You are on page 1of 11

RETORIKA

Pinagmulan at Katuturan:

Ang salitang Retorika ay galing sa salitang Griyego na Rhetor na nangangahulugang guro o maestro o
mahusay na mananalumpati o orador.

Bilang isang disiplina ng pag-aaral, ang Retorika ay tumutukoy sa agham at sining ng pagpapahayag
maging pasalita man o pasulat sa tulong ng wasto at makabuluhang gamit ng wika, kaagapay ng
masining at mabisang estilo ng pagpapahayag.

Masining ang pahayag kung ang daloy ng mga pangungusap sa pagpapahayag sa kabuuan ng teksto ay
mabisa, malinaw, kaakit-akit at epektibo sa mambabasa. Ang katuparan ng lahat ng ito ay kaakibat ng
tamang gramatika/balarila gayundin ang kaangkupan ng mga salitang ginagamit sa pagpapahayag.

Sa uring ito ng pagpapahayag, nagbibigay linaw at kariktan ang paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay,
panganagatwiran at iba pang isyung isinulat.

Ang RETORIKA ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa, at kaaya-ayang pananalita
sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig o nagbabasa.

Ang BALARILA ay may kinalaman sa kawastuhan ng mga tungkulin ng mga salita at kani-kanilang
ugnayan sa loob ng pangungusap.

Samakatuwid, dalawang kawastuhan ang kailangan sa pagpapahayag: kawastuhang pambalarila at


kawastuhang panretorika.

Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, dalawang sangay ng karunungan ang nararapat na pagsanayan ng
mga pag-aaral ng mga uri ng salita at kanilang tamang gamit at pagkakaugnay-ugnay kapag ginagamit sa
pagpapahayag ng kaisipan.

Samakatuwid, ang sining ng pagpapahayag ay naipapamalas sa mabisang paglalakip ng gramatika at


retorika sa pangungusap.

Kahalagahan ng Masining na Pagpapahayag

1. Nakapagpapayaman ng kaisipan ng sinumang mambabasa.

2. Nakagagamot ng kabagutan sa mambabasa.

3. Nakapupukaw sa kawilihan ng mga mambabasa.

4. Nagsisilbing instrumentong panggising sa mambabasa dahil napupukaw ang kakayahang iugnay


ang dating alam sa bagong natutuhan.

5. Nasasalamin dito ang pagkatao ng manunulat.

6. Isang maganda at malusog na ehersisyo ng utak.


7. 7. Handog ay kagaanan sa pagbabasa ng mambabasa dahil sa maayos na pagkakalahad.

8. 8. Nakatutulong na madebelop ang kasanayan sa masining na pahayag.

Pamamaraan sa Masining na Pagsulat ng Pahayag

1. Magkaroon ng maraming artikulong binabasa na mapaghahanguan ng kaisipan.

2. Sanayin ang sarili sa palagiang pagsusulat ng iba’t ibang artikulo.

3. 3. Makipagpalitan ng kaisipan sa iba/kapwa upang yumaman ang sariling kaisipan/ideya.

4. 4. Maglaan ng oras sa panonood sa telebisyon, sa mga pelikula, sa mga panooring pang


entablado at iba pang mapaghahanguan ng kaisipan.

5. 5. Maglakbay at maging sensitibo sa pag-oobserba ng paligid.

6. 6. Mag surf sa internet upang makapangalap ng maraming impormasyon sa larangan ng


pagsusulat.

7. 7. Panghawakan ang emosyong nasa mataas na lebel na maging hanguan ng paksang isusulat.

APAT NA URI NG PAGPAPAHAYAG AYON SA HANGARIN:

1. Paglalarawan o Deskriptibo

Ang hangarin nito ay maipakilala ang isang bagay sa pamamagitan ng itsura, laki, hugis, kulay,
katayuan, at iba pa.

2. Pagsasalaysay o Naratibo

Ang hangarin nito ay pag-ugnay-ugnayin at pagsunud-sunurin ang mga pangyayari upang


makabuo ng isang salaysay o kuwento.

3. Paglalahad o Ekspositori

Ang hangarin nito ay maipaliwanag at magbigay-linaw; sagutin ang napakaraming katanungang


umuukilkil sa isip ng tao.

4. Pangangatwiran o Argumentatibo

Ang hangarin nito ay mapaniwala at mahikayat ang kabilang panig sa panig ng nagmamatuwid.
RELASYON NG BALARILA AT RETORIKA:

Nagbibigay-linaw , bisa, at kagandahan sa pahayag ang retorika, samantalang nagdudulot ng


kawastuhan sa pahayag ang balarila.

SINING NG PAGPAPAHAYAG

1. Pagbuo ng Pahayag

Ang pahayag ay binubuo ng ng mga salita, parirala, pangungusap, at mga talata. Ang sining ng
pagpapahayag ay naipakikita sa kakayahan at kadalubhasaan sa paggamit ng tamang mga salita at
parirala sa loob ng pangungusap batay sa kahulugan at damdaming ibig ipaabot sa kinakausap o
sinusulatan.

Tatlong bagay na dapat isaalang-alang upang matamo ang kalinawan sa pahayag:

a. Ang Diwa

Ang diwa ang siyang mensahe o nilalaman ng pahayag. Dapat na maging tiyak ang mensahe o paksa ng
pahayag. Kailangang ang diwa, kung hindi man ganap na bago, ay nagbibigay naman ng bagong
impormasyon at karagdagang kasanayan ay kaalaman sa mga nakikinig o nagbabasa ng pahayag.

b. Kasanayan sa Pagbuo ng Pahayag

Humihingi ng kaaalaman o kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat at pagsasalita ang kasanayan sa pagbuo


ng pahayag.

3. Kahusayang mamili ng mga salita

Totoo na natural sa tao ang makapagsalita. Ngunit totoo rin na may mahusay at di mahusay na
magsalita. Bakit inaantok tayo kapag siya ay nagsasalita? O bakit kahit na anong pag-unawa ang gawin
natin sa sinasabi niya ay hindi natin maagap ang ibig niyang ipabatid?

Maaaring maging tama ang mga gamit ng mga salita sa mga pangungusap ngunit kung salat ito sa pang-
akit, maaaring hindi rin magiging mabisa ang pahayag. Nakaaakit pakinggan at basahin ang pahayag na
maayos ang pagkakabuo at maganda at tama ang mga salitang ginamit.

Salita

Nagtataglay ng kaisipan kapag napasama sa ibang may kanyang taglay ring kaisipang makakaugnay.

Parirala

Lipon ng mga salitang binubuo ng pag-ugnay at ng pinakalayon nito na nag-aangkin din ng sariling diwa o
kaisipan.
Pangungusap

Binubuo ng mga parirala na ang kaisipang taglay ay magkakaugnay upang magpahayag ng bahagi o
kabuuan ng isang palagay.

Talata

Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng
isang buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.

Bahagi ng Talata

1. Panimulang Pangungusap

Nagsasaad kung anong mga pangungusap ang susunod at ang pangungusap na ito ang tumatawag ng
pansin sa bumabasa.

2. Gitnang Pangungusap

Mga pangungusap na magkakaugnay na sumusunod na panimulang pangungusap.

3. Pangwakas na Pangungusap

Nagbibigay ng buod ng talata o nagbibigay ng opinyon sa paksa ng talata.

2. Ukol sa Simula ng Pagpapahayag

a. Kaisahan

Upang matawag na talata ang pangkat ng mga pangungusap, kailangang ito ay umiikot sa iisang
pangkalahatang ideya. Kailangan may pangungusap na pamaksa na siyang nagsisilbing giya o patnubay
sa pagbuo ng susuportang mga pangungusap.

Halimbawa:

Matagal nang nakatayo si Mang Lope sa tabi ng kanilang bintana ay hindi pa rin siya mapalagay.
Dumukot siya sa kanyang bulsa at nagsindi ng sigarilyo. Pagkatapos, naupo siya sa bangkong dahilig.
Nakalarawan pa rin sa kulubot na niyang mukha ang sigarilyong nakaipit sa kanyang daliri.

b. Kaugnayan

Kailangang magkaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng duwa buhat sa simula
hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangang nasa maayos na pagkakahanay ang mga pangyayari o ang
diwang ipinahahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay-ugnay.
1. Paggamit ng tradisyunal na mga salita o mga pangungusap gaya ng; at,kapag, sana, dahil sa, sapagkat,
ngunit, bagaman, samantala, anupa’t, kung gayon, samakatuwid, gayon pa man, sa kabila noon at
marami pang iba.

Halimbawa:

Kung hindi man kabibe ang pinagkakaabalahan nila sa dalampasigan, naghuhukay sila ng halamis sa
talpukan, o kaya’y gumagawa ng kastilyong buhangin, o kaya’y nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi
nangungubli sa kanilang malalim sa na lungga ay lumulusong sa talpukan at bumabaon sa buhangin.

Ngunit hindi lamang iyang ang kanilang ginagawa: naghahabulan, at kapag nahahapo na, nahihiga rin
sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatayo,
magkakatinginan sila.

(Mula sa Bagong Paraiso ni Efren G. Abueg)

2. Paggamit ng panghalip

Kung pangngalan ang ginagamit sa unang pangungusap o sugnay, panghalip ang maaaring gamiting
kahalili ng pangngalang nabanggit sa mga sumusunod na pangungusap. Ginagawa ito upang hindi ulit-
ulitin an nasabing pangngalan at upang ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa tinutukoy ng
panghalip. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng kawil o ugnayan ang diwa ng mga pangungusap sa talata.

Halimbawa:

Sa pagiging pastol o anluwagi, hindi niya alam ang pipiliian. Sa sarili’y alam niya: kinawiwilihan niya ang
pagpapastol ng tupa, kinawiwilihan din niya ang pagkukumpuni ng bahay. Ngunit isang gabi’y dumalaw
sa kaniyang pagkakatulog ang isang pangarap: Ikaw ay dapat na maging anluwagi, at sa pamamagitan ng
iyong lakas at tumulong ka sa pagpapatayo ng mga tahanang sa Belen. Naulinigan niya iyon, ulit at ulit,
sa kaniyang pagkakatulog. At nang mamulat siya ay wari pa niyang naririnig: Pinagpala ka ng Diyos upang
magig anluwagi.

3. Paralelismo o paggamit ng magkakatulad na balangkas pambalarila sa mga pangungusap sa loob ng


talata upang magkaroon ng pagkakaugnay-ugnay.

Halimbawa:

Ang kanyang sarili’y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa sa ibayo,
samantalang siya’y hindi nagkakaroon hanggang ngayon, ng kahit isa man lang.

Ito’y katanungang sumasaklaw nang malaki kapang sasaklaw niya ang titig ang gawing hilaga ng ilog:
doon ay may punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan, may mga bagay na nagagandahan, mga
barko, ngunit sa gawing timog – sa kanilang pook – ay mga bahay pawid na naglawit sa ilog, bangkang
maliliit, mga manggagawa.

(Mula sa Ang Mangingisda ni Pablo Bautista)


c. Kaanyuan o Kabuuan

Ang mabuting talata ay naglalaman ng kompletong kaisipan. May pagbibigay-katwiran, paliwanag,


pangangatwiran at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon, halimbawa, pagwawangis, pagtutulad, at pag-
iiba, pagsusuri, mungkahi, talinghaga, at mahahalagang sipi.

MGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG

MGA URI NG SALITA AYON SA BIGKAS AT KAHULUGAN

Tanda ng kaalaman ang wastong paggamit at pagbigkas ng mga salita. Bawat salitang ginagamit sa
pagsasalita at pagpapahayag ay dapat na isaalang-alang upang maipaabot nang mabisa ang kaisipang
nais nating ipabatid sa ating kapwa.

a. Uri ng mga Salita sa Bigkas

Sa pagbigkas ng mga salita, mayroon tayong iba-ibang uri: bigkas mangmang, bigkas lalawigan, at bigkas
Pambansa. (Dr. J.V. Panganiban)

1. Bigkas Mangmang

Binibigkas ito ng mga taong mangmang o walang alam, ng mga nakatira sa mga malalayo at liblib na
pook, wari’y malalayo sa kabihasnan.

Halimbawa:

Tarak – trak (truck)

Asan – nasaan

Andon – naroroon

Me-are – may-ari

Ang mga ganitong salita ay dapat iwasan, gayundin ang mga salitang may katigasan o kalambutan ng
“dila” tulad ng mga taga Bisaya at sa iba pang lugar.

Halimbawa:

silyo – selyo (seal)

buses – boses (voice)

baket – bakit (why)

bumba – bomba (bomb)


loya – luya (ginger)

poso – puso (heart)

2. Bigkas Lalawiganin

Binibigkas na karaniwan sa isang pook, bayan o lalawigan. Karaniwan dito ang bigkas Batangas.

gabi – gab-i

bagang – bag-ang

tamis – tam-is

gayon – gay-on

3. Bigkas Pambansa

Salitang naaayon sa iba’t ibang uri ng diin na tinatanggap sa mabisang pagsasalita.

Binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli.

Hindi tinutuldikan.

Maaaring magtapos sa katinig o patinig.

Halimbawa: TAO, SILANGAN, SARILI, NANAY

Malumi

Tulad ito ng malumay na may diin sa ikalawa sa hulihang pantig ngunit nagtatapos sa impit na tunog.

Laging nagtatapos sa patinig.

Ang huling letra ay may tuldik na paiwa. (`)

Halimbawa: BALITA, LAHI

Mabilis

Binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig ngunit walang impit sa dulo.
Ang mga salitang ito ay ginagamitan ng tuldik na pahilis. (´)

Halimbawa: BULAKLAK, BUMILI

Maragsa

Ito ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang huling pantig ng salita ay may impit.

Ito ay laging nagtatapos sa patinig.

Ito ay tinutuldikan ng pakupya (ˆ) na tinatapat sa huling pantig ng salita. Ito rin ay may impit sa dulo.

Halimbawa: YUGTO, DUGO, BUTIKI

Panlahat na tuntunin:

Kung ano ang bigkas, siyang baybay.

b. Uri ng mga Salita ayon sa Kahulugan

1. Isang salita na may maraming kahulugan kapag ginagamit sa pangungusap. Maaaring lagyan
ng mga panlapi.

Halimbawa: HULOG

Hulog ng langit- biyayang Diyos

Hulog ng bibingka – isang bahagi ng bibingkang niluluto

Hulog sa eksamen – di nakapasa sa eksamen

Kahulugan – ibig sabihin

Pakahulugan – bigyan ng paliwanag

2. Mga salitang iisa ang baybay ngunit nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan dahil sa bigkas.

Halimbawa:

daga – dagger

daga – mouse

labi – lip
labi – remains

pito – seven

pito - whistle

3. Mga salitang iisa ang baybay na ginagamit na pangngalan at pang-uri.

Pangngalan Pang-uri

buhay (life) buhay (alive)

tulog ( sleep) tulog (asleep)

MGA PARAAN SA PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN

Paraan upang mapayaman ang talasalitaan

A. Mga salitang katutubong magkasama, magkapareho, magkaugnay, maging sa kahulugan o sa pagiging


magkatumbas o baligtad na salita. Isulat kung ito ay naaayon sa salitang magkatumbas, magkapares na
magkasama, magkakapangkat, o magkasingkahulugan.

1. Magkatumbas

katipan, kasintahan, kasunod, kasuyo

bukid, linang, parang

bahay, tirahan, tuluyan

2. Magkapares na magkasama

pinuno – kawal

langit –lupa

panginoon - alipin

3. Magkakapangkat (may punong salita o paksa)

lasa – mapait, matamis, maanghang

hugis – bilog, haba, lapag

kulay – pula, puti, bughaw


4. Magkasingkahulugan

mahirap, dukkha, maralita, dahop

hinala, sapantaha, bintang, sakdal

makislap, maningning, makinang, makintab

5. Paggamit ng iba-ibang panlapi sa isang salitang ugat na nag-iiba ang bahagi ng pananalita.

Pang-uri Pangngalan Pandiwa

gulo magulo kaguluhan guluhin

sipag masipag kasipagan sumipag

sarap masarap kasarapan sarapan

6. Mga hiram na salitang ginagamit sa Filipino na may katumbas na kahulugan.

a. Mula sa Kastila

pamilya (familia) mag-anak, kaanak

sosyedad (sociedad) lipunan, pamayanan

bintana (ventana) durungawan

b. Mula sa Ingles

Konstitusyon (Constitution) saligang batas

komunikasyon (communication) pakikipagtalastasan

korner (corner) panulukan

MATALINHAGANG PANANALITA

a. IDYOMA

Tinawag ding pasawikaing pagpapahayag. Nagtataglay ito ng kawastuhan at kagandahan, mga


katangiang tanging ang wikang Filipino lamang ang aangkin.

Kung pakakasusuriin, may mga pagpapahayag na ang kahulugan ng bawat salita’y mali o lihis sa
tuntunin ng gramatika. Tumutukoy ang mga ito sa idioms/idiomatic expressions na isang paraan sa
pagpapalawak ng talasalitaan

Makita ang kapintasan o pamumuna sa pamamagitan ng mga idyoma.


Halimbawa:

anghel ng tahanan – mga batang maliliit na tampulan ng kagalakan ng isang mag-anak

kahiram suklay – kaibigan o kapalagayang-loob

di-mahapayang gating – taong ayaw patalo o ayaw padaig

di-mahulugang krayom –isang pook o lugar na punong-puno ng tao

durugin ang puso – psakitan o pagpahirapan ang kalooban

magmamahabang-dulang – mag-aasawa

humanap ng batong ipinukpok sa ulo – gumawa ng isang bagay na nakapinsala sa sarili

mabulaklak ang landas – kabuhayang maginhawa o maganda

You might also like