You are on page 1of 3

KONSEPTONG PAPEL

PAGTATALA NG MATATALINGHAGANG PAHAYAG SA BIKOL

I. RASYONAL

Ang pakikipagtalastasan ay bahagi na ng ating pang araw-araw na gawain. Sa pakiki pag-


usap hindi natin maiiwasan na gumamit ng iba't ibang matatalinghagang pahayag. Kaya naman
napakahalaga na malaman natin ang iba't ibang matatalinghagang pahayag sa bikol na patuloy na
ginagamit ng mga nakakatanda sa atin at kung ano ang kahulugan nito upang mas lalo pa nating
mapanatili itong buhay. Kung mapapansin natin kapag tayo ay nakikipag-usap sa matatanda o sa
mas nakakatanda sa atin, karaniwan silang gumagamit ng matatalinghagang pahayag upang
maipabatid sa atin ang gusto nilang sabihin. Kadalasan hindi natin ito nauunawaan sa
kadahilanang hindi natin alam ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na kanilang ginamit.
Kaya naman napakahalaga na isagawa ang pananaliksik na ito upang magsilbing gabay sa atin sa
pag-unawa sa mga matatalinghagang salita.

Ayon nga sa aklat na Retorikang Filipino Pang- antas Tersaryo nina Consolacion P.
Saucoi Obdulia L. Atienza at Nenita P. Paya, "ang patalinghagang pahayag ay sinasadyang
paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit, maharaya at
mabisa ang pagpapahayag. Ito'y naka pag daragadag ng kagandahan sa isang katha, pasalita man
o maging pasulat".

Sa pag-aaral ni Prof. Gina R. Catalig, ang wikang Filipino ay mayaman sa mga sawikain.
Ang sawikain ay mga salita o pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ang mga
pagpapahayag na ito ay nagbibigay, hindi ng tiyakang kahulugan ng bawat salita, kundi ng ibang
kahulugan. Isang parirala ito na ang kahulugan ay hindi mahahango sa alinmang bahagi ng
pananalita. Sa sawikain, hindi ang tunay na kahulugan ng mga salita ang ibig sabihin ng mga
ito. Maiisip pang mali sa mga tuntunin ng gramatika ito. Gayunman, makukuha ang kahulugan
ng pahayag sa ibabaw o pagitan ng mga salitang ginamit.

Para kay Monleon sa panulat ni Tanawan et. al (2003), may animnapung mga uri ng
patalinghagang pahayag at ang mga ito'y patuloy pang dumarami dahil ang wika ay buhay. Ito'y
pagpapatunay na talagang nararapat ang matatalinghagang mga salita na sapat naman ang bilang
upang mapagamda ang anumang isinusulat at isinasalita. Ang mga makata, mga mamamahayag,
mga manunulat ng panitikan ang kadalasang gumagamit ng mga matatalinghagang pahayag.
Nakagagamit ang manunulat ng matatalinghagang salita, parirala at pangungusap, malinaw at
kaakit-akit na kanyang naibabahagi sa madlang mambabasa o tagapakinig.

Sa aklat ni Dr. Mario H. Maranan (2013) na Masining na Pagpapahayag (Para sa Antas


Tersarya), ang idyoma ay nagpapahayag ng di-tuwirang kahulugan ng bawat salita, sa halip ang
kaisipan o kahulugan ay nasa pagitan ng mga gagamitin.

Ayon sa aklat nina Celcilia S. Austero, Emilia C. Mateo, Tessie S. Suguran, Fe Bobadilla-
Cruz, Ma. Victoria R. Apigo, Christalina R. Piers, Rishiri A. Alberto, Brian Ben C. Coronel,
Merlinda C. Cantre, Rosalina M. de Guzman, Efren R. Abueg (2011) na Retorika: Masining na
Pagpapahayag, ang mga idyoma ay di-tahasan o di-direktang pagpapahayag ng gustong sabihin.
Ang mga ito ay nagbibigay ng matalinghagang kahulugan na malayo sa literal na kahulugan ng
salita. Mga matalinghagang pahayag ito na di lantad ang tunay na diwa o kahulugan ng tinuran.
Natutuhan ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng mga salitang dito'y nakapaligid. Ang
kahuluga'y natatanto sa tulong ng malalim na pag-unawa at pagkilatis sa diwa ng pangungusap.
Tinatawag din itong sawikain o idyomatikong pahayag. Ang mga ito ay gamit mula pa noon
hanggang ngayon na nagpapakulay, nagpapabisa at nagbibigay talinghaga sa pagpapahayag.

II. LAYUNIN

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

A. Ano-anu ang iba't-ibang idyomatikong pahayag ng bikol at ang kahulugan nito?

B. Saang kategorya/ klasipikasyon nabibilang ang mga idyomatikong pahayag na ito?

C. Sa paanong paraan nakakatulong ang paggamit ng mga matatalinhagang pahayag?

III. METODOLOHIYA
Upang makuha ang kina kailangang datos, ang mananaliksik ay gumamit ng mga iba't-
ibang sanggunian katulad ng mga aklat, google, internet at iba pang mapagkukunan ng
impormasyon hinggil sa isinasagawang pananaliksik. Ang mga nasabing babasahin ay ginamit
upang makatulong sa paglutas sa mga suliranin sa pananaliksik na ito. Ang mga sanggunian ay
ginamit ng mananaliksik para mapadali ang pagbuo ng pag-aaral na ito. Sa pagbuo ng
pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng paraang pagtatanong sa mga respondyente
upang mas lalong maunawaan ang mga impormasyong nakuha sa aklat, google, internet at iba
pang mga sangguniang pinagkunan ng impormasyon. Ang malikhain at masining na pakikipag-
usap at pagkalap ng mga impormasyon ng mananaliksik ang siyang nakatulong sa pagtugon sa
mga suliranin sa pag-aaral na ito. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga taong may
alam sa mga matatalinghagang pahayag sa bikol lalo na ang mga matatanda. Upang mataya ang
pagiging balido ng pag-aaral na ito ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa kinauukulan
upang maisagawa ang mga pag-aaral na ito sa iba't-ibang baranggay na napili ng mananaliksik.

IV. Inaasahang Resulta

Ang pananaliksik na ito ay panimulang hakbang para malaman ang mga sagot sa tanong sa pag-
aaral na ito. Pagkatapos ng pag-aaral na ito, inaasahan ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod: malaman ang iba't-ibang matatalinghagang pahayag sa bikol at ang kahulugan nito,
maitala ang iba't-ibang matatalinhagang pahayag sa bikol ayon sa kategoryang kinabibilangan
nito, makabuo ng konklusyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa nakalap na datos na natuklasan sa
pananaliksik at makapag ambag ng panibagong kaalaman sa iba hinggil sa paksa ng
pananaliksik.

You might also like