You are on page 1of 23

Magandang

araw!
sssssss
EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 8
MGA GABAY
1. Makinig sa guro sa lahat ng oras.
2. Maging aktibo sa pakikibahagi sa
talakayan at mga gawain sa klase.
3. Sundin ang lahat ng panuto at
alituntunin ng guro sa paggawa ng
gawain.
4. Siguraduhing di naka ON ang mic
kapag ang guro o kaklase ay
nagsasalita.
Mga Kasanayan sa Pampagkatuto (MELCs)
 
1. Nakikilala ang:
a) kahalagahan ng katapatan;
b) mga paraan ng pagpapakita ng katapatan;
c) bunga ng hindi pagmamalas ng katapatan.

2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga


kabataan sa katapatan.
Panuto:

Sabihin ang TAMA kung sang-ayon ka


  sa pahayag na nababasa mo o naririnig
bawat bilang at MALI naman kung hindi
ka sang-ayon.
1. Ipagpaalam sa magulang ang mga pupuntahan kasama ang mga kaibigan lalo
kung hindi ito kabisado ng mga magulang kung saan.
 
2. Ipinauubaya ko sa aking kapatid ang paggawa ng pangkatang proyekto namin
upang maayos ang ipapasa namin sa aming guro.
 
3. Sa katapusan pa naman ipapasa ang aming proyekto sa EsP kaya hindi ko na
muna ito gagawin. Uunahin kong mag level-up sa laro sa cellphone ko.
 
4. Bilang kagrupo ng aking mga kaklase, kung may kakayahan ako at gamit,
makikipag-usap ako sa kaklase ko upang makipagtulungan sa mga gawain namin.
 
5. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at pagkilos ng wasto o tama
kahit walang nakatingin ay pagiging tapat sa sarili at sa kapuwa.
Para sa natitirang bilang, piliin ang letra ng pinakatamang sagot sa mga
sumusunod:
6. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at pagkilos ng wasto o
tama kahit walang nakatingin ay pagiging _____.
A. matapat C. mabait
B. masinop D. masipag
 
7. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, maliban sa _____.
C. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
D. paggawa ng mga gawain at hindi ito ipinapagawa sa iba
E. hindi pakikiisa sa mga pangkatang gawain at proyekto
F. pagtupad ng ipinangako o sinabing gagawin na mag-aaral
 
8. Naipakikita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung _____.
G. kinokopya mo lang ang sagot sa gawa ng iba
H. ipinapagawa mo ang lahat sa mga kapatid
I. nagsisikap kang matuto kahit nahihirapan
J. hinahayaan na lamang na hindi mag-aral
 
 
9. Ang dapat mong gawin sa prinsipyo o kasabihang “Honesty is the Best Policy” ay
_____.
A. kabisaduhin C. isapuso at isakilos
B. saulohin D. tignan at basahin
 
10. Naatasan ka na maging lider ng pangkatang gawain kasama ang kamag-aaral
na kapitbahay mo. Hinayaan mo na lamang siya sa ibinalitang tumulong siya sa iyo
kahit naman hindi.
A. Itatama mo siya sa kaniyang ipinamamalita.
B. Okay lang, hayaan na lamang siya.
C. Aawayin mo sa harap ng mga kaklase mo.
D. Walang masama
ARALIN

13-1

KATAPATAN MO,
IPAKITA MO!
Ang katapatan ay pagpili na hindi magsisinungaling, mandaya o
manloloko sa anumang pamamaraan.
Subukan ang pagkakaintindi sa katapatan sa simleng gawain
sa ibaba:

Ang isang tao ay may isang salita kung…


1.__________________________________________________
______

2.__________________________________________________
______

3.__________________________________________________
______

4.__________________________________________________
______

5.__________________________________________________
______
Basahin ang sumusunod na banal sa salita mula sa Bibliya at sundan ang mga sumusunod na bahagi para sa iyong
pag-aaral sa Modyul na ito. Isaisip, isapuso at isagawa ang katapatan sa kapuwa.

“Huwag kayong
magnanakaw; o
mandaraya; o
magsinungaling sinuman
sa kapuwa...”
Leviticus 19:11
Pamprosesong Tanong:
Paano mo isinasabuhay ang Banal na Utos na ito
ng Panginoon? Pagnilayan at manalangin bago
matulog sa gabi sa araw na ito. Pagpalain ka nawa ng
Panginoon, ngayon at magpakailan man.
Ano ba ang Katapatan?
Ang katapatan naman ay maihahalintulad sa
pagiging totoo. Ibig sabihin din nito ay hindi
nagsisinungaling ang isang tao. Kagaya ng
integridad, ang isang taong may katapatan ay ayaw
ding gumawa ng mga bagay na sa tingin niya ay mali.
 
Ang katapatan ay isang katangian at pamumuhay
sa kaliwanagan o katotohanan. Ang isang katuturan
dito ay ang kagalingan sa moral, pagiging ganap,
kawalang-kapintasan at kawalang-pagkukulang.
Paano isasabuhay ang katapatan?
1. Kailangang tanggapin ng isa na ang katapatan ay
isang katangian na nagmumula sa Diyos kung
kaya hindi binibigyang kahulugan ng bawat
indibiduwal. Kundi, tinatanggap natin ito bilang
kung ano ang pagpapakahulugan ng isa na
pinagmulan ng katapatan ay ang Diyos. Mayroon
itong hindi nagbabagong pamantayan kahit anong
edad, kasarian, lahi o kapanahunan.
2. Makatutulong ang pagiging sensitibo sa iyong
pananagutan. Kapag nauunawaan mo ang iyong mga
dapat gawin bilang lingkod ng Diyos, pagiging asawa
o anak, pagiging estudyante o empleyado, pagiging
nasa batas o gobyerno ay mapapakilos kang gawin ito
ng buo kaya anupat iniiwasan ang kalikuan sa mga
proseso nito.
3. Umibig at patuloy na ituring na ang katapatan ay
buklod ng pag-ibig at pagkakaisa. Kung mahal mo
ang iyong pamilya, kaibigan at kapuwa, malilinang
mo ang katapatan at maiiwasan mong gumawa ng
mali ni magsinungaling man. Dahil ayaw mo silang
saktan, mangahulugan man ito ng pagsasakripisyo
sa bahagi mo.
Mga ilang simpleng paraan ng pagpapakita ng pagiging tapat:

1. Ang hindi pagsisinungaling sa ibang tao.


2. Ang pagsasabi ng katotohanan.
3. Ang hindi pangongopya sa pagsusulit o anumang iba't ibang klase ng
pangongopya sa gawa at likha ng iba.
4. Ang hindi paggamit ng mga kodigo tuwing may pagsusulit sa paaralan.
5. Hindi pagnanakaw o pangungupit sa mga bagay na hindi ikaw ang
nagmamay-ari.
6. Ang hindi pagsuway sa mga utos ng mga magulang.
7. Ang pagtitiwala sa sarili.
8. Ang hindi pagtatago ng iyong nararamdaman at pagsasabi ng tunay na
nararamdaman.
9. Ang hindi pangloloko sa iba't ibang pamamaraan sa iyong kapuwa o sa
ibang tao.
Ang mga kahalagahan ng pagiging matapat:
1. Mahalaga ang pagiging matapat sapagkat kung matapat ka
sa isang tao ay susuklian karin nito ng katapatan.
2. Mahalaga ang pagiging matapat sapagkat madali mong
makukuha ang pagtitiwala ng nakararami.
3. Mahalaga ang pagiging matapat sapagkat ito ay
nagpapakita ng kabutihang asal na tutularan ng iba.
4. Ang pagiging matapat ang nagiging daan upang
magkaroon ng matibay na relasyon ang bawat isa.
Ang katapatan bilang isang pundasyon ng
integridad
Mahalaga ang katapatan para sa integridad ng isang
tao. Ang katapatan kasi ay isang moral na birtud na
nakikita sa tao ng kaniyang kapuwa.
Ang integridad ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng karangalan, ang pagkakaroon ng
prinsipyo, katangiang buo at solido, ang pagiging tapat
at sumusunod sa katangiang Moral.  
WRITTEN WORK
(Para sa Modula
r
at Online)
Panuto: Basahin ang sitwasyon at gawin ang isinasaad dito.
Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang batayan sa pagsulat ng iyong sariling talumpati.
 
Mga Pamantayan 4 3 2 1
Wasto ang balarila Wasto ang balarila May pagkakamali sa Maraming
ng buong akda. ng malaking balarila na pagkakamali sa
bahagi. nakakaapekto sa balarila na
Kawastuhan bias ng akda. nakakaapekto
nang labis sa bias
ng akda.

Lohikal ang buong Lohikal ang Lohikal ang malaki- Lohikal ang ilang
akda. malaking bahagi ng laking bahagi ng bahagi ng akda.
Kaayusan akda. akda.

Lohikal at masining Masining ang Paggamit ng ilang Hindi gumamit ng


ang paggamit ng paggamit ng mga mga salita na siyang mga ordinaryong
mga salita. salita sa nakakahalina. salita na
pagkakasulat ng nakahahalina
Estilo o Dating
akda na siyang
nakakahalina.

Kabuuang Puntos:
Maraming Salamat
sa pakikinig!

You might also like