You are on page 1of 12

Dr. Ruby Lanting-Casaul Educational Foundation, Inc.

TomasCabiles St., San Juan, Tabaco City, Albay


Email Address: casual.lanting.college@gmail.com
Tel. No. 052 – 431 - 3783

FIL 2 – GE 10:

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

MODYUL 5: IBA’T IBANG MGA


MATATALINGHANGANG PAHAYAG

Inihanda ni:

MRS. JUVELLIE CALLEJA – DACAME

Instraktor, Filipino

Pangalan ng Mag – aaral:

_____________________________________________________

Kurso/Taon/Seksyon:

_____________________________________________________
IBA’T IBANG MGA MATATALINGHAGANG PAHAYAG

LAYUNING PAMPAGKATUTO

Magandang araw!

Simulan ang araw sa isang makabuluhang Gawain.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng talakay sa araling may kinalaman


sa iba’t ibang mga matatalinghagang pahayag. Kaya naman, pagkatapos ng
modyul na ito kayong mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang mga kaisipang angkop sa pagpapahaya;


2. Naiisa-isa ang mga iba’t ibang daluyan ng matatalinghagang salita;
3. Nakapagbibigay ng halimbawa ng iba’t ibang matatalinghagang
pahayag; at
4. Nakapagbibigay reaksyon sa tinalakay na paksa.

SIMULAN NATIN!

INTRODUKSYON

Ang mga makata, mga mamamahayag pampanitikan, ang


kadalasa’y gumagamit sa panulat ng mga matatalinghagang pahayag.
Ang uri ng mga pahayag na binanggit ay karaniwang gamit sa pang-
araw-araw na pagsusulat maging sa pagsasalita kaya ’t inilalabas
lamang sa panahonh kailangan. Maihahambing ito sa mga pagkaing
nakaimbak sa loob ng refrigerator na kukunin sa panahong kailangan
na ayon nga kay Martin Joas sa panulat ni Austero (1999) ang wika ay
may estilong frozen. Katumbas nito’y mga salitang nasa loob ng ating
utak na inilalabas o inaalala sa panahong sadyang kailangan. Ito ang
panahong tayo’y sumusulat o nagpapahayag at lubhang nararapat na
gamitan ng matatalinghagang salita kung ang nais ay mabisa,
malinaw, kaakit-akit at epektibong kaisipan na ibabahagi sa madalang
mambabasa.
PAGTALAKAY SA ARALIN

MGA KAISIPANG ANGKOP SA PAGPAPAHAYAG

Ayon kay Pagkalinawan (2004), ang wika ay salamin ng kaisipan at


saloobin ng tao. Sa pagpapahayag ng tao, pasulat man o pasalita, wika ang
gamit. Piling mga salita ang dapat at yaong malapit sa kalooban ng
manunulat. Nararapat ang piniling mga salita upang matamo ay indayog sa
pagpapahayag.

Ayon kay Trudgil, ang wika’y di lamang sa pakikipagtalastasan o


pagbibigay impormasyon, manapa ang pahayag ay ginagamit upang
mapanitili ang magandang ugnayan, pagkakaisa at pagkakaunawaam ng mga
mambabasa.

Ayon kay Dr. Ofelia Silapan at Prop. Ligaya Rubin (1999), “ ang
kalinawan, kawastuhan at katiyakan sa pagsusulat at pagsasalita ay
natutupad kung sapat ang talasalitaan sa pagpapahayag. ” Sa lawak ng
talasalitaan ng manunulat, nagagamit at nagagawa niyang maiangkop ang
mga salitang ito sa anumang isinusulat o sinasabi.

Ayon kay Badayos (1999), ang paggamit ng mga tayutay ay


nagsisilbing panghimok sa mga mag-aaral sa pagbibigay ng masining na
paghahambing ng mga bagay o pangyayari. Tayutay ang kadalasang gamit
upang mapaganda ang anumang pahayag, pasulat man o pasalita dahil
itinatago nito ang tunay na diwa ng salita/pahayag.

Ayon kay Sebastian (1956) sa panulat nina Tanawan et. Al (2003),


ang pahayag retorika ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa at
maayos na pagpapahayag.Ang kawastuhan at kalinawan ng pahayag at
nakikita’t nag-iibayo kung kasabay nito ang wastong pananalita at tamang
gramatika.

IBA’T IBANG DALUYAN NG MATATALINGHAGANG PAHAYAG

1. SALAWIKAIN
 Ayon kay Lope K. Santos, sa aklat ni Tanawan (2003), ang
salawikain ay karunungang napag-aralan ng tao, hindi sa mga
kasulatan na nailimbag kundi sa mga aklat ng karanasang nalaman
mula sa bibig ng mga matatanda.
 Ang salawikain ay nakasulat sa anyong patula kaya ’t may sukat at
tugma. Mayaman ito sa kagandahang asal at nagsisilbing panggising
sa mga taong natutulog sa kasamaang asal. Maituturing na
matalinghaga dahil magkaminsan di tahasang sinasbi ang tunay na
kahulugan.
Halimbawa:
a. Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ’y kuwago,
mabuti pa ang bahay-kubo na ang nakatira’y tao.
- Ibig sabihin mabuti pa ang taong mahirap na ang tirahan at aba
kaysa mayaman nga ngunit masama ang asal. Nais tukuyin na
higit daw na marunong ng kagandahang asal ang taong wala
kaysa mga taong mayroon.
b. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan.
- Ibig sabihin matuto tayong lumingon sa pinanggalingan o
tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sa atin.
Mahirap magtagumpay sa buhay ang taong di marunong umalala
sa mga pinagkakautangan niya ng loob.

2. SAWIKAIN
 Ito ay nagsasaad din ng kagandahang asal ngunit di kasinlalim ng
ipinahahayag ng salawikain. Kumbaga tanging mga paalala ito sa
taong nakakalimot kaya’t mababaw lamang ang aral na ibinibigay.
Tulad din ng salawikain hindi diretsong ipinapahayag nito ang
kahulugan ng pahayag bagamat sa karaniwang takbo ng buhay sa
araw-araw, ang ipinahahayag.
 Nagagamit din ito sa pagpapaalala sa mga nakalimot sa tamang
asal.

Halimbawa:
a. Magpakahaba-haba man ang prusisyon sa simbahan din ang
tuloy.
- Ano mang suliranin ay may kaukulang solusyon. Anumang
paghihirap ay may katapusan kaya’t huwag nating ikalungkot
ang anumang nangyayaring suliranin sa ating buhay.
b. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
- Ibigb sabihin tumutulong ang Diyos sa mga taong marunong
tumulong sa sarili. Ano mang dasal ang gawin ng tao kung hindi
nita tinutulungan ang sarili wala ring mangyayari.
c. Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot.
- Habang wala pa tayong kakayahan lalo na kung pera ang pinag-
uusapan, matutong pagkasyahin kung ano ang nandyan. Ika
nga’y huwag gumastos nang sobra sa talagang kinikita.

3. KASABIHAN
 Ito ay bukambibig ng hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing
patnubay sa dapat gawin sa buhay. (Nacin et. al 2003). Sa anyo,
kadalasa’y anyong patula na isa o dalawa ang taludtod na may
sukat at tugma.
Halimbawa:
a. Sa kakapili, ang nakuha ay bungi.
- Ang taong pabago-bago ang isip, lalong di nagtatagumpay.
- Ang taong mapaghanap, hindi nakukontento, magkaminsan ay
lalong minamalas.
b. Ang tumilaok siyang nangitlog.
- Kung sino ang masalita siyang gumagawa. Ang manok kapag
tumilaok ibig sabihin nangitlog siya. Ang tao kapag lubhang
denidepensa ang sarili ibig sabihin may kasalanan siya.

4. IDYOMA
 Ito ay matalinghagang pahayag na nakatago sa likod ng salita
ang tunay na kahulugan nito. Natutuhan ang kahulugan ng
idyoma sa tulong ng mga salitang dito’y nakapaligid. Natutuhan
pa rin ang kahulugan sa tulong ng malalim na pag-unawa sa
diwa ng pangungusap.
 Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil di nito
inilalantad agad-agad ang diwang taglay nito. Binibigyan pa rin
ang mambabasa ng pagkakataong kilitiin ang sariling isip.
Halimbawa:
a. Naniningalang pugad – nanliligaw
b. Kabungguang balikat – kaibigan
c. Di mahulugang karayom – matao
d. Nagbibilang ng poste – walang gawa/trabaho
e. Isang kahig, isang tuka – naghihirap
f. Alog na ang baba – matanda na
g. May bulsa sa balat – kuripot
h. Nagtataingang kawali – bingi
i. Di maliparang uwak – malawak
j. Balat- sibuyas – sensitibo
k. Makabagbag damdamin – nakakalungkot
l. Pagsweldo ng tulisan – di – mangyari
m. Magmamahalang dulang – mag-aasawa

5. TAYUTAY
 Anumang pahayag ay gumaganda kung katuwang nito ’y mga
tayutay sa iba’t ibang uri nito.

URI NG MGA TAYUTAY

 Patulad/ Simili – ang paghahambing ng dalawang bagay sa tulong


ng mga salitang pahambing sa masining na pahayag.
Halimbawa ng mga salitang pahambing – parang, tulad,
kawangis, kapareho, simbait at iba pa.
Halimbawa:
Simputi ng labanos ang binti ni Adela.
Ang ugali niya’y kawangis ng asong ulol.

 Pagwawangis/ Metapor – ang paghahambing ng dalawang bagay o


tao na di ginagamitan ng anumang salitang pahambing. Tahasang
binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o anumang
inihahambing sa pinaghihimbingan.
Halimbawa:
Labanos ang binti ni Adela.
Ang ugali niya’y asong ulol.

 Personipikasyon – ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang


buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa. Tahasang
binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o anumang
inihahambing sa pinaghahambingan.
Halimbawa:
Lumalakad ang ulap sa kalawakan.
Tumatangis ang ulap sa kalawakan.

 Paurintao – uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay


mistulang may buhay sa tulong ng pang-uri. Ang pang-uring gamit ay
pantao na ikakapit sa bagay kaya ang inilarawan ay waring may buhay
na’t gumagalaw.
Halimbawa:
Ang masinop kung sapatos, palagi akong dala-dala.
Ang matalino kong bolpen di pa ako binago.

 Sinekdoke – uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang


tukuyin ang kabuuan. Maaaring bahagi ng katawan ng isang tao o
bahagi ng bahay na kahit bahagi lang banggitin, tumutukoy na ito sa
kalahatan.
Halimbawa:
Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan.
Sampung mga kamay ang nagtulong-tulong sa pagbuo ng
proyekto.

 Oksimoron – sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng


dalawang salitang magkasalungat ang kahulugan upang ipahayag ang
diwa ng pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo o negatibo
ang hatid na kahulugan.
Halimbawa:
Hihiga’t babangon siya sa pag – aalala.
Lakad – takbo siya sa paghahanap ng nawawalang anak.

 Metonimya – ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang


katawanin ang isang bagay o pangngalan. Sa halip na payak o
simpleng salita ang tukuyin, pinapalitan ito ng salitang matalinghaga.
Halimbawa:
Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit sa sukat ngunit malaki
ang puso.
Ilaw siya sa karimlan mga taong naguguluhan.

 Pagtawag – ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi nakikita ay


kinakausap o tinatawag na parang may buhay at nakikita. Ang
pagtawag sa salitang abstrak ay may himig ng pagnanais o ng parang
hinanakit.
Halimbawa:
Kaligayahan kay ilap mo.
Ulap iduyan mo ako.

 Paradoks – katumbas ito ng salawikain o sawikain, nagbibigay – aral


at puno ng kagandahang asal. Madalas, nagsisilbing pampaalala sa
nakakalimot ng kagandahang asal.
Halimbawa:
Kung may isinuksok, may madudukot.
Ang di lumingon sa pinanggalingan di makararating sa
paroroonan.

 Paglumanay/Eupemismo – ang orihinal na katawagan ay


pinagagaan sa kahulugan, sa pagpalit ng ibang katawagan. Ginagawa
ang pagpapalit ng katawagan upang di maging mabigat sa pandinig o
damdamin ng iba ang sitwasyon.
Halimbawa:
Iginupo ang puri (ginahasa) ng batang iyan ng kanyang kadugo.
Iba ang tabas ng mukha niya (pangit o maganda) sa mga
kapatid.

 Pag – uyam/ Ironiya – ito ang pagtukoy sa kabalikataran ng


katotohanan na may pangungutya. Ginagawa ang pang – uyam upang
di tahasang ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan ng
pangyayari.
Halimbawa:
Ang ganda ng damit mo para kang manang.
Ang ganda ng mga grades mo, karamihay bagsak.

 Hiperbole/ Eksaherasyon – sobra sa dapat o sa katotohanan ang


binabanggit na pahayag. Kung susuriin ang diwa ng pahayag animo ’y
may pagyayabang na nais ipangalandakan.
Halimbawa:
Bumaha ng pera sa amin nang dumating ang tatay galing Saudi.
Wala akong pakialam kahit ikaw na lamang ang lalaki sa mundo.

 Onomatopeya – ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng


kahulugan nito. Sa bagay na ito, lubhang kailangang sensitibo sa tunog
ng salita ang nakikinig upang maiugnay sa tinutukoy.
Halimbawa:
Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan.
Ang kalabog ng martilyo ay napakalas.

 Aliterasyon – ang pag – uulit ng tunog sa simulang titik ng mga salita


sa loob ng pahayag. Pare – parehong tunog ng katinig ng simulang
titik ang karamihan ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng bukang liwayway.
Katulong, katuwang, kabalikat sa karamihan ng kinamulatan.

 Asonansya – ang maraming pag – uulit ng magkaparehong tunog –


patinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag. Dito ’y pare
– pareho naming titik ng patinig ang simula ng karamihan ng mga
salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
Aalis aki anak sa aking anyong aninag ng kasiyahan.
Isinialang sa ilang ang inakay ng inangbayan.

 Alusyon – ang pag – aalalang muli sa kaalamang patuloy na naiimbak


sa likod ng utak ng taong may pinag –aralan. Kabilang ang mga ito sa
ating wikang frozen na naaalala’t nagagamit sa panahong talagang
kailangan. Ito ang mga salitang kapag nabanggit, agad na matutukoy
kung nasa kategoryang literatura, mitolohiya o bibliya.
a. Alusyon sa Heograpiya – sa pangungusap ay may
binabanggit na nauukol anh kaisipan sa heograpiya.
Halimbawa:
Mt. Mayon ang Mt. Fuji ng Pilipinas.
Lungsod ng Baguio ang Amerika ng Pilipinas.
b. Alusyon sa Literatura – may binabanggit sa pangungusap
na tinutukoy din sa literatura ng isang kilalang tao o
pangyayari.
Halimbawa:
Wala na yatang Maria Clara sa panahon ng kasalukuyan.
Marami pa ring Dona Victoria ang nakakalat sa lipunan.
c. Alusyon sa Mitolohiya – tauhan o pangyayari bahagi ng
mitolohiya ang nasa loob ng pahayag.
Halimbawa:
Adonis sa laki ng katawan ang mga lalaking nag – eehersisyo
sa tuwi – tuwina.
Ang kapalaran niya’y Oedipus Rex.
d. Alusyon sa Bibliya – ang ginamit na pangalan ng tao o
pangyayari sa akda ay hango sa bibliya.
Halimbawa:
Ang tiwala’t pagmamahal sa kanyang asawa’y walang iniwan
kay Jose na asawa ni Maria.
Walang iwanan kay Job ang nagging kapalaran niya.

EBALWASYON

I. Tukuyin ang angkop na sagot sa bawat bilang. Isulat sa patlang


sa kaliwa ang sagot.
_________ 1. Kadalasa’y gamit ng mga _____ ang matatalinghagang
pahayag.

__________ 2. _____ ang sagot sa nakakalimot ng kagandahang asal dahil


punong –

__________ 3. puno ito ng mga _____ .

__________ 4. Taglay rin nito ang aral ngunit mababaw lamang.

__________ 5. Ang pahayag na di mahapayang gating ay may kahulugang


___.

__________ 6. Gabundok ang kain niya. Ang uri ng tayutay nito ay _____.
__________ 7. Ang mga salitang tulad ng, kawangis, kawangki, kamukha ay
gamit sa tayutay na _____ .

__________ 8. Siya ang Sisa sa barangay naming. (Uri ng tayutay)

__________ 9. Sila ang galamay ng sindikato. (Uri ng tayutay)

__________ 10. Bahagi lamang ng kabuuan ang tinutukoy ng tayutay na ito.

__________ 11. Nasa likod ng salita o ng pahayag ang magandang kaisipan.

__________ 12. Uri ng tayutay na ang isang salita ay pinapalitan ng bagong


katawagan upang maging masining o di masakit sa pandinig.

__________ 13. Uri ng tayutay na gumagamit ng 2 salitang magkasalungat


ang kahulugan.

__________ 14. Dalawang uri ng panitikan na lumitaw bago pa dumating ang


mga Kastila.

__________ 15. Ayon sa kanya, ang salawikain ay karunungang napag-


aralan ng tao, hindi sa mga kasulatan na nailimbag kundi sa mga aklat ng
karanasang nalaman mula sa bibig ng mga matatanda.

II. Tukuyin ang uri ng tayutay na ginagamit sa bawat


pangungusap.
__________ 1. Kawangki niya’y ahas na tulog.

__________ 2. Di magkamayaw ang mga taong paroo’t parito.

__________ 3. Sampung daliri ang nagtulong-tulong sa proyekto.

__________ 4. Venus siya ng Pilipinas.

_________ 5. Tukso, layuan mo ako.

_________ 6. Iduyan mo ako sa langit.

_________ 7. Maawaing tsinelas ang bigay niya sa’akin.

_________ 8. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

_________ 9. Sa kilos at pananalita niya, siya si Ibarra ng panahon.

_________ 10. Hampaslupa siya sa mat ang karamihan.


III. Gawing masining ang mga sumusunod na
pahayag/pangungusap.
1. Matalinong mag – aaral si John.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Ang mundo ay magulo.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
3. Ang dalaga ay maraming manliligaw.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
4. Malawak ang UNC.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
5. Mainit ang panahon.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

IV. A. Palitan ng angkop na idyoma ang salitang sinalungguhitan.


Isulat sa tapat nito ang sagot.
1. Nakakatuwang, nakakalungkot isipin na ang binata ko ’y nanliligaw
na.
2. Sampung taon mula ngayon ako’y mag – aasawa na.
3. Tingnan mo siya, may kayabangan na kung magsalita.
4. Di talaga ako makapag – aral kaya kanina nagsalita akong di ko
alam ang dahilan.
5. Bata ka pa para mag – asawa .
6. Sa tingin ko sa pasyente, malapit na talagang mamatay.
7. Mahirap makipagkaibigan at sumama sa taong kuripot
8. Siya talaga ang kaibigan ko.
9. Napakamaramdamin ng kaibigan kong ito.
10. Napakamatulungin ng kapitbahay naming.

B. Hanapin at basahin ang tulang “Isang Dipang Langit ” ni


Amado V. Hernandez. Salungguhitan ang mga tayutay na
ginagamit at ibigay ang uri nito. Isulat ito sa ibaba.

You might also like