You are on page 1of 3

WEEKLY HOME LEARNING PLAN

PAGBASA AT PAGSUSURI NG
Week Learning Area: IBA’T IBANG TEKSTO
Grade
12
Level
9 TUNGO SA PANANALIKSIK
Copper, Iron, Krypton,
Semester: Second Quarter: Third Seksiyon Neon, Platinum, Titanium

SUMMATIVE TEST

Pangkalahatang Direksiyon: Isulat sa Yellow Pad Paper ang mga sagot.

I. Pagbasa: Unawain ang bawat pahayag pagkatapos, isulat ang sagot sa yellow pad paper.

A. Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat
ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdaramayan. Ngayon ay
panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga banal at dakilang aral na magwawasak sa
masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga
Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa
bawat isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng
kamatayan na sa ati’y iniuumang ng mga kaaway.
Kaya, mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang
ating lakas sa tunay at lubos na pag-asang magtatagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng
bayang tinubuan.

1. Ang tekstong binasa ay __________.


a. Impormatibo b. Naratribo c. Prosidyural d. Persweysib
2. Ang layon ng teksto ay _________.
a. maglahad b. mangaral c. magproseso d. mangumbinsi
3. Sa kabuuan ng unang talata, anong salita ang paulit-ulit na ginamit upang ipahayag ang
intensiyon ng kahalagahan sa pagsasakatuparan ng kilos?
a. panahon b. dapat c. nang d. ngayon
4. Batay sa layon, anong impresyon sa mambabasa mayroon ang teksto?
a. Mapaniwalang hindi tayo bulag at dapat idilat ang mga mata
b. Magkaroon ng kagalingan at lakas ang tinubuang bayan
c. Maikintal sa isipan na may pag-asang magtagumpay at magkamit ng kaginhawahan ang
bayang tinubuan.
d. Magbubunga ng mabuti ang pagsasama-sama ng lahat para sa tinubuang bayan.

B. (1) “Ano pa bang ibinubulong mo?” (2) Hindi na niya narinig iyon. (3) Nabuwal siya. (4) Tumama
ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabitiwang balde. (5) Napasigaw siya. (6) Malakas. (7)
Napaluhod siya sa madulas na semento. (8) Kagyat na bumaha ng nakaliliyong dilim sa kanyang
utak.(9) Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. (10) Takot, nanginginig
ang kanyang daliri. (11) Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa… Mapula… Dugo!

5. Ang tekstong ito ay _________.


a. Deskriptiv b. Naratibo c. Prosidyural d. Persweysiv
6. Ang pangungusap bilang 2 at 3 ay nagpapahiwatig na _________.
a. Nagapi ng nagsasalita ang kinakausap c. Nagpambuno silang dalawa
b. Lumaban ang kinakausap d. Mas matipuno ang kausap
7. Napasigaw siya. Malakas. Mahihinuhang siya’y __________.
a. nabigla b. nasaktan c. nagapi d. nanlaban
8. Kagyat na bumaha ng nakaliliyong dilim. Ipinahihiwatig nitong siya’y nakadama ng__?
a.pagkalito ` b. pagkabagot c. pagkahilo d. pagkabigla
9. Basa… Mapula… Dugo! Layunin ng huling pangungusap na _________.
a. magpaliwanag b. maglahad c. maglarawan d. magsalaysay

1|4
10. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatibo maliban sa:
a. Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
b. Pag-uulat ng impormasyon
c. Pagpapaliwanag
d. Pagbibigay ng hakbang na kronolohikal
11. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensiyal at inilalahad nang buong
linaw at kaisahan.
a. Argumentatibo b. Deskriptibo c. Impormatibo d. Persuweysib
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatibo?
a. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatibo.
b. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga
tekstong impormatib.
c. Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na bakit.
d. Lahat ng nabanggit.
13. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, at
bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
a. Argumentatib b. Deskriptib c. Impormatib d. Persuweysib
14. Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o
paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay?
a. Deskriptib b. Impormatib c. Persuweysib d. Prosidyural
5. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos, at galaw sa
mga tiyak na panahon. Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunod-sunod.
a. Argumentatibo b. Deskriptibo c. Naratibo d. Persuweysib
16. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon
kung paanong isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
a. Deskriptibo b. Impormatibo c. Persweysib d. Prosidyural
17. Pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ang magpaliwanag sa mga mambabasa tungkol
sa anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Alin sa mga sumusunod na salita
ang hindi kabilang sa tekstong impormatibo?
a. Biyograpiya b. Encyclopedia c. Maikling Kuwento d. Papel Pananaliksik
18. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o
tahasang ipinaliwanag sa teksto.
a. Pagpapagana ng imbak na kaalaman
b. Pagbuo ng hinuha
c. Pagkakaroon ng mayamang karanasan
d. Wala sa nabanggit

II. PAGTATAPAT-TAPAT: Hanapin sa Hanay B ang salitang bingyang kahulugan sa Hanay A. Isulat
ang sagot sa Yellow pad.

Hanay A Hanay B

19. Ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang a. Name Calling


produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa
20. Ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian ng b. Plain Folks
produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi
magandangkatangian.
21. Mga kilala o tanyag na tao ay pinapalabas naordinaryong tao c. Bandwagon
na nanghihikayat sa produkto o serbisyo
22. Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa d. Glittering Generalities
isangprodukto o tao ang kasikatan
23. Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali e. Card stacking
sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na.
24. Kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nag- endorso ng f. Transfer
isang tao o produkto
h. Testimonial

2|4
III. Tama o Mali.
Isulat ang Tama kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng tekstong persweysib, Mali kung
hindi.
25. Layunin ng teksto ang mahikayat o makumbinsi ang babasa.
26. Nais nitong mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-akda.
27. karaniwang obhetibo ang tono ng tekstong persweysib.
28. Naglalarawan ito ngkatangian at kalikasan ng paksa.
29. Isinasaalang-alang nito ang uri ng mambabasa upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.

IV. Pagpupuno:
Punan ng wastong sagot ang bawat katanungan.

30. Layunin ng teksto ang mahikayat o makumbinsi ang babasa gamit ang mga datos o
impormasyong inilatag ng manunulat.
31. Nais nitong mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-akda
gamit ang opinyon o pagpukaw ng damdamin ng mambabasa.
32. Naglalahad ito ng mga kaalaman o impormasyong nagpapaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa isang paksa.
33. Naglalahad ito ng pagsasagawa ng isang bagay.
34. Ito Ay parang pakikipagdebate nang pasulat.
35. Layunin nitong magsalaysay ng mga pangyayari, may tauhan, tagpuan, at banghay na
sinusunod.

V. Pang-abay at Pang-uri
Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pang-abay at pang-uri at isulat ang sagot sa yellow pad.

36. Ang pag-unlad ng kanilang naghihirap na nayon ay __________ ibinalita ni Amelia sa kanyang
kamag-aaral.
37. Ayon sa nanghihinayang na matatanda, muling gaganda ang ngayo’y __________ nang kapaligiran
kung paiiralin lamang ng tao ang disiplina sa sarili.
38. Halos tumulo ang luha ng mga mamamayang nasalanta ng bagyo nang _______ ipinagkaloob ng
akalde ang kanyang personal na tulong.
39. Hindi maiiwasan na hindi mainis ang mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan dahil sa
__________ na usok na ibinubuga nito.
40. Dumating na __________ ang magkapatid na Alex at Atoy dahil sa haba ng kanilang nilakad bunga
ng malakas na ulan.
41. Nagtungo si Kadyo sa kanilang punong barangay at __________ na sinabi na kailangang lagyan
ng ilaw ang poste sa kanilang lugar.
42. Ayaw ng maalaala pa ni Kulas ang __________ na pangyayari sa kanilang buhay.
43. Maligayang-maligaya si Perla nang maging __________ ang kanilang barangay dahil sa pagsisikap
ng kanilang konsehal.
44. Hindi malaman ni Jose kung paano sisimulan ang paghingi ng tulong sa __________kapitbahay.
45. Nababalisa ang mga mamamayan dahil sa mga kaguluhang nagaganap at paglahok ng mga
__________ mangangalakal sa usapin ng kilos-protesta.

mayayamang nakalulungkot ipinagmamalaking

maitim lulugu-lugo pagalit

masungit buong-pusong maliwanag

pangit

Reperensya:

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Quezon City: Phoenix Publishing
House, 2017
Marquez, Servillano Jr. T. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: SIBS Publishing House, Inc. 2017

3|4

You might also like