You are on page 1of 3

Activity Guide No.

Topic: Proseso ng Mabisang Pagpapahayag at Tayutay

Ayon sa napag- aralan sa ikalawang modyul. Sagutan ang mga


sumusunod na Gawain o pagsasanay batay sa ating naging talakayan sa
ikalawang paksa. Basahing mabuti ang bawat panuto sa bawat Gawain upang
magawa ng ayos ang ibinigay na mga Gawain. Ipasa ang mga Gawain sa
tamang oras at huwag gayahin ang sagot ng iba.

PAGSASANAY 2.1

Panuto: Gumawa ng isang malikhaing komposisyon sa anumang paksa tungkol


sa iyong sarili at gamitan ito ng iba’t ibang uri ng tayutay.

“Sumisimbolo sa pagiging ako”

Bawat tao ay may kanya kanyang katangian, ang ilan ay mabuti at ang iba naman ay hindi
kagandahan. Ang mga katangiang ito ay mga bagay na nagrerepresenta ng ating pagkatao.

May mga bagay na tumutugma sa kalakasa’t kahinaan ng bawat nilalang sa mundong ito. Ikaw ba
ay isang punong matatag o isang kutsilyo buhangin na madaling mabuwag. Isang hayop na takot
o duwag? O tulad ng isang sirang bagay na hindi na muling maaayos pa?

Ako,sino nga ba ako? Ano nga ba ako? o mas magandang itanong na ano-ano nga ba ang
sumisimbolo sa pagiging ako o naglalarawan sa aking sarili.

Para sa akin may isang bagay na talagang maihahalintulad ko sa aking buhay at pagkatao. Bilang
isang bagay maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang libro. Sa bawat pahina ng libro ay may
iba’t ibang kwento ang iyong malalaman, mga pagsubok na pagdaraanan ngunit iyong kapupulutan
ng aral. Bukas ako sa lahat ng taong gustong malaman ang aking kwento at gusto akong mas
makilala pa. Bilang isang libro, ako yung tipong walang pabalat dahil wala akong tinatago at totoo
ako sa aking sarili. Kung ano ako sa paningin nyo, yun talaga ang totoong ako. Hindi ako yung
librong may plastic cover na nagiging maganda lang sa paningin ng iba dahil nakabalot sa plastic.
Maluma man o masira ang panlabas na anyo, hinding hindi magbabago ang nilalaman nito.

Isa rin akong paro paro sapagkat para sa akin paru-paro ang isa sa sumisimbolo sa aking buhay.
Dahil tulad ng paru-paro malaya kong nagagawa ang aking gusto at tulad din ng lipad nila ang
aking pangarap alam kong mataas ngunit kung pagsusumikapan ay hindi imposibleng maabot ito.

Rubrik para sa Pagsasanay 1


Kraytirya 5 3 2
Nilalaman Kompleto at may Hindi gaanong Hindi kompleto at
kaangkupan ang kompleto at may ilan sa nilalaman
nilalaman kaangkupan ang ay walang
nilalaman kaangkupan

Malikhain na Malikhain ang Hindi gaanong Hindi gumamit ng


paggamit ng pagkakabuo ng malikhain at hindi mga tayutay
tayutay komposisyon at gaanong ginamit
ginamit ang mga ang tayutay sap
tayutay sa tama ag sipi.
Kaayusan at Wasto ang mga Wasto ang mga Hindi masyadong
katugmaan ng ginamit na salita ginamit na salita wasto ang
pagkakabuo ng at may kaayusan ngunit may ilang ginamit na mga
talata. ang pagkakabuo magulo sa salita at magulo
ng talata pagkakabuo ng ang pagkakabuo
talata ng talata

PAGSASANAY 2.2

Panuto: Magbigay ng tig- tatlong halimbawa ng salawikain, sawikain, kasabihan


at idyomatikong pahayag.

Salawikain

1. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.

2. Magbiro kana sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

3. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Sawikain

1. Nagsusunog ng Kilay

2. Butas ang bulsa

3. Agaw-buhay

Kasabihan
1. Kapag may isinuksok, may madudukot.

2. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin.

3. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.

Idyomatikong Pahayag

1. Nagmumurang kamyas

2. Suntok sa buwan

3. Di mahulugang karayom

You might also like