You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANGAN

Akademik
ARALIN 2
Bb. Roan O. Sakay, LPT

Pangalan: Faustino, Aicah Yurysh F. Iskor:__________________


Petsa: Sep 12, 2023

Suring Basa (Pagsusuri ng Pampanitikan

Panuto: Basahin at suriin ang “Ang Ningning at Ang Liwanag” na isinulat ni: Emilio
Jacinto at sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang iyong binasa?


Ang akdang ito ay isang uri ng sanaysay.
2. Paano binigyang larawan ang salitang Ningning sa akda?
Sa akda, ang terminong "Ningning" ay inilalarawan bilang matinding sinag o kinang, na
nakakasira at nakakasilaw sa ating paningining. Ginagamit ito upang mailarawan ang pandaraya
at panlilinlang ng mga taong may mataas o nakakasilaw na pwesto at kapangyarihan sa lipunan.
3. Paano naiba ang Liwanag sa Ningning buhat sa akdang iyong binasa?
Sa pagbasa ng akda, napagtanto ko ang pagkakaiba ng dalawa, Ang ningning at ang liwanag.
Ayon sa akda, ang liwanag ay kailangan natin upang mapawi ang dilim at tulungan ang ating
mata upang tayo ay makakita. Ito ay isinulat sa pag-asang maimumulat ng mga pilipino ang
kanilang mga mata sa katotohanan. sapagkat isinasantabi natin o nag bubulabulagan tayo sa
katotohanan at sa reyalidad, dahil tayo ay nasisilaw ng ningning. Ang ningning naman ay
kabaliktaran ng liwanag. Ito ay madaya at mapanlinlang. Tulad na lamang ng pag tataas noo natin
sa mga nakaupo sa gobyerno na may mataas na pwesto at kapangyarihan. Tayo ay nasisilaw sa
kanilang magagarang sasakyan at magagandang kagamitan at nakakalimutan na natin na tayo rin
ay may karapatan. Hinahayaan nalang natin na madaya tayo ng kanilang makinang na salita na
nagtatakip ng katotohanan at pag nanakaw mula sa bulsa nating mamamayan.

4. Bilang mag-aaral ano ang iyong pipiliin ang Ang Liwanag o Ang Ningning? Bakit?
Bilang mag aaral, ang aking pinipili ay ang liwanag na makatutulong sa akin upang suriin ang
tama at ang katotohanan. Sapagkat sa panahon ngayon mahirap nang kilatisin ang totoo sa
kasinungalingan. Marami ang kumikinang na mapanlinlang, lalo na ang mga nakakataas at
mayroong pwesto sa gobyerno. Ang pangako ay tutulungan makaangat tayo, ngunit sila mismo
ang mga kumukupit sa mga tao.
5. Sa paanong paraan makakatulong ang pagkakaroon ng malawak na pananaw sa isang bagay?
Makakatulong ang pagkakaroon ng malawak na pananaw sa isang bagay sa pamamagitan ng
pagbibigay sa atin ng kakayahang suriin ang tama, nararapat at ang katotohanan. Mas obserbahan
at mas maintindihan natin ang mga bagay at pangyayari sa lahat ng bagay o aspekto ng buhay. Sa
pamamagitan nito, Mas makakamit natin ang tapat at maayos na pamumuhay ng may kaalaman at
katarungan.

PAMANTAYAN 5puntos 4puntos 3puntos

Paglalahad Maayos na nailahad Nailahad ngunit may Nakapaglahad


ang gustong sabihin ilang detalye na hindi ngunit maraming
sa isinulat naging maayos detalye ang kulang
Nilalaman Malinaw at Malinaw na naibigay Mayroong
kumpleto naibigay ang kaisipan kakulangan sa
na kaisipan nilalaman
Gamit ng Wika Walang maling May ilang salita ang Hindi nakikitaan ng
pang-gramatika at mali ang kalinawan sa
malikhain ang pagkakagamit ng pagpapahayag ng
paggamit ng mga gramatika kaisipan.
salita.
Istilo Ang ginamit na Ang ginamit na istilo Ilan sa mga salita
istilo ay ay malinaw subalit ay hindi malinaw.
napakalinaw at hindi gaanong
gumamit ng mga nakagamit ng
malikhaing salita malikhaing salita.

You might also like