensiyon
*Gumamit ng wastong bantas
Mahina *Hindi ganap ang paglalahad ng mga detalye 4
*Di-malinaw ang intensiyon
*Hindi wasto and bantas na ginamit
Napakahina *Hindi buo at konsistent, walang sapat na na detalye
*Malabo ang intensiyon
*Di-wasto ang bantas

V. Takdang Aralin
1. Magsaliksik sa internet ng magagandang tanawin at lagyan ng pahayag kung paano pananatilihin ang kagandahang
taglay nito.
2. Magsaliksik ng isang halimbawa ng persuweysib na teksto. Ilista ang mga salitang ginamit sa teksto kung saan ito
ay nanghihikayat.

Inihanda ni:

Bb. Dezzelyn B. Balleta


Guro

You might also like