You are on page 1of 2

Pangalan: Reilyn Grace Dizon

Filipino 3 (Retorika) Prop. John Carlos D. Evangelista

Gawain 1 (Pagsulat ng Sanaysay)

Pasulat man o Pasalita: Retorika, ano ang Iyong Halaga?


Kadalasan sa paglalahad ng damdamin ay sa paraang pagsasalita at pagsulat.
Sila ang dalawang may angkop na layunin tungo sa mabisang pagpapahayag. Sa
aspeto ng buhay, napakalawak pa ng ating maaring gawin lalo sa ating wika at kung
paano natin ito maipapahayag. Mayroon tayong nakikita na mga simbolo ngunit para
saan at paano nga ba natin sila mapapalaganap? Alam naman natin na lahat tayo ay
may likas na kakayahang makapagsalita at makapag-lahad ngunit paano nga ba ito
nagagamit nang husto sa bawat kursong mayroon ang isang mag-aaral? Bukod sa
ibang kurso sa kolehiyo, ang Sikolohiya ay isa sa mga nagtataglay ng kaugnayan sa
kahalagahan ng retorika.

Ang paggamit ng retorika ay maaring pasalita o pasulat. Napaka-importante ng


pagiging bihasa sa pakikipagkomunikasyon sa kursong ito. Sa pag-aaral ng retorika
sa kursong Sikolohiya, isinasaalang-alang na maunawaan ang mga tao at
pahalagahan na lahat tayo ay magkakaiba sa napakaraming paraan. Sinisigurado
ang kahalagahan ng dayalogo na makatutulong upang magkaroon ng pagbabago sa
damdamin, kilos, at kaisipan. Sa kursong ito, napakahalaga ng kooperatiba mula sa
tagapagsalita at tagatanggap ng salita. Dito ay kinakailangan ng kolaborasyon ng
tagapagsalita at tagapakinig upang mas magkaroon ng bisa ang ipinapahayag. Mas
maiaayos din natin kung paano magkaroon ng koneksyon upang sila ay magkaroon
ng tiwala. Alinsunod para matagumpay na maisagawa ang koneksyon, tinuturo sa
mga estudyante ng Sikolohiya ang tamang istilo ng pagpapahayag. Hindi maaaring
basta-basta ang sinasabi. Kinakailangang pinag-iisipan ang bawat salitang
sasambitin sa kapwa upang matagumpay na magkaroon ng pag-uusap sa dalawang
panig at matulungan na mabago. Hinihikayat din dito na magkaroon ng kaalaman
kung paano basahin ang walang malay na pinagbabatayan na siyang makakatulong
sa isang tao na maunawaan kung ano ang nangyayari sa isang pakikipag-ugnayan sa
komunikasyon, sa parehong panig ng pagpapadala at pagtanggap. Kung pasulat
naman ay nagkakaroon din ng koneksyon ang paggamit ng retorika sa pagsisiyasat o
paggawa ng mga pananaliksik o literatura sa Sikolohiya. Inilahahad ng bawat
mananaliksik ang intensyon nitong matulungan ang ibang tao sa pamamagitan ng
pagsusulat ng panibagong kaalaman sa masining na paraan upang tangkilikin at
gamitin pa muli ito sa susunod na henerasyon.

Retorika sa Sikolohiya ay napakahalaga lalo sa pakikipag-usap, pagtulong sa


pagbabago ng damdamin at kilos, at lalo sa paggawa ng iba’t ibang literatura at
pananaliksik. Pasalita man o pasulat, nararapat pa rin nating alalahanin kung paano
natin ito maipapahayag nang maayos at kaakit-akit upang tayo ay pakinggan at
basahin. Malalim na kaalaman sa retorika ang dapat nating pagtuunan ng pansin
sapagkat dito nagsisimula ang proseso ng pagiging isang magaling at mahusay na
SIkolohista sa sarili, komunidad, at bansa.
PANUTO: Sumulat ng isang sanaysay (essay) ukol sa Kahalagahan ng Retorika sa
iyong kurso.
1. Ang sanaysay na isusulat ay may 3 bahagi: Simula, Gitna, at Wakas.
2. Isang pahina lamang.
3. May masining na pamagat.
4. Pormal na wika ang gagamitin.
5. Arial, 12, justified, short bond paper.
6. Babasahin sa klase sa susunod na pagkikita ang sinulat na sanaysay.
7. Sakaling gagamit ng sanggunina, APA Format (7th Edition) ang gamitin.

PARAAN NG PAGMAMARKA SA PAGSASALAYSAY

Pamantayan 4 3 2 1

Nilalaman Mahusay at Magaling ngunit Hindi gaanong Walang kaalaman


malaman na limitado lamang natalakay ang sa paksa kaya
natalakay ang ang pagtalakay ng paksa. hindi ito
paksa. paksa. natalakay.

Organisasyon Mahusay ang Magaling na Kulang sa Magulo ang ideya


pagkakaayos ng naisayos ang ideya pagsasaayos ng at hindi lohikal
ideya at lohikal na ngunit hindi ideya ngunit hindi ang mga
pagkakasunod-sun gaanong lohikal na lohikal ang pangungusap.
od ng pagkakasunod-suno pagkakasunod-suno
pangungusap. d ng pangyayari. d ng pangyayari.

Kaangkupan Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi gaanong Walang


ng Gamit ng ang mga ginamit ginamit na salita at angkop ang mga kaangkupan ang
Salita na salita at may may kaugnayan sa ginamit na salita at mga ginamit na
kaugnayan sa paksang tinalakay walang gaanong salita at walang
paksang tinalakay kaugnayan sa kaugnayan sa
paksang tinalakay paksang tinalakay

Kawastuhan Walang makikitang May ilang Maraming Mali ang balarila


ng Balarila mali sa balarila ng makikitang makikitang ng sanaysay
sanaysay kamalian sa balarila kamalian sa balarila
ng sanaysay ng sanaysay

You might also like