You are on page 1of 22

LAPU-LAPU CITY COLLEGE

COLLEGE OF EDUCATION
Don B. Benedicto Road,
Gun-ob, Lapu-Lapu City 6015

GE 11 Masining na
Pagpapahayag
Modyul ng Mag-aaral

Inihanda ni:

Ma. Kristel J. Orboc, MAEd

Instruktor ng Kurso
GE11
Masining na
Pagpapahayag

MODYUL NG MAG-
AARAL

Inihanda ni:

Ma. Kristel J. Orboc, MAEd

Instruktor ng Kurso
Pangkalahatang-ideya ng Modyul
Ang Masining na Pagpapahayag ay tumatalakay sa pag-aaral ng mga prinsipyo
at proseso ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Napaloob din dito ang apat na
paraan ng pagpapahayag tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatuwiran.

Upang matulungan ang iyong pagkatuto sa mga aralin, ang modyul na ito ay
naglalaman ng mga aralin sa loob ng isang kabanata. Ang bawat aralin ay dapat
maisagawa sa loob ng apat na linggo at ito ay nahahati sa mga bahagi, tulad ng
sumusunod:

1. Layunin sa Pagkatuto Ang bahaging ito ay gabay sa resulta ng pagkatuto

para sa yunit ng pag-aaral.

2. Alam mo ba? Naglalayon itong mapukaw ang isip sa ilang mga

kagiliw-giliw na katotohanan na may kaugnayan sa
aralin.

3. Magsimula na Tayo! Matapos ang pagkilala sa mga kinalabasan at

pangkalahatang-ideya para sa bawat aralin, bibigyan
ka ng isang gawain na hahantong sa iyo sa mga
pangunahing konsepto na tatalakayin sa yunit.

4. Tayo na at Tumungo! Ang aktibidad ay susundan ng mga gabay na tanong

na humahantong sa iyo sa mga konsepto na saklaw ng
aralin. Dito, susuriin mo ang iyong nagawa.

5. Siyasatin Natin! Ang mga pangunahing konsepto at isyu ng

pangunahing aralin ay tinalakay nang mabuti sa
seksyong ito na kailangan mong basahin at intindihing
mabuti. Bilang karagdagan, sa iyong pagbabasa ay
may mga Pagsasanay bilang mga kasanayan sa pag
aaral para sa iyo na sagutin nang ilang sandali bago
ganap na magpahinga.

6. Gaano Na Kalayo Ang Upang suriin kung natutugunan ang mga naibigay
Ating Narating? na resulta ng pagkatuto, bibigyan ka ng isa pang
gawain upang masuri ang lawak ng pag-unawa.

7. Pagyamanin Natin! Ang bawat yunit ay natapos sa mga iminungkahing

aktibidad para sa pagpapayaman ng pag-aaral at
karagdagang aplikasyon ng natutunan.

8. Mungkahing Pagbasa Ang bahaging ito ay nagbibigay sa iyo ng isang

listahan ng mga iminungkahing karagdagan na
pagbabasa (karamihan sa online) kung nais mong
mapalalim ang iyong kaalaman sa mga aralin.

Kasama rin sa modyul na ito ang isang Kabanata ng Pagninilay sa katapusan ng

bawat kabanata upang isulat ang iyong mga rubrik saloobin sa pamamagitan ng

3
pagsagot sa mga tanong na self-introspective. Ang mga rubrik ay matatagpuan din
Apendiks ng modyul para sa iyong sanggunian sa paggawa ng iyong mga awtput.
Sundin lamang ang mga tala sa ibaba ng bawat ehersisyo at aktibidad para sa paggabay.
Panghuli, ibinigay ang isang Puna sa Kurso sa pagtatapos ng modyul na ito upang
maibahagi mo ang iyong puna sa modyul na ito. Ang bahaging ito ang magiging batayan
namin para sa pagpapabuti at sa rebisyon sa hinaharap.

Paano matuto sa Modyul na ito?

Alam kong sabik ka nang magsimula. Gayunpaman, may ilang mga bagay na
kailangan mong tandaan upang malaman nang higit ang modyul na ito.

1. Subukan ang paunang pasulit bago magpatuloy sa mga aralin. Ang iyong iskor sa
pagsubok ay magbibigay sa iyo ng ideya kung gaano karaming oras ang kailangan
mong italaga sa bawat aralin.
2. Basahin ang mga tagubilin at alamin ang mahahalagang bagay na dapat gawin.
3. Bago gawin ang mga aktibidad siguraduhin na ang lahat ng mga bagay na
kailangan mo ay handa na.
4. Sagutin ang mga pagsasanay sa bawat aralin at huwag kalimutang sagutin ang
pagtatasa dahil sa gayon ay masusuri mo kung gaano karami ang natutunan mo
sa modyul.

Maligayang pagdating sa pakikipagsapalaran sa pag-aaral na ito!

4
KABANATA 1

Ang Retorika at ang

Proseso ng Mabisang
Pagpapahayag

5
Aralin 1

Ang Retorika

Alam mo ba? Layunin sa Pagkatuto

May dalawang uri ng Sa pagtatapos ng aralin bilang guro sa

pagpapahayag (a) pagpapahayag hinaharap ay dapat na;
na pasalita at (b) pagpapahayag ✓ Ang mga mag-aaral ay nakapagpapakita
na pasulat. ng kaalaman sa nilalaman at aplikasyon
sa apat na paraan ng pagpapahayag sa
pagtuturo ng mga prinsipyo at proseso
ng masining na pagpapahayag sa
Filipino.
✓ Ang mga mag-aaral ay nakatutukoy sa
resulta ng pagkatuto sa apat na paraan ng
pagpapahayag.

Magsimula na Tayo!

Panuto: Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad sa mga paksa sa ibaba. (Makikita sa

Apendiks ang rubrik sa pagmamarka)

Pang-araw-araw na pakikipagtalastasan Masining na Pagkikipagtalastasan

6
Tayo na at Tumungo!

Bago natin simulan ang ating talakayan, tanungin mo ang iyong sarili kung gaano
kahalaga ang mabisang pagpapahayag?

Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masagot ang mga katanungan. Halina’t
ating buksan ang ating isipan sa panibagong kaalaman.

Tayo na at tumungo!

Siyasatin Natin!

Katuturan at Maikling Kasaysayan ng Retorika

Ayon sa Wikipedia (2013), sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema
ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla sa Sicily noong ikalimang siglo bago dumating
si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktatoryal, ang mga
mamamayan doon ay binigyang pagkakadumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang
karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen.
Ang marunong na si Corax ng Syracuse, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng
paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya sa mga
nakikinig, kailangan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran.
Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang
mahahalaganag elemento:

1. ang proem o introduksyon;

2. ang salaysay o pahayag na historikal;
3. ang mga pangunahing argumento;
4. mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento (supporting
arguments);
5. ang konklusyon

Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang

pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at
di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa
mga Sophist, (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa
pagtatamo ng kapangyarihang politikal sa pamamgitan lamang ng kanilang
pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas.
Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.) sa pagsasabing
walang hangad ang mga Sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa
pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng
pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta
pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang
mabuting adhikain. Kinikilalang pinakamaimpluwensiyang retorisyan noon si Isocrates
(c. 436–338 B.C.) (mag-aaral ni Socrates)
Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng estilo ng pananalumpati batay
sa maindayog at magandang pagkakatugma ng mga salita sa paraang tuluyan o prosa.

7
Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maiikli ngunit eleganteng nakabiting
pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya.
Sa retorika ni Aristotle (384–322 B.C.), sinuri niyang mabuti ang sining ng
panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng
nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng
damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang
mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan
dito ayon sa maaaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng
probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas
na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang
kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa
katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.), ang batikang orador ng Roma ay hayagan ding
nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang
pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador
kaya’t sa isyu ng moralidad, ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka
muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga
hugnayang nakabiting pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang
forensic na naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay.
Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Dahil sa mga pangyayari, iniwan ni Aristotle ang
oratoryong deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito
sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong
pampubliko (public debate). Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya
o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mga salita.
Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na
declamation.

Klasikal na Retorika

510 BC, Athens - sa pagkakatatag ng demokratikong institusyon ang naging dahilan

upang magkaroon ng pangangailangan sa serbisyong publiko.

1. kinilala ang pangkat ng mga guro na tinatawag na Sophist - nagsikap upang

gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga tao.

Homer – kinikilalang “Ama ng Oratoryo” ng mga Griyego

Protagoras - kauna-unahang Sophist

- Siya ay nagsagawa ng isang pag-aaral sa wika at nagturo kung paanong

ang mahihinang argumento ay magiging malakas na pahayag.

Corvus Corax (Syracuse) – aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham

- nagsabing ang retorika ay panghihikayat at nag-akda ng handbuk sa

sining ng retorika

Antiphon - una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang nagsanib ng teorya at praktika ng
retorika

8
Isocrates - ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo, nagpalawak sa sining
ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na
may layuning praktikal.

Plato – nagbigay-diin sa retorika bilang panghihikayat kaysa sa katotohanan at

tumalakay ng mga simulaing bumubuo sa esensya ng retorikal na sining.
(Gorgias)

Aristotle – nagbigay-diin sa pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan ng

katotohanan at hindi panghihikayat sa pamamagitan ng apil sa emosyon.
(Rhetoric)

- nagturing na ang retorika ay counterpart o sister art ng lohika.

Cicero (On the Orator, Institutio Oratoria at The Training of an Orator) at Quintillian ng
Roma
- sila ang tinaguriang dakilang maestro ng retorikal at praktikal na
retorika

Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal

Sa gitnang panahon, ang retorika ay isa sa tatlong sabdyek ng liberal na sining sa

mga unibersidad kasama ng balarila at lohika. Nakilala sa panahong ito ang mga
sumusunod:

• Martianus Capella
• Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus
• San Isidore

Sa panahong ito nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa tinawag na tatlong

“artes”: paggawa ng sulat, pagsesermon, at paglikha ng tula.

Retorika sa Panahon ng Renasimyento

(ika-14 hanggang ika-17 siglo) - ang pag-aaral ay muling ibinatay sa mga akda ng klasikal
na manunulat tulad nina Aristotle, Cicero at Quintillian.

Isa sa kontemporaryong disertasyon ng panahong ito ay ang The Art or Crafte of

Thethoryke ni Thomas Wilson.

Ang retorika ay itinakdang sabdyek sa mga kolehiyo at unibersidad na may

kalakip na pagsasanay sa pubiko at mga kumpetisyon na nakatulong upang panatilihing
buhay ang praktika nito.

Modernong Retorika

Nabawasan ang importansya ng retorika sa teoretikal na aspeto ngunit hindi sa

praktikal (ika-18 siglo).

Mga popular na akda sa panahong ito:

Lectures on Rhetoric (1783) - Hugh Blair

Philosophy of Rhetoric (1776) - George Campbell

9
Rhetoric (1828) - Richard Whately

Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng pagsilang ng pag-aaral ng pormal na

retorika bunga ng pagganyak ng semantiks, isang pag-aaral ng linggwistika.

Mga edukador at pilosopong nakagawa ng pag-aaral sa panahong ito:

I.A. Richards
Kenneth Duva Burke
John Crowe Ramson

LOKAL AT GLOBAL NA KATUTURAN NG RETORIKA

Makapangyarihan ang salita, kaya nitong baguhin ang pilosopiya, paniniwala at pananaw ng
isang indibidwal. - Aeious Garcia

“Ang salita ay ang Diyos at ang Diyos ay ang salita” – Juan 1:1

Rhetor – pinagmulan ng retorika na ngangahulugang “guro o mahusay na mananalumpati.”

1. Ayon kay ARISTOTLE, ang retorika ay ang pakulti ng pagtuklas ng lahat ng

abeylabol na paraan ng panghihikayat sa anumang partikular na kaso.

2. Binigyang depinisyon naman ni CICERO, ito ay pagpapahayag na dinesenyo

upang makapanghikayat.

3. Masasalamin ang mga halimbawang ito sa tinuran ni FRANCIS BACON, “ang

tungkulin ng retorika ay maiaplay ang katwiran sa imahinasyon para sa higit na
mabuting pagkilos ng disposisyon.”

4. Subalit maraming kinakailangan ang isang mahusay na tagapagsalita isa na rito

ang kahusayan niya sa pagsasalita upang paniwalaan siya ng kaniyang
tagapakinig. Ayon nga kay QUINTILLIAN, ang retorika ay sining ng mahusay
na pagsasalita.

Narito ang ilan sa mga pangangailangan upang maging mahusay na

tagapagsalita:

• Ang pagkakaroon ng masining na pagbigkas.

a. Lakas ng Pagbigkas
b. Bilis ng Pagbigkas
c. Linaw ng Pagbigkas
d. Hinto
e. Kilos at Kumpas

• Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga kasangkapan ng isang

tagapagsalita.
a. Kaalaman sa paksa
b Tiwala sa sarili

10
c. Tindig
d. Kasanayan sa pagsasalita
e. Lugar
f. Papel na ginagampanan
g. Paksang tatalakayin

• Ayon kay Mangahis, (2005), ang katangian ng mahusay na tagapagsalita ay ang

sumusunod:
a. Kahandaan
b. Kaalaman sa paksa
c. Kahusayan sa pagsasalita

5. Ang retorika ay isang arte o talento kung saan ang diskurso ay ginagamit tungo
sa layuning maglinaw ng pag-unawa, umaliw ng imahinasyon, magpakilos ng
marubdob na pagnanasa o makaimpuwensya ng disposisyon ayon kay GEORGE
CAMPBELL.
6. Sinasabi naman ni PHILIP JOHNSON na ang retorika ay isang sining ng
pagbabalangkas ng argumento upang mapahalagahan ang mga
tagapakinig/mambabasa.
7. Ayon naman kay ANDREA LUNSFORD, ang sining, praktis at pag-aaral ng
komunikasyong pantao ay tinatawag na retorika.
8. Paliwanag naman ni LLOYD BITZER na ang retorika ay isang paraan ng pag-
aalter ng reyalidad hindi sa pamamagitan ng direktang aplikasyon ng enerhiya sa
mga bagay-bagay, kundi sa pamamagitan ng paglikha ng diskursong
nakakapagpabago ng reyalidad.
9. Sinang-ayunan naman ito ni C.H. KNOBLAUCH, ang retorika ay proseso ng
paggamit ng wika upang mag-organays ng karanasan at maikomyunikeyt iyon sa
iba.
10. Sa pagkakaroon ng kahusayan sa pagsasalita, malaki ang posibilidad na
makapanghikayat ang tagapagsalita ng mga tao upang siya ay paniwalaan. Sinabi
ni KENNETH BURKE…”Pinakakarakteristik na konsern ang manipulasyon ng
paniniwala ng mga tao para sa isang tunguhing pampolitika; ang salalayang
tungkulin nito ay ang paggamit ng mga salita upang hubugin ang atityud at
pakilusin ang ibang tao.
11. Pinagtibay ito ni GERARD A. HAUSER na ang layunin ng retorika ay
impluwensiyahan ang pagpapasya ng tao hinggil sa mga ispesipik na bagay na
nangangailangan ng agarang atensyon.
12. Ayon kay ABAD (2009), ang retorika ay proseso nang maayos na pagpili ng wasto
at malinaw, mabisa at kaaya-ayang pananalita sa pagpapahayag ng mensahe
upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig o nagbabasa. Dagdag pa
niya, sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugod-lugod na pananalita,
kinakailangang magkatugon ang balarila at retorika. Malaki ang kinalaman ng
balarila sa kawastuhan ng mga tungkulin (function) ng mga salita at kani-kanilang
ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatuwid, dalawang kawastuhan
ang kailangan sa pagpapahayag:

(i) kawastuhang pambalarila; at

(ii) kawastuhang panretorika.
13. Sinabi ni DOUGLAS EHNINGER ang retorika ay isang disiplinang nakatuon sa
pag-aaral ng lahat ng mga paraang ginagamit ng mga tao upang
makaimpluwensiya ng pag-iisip at gawi ng iba sa pamamagitan ng istratedyik na
paggamit ng mga simbolo.

11
Pagsasanay

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Ikahon ang ang mga
pagpipilian na sa tingin mo ay ang maling kasagutan. Walang pagbubura.
1. Kinilala ng maraming Griyego bilang ama ng oratoryo.
A. Homer C. Corax
B. Sophist D. Antiphon
2. Pangkat ng mga guro ng retorika noong panahong Klasikal.
A. Homer C. Corax
B. Sophist D. Antiphon
3. Ang aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham.
A. Homer C. Corax
B. Sophist D. Antiphon
4. Ang una sa itinuturing na Ten Attic Orators.
A. Homer C. Corax
B. Sophist D. Antiphon
5. Nagturing sa retorika bilang counterpart o sister art ng lohika.
A. Aristotle C. Isocrates
B. Cicero D. Protagoras
6. Ang umakda ng On the Orator, Institution Oratoria at The Training of an Orator.
A. Aristotle C. Isocrates
B. Cicero D. Protagoras
7. Nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at
pilosopiya.
A. Aristotle C. Isocrates
B. Cicero D. Protagoras
8. Nagsabing ang retorika ay pakulti ng pagtuklas ng lahat ng abeylabol na paraan ng
panghikayat.
A. Aristotle C. Isocrates
B. Cicero D. Protagoras
9. Nagsabing ang retorika ay art of winning soul.
A. Aristotle C. Plato
B. Quintillan D. Protagoras
10. Nagsabing ang retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita.
A. Aristotle C. Plato
B. Quintillan D. Protagoras

MGA KATANGIAN NG RETORIKA BILANG ISANG SINING

Isang Kooperatibong Sining

Hindi ito maaaring gawin ng nag-iisa.

Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng
kaganapan.
Napagbubuklod ang tagapagsalita at tagapakinig o ang manunulat at
mambabasa.

Isang Pantaong Sining

Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat.

Dahil ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay nagiging
isang eksklusibo ring sining ng tao para sa tao.

“Ang wika ay ang tao, at ang tao ay ang wika”

12
Isang Temporal na Sining

Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwaheng ngayon, hindi ng bukas o

kahapon.
Ito’y nakabatay sa panahon.

Isang Limitadong Sining

Marami itong kayang gawin.

Maaring paganahin ang ating imahinasyon at gawing posible ang mga bagay na
imposible sa ating isipan.
Nakaiimpluwensya ang retorika sa tatlong aspeto ng isang tao. Ang kanyang
kabuuang pagkatao na sinasaklaw ng retorika.

Isang May Kabiguang Sining

Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika.

May mga tuntuning masalimuot at sadyang nakakalito.

Isang Nasusupling na Sining

Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman.

"Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang putahe.

Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay bumibigkas gamit ang
retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-iisipan. Napakasarap
pakinggan ng mga salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw rin basahin ang isang sanaysay
kapag ito'y ginamitan ng retorika."- (halaw mula sa salaysay ni Shark Shedie)

KANON NG RETORIKA

1. Imbensyon

Galing sa salitang Latin na “invenire” na ang kahulugan ay to find

Nakatuon sa karaniwang kategorya ng pag-iisip na naging kumbensyonal na
hanguan ng mga retorikal na materyales
Tinatawag itong topics of invention o topoi sa Griyego.
Nakatuon sa ano ang sasabihin ng isang awtor at hindi sa kung paano iyon
sasabihin
Kaakibat ng pagtuklas na pinakamabuting abeylabol na paraan ng panghihikayat
at hakbang ng proseso g pagtuklas na ito ay tinatawag na stasis. (Aristotle)

2. Pagsasaayos

Nakatuon sa kung paano pagsusunud-sunurin ang isang pahayag o akda

Pagsasaayos ng isang klasikong oratoryo:

i. Introduksyon (exordium)
ii. Paglalahad ng mga katotohanan (narratio)
iii.Dibisyon (partitio)

13
iv. Patunay (confirmatio)
v. Reputasyon (refutatio)
vi. Kongklusyon (peroratio)

3. Istilo/Istayl

Masining na ekspresyon ng mga ideya

Nauukol sa paano iyon sasabihin
Paano ipinapaloob sa wika ang mga ideya at kung paano nakukostomays sa mga
kontekstong kumunikatibo
Ito’y esensyal sapagkat ang kaanyuan o ang linggwistik na kaparaanan ng
paglalahad ng iang bagay ay bahagi ng mensahe, katulad ng nilalaman o content.

4. Memori

Higit pa sa pagmememorya
Pag-iimbak ng iba pang materyales sa isipan ng mga paksa ng imbensyon upang
magamit sa isang partikular na okasyon
Pangangailangang-improbisyunal ng isang ispiker
May kaugnayan ito sa kairos o sensitibiti sa konteksto ng isang sitwasyong
pangkomunikasyon

5. Deliberi

Diin sa pagtalakay ng exercitatio (mga practice exercises) at naipapakita sa

deklamasyon ng mga retorikal na edukasyon
Tinawag na salitang retorika na ginagamit sa mga pampublikong konteksto na
nakatuon din sa pampublikong presentasyon ng diskurso, pasalita man o pasulat.

LAYUNIN AT GAMPANIN NG RETORIKA

Layunin ng Retorika

1. Makapanghikayat na gumawa ng isang bagay na ipinadaramang tama

2. Makapagpabatid ng tungkol sa mga bagay-bagay na hindi pa nalalaman
3. Makapang-aliw para makapag-bigay-kasiyahan at kabutihan sa kapwa
4. Makapagpokus ng atensyon ng tagapakinig
5. Makapagsanay sa magilas, malinaw, angkop at may panlasang pagpapahayag
6. Makapagpaintinding mabuti at maliwanag
7. Maikintal sa isip at loob ang diwa o kaisipang sinasabi
8. Maipagamit ang inihahayag na mensahe
9. Makapagtatag ng tiwala sa sarili
10. Makadebelop ng kritikal na pag-iisip

Gampanin ng Retorika

1. Nagbibigay daan sa komunikasyon

2. Nagdidistrak
3. Nagpapalawak ng pananaw
4. Nagbibigay-ngalan

14
5. Nagbigay-kapangyarihan
6. Nagpapahaba ng oras

SANGKAP AT KAHALAGAHAN NG RETORIKA

Sangkap ng Retorika

1. Ang kaisipang gustong ipahayag

2. Ang pagbuo o organisasyon
3. Ang estilo ng pagpapahayag

Kahalagahan ng Retorika

1. Kahalagahang panrelihiyon
2. Kahalagahang pampanitikan
3. Kahalagahang pang-ekonomiya
4. Kahalagahang pampulitika

SAKLAW NG RETORIKA

15
Pagsasanay

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Ikahon ang ang mga
pagpipilian na sa tingin mo ay ang maling kasagutan. Walang pagbubura.
1. Orihinal na tinatawag na pasalitang retorika na ginagamit sa mga
pampublikong konteksto.
A. Deliberi C. Istayl
B. Memori D. Pagsasaayos
2. Nauugnay sa pangangailangang improbisasyunal ng isang ispiker.
A. Deliberi C. Istayl
B. Memori D. Pagsasaayos
3. Nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya.
A. Deliberi C. Istayl
B. Memori D. Pagsasaayos
4. Nakatuon sa kung paano pagsunod-sunurin ang isang pahayag o akda.
A. Deliberi C. Istayl
B. Memori D. Pagsasaayos
5. Mula sa salitang latin na invenire na ang ibig sabihin ay to find.
A. Imbensiyon C. Istayl
B. Pagsasaayos D. Memori
6. Sa ancient rhetoric, tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod na dapat iobserb sa
isang oratoryo.
A. Imbensiyon C. Istayl
B. Pagsasaayos D. Memori
7. Nakatuon sa ano ang sasabihin ng isang awtor.
A. Imbensiyon C. Istayl
B. Pagsasaayos D. Memori
8. Nauukol sa kung paano sasabihin ang isang ideya.
A. Imbensiyon C. Istayl
B. Pagsasaayos D. Memori
9. Kaugnay nito ang Kairos o ang sensitibiti sa konteksto ng isang sitwasyong
pangkomunikasyon.
A. Deliberi C. Istayl
B. Memori D. Pagsasaayos

Maligayang pagbati! Natapos mo na ang nilalaman sa

unang Aralin, ngayon sigurado akong handa ka na sa
pagsagot sa mga katanungan.

16
Gaano na Kalayo ang Ating Narating?

I. Pagbuo ng Timeline
Panuto: Bumuo ng Timeline sa Kasaysayan ng Retorika. (Gamitin ang espasyo sa ibaba
para sa kasagutan)

17
II. Akrostik
Panuto: Sumulat ng pangungusap o talata upang makabuo ng sariling
pagpapakahulugan sa salitang Retorika. Tuyaking nauugnay sa kahulugan ng
retorika ang nabuong akrostik. (Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa kasagutan)

R
E
T
O
R
I
K
A
18
III. Pagbuo ng Sitwasyon
Panuto: Magbigay ng halimbawang sitwasyon sa bawat kahlagahan ng retorika.
(Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa kasagutan)

1. Panrelihiyon
________________________________________________________________________

2. Pampanitikan

3. Pang-ekonomiya

4. Pangmedia

5. Pampulitika

19
Pagyamanin Natin

Writing Diagnostic
Panuto: Sumulat ng isang payak na komposisyon hinggil sa iyong inaasahan sap ag-aaral
ng kursong ito. Ang komposisyong ito ay isang writing diagnostic na makatutulong
sa iyong guro sa pag-alam ng inyong mga kalakasan at kahinaan sa pagsulat.
(Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa kasagutan)

______________________________________________________________________________

20
MUNGKAHING BASAHIN:

Basahin at panoorin ang mga sumusunod na artikulo at bidyu sa tinukoy na website.

✓ https://prezi.com/gyhu-vdnk-qr/kasaysayan-ng-retorika/
✓ https://www.slideshare.net/margielynaninon/retorika-36744589

SANGGUNIAN
Bernales, Rolando A., et al. (2009).RETORIKA: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City.
Mutya Publishing

REPLEKSIYON NG KABANATA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan dito bilang iyong dyornal at ibahagi ang
iyong mga sagot sa loob ng chat sa pangkat ng Facebook Messenger bilang bahagi ng
aming pagsubaybay.

1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang natutuhan mo
pagkatapos ng araling ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong kasalukuyang buhay bilang

isang mag-aaral at sa iyong pangarap na pangarap?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto mong
matutunan? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

21
APENDIKS

RUBRIKS SA KABANATA 1, Aralin 1

Magsimula na Tayo: Rubrik sa Venn Diagram

Pamantayan Marka
Kaayusan ng Konsepto (10%)

Nilalaman (80%)

Kaugnayan ng Nilalaman (10%)

KABUUAN

PUNA SA KURSO

Sa bahaging ito maaring magtala ng mga puna sa kurso.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

22

You might also like