You are on page 1of 4

ANG RETORIKAAT ANG MABISANG PAGPAPAHAYAG

Ang retorika ay tumutukoy sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akitna pagpapahayag upang maunawaan at
makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.Dalawang kawastuan ang kinakailangan sa pagpapahayag : ang kawastuang
pambalarilaat ang kawastuang panretorika. May dalawang uri ng pagpapahayag : (a) pagpapahayagna pasalita at
pagpapahayag na pasulat.

DALAWANG SANGKAP NG PAGPAPAHAYAG

May dalawang mahalagang sangkap ang pagpapahayag : (a) nilalaman at (b)pananalita. Sinasabing may nilalaman ang
isang pahayag kung may mga sumusunod : (a)may pahatid o mensaheng mahalaga (b) may mahalagang impormasyon o
pabatid (c)may kaalamang mapapakinabangan (d) kapupulutan ng magandang halimbawa at (e)makalilibang.

Mga Maaaring Pagkunan ng Nilalaman

Ang mga sumusunod ay maaaring pagkunan ng mga nilalaman:

1.Karanasan:

May kasabihang pinakamagaling na guro ang karanasan sapagkatwalang taong nabubuhay mula sa kanyang kabataan
hanggang sa kanyang pagtanda nahindi dumanas ng mga karanasan sa buhay. Ang karanasan ng isang tao ay hindi
angnaganap na pangyayari sa kanya kundi kung ano ang ginawa niya sa pagyayari sakanyang buay upang siya y
magtagumpay na malutas ang kanyang suliranin, ng kanyangmga kasama at maaaring ng sangkatauhan.

2. Pakikipanayam

Maaaring makakuha ng mga kabatiran sa pamamagitan ng paglapitat pakikipanayam sa mga dalubhasa sa kani-kanilang
larangan. Kinakailangan ihandamuna nang maayos ang mga katanungan bago makipanayam nang maiwasangmaaksaya
ang panahon. Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod sa pakikipanayam :(a) mga tanong na sasagot sa mga
kaalamang kailangan (b) nakipagkita sakakapanayamin sa araw at oras na kanyang itinakda at (c) maging magalang sa
taongkinakapanayam. Matapos ang pakikipanayam, dapat pasalamatan ang taongkinapanayam

Kalinawan, Kapamigatan at Kagandahanng Pananalita ang mga Simulain ng Pagpapahayag

1. Kalinawan

Ipinalalagay na may kalinawan ang isang pahayag kung ito ymedaling maunawaan : tatlong bagay na makatutulong
upang medaling maunawaanang isang pahayag:(a) Gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi
mapagkamalan.(b) Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay (pambalarila atpanretorika).(c)
Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at wasto ang baybay kung pasulat.

2. Kapamigatan

Ipinalalagay na mabigat ang isang pahayag kung may mgasumusunod na katangian:(a) Makatotohanan at ito y di
matutuklasang may kasinungalingan pagkalipas ng ilangpanahon. May mga pahayag na waring totoo kaya t medaling
paniniwalaan ngunit sadakong huli ay matutuklasang walang batayang katotohanan. Hindi dapat na gamitan
ngpagmamalabis o eksaherasyon ang pagpapahayag.(b) Ang pinanggalingan ay isang dalubhasa o may awtoridad sa
paksa.(c) Kinakikitaan ng katapatan na tanda ng pagiging marangal.(d) Binibigyan ng matapat na pagpapahalaga ang
karanasan at pananampalataya ng tao.Dapat pahalagahan ang dignidad ng isang tao.

3. Kagandahan
May kagandahan ang pananalita kung may mga sumusunod:(a) kaakit-akit na pagtutugma ng mga kahulugang
ipinahahayag at tunog ng mga salita.(b) Wastong bigkas ng mga salita.(c) Matalinghaga ang diwang ipinahahayag.(d)
Kalugud-lugod na pagsasama-sama ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap nanagdudulot ng pananabik sa
nakikinig o bumabasa.(e) Paggamit ng mga salitang makahulugan, malarawan at maharaya.

Mga Dapat Isaalang-alang Upang MagingEpektibo ang Pagpapahayag

1. Kaisahan

Ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa iisang pangkalahatangideya, may isang paksang pangungusap na
nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mgasusuportang pangungusap. Halimbawa:Ang lansangang ito y hindi bago sa iyong
paningin, kahima t tatlong taon kangnalayo at napatungo kung saang larangan. Ang lansangang ito ang sumaksi sa
iyong mgapaglalaro nang ikaw ay isang bata pang musmos. Ayun ang puno ng akasya, sa tabi nitoay lalong malago ang
ligaw na gumamela. Ni hindi pala inabot ng pagbabago anghalamanan nina Corazon, luma na nga lamang ang kanilang
tahanan at kailangan nangmapintahang muli.

2. Kaugnayan

Dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy angdaloy ang daloy ng diwa buhat sa simula
hanggang sa dulo ng pahayag. Kinakailangangnasa maayos na pagkakahanay ang mga pangyayari o ang diwang
ipinahahayag ang mgapangyayari o ang diwang ipinahahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay-ugnay
Halimbawa:Dumadighay pang pumasok si Mang Milyo sa loob. Dinampot ang latangsigarilyuhan at umupo sa tabing
bintana. Bumilot ng isa at nagsindi. Nasisiyahanghumilig sa palababahan ng bintana at matamang pinanood ang mga
nagsasalimbayangalitaptap sa mahinang tikatik ng ulan. Tumawag ng pansin kay Mang Milyo angnangingibabaw sa
nakalatag na katahimikan: Ang kokakan ng mga palaka. Pinakikingganniyang mabuti. Marami sa palagay niya ang nasa
patay na ilog sa kanilang likod-bahay.Lumalaon, sa pandinig ni Mang Milyo ay nagiging tila isang awit na walang
kawawaanang mga hunihang yaon.

Mula sa : Biyaya ng Tag-ulan ni Anacleto I. Dizon

3. Pagbibigay-Diin

Ang pangunahing layunin ay bigyan-diin ang mahalaga at ialis angmga walang saysay. Halimbawa:Sa sandaling iyon ay
tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag napag-ibig sa lupang tinubuan. Naunawaan niya kung bakit ang
pagkakatapon sa ibangbansa ay isang naakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak aysasalunga sa
bagyo at baha makauwi lamang sa inang bayan. Ung bakit walang atubilingnaghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio, kung
anong apoy ang nagbigay-buhay saHimagsikan.

PAGPILI NG WASTO AT ANGKOP NA MGA SALITA

Kailangang maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagpapahayag. May mga salita tayo na kung
tutumbasab sa ibang wika ay tila wasto sakahulugan ngunit maituturing na mali kaya. Hindi matatangap at lumalabag sa
tuntuninng mabuting pagpapahayag.

Mali : Makipot ang bunganga ng sanggol.

Wasto : Makipot ang bibig ng sanggol.

Mali : Maluwang ang bibig ng pating

Wasto : Maluwang ang bunganga ng pating

Mali : May kahali-halinang pagmumukha si Michelle.

Wasto : May kahali-halinang mukha si Michelle.


Mali : Lumalamon na ang mga panauhinWasto : Kumakain na ang mga panauhin

Wasto : Malakas lalamon ang baboy niya.

Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit and magandang pagsasalita at
pagsulat.

Pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.

Ito ay sining ng pakikipag-usap at pagsulat.

Pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga kaalaman paniniwala. Nasasaloob at mithiin sa kanyang kapwang kinakausap o sa
madlang publikong kanyang kinakaharap sa pamamagitan ng paggamit ng wika at iba pang representasyon nito ang
pagpapahayag o diskurso.

Ayon kay Aristotle, sining ng efektibong pagsasalita mapasapubliko man o mapasa anyong kumbersasyon. Ito ang pag –
aaral ng iba’t ibang mahuhusay na pamamaraan sa preparasyon at presentasyon ng mga sasalitain.

Ito ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat
at pagsasalita.

Isang Pag –aaral upang magkaroon ng kahusayan at kasiningan ang isang indibidwal sa pagpili ng mga salitang gagamitin
sa kanyang pagsusulat o pagsaalita.

SAKLAW NG RETORIKA

Sining

Pilosopiya

Lipunan

Wika

Iba pang larangan

KATANGIAN NG RETORIKA BILANG ISANG SINING

Isang Kooperatibong Sining – Hindi ito maaaring gawin nang nag – iisa. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon
ng iba nagkakaroon ito nang kaganapan at napag bubuklod ang tagapagsalita at tagapakinig o ang manunulat o
mambabasa.

Isang Pantaong Sining – Wika ang midyum ng retorika pasalita man o pasulat. Dahil ang wika ay isang eksklusivong pag
aari ng tao at para sa tao.

Isang Temporal na Sining – Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwahe
ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon kaya’t sa bawat pagbabago ng panahon ay mayroong pagbabago rin ang retorika..

Isang May Kabiguan Sining – Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika, kalimitan sa tao ay limitado lamang
ang kaalaman sa wika at kasanayan sa wika. Ang wika ay hindi nananatili sa isang tuntunin at minsan ay nakakalito na
nagiging kabiguan sa larangan ng retorika.

Isang Nagsusupling na Sining – Sa retorika ay nagsusupling ng mga kaalamn sapagkat habang may nagsusulat ay may
nagbabasa na nagiging sanhi ng mga kaalaman.

II.Kahulugan

A.Retorika
Ayon kay Sebastian(2007), ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung maganda o
kaakit-akit ang pagsusulat at pagsasalita. Maaring rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal
sapagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita

Ayon kay Socrates(300 BC), Ang Retorika at siyensya o agham ng paghimok sa pagpapasang-ayon.

You might also like