You are on page 1of 6

Catalig

Ang Semantika sa Dimensyonal na Pagpapakahulugan

64

MSEUF QUartErly
Ang mabuting pananalita ayVolume
nagsisilbing
ng ating isipan
50 Nos. 3 palamuti
& 4, September & December 2012
katulad ng damit na nagsisilbing pagganyak ng ating katauhan.

ikas sa isang tao ang makipag-usap, makipagpalitan ng


ideya, paniniwala, saloobin at mga kaisipan sa kanyang
kapwa. Itoy isang paraan ng pakikipagkomunikasyon na
ginagawa ng tao. Subalit, may mga pagkakataong sa ating
pakikipagkomunikasyon o pakikipag-usap ay nagkakaroon
tayo ng di pagkakaunawaan sa isat isa.
Ayon kay Quito, sa aklat ni San Juan et al. (2007),
Maraming pilosopo sa wika ang nagsasabi na
kadalasan, ang punot dulo ng kasalimuutan ay ang di
wastong paggamit ng mga salita. Sa sandaling
maituwid ang ating paggamit ng wika, lahat ng
pilosopiya ay malulunasan na.
Upang higit na maging dalisay ang daloy ng
komunikasyon ay kinakailangang ayusin ang anumang
gusot na lumilikha ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng
nagsasalita at sa tumatanggap ng mensahe. Madalas
nagaganap ang di pagkakaunawaan sa mga pagkakataong
di tayo sigurado kung ano ang tiyak na kahulugan ng bawat
salitang ating nababasa at naririnig.

65

Catalig
Ang Semantika sa Dimensyonal na Pagpapakahulugan

Kaya upang maibsan ang mga sagabal na ito sa ating


pakikipagkomunikasyon. Ating tuklasin, ano nga ba ang
semantika? Paano nito mabibigyan nang lubos na
pagpapakahulugan ang isang salita o mga salita tungo sa mabisang
pakikipag-unawaan?
Sentro sa pag-aaral ng komunikasyon ang semantika. Ito rin
ay pag-aaral, kung paano ang isang salita masusuri at mabibigyan
ng pagpapakahulugan. Saklaw rin nito ang pag-aaral na may
kaugnayan sa relasyon o ugnayan ng mga salita sa isang
pangungusap.Ito rin ay isang pag-aaral kung paano nabibigyang
kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap
o pahayag.
Sa payak na kahulugan, ang semantiks, semantiko, o
semantika ay ang pag-aaral ng kahulugan. Sa ganitong
pagkakataon, tumutukoy ang salitang kahulugan sa kaugnayan sa
pagitan ng mga tagapagpabatid o tagapagkahulugan (mga signifier
sa Ingles) at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Ang ganyang
mga tagapagpabatid ay ang mga salita, pananda, at mga simbolo.
Samakatuwid, ang semantika ay ang pag-aaral hinggil sa
kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika.
Pokus din nito ang pag-aaral ng ibat ibang proseso ng pagiisip o proseso ng pagkakamit at pagbubuo ng mga kaalaman.
Ayon kay Gonzales (1992), ang semantika ay proseso ng pag-iisip,
kognisyon at konseptwalisasyon. Sinasabing ang mga itoy
magkaugnay sa pag-uurit pagpapahayag ng karanasan ng tao sa
daigdig sa pamamagitan ng wika. Idinagdag pa niya, ang
semantika ay itinuturing na sentrong daluyan ng ibat ibang
larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral, tulad ng linggwistika,
pilosopiya at sikolohiya. Ang linggwistika ay pag-unawa sa wika
at mga wika. Sinasabing ito rin ay masiyensyang paraan ng pagaaral ng mga katangian at kalikasan ng wika. (Santiago, 1993).
Ayon naman kay Lachica, ang linggwistika ay itinuturing na

66

MSEUF QUartErly

Volume 50 Nos. 3 & 4, September & December 2012


maagham na pag-aaral ng wika o lenggwahe. Ang pilosopiya
naman ay nangangahulugan ng pag-unawa kung paano nalalaman
ng isang tao ang kanyang nasasaisip, gayundin ang tuntunin ng
tamang pag-iisip at ng ebalwasyon/pagtataya ng katotohanan o
kabulaan; maaari rin itong pundamental na paniniwala, simulain
at mga ideya ng isang nilalang. Samantalang ang sikolohiya ay
nangangahulugan naman ng pag-unawa sa isipan.
Ayon kay Marquez (2010) nakapokus ang semantika sa
pagbibigay kahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap.
Dapat nating tandaan na ang wikang katutubo, bernakular o
unang wika ng isang bayan ay naiimpluwensiyahan ng mga
dayuhang wika kaya naman lumalago ang bokabularyo nito. Itoy
nagpapatunay lamang na totoong dinamiko ang wika.
Nagkaroon ng pagbabago ang wika sa ibat ibang panahon.
Ang mga katuturang ibinibigay ngayon sa isang salita ay maaaring
lumago, lumawak, maiba sa isang henerasyon o partikular na
panahon. Ating isinasaalang-alang ang pagiging nasyonal o
pambansa, kadalisayan at pana-panahong gamit bilang batis
ng kawastuan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita.
May dalawang dimensyon ng pagbibigay kahulugan sa isang
salita
1.

Konotasyon
Tumutukoy ito sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita

depende sa intensyon o motibo ng taong gumagamit nito. Ito rin


ang kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala o pangungusap
na hindi tuwirang isinasaad.
Sinasabing ang mga itoy implayd (implied) o suggested
meaning kasama ng lahat ng emosyonal, pabor o hindi na tono
ng walang katiyakan at kaiba sa tunay na kahulugan. May mga
pangyayari na sa pagpapakahulugang konotasyon, may ilang gulo
o sigalot itong nililikha sapagkat maaaring iba ang gustong

67

Catalig
Ang Semantika sa Dimensyonal na Pagpapakahulugan

palitawing kahulugan kaysa sa tunay na kahulugan ng salita.


Minsan sa unawa natin, kapag sinabing baboy (pig), daga (rat),
ahas(snake), pagong (turtle), tuta (puppy) ang tao ay may hindi
paborableng bagay na ibig sabihin ito kaya hindi matatanggap ng
pinatutungkulan.
Ito ang tinatawag na emotional o intellectual na impact
ng salita dahil sa ekstrang kahulugan na taglay nito.Madali itong
umaapila sa ating pandama, kaasalan at panghuhusga. Ang tindi
o lalim ng konotasyon ay maaaring nakaugat sa kultural o personal
na oryentasyon ng tao.
Makukuha rin ang kahulugan batay sa pagpapahiwatig ng
isang salita o parirala at iba pa. Pahiwatig na kahulugan o
kahulugang di-litaw ang isinasaad nito. Malalaman din ang
kahulugan nito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Si Carla ay pinaliligiran ng mga paruparo mula sa ibat
ibang kanayunan.
2. Mahusay si Jonalyn sa Matematika, matinik talaga siya.
3. Tunay ngang si Joshua ay isa ng sikat na bituin.

2.

Denotasyon
Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong

kahulugan ng mga termino.Tumukoy rin ito sa literal na


pagpapakahulugan sa mga salita. Madalas din itong tawaging
dictionary meaning na ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak
o tuwirang kahulugan. Ibig sabihin ang kahulugan nito ay
matatagpuan sa mga talatinigan o diksyunaryo. Tinatawag din
itong core meaning ni G. Porter G. Perrin, isang dalubwika,
sapagkat may paniniyak at walang pasubali:kinikilala, tinatanggap
at sinasang-ayunan ng mga tao. Tumutukoy rin ito sa tiyak na

68

MSEUF QUartErly

Volume 50 Nos. 3 & 4, September & December 2012


kahulugan o katangian ng bagay na tinutukoy at konkretong
nakikita.
Halimbawa:
1. Ang paruparo ay dumapo sa rosas.
2. Ayaw ko ng isdang bangus kasi matinik ito.
3. Kumikislap ang bituin sa kalangitan.

Talasanggunian
Gonzales, L. (1992). Makabagong Grammar sa Filipino. Rex Bookstore,
Manila, Philippines
Lachica, V. S. (2000). Komunikasyon at linggwistika. GMK Publishing
House.
Marquez, S. T. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. (Filipino 1
pasa sa Antas Tersarya). Mandaluyong City: Books Atbp.
Publishing Corp.
San Juan, et. Al. (2007). Masining na Pagpapahayag Retorika.
(Pangkolehiyo) Filipino 3. Makati City: Grandwater Publications
and Research Corp.
Santiago, A. (1993). Makabagong Balarilang Filipino. Rex Bookstore:
Manila, Philippines.

**************************************

69

You might also like