You are on page 1of 5

LIVING STONES INTERNATIONAL SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


MARKAHANG PAGSUSULIT
PAGBASA AT PAGSUSUSRI SA IBA’T – IBANG
FILIPINO XII

PANGKALAHATANG PANUTO:
 MAGDASAL
 Basahin ng may pag-unawa ang bawat tanong bago sagutin.
 Huwag kumausap sa katabi kapag sumasagot, sinumang mahuli na kumakausap o nangungupya ay
kaagad na ipapatigil na sa pagkuha ng eksaminsayon at makakatanggap na agad ng bagsak na
grado.
 Gumamit ng ball pen sa pagsagot,
 (NO ERASURES) Ano mang uri ng pagpalit sa sagot ay ituturing ng MALI.

I. Piliin ang TITIK ng PINAKATAMANG SAGOT.

1. Si Peto at Molenus ay tunay na magkaibigan kahit na matagal na silang di nagkikita. Isang araw habang
silang dalawa ay nagkukwentuhan naisip ni Peto na isulat ang kwento tungkol sa panibagong pag- ibig ni
Molenus, subalit sa di maipaliwanag na dahilan ay unti- unting pumapatak ang mga luha ni Peto habang
ginagawa ang akda. Anong paksa ang nabuo sa ginawa niyang komposisyon?

a. Sariling Karanasan c. Nasaksihan o Napanood


b. Napakinggan o Nabalitaan d. Likhang- isip

2. Ano ang tawag sa ano mang bagay na sulatin na maari mong mabasa?

a. Balita b. Teksto c. Akda d. Babasahin

3. Saan kadalasang inahalintulad ang tekstong deskriptibo kung saan kapag nakita o nabasa mo ito ay
parang nakita mo narin ang orihinal na pinagmulan nito?
a. May- akda c. Nakakita
b. Larawan d. Alaala

4. Ano ang dalawang salitang kadalasang ginagamit sa pagsulat ng tekstong deskriptibo?


a. Pangngalan at Pang- uri c. Pang- Uri at Panghalip
b. Pang- abay at Pang- uri d. Pang- abay at Panghalip

5. Ano tawag sa tekstong nagbibigay ng mga panibagong ideya tungkol sa isang topiko?

a. Naratibo b. Deskriptibo c. Impormatibo d. Prosidyuryal

6. Ano ang tawag sa paraan na ginagamit upang mapadali ang pagtatalakay sa ginagawang teksto?
a. Graphic representation c. Paglalagom
b. Paghanap ng sanggunian d. Pasalaysay
7. Ano ang tama at maayos na pagkasunod- sunod ng pangyayayri sa kwento?
a. Simula- Gitna- Wakas c. Gitna- Simula- Wakas
b. Wakas- Tunay na Simnula- tunay na Wakas d. Lahat ng nabanggit
8. Si Mark ay isang magaling na manunulat at halos lahat ng kanyang mga sinulat ay hinango niya sa
kanyang mga pinagdaanan na tila siya at ang tauhan sa kwento ay iisa. Lahat ng napanood, nakita, at
napakinggan ay masisilayan sa akdang kanyang sinusulat. Anong paksa sa pagbuo ng naratibong
komposisyon ang ginamit ni Mark?

a. Nasaksihan o Napanood c. Likhang- isip


b. Sariling karanasan d. Napakinggan o Nabalitaan

9. Sumulat si Duc ng isang akda tungkol sa kanyang pinagdaan noon, dinaranas nniya ngayon at maging mga
plano niya bukas. Anong akda ang nais isulat o gawin ni Duc?
a. Persweysib c. Impormatibo
b. Deskriptibo d. Naratibo

10. Ano ano ang mga katangian ng maayos na pamagat sa isang tekstong Naratibbo?
a. Orihinal, Makahulugan, Mahaba at kapanapanabik
b. Kapanapanabik, Maikli, Maganda, at Maayos
c. Orihinal, Makahulugan, Nakakatuwa, at May aral
d. Maikli, Orihinal, Makahulugan, at Kapanapanabik

11. Paano masasabi na ang isang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng epektibong paglalarawan?

a. Kung halos marinig, makita, maamoy, malasahan o mahawakan na ang inilalarawan ng akda.
b. Kung nailarawan itong mabuti
c. kung simple at naiintindihan na ng man]mbabasa ang nais ipahiwatig ng akda
d. Kung nagdududlot na ito ng kasiyahan sa damdamin ng mamababasa habang nagbabasa

12. “Si Pot ang pinakamamahal kong alaga. At kaarawan niya na bukas kaya laki ang pasasalamat natin sa
kanya sapagkat dahil sa kanya ay wala tayong pasok, Kaya kong saan ka man ngayon aking pinakamamahal
na alaga, lagi mong tatandaan na palagi kang nasapuso namin, at alam rin namin na sa kung saan ka man
ngayon ay nasa mabuti ka nang lugar.” Sambit ng pinakagwapong guro sa LSIS. Anong uri ng reperensiys
ang ginamit sa pangungusapa ayon sa ayos nito?

a. Anapora
b. Katapora
c. Nauuna ang pangngalan kaysa sa panghalip
d. kailangang balikan ang teksto para malaman kung sino ang tinutukoy.

13. Si Nicole ay mahilg magbasa ng iba’t- ibang akda mula sa Iba’t- ibang sikat na manunulat, Ito man ay
kwentong patungkol sa pag- ibig, pananampalataya, at sa kapaligiran, At dahil sa hilig niyang magbasa ay
napag-isipan niyang gumawa o sumulat na rin ng isang orihinal na akda, hanggang sa nabuo niya ang
kanyang pangunahing tauhan sa sarili niyang kwento na Si Pao, Ang lalaking may taglay na kakaibang
kapangyarihan na nagsilbing tagapagligtas, di lamang kanilang kahiran maging ng buong mundo. Anong
paksa ang nabuo ginawang naratibong komposisyon ni Nicole?

a. Nabasa c. Likhang- isip


b. Nasaksihan o Napanood d. Npakinggan o Nabalitaan
14. Sumulat ng isang akda si Ester tungkol sa mga masamang epekto ng mabuting relasyon ng ating
pangulo sa bansang Tsina, sa simula’y nailatag niyang lahat at naipaliwanag angmga dahilan kung bakit
dapat itong itigil subalit sa bandang huli ay tila indi na tungkol sa pangulo at sa bansang Tsina ang kanyang
akda kundi tungkol na sa pagmumura ng pangulo maging sa mga isyu nito tungkol sa paghalik sa mga babae
maging sa pagmumura nito sa mga pari ay nasama rin. Ano ang tawag sa pagkakamaling ginawa ni Ester sa
kanyang akda?

a. Subhetibo c. ad hominem fallacy


b. pagkiling d. Wala sa mga nabanggit

15. Ano ang mga bagay na dapat iwasan sa pagbibigay ng wakas sa tekstong naratibo
a. Iwasan ang hindi prediktabol na wakas
b. Iwasan ang paligoy- paligoy
c. Iwasan ang pagsunod agad sa wakas pagkatapos ng kasukdulan
d. A at C

16. Si Paw ay isang estudyanteng walang ibang ginawa kungdi ang matulog sa loob ng klase, at tuwing
magkakaroon ng pagsusulit ay wala siyang ibang ginagawa kundi ang mangopya sa kanyang katabi, subalit
ang batang iyon ay isa nang tagyag na manunulat na sa kasalukuyan at lahat ng kanyang mga sinusulat ay
agad pinaninwalaan ng mga nakararami, at ang mga taong di pa naniniwala sa kanya ay agad na nagtitiwala
sapagkat naisususlat niya ito nang malinaw at wasto sapagkat malawak na ang kanyang kaalaman at
karanasan sa akdang kanyang sinusulat. Anong paraan ng panghihikayat ang ginamit ni Paw sa kanyang
pagsusulat?

a. Bandwagon c. Ethos
b. Plain folks d. Pathos

17. Ano ang siyang nagbibigay kwenta sa isang akda?


a. Paksa c. Pagkamalikhain
b. Aral d. Kaalaman

18. Gustong gumawa ng isang bangkang lumilipad ni Kim at gusto niya itong gawing ng maayos at nasa
tamang proseso. Ano ang unang dapat na alamin o tukuyin ni Kim para mapagtagumpayan ang ninanais
niyang buuin?
a. Kagamitan c. Metodo
c. Inaasahang Awtput d. Pero o Badyet

19. Katatanggap pa lamang kay Dan sa isang napakalaking kompanya na nangunguna sa larangan ng
patalastas, at sobra ang kaba na kanyang nadarama sa pagkat siya agad ang binigyan ng responsibilidad na
pamunuan ang isang patalastas tungkol sa isang sabon na pampaputi, pampakinis at pampaganda, sapagkat
alam at kita ng nakararami na kayang- kaya niya ito, sapagkat makikita sa pisikal na kaanyuan ni Dan ang
tunay na ganda, ang gandang kakaiba, gandang di pa nadapuan ng lamok at langaw, ang kutis na sing puti
ng gatas at sing kinis ng marmol, at ang taglay niyang gandang tila isang anghel na bumagsak rito sa lupa.
Sa anong tono kadalasang pinapahayag ang mga patalastas kagaya ng gagawin ni Dan kung saan malaya
niyang ipinapahayag ang kanyang opinyon at paniniwala tungkol sa nasabing sabon?

a. Subhetibo c. Obhetibo
b. Mapanghikayat na tono d. Kapani- paniwala
20. Si Pet ay patuloy paring nanliligaw at naghihintay ng tamang panahon hanggang maging handa si Amy
sapagkat naniniwala siyang may mga bagay na karapatdapat paglaaanan ng oras at hintayin. Subalit si Det
naman ay sumuko na. Anong cohesive devices ang ginamit sa pangungusap?
a. Reperensiys c. Substitusyon
c. ellipsis d. Pigaw o Weak

II. PAGTAMBALIN (2 PUNTOS)


1. Ang champion detergent ay purong- puro at walang
halong hangin di tulad ng iba na kapag nilagay sa tubig ay
lumulutang. “Pagkat dito sa Champion, TAPAT PO SA
INYO” a. BANDWAGON
2. Ipinagmayabang ng KFC ang kanilang panibagong manok b. TESTIMONIAL
kung saan nagtataglay ito ng 0% Fat subalit di sakop ditto
c. PLAIN FOLKS
ang ibang sangkap na ginamit na pampalasa dito.
3. Paraan ng paghihikayat kung saan nararapat na maisulat d. ETHOS
ng malinaw at wasto ang mga imormasyon para mailabas e. PATALASTAS
na hitik sa kaalaman at mahusay ang sumulat.
f. NAME CALLING
4. Noong nakaraang eleksiyon maraming artista at popular
na tao ang umindorso kay Duterte para sa pagkapangulo g. GENERAL GLITTERING
at ito ay nakatulong rin sa kanyang pagkapabalo. h. GLITTERING GENERALITIES
5. Sa paggamit mo ng Dove, sa loob lamang ng pitong araw
ay “You will have a glowing skin that you like”
i. LOGOS
6. Paraan ng paghihikayat na tumutukoy sa iyong nadarama j. CARD STACKING
at nadaram ng iyong mamababasa. k. TRANSFER
7. Halos buong Pilipinas ay naranasan na ang malinaw na
palabas sa telebisyon gamit ang mahiwagang black box.
l. PATHOS
Ikaw? Kalian ka pa? Mag ABS- CBN TV Plus na. m. NAME CHANGING
8. WOW Ulam, “Kanin nalang ang kulang” – Coco Martin n. CARD STEALING
9. Ito’I isang paraan ng pangungumbinsi na nakabatay sa
patunay ng impormasyon ng manunulat
upangmakumbinsi ang mga mambabasa.
10. Marami Ang pinagdaan ni Manny Pacquiao bago maabot
ang tagumpay, dahil sa kanyang sipag at tiyaga at sa
tulong ng Alaxan FR ay nakayanan niya ang lahat ng
pagod at pananakit ng katawan hanggang sa tuluyang
nagging matagumpay siya sa buhay.

Basahing mabuti ang tanong kahit ikaw ay giniginaw at hindi makagalaw


Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw
At Iwasaan ang mga matang Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong ang nangongopya ay ikaw
Sapagkat kung mahuli kita ay sino paba
Ang luluha sa umaga para sa’ting dalawa

Inihanda ni: G. CYRUS L. GONZALES, LPT.


LIVING STONES INTERNATIONAL SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
MARKAHANG PAGSUSULIT
PAGBASA AT PAGSUSUSRI SA IBA’T – IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
FILIPINO XII- A

I. TITIK LAMANG ANG ISULAT 11.


1. 12.
2. 13.
3. 14.
4. 15.
5. 16.
6. 17.
7. 18.
8. 19.
9. 20.
10.

II. ISULAT ANG BUONG SAGOT (TITIK AT SALITA)


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

You might also like